Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 34 - Chapter 33

Chapter 34 - Chapter 33

Mabilis akong umatras at iniwan si Lauro sa silid na iyon. Dahil wala sa huwisyo at sa pagmamadaling makalayo, hindi ko napansin si Ali na naghihintay sa akin sa corridor.

"Ely!"

Sa gulat ko, hindi ko rin napansin ang dalawa pa niyang kaibigan. Nabangga ko si Aiden dahilan ng muntikan kong pagkabuwal. Buti na lamang at naagapan niya ako at nahawakan sa beywang.

"Pretty lady, mukhang balisa ka?" tanong niya noong magtama ang mga mata namin. Malawak ang ngiti niya sa labi at lumabas ang mapuputi niyang mga ngipin.

Aayos na sana ako ng tayo nang marahan akong hablutin ni Ali papunta sa kanya. Napataas ang kamay ni Aiden at tatawa-tawang nginisian kami.

"Huwag na nlmagselos, fafang. I'm all yours, baby!" biro pa niya kay Ali. Lumapit sa amim at akmang hahalikan sa pisngi ang kaibigan.

Agad na sinupalpal ng kamay ni Ali ang bibig na nakanguso ni Aiden. Halatang may tama na sa alak dahil sa sobrang pamumula ng pisngi nito.

"Heron, iuwi mo na nga ito. Baka kung sino-sino na lang ang hilain nito sa pader mamaya!" utos ni Ali at ang dalawang kamay na ang ginamit sa pagtulak sa mukha ng kaibigan.

Napasulyap ako kay Heron na matamang nakatitig sa akin ng seryoso. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Okay ka lang?"

Napaangat akong muli ng tingin sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Naroon pa rin ang hindi ko mawaring titig. Napaatras ako sa kanya nang humakbang siya palapit. Ewan ko, pero hindi ako komportable na malapit sa kanya.

Napalingon ako kay Ali na hanggang ngayon ay nakikipagbunong braso pa kay Aiden. Ni-lock na niya ang braso sa leeg ng kaibigan.

Medyo maingay sila, buti na lamang talaga at wala ng masyadong tao. Nang maalala kong narito pa pala si Lauro.

"Ali, tara na. Gusto ko nang umuwi," yaya ko sa kanya. Halatang nagmamadali. Ayaw ko silang magpang-abot na dalawa.

"Para talaga silang mga bata," saad naman ni Heron at nilapitan na ang dalawang kaibigan. Tinapik niya ang kamay ni Ali kaya binitawan nito ang pagkaka-lock sa leeg ni Aiden. Inakbayan naman ni Heron si Aiden na uubo-ubo dahil sa pagkakasakal. "Tara, bro, hanap tayo ng babaeng maikakama at magpapainit ng gabi natin!" untag ni Heron sa kaibigan

"Kayo na lang kaya!" singit na suhestiyon ni Ali sa mga kaibigan niyang hindi na siya pinansin at nauna nang maglakad.

Inakbayan ako ni Ali at sinundan namin ng tingin ang dalawa. Napatigil nga lamang ako at napalingon sa aking likod dahil sa nararamdaman presensiya mula roon. Tama nga ako dahil nasalubong ng mga mata ko ang madilim na titig ni Lauro.

"O, bakit ka tumigil..."

Lilingon na sana si Ali sa gawi ni Lauro kaya hinila ko na siya paalis sa corridor. Nang makalayo kami ay nagpaalam ako para kunin ang mga gamit ko. Nauna na siyang lumabas at naghintay na lang siya sa kanyang sasakyan. Hindi ko na rin inabala ang aking sarili na magbihis pa dahil sa pagmamadali.

"Tara!" yakag ko kay Ali nang makasakay na ako. Nangunot ang noo ko nang halos hindi siya tuminag at nakatingin lamang sa bar na tila ba may hinihintay na lalabas.

Nakita niya ba si Lauro?

"Ali..." pagkuha ko sa atensiyon niya. Agad naman siyang napasulyap sa akin. "May problema?"

"Ah, wala naman." Pilit ang kanyang pagtawa. Mukha ngang nakita niya si Lauro sa loob.

"Umuwi na tayo," muli kong saad sa maliit na boses. Tumango siya at agad na pinaandar ang kanyang sasakyan.

Alas dos na nang madaling araw kami nakarating sa bahay. Marahan kaming pumasok sa kuwarto dahil tulog na si Ashley. Madaling nakagaanan ng loob ni Ashley si Nanay Minda kaya naman napadali ang pag-adjust ng bata.

Tama nga si Ali, malaking bagay na rito kami tumira para sa kapakanan ng bata. Mas uunahin ko na lamang iyon kesa sa sarili ko. Iiwasan ko na lamang si Lauro.

"Mauna ka nang gumamit ng banyo." Bigla akong pinanindigan ng buhok sa batok dahil sa ginawang pagbulong ni Ali sa teynga ko. Napakalapit pa ng kanyang mukha at hindi lumayo sa akin. "Bakit ka namumula?" muling bulong niya st sinundot ang pisngi kong alam kong nangulay kamatis na.

"Huwag mo nga akong asarin!" singhal ko sa kanya at tinapik ang daliri niyang sumusundot sa pisngi ko.

"Shhh, ingay mo. Baka magising si Ashley."

Hinarap ko siya na may kunot sa noo. Kakaiba ang aura niya. Mukha siyang masaya. "May nangyari bang maganda sa iyo sa araw na ito? Masaya ka yata?"

Bigla niya akong hinila payakap dahilan ng biglang pagsikdo ng puso ko at mabilis na pintig nito. Naisubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib sa higpit ng yakap niyang iyon. "Bawal bang maging masaya kahit walang dahilan," tanong niya imbes na sagutin ang tanong ko. Pero alam ko naman kung ano talaga ang dahilan ng pagiging good mood niya.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Literal na may pait akong nalalasahan sa aking bibig at may parang kudlit ng sakit sa puso ko. Hindi ko kasi siya kayang paligayahin katulad ng saya na nararamdaman niya sa babaeng nakamaskara.

"Sige na, nang makapagpahinga ka na."

Itinulak niya ako sa balikat. Pinatalikod niya ako itinulak na muli papunta sa banyo. Sumunod na lamang ako dahil gusto kong pakalmahin ang aking sarili.

Ngayon ko lamang napansin na tila pamilyar si Ali. Hindi ko nga lamang matandaan kung nakita ko na ba siya noon. O, maaari rin na dahil anak siya ni Lauro at kamukha niya ito.

Kamukha niya ang kanyang ama, na hindi ko man lamang napagdudahan na maaaring may koneksiyon sila noon.

Tinapos ko agad ang paggamit ng banyo para makaprepara na rin siya sa pagtulog. Alam kong maaga pa siya bukas dahil may ka-meeting siya para sa pinal na lugar ng negosyong ipapatayo niya.

Maingat at tahimik akong lumabas. Nakaupo si Ali sa sofa at kaharap ang laptop niya. Kasalukuyan kong pinapatuyo ng tuwalya ang aking basang buhok. Lumapit ako sa kanya na hindi niya nararamdaman. May kung anong pinapanood siya roon.

"Hindi ka pa ba matutulog? Maaga ka pa bukas?"

Nabigla ako noong agad niyang isinara ang laptop at napalingon sa akin na may gulat sa mukha.

"Ah..." Tipid siyang napangiti. "Mag-aayos na rin!" ika niyang tumayo na at natatarantang nilapag ang laptop sa center table. Pumasok siya agad sa banyo.

Ako naman ay naupo sa sofa habang pinapatuyo pa rin ang buhok. Hindi pa ako makabili ng blower sa buhok para madali na lamang sanang patuyin ang basang buhok ko.

Napatigil lamang ako nang mahagip ng tingin ko ang laptop ni Ali. Hinayaan kong nakalagay sa aking ulo ang tuwalya ay inabot ang laptop niya.

Kuryoso ako kung anong pinapanood niya kanina. Lumingon ako sa nakapinid na pinto ng banyo. Binawi ko ang aking kamay at pinagsalikop iyon. Pinaglalaruan ang daliri ko habang nakatitig sa laptop.

Napakagat labi ako at muling nag-urong sulong ang kamay kung bubuksan ba ang laptop ni Ali o hindi. Sa ilang segundo kong pag-alinlangan, inabot ko iyon. Bigla na lang niya iyong isinara dahil sa pagdating ko kaya alam kong nakabukas pa ang pinapanood niya kanina.

Muli akong bumaling sa gawi ng banyo. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig galing doon kaya alam kong naliligo na siya. Nanginginig ang kamay ko para buksan iyon pero agad rin naman umiwas at padaskol na inilayo sa akin ang gadget.

Kagat-labi kung pinakatitigan iyon habang mataman na nag-iisip. Hindi ko dapat pinapakialaman ang mga bagay na tungkol kay Ali.

Sumandal ako sa sofa habang ang tuwalya ay nakalagay pa rin sa aking ulo. Pumikit ako nang naramdaman ko na bigla na lamang may mabigat na pumatong doon. Pagkatapos ay kinuha ang tuwalya at pinunasan ang basa ko pang buhok.

"You should dry your hair well before going to sleep..."

Napakalambing ng boses ni Ali habang sinasabihan ako. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang hinahayaan siyang punasan ang buhok ko. Napakagaan rin ng ginagawa niyang pagpunas sa aking buhok kung kayat parang hinehele ang pakiramdam ko.

"Hindi pa naman ako matutulog," ika kong halos nakatingala na. Nakapikit pa rin ako dahil ayaw kong masalubong ang mga mata ni Ali. Mas gusto ko rin na napapikit dahil ayaw kong makita niya sa mga mata ko ang tinatagong emosyon.

Nag-uumpisa na naman kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Paramg may mga paru-parong naglalampungan sa loob ng tiyan ko.

"You're so beautiful!"

Mariin ko pang ipinikit ang pagkakasara ng mga mata ko. Nananaginip yata ako at kung ano-ano na ang naririnig ko.

"Beautiful inside and out..." napamulagat ako. Sa aking pagmulat, nakasalubong ng mga mata ko ang itim na mga mata Ali. Nakatitig.