Chereads / My Wife is my Father's Mistress / Chapter 31 - Chapter 30

Chapter 31 - Chapter 30

Babaeng Nakamaskara

Malungkot kong pinagmamasdan ang isang lapida habang hinahaplos iyon. Katatapos ko lamang magtirik ng kandila para sa kanila, isang dapit hapon bago pumasok sa Club.

Dumausdos ang luha sa aking mga mata. Lalo na nang muling mabasa ang pangalang naroon sa lapida.

"Hanggang sa huling buhay mo, hindi ko man lamang nabigyang ng hustisiya ang pagkawala ng pinakamamahal mo. Patawad, pero kahit wala ka na, itutuloy kong hanapin at pagbayarin ang gumawa ng kasalanan sa kanya."

Muli kong pinalandas ang aking daliri sa mga letrang naroon. Isang linggo na ang nakararaan at ngayon lang ako muling nakadalaw.

"Dito lamang pala kita makikita," saad ng baritonong boses. Mabibigat ang mga yabag niya papalapit sa kinaroroonan ko.

Bumaling ako sa nagsalita habang niyayakap ang sarili dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Ngayon ay nasa tabi ko na siya. Nagtirik rin siya ng kandila at naglagay ng pumpom ng bulaklak.

"Alam kong sinusundan mo ako. Kaya kahit hindi ko sabihin, alam mo kung nasaan ako," ika kong hindi na siya muling tinignan. Nakatuon ang tingin ko sa lapida.

"We need to change plan."

Kunot noo akong muling bumaling sa kanya. Ngayon ay nakatingin na rin siya at binabasa ang reaksiyon ko.

"Hindi mo ba ako susumbatan?" tanong ko. Alam kong halos patayin na niya ako sa mura dahil sa bobo kong mga desisyon.

"Sumbatan man kita, nariyan na. Wala na akong magagawa pa. Nakaalis na rin si Mr.Villota para magtago."

Napabuntong hininga ako. Isa pa ang matandang iyon na dumagdag sa maling desisyon ko. Nakatunog kaya umalis ng bansa.

"Anong ginawa mo kay Bev?" hindi ko mapigilang tanong. Isang dahilan kasi si Bev kaya nakatunog si Mr. Villota. Naglalakad na kami patungo sa kanyang sasakyan.

"Like I said, I get rid of her already. Masyado na siyang sagabal sa plano. Lalo na ngayon na tama ang hinala kong may mas malalim pang kinalaman si Mr. Villota sa nangyari."

"May lead ka na?" Hinarap ko siya at nagliwanag ang mukha ko. Natuwa ako na para bang may malaking lead siyang alam.

Ngunit hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Hinabol ko siya at hinigit paharap sa akin. "Tell me!" Halos isigaw ko iyon sa kanya. Nagdilim ang mukha niya at umiling.

"Just stay where you are. Ako na ang bahala. Ayaw kitang mapahamak. Ayaw ko rin na masira mo ang planong meron ako!" matigas niyang saad.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Halos ibaon ko ang aking mga kuko sa balat niya at hindi makapaniwalang nakatitig lamang sa kanya. Dismayado. Alam kong gusto niya akong protektahan, pero sa gusto kong malaman ang alam niya.

"Kailangan kong malaman. Kung ayaw mong sabihin, gagawa ako ng paraan para alamin iyon..."

"I said stay out of it!" asik niya. "Ako ang bahala. Makakamit natin ang hustisiya sa paraang gusto natin. Magdudusa siya sa ginawa niya!" Singhal niya sa akin kaya napipi ako. Unang beses niya akong taasan ng boses at talagang galit na galit. Maliban sa akin, siya ang may pinakagusto na makapaghiganti. "Maghintay ka lamang. Malalaman mo rin."

Hinila niya ang kamay niyang hawak ko at muling naglakad. Muli, hinabol ko siya.

"Alam mong hindi ko kayang maghintay lamang. Na walang ginagawa..."

Humarap siya sa akin at siya naman ang humawak sa braso ko. Kinilabutan ako nang ngumisi siya.

"There is..." Napalunok ako dahil sa kinang ng kanyang mga mata. "As the masked girl, makipaglapit ka sa masugid mong tagahanga." Nagsalubong ang kilay ko. "Lapitan mo si Alyjah De Silva!"

Bagsak ang panga ko sa narinig. "B-bakit?"

"Isa siya sa magiging bala natin." Ngayon ay puno ng determinasyon ang kanyang mga mata. "Sa pagtatago mo ng tunay mong katauhan sa maskara at sa pagkakahumaling niya sa babaeng nakamaskara. Madali mo na lamang siyang mapapaikot. Mas madali ang paghihiganti natin sa taong may sala..."

Napaatras ako at napailing.

"Ayoko. Ayokong gamitin ang isang taong walang kinalaman sa plano nating paghihiganti."

Matalim niya akong tinitigan.

"Akala ko gusto mong makatulong? Believe me, malaki ang papel na magagampanan niya sa paghihiganti natin. Don't worry, magpapasalamat pa siya dahil sa gagawin natin. Just use him. Naumpisahan mo na, kaya bakit hindi mo na lang ipagpatuloy!"

Napasapo ako sa aking noo. Sumakit bigla ang ulo ko sa gusto niyang mangyari. Mabilis niyang tinungo ang kanyang sasakyan at tuluyang iniwanan ako sa sementeryo. Nangangatog ang aking tuhod nang magpatuloy akong umalis sa lugar na iyon.

Isang bagay lang naman kaya talaga ako nagpapatuloy sa pagsasayaw at pagiging babaeng nakamaskara, iyon ay ang paghihiganti ko.

Nalilito pa rin ako kung anong kinalaman ni Alyjah De Silva sa nangyari sa nakaraan. Pumikit ako at muling nilingon ang pinanggalingan. Ipinaalala sa akin ng mga lapidang iyon kung bakit ko pinasok ang bagay na ito. Kaya sige, bilang babaeng nakamaskara ay makikipaglapit ako kay Alyjah. Bilang babaeng nakamaskara, gagawin ko ang lahat para makakalap ng importanteng impormasiyon. Kung kailangan kong paikutin sa palad ko si Alyjah De Silva ay gagawin ko. Makahiganti lamang sa taong nagsadlak sa akin sa ganitong estado.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa club. Nasa waiting room ako at naghahanda nang lapitan ako ni Mamang. Malungkot ang mga mata niyang tumitig sa akin. Kinakaawaan pa rin niya ako hanggang ngayon. Hinagod niya ng kamay ang likod kong nakabuyangyang dahil laced bra lang ang suot ko, gaya ng dati ay kulay itim pa rin.

"Hindi ka pa rin ba titigil sa pagsasayaw? Wala na si Mr. Villota para gawin mo pa ito."

Humarap ako sa kanya at matipid na nginitian. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hayaan mo muna ako, Mamang. Kapag ayos na ang lahat, kapag nakatayo na ako sa aking sariling mga paa. Kapag wala na ang bigat dito sa dibdib ko. Kapag nakabayad na ang taong iyon, titigil na ako at magbabagong buhay. Kakalimutan ko ang lahat..."

Humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap.

"Walang magagawa ang paghihiganti. Mapapahamak ka lamang."

Mapait akong ngumiti. Kinuha ang itim na maskara at isinuot sa aking mukha.

"Sasayaw na ako."

Nagmamadali akong maglakad papuntang stage. Pagkatunton ko roon ay muling namatay ang mga ilaw. Ang tanging tanglaw ay ang ilaw sa stage na mas madilim ngayon.

Nag-umpisa akong umindak. Iginiling ang aking balakang. Ang katawang kinahuhumalingan ng mga kalalakihan ay inindayog ko sa saliw ng musika. Malambot kong pinagalaw ang aking mga paa, patungo sa destinasyong pinupuntirya ko.

Namimilog ang mga mata ni Alyjah De Silva nang lumapit ako at gumiling sa harapan niya. Kasabay ng saliw ng musika ang malakas na hiyawan ng kalalakihan sa ginawa ko. Ngunit ang tanging naririnig ko ay ang kabado kong dibdib.

Nahagip ng aking mga mata habang sumasayaw ang dalawa niyang kaibigan na napatda sa ginawa ko. Unang beses kong lumapit sa customer kaya halos nakakabingi ang dismayado nilang mga sigaw at reklamo.

Inilapit ko ang aking bibig sa teynga niya. Halos pakalong na ako sa hita niya habang gumigiling.

"Want to know me?" bulong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita kaya naman pahaplos kong pinaglandas ang aking mga kamay sa kanyang mukha, papunta sa dibdib, pababa.

Pinigilan nga lamang niya iyon nang halos dumako na ang kamay ko sa kanyang gitna. Humalakhak ako. Inabot ko ang kanyang bulsa sa pantalon at inilagay ang isang papel.

"Call me!" bulong kong muli bago tuluyang lumayo sa kanya at gumiling na muli papunta sa stage at lumambitin na sa tubo.

Para hindi na masyadong maghimutok ang butse ng mga customer, inalis ko ang manipis na tumatabing sa aking katawan. Ngayon, tanging bra at panty na lamang ang aking saplot habang lumalambitin. Unang beses kong i-expose ng ganito ang aking katawan. Noon kasi, kahit aninag ay mas gusto kong may telang nakatabing pa rin sa katawan ko.

Muli, nanumbalik ang hiyawan at ang nakakadiring mga tingin ng mga kalalakihan sa akin. Pinagpapantasyahan na naman nila ang aking katawan. Wala akong magagawa, kailangan kong gawin ito. Kailangan kong maging marumi.

"Hindi bale, malapit ko nang mapalaya ang sarili ko."