Chereads / Reaching You (Epistolary Novel) / Chapter 4 - 3: In The Library

Chapter 4 - 3: In The Library

-In The Library-

Febuary 16, 2014

Dear Diary,

Niyaya niya ako kanina na pumunta ng library para mag-research at mag-advance study. Pagpunta nga namin doon, panay tingin ng mga students sa aming dalawa. Sabi naman niya sa'kin na huwag ko raw pansinin. Hindi ko na rin sila pinansin at diretso lang kung saan kami pupwesto. Habang nagbabasa ako ng libro kanina sa library di ko maiwasan mapatitig sa kanya ng diretso. Ini-imagine ko lang kung ano ba pakiramdam na may isang kaibigan na tulad niya. Bukod sa matalino na at sikat, napakabuti niyang tao. Hay, sana nga di na matapos ang oras na 'yon.

Ala-sais na ng gabi kami nakalabas ng school kaya madilim na rin nakuwi ng bahay. Ayon, nasermonan nanaman ako nina mama at papa. Sinabi ko naman sa kanila na nagpunta ako ng library. Pero pagkarating ko ng bahay, kaagad tumunog ang phone dahil sa isang text. Nag-text si Lance kung nasa bahay na ba ako. Naks, biglang bumilis ang tibok ang puso ko niyon. Masyado siyang maalalahanin para sa'kin.

Sige, bukas na lang ulit ako mag-u-update sa'yo. Marami pa akong tatapusin na assignments ngayong gabi. Late nanaman ang tulog ko nito.

-He Tutoring Me-

Febuary 21, 2014

Dear Diary,

Pasensya ka na at ngayon lang ako nakapagsulat sa'yo. Alam mo naman napaka-busy ko rin sa pagre-review for the midterm exams. Tapos heto sinabayan niya rin ako mag-review pagkatapos ng klase. Nalaman niyang mahina ako sa Mathematics. Eh di tinulungan at tinuruan niya ako na matutunan mag-solve ng mga mathematical problems and equations. Grabe, na-impressed ako sa pagtuturo niya sa'kin dahilan na madali ko matutunan 'yong mga tinuturo niya. Ang saya lang sa pakiramdam noh? Hindi ko akalain na may ganito pang klaseng lalaki sa mundo? Hay, ewan parang nahuhulog na ata ako sa kanya, my friend.

Kaya nga lang sa pagre-review naming iyon may dalawang consequences na nangyari. Mayroong magandang resulta at hindi. Ang naging masamang resulta ay late na ako nakauwi sa bahay. Mga 7AM na ata 'yon at tapos pinagalitan ako ng overprotective na parent ko. Kung anu-ano na rin sinasabi. Ilang araw naman na lumipas tinanong nila ako kung may nangliligaw na sa'kin dahil may nakakakita raw sa akin na may kasamang lalaki. Dapat sabihan ko raw sila kaagad at huwag akong maglilihim anya. Napakagat ako ng labi niyon at di mapakali pero noong nasa kwarto na ako.

Sa kabila ng pagkikita naming 'yon nagkaroon naman ng saysay dahil isa ako 'yong nakakuha ng pinakamataas na score sa ilang mga subjects. Sa Math nakapangtatlo lang ako dahil may tatlong mali sa solution at anwers. Sinabi ko sa inyo 'yon at kina-congratulate naman niya ako at nanglibre nanaman siya. Nakakatuwa talaga siya kasama. Bago kami umuwi niyon ay may sinabi siya sa akin. Mayroon daw siyang surprise para bukas. Magkita daw kami sa ibaba ng building ng departamento namin. Hays, ano kaya 'yon noh? Nae-excite ako. Sige hanggang dito na lang muna tayo. Update kita muli bukas.