-In The Canteen-
Febuary 15, 2014
Dear Diary,
Katatapos ko lang gumawa ng assignments sa Contemporary Math na kung saan natagalan ako ng todo at sa English Plus. Kaya heto, late ng matutulog pero bago 'yan ikukwento ko naman sa'yo ng naganap sa araw na ito dahilan kung bakit sobrang late ng nagawa ang mga assignments ko.
Mag-isa lamang ako kumakain ng snacks sa canteen as usual parati akong mag-isa. Katatapos lang niyan ng last subject namin na Biological Science at syempre sobra akong nagutom kaka-absorb ng mga discussions sa room. Heto na, simple lamang ako kumakain niyon nang may biglang umupo sa harap ko. Napahinto ako sa pagnguya ng pagkain at napatulala nang makita ko siya ulit habang siya naman ay tinawanan lang ako. Sabi niya huwag na raw ako mahiya sabay libre ng snacks sa'kin. Nagpakilala siya sa'kin at ganoon din ako. Siya si Lance Rey Villaruel ayon sa sinabi niya. Mechanical Engineering student at 20 years old ang edad. Sinabi ko rin sa kanya ang edad pati kung ano kurso ko. Pagkatapos niyon, nakipagkwentuhan siya sa'kin habang ako ay panay kinig lang sa kanya. Dahil diyan tinatawanan nanaman niya ako na tila nang-aasar nga. Sabi pa niya kakaiba raw ako kaya natutuwa siya. Wala rin daw siyang pinagsisihan sa pagpili ng binigyang bulaklak. Deserved ko raw 'yon. Nakaramdam naman ako ng kilig niyon.
Sa gitna ng pag-uusap namin ay napapatingin ako sa paligid at napansin ko ang panay tingin sa aming pwesto ang mga estudyante naroon mapa-babae man o lalaki. Grabe, center of attention 'yon ah kaya naman hindi na'ko naging comfortable. Sa tingin mo kung ano ginawa niya, pinakalma niya ako at nakipagsabayan siya ng tingin sa mga taong tumititig sa aming dalawa. Parang sinisenyas niya na tigilan ng mga nito kakatingin sa amin. Dahil doon, naging comfy na'ko kahit papaano.