-That Day-
Febuary 14, 2014
Dear Diary,
Araw iyon ng Valentines habang naglalakad ako patungo sa isang canteen para kumain ng snacks. Wala kasi ang professor namin noon sa Statistics 101. Dahan-dahan lamang ang paghakbang ng aking paa nang biglang maagaw ang aking atensyon sa nakukumpulang estudyante malapit sa Science laboratory. Gusto ko sana puntahan iyon dahil sa kuryosidad pero inisip ko huwag na lang kaya nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad. Ilang hakbang pa lang nagagawa ko nang may narinig akong ingay na mas malapit sa akin. Sa paglingon ko ay bumungad ang isang lalaki na ubod ng tangkad, may tamang laki ng pangangatawan, kulay tan ang kanyang balat at may nakangiting mukha. Iniabot niya sa akin ang bulaklak at sinabi niyang para raw sa akin 'yon. Nagulat ako ng todo siyempre at halos di makapagsalita. First time ko naman kasi makatanggap ng bulaklak sa isang lalaki. Infairness, sikat pa sa buong school campus dahil pinaliligiran siya ng mga babaing estudyante at nagtitilian ang mga ito. Naging iba nga lang tingin ng mga ito nang bumaling sa akin ang lalaki pati ilang kasama nito na lalaki rin. Mga barkada niya yata.
Ang sumunod sinabihan niya akong babalikan niya raw ako kaya di pa kami makakapagkamustahan. Nagmamadali daw siya ng time na 'yon dahil may meeting sila ng student council. Oh no! Official din pala siya ng school campus namin. Ang galing. Tapos ako ito 'yong napili niyang bigyan ng flowers with chocolates pa. Nilagay ko lang mga iyon sa table na malapit sa kama ko.
Sa ngayon hanggang dito lang muna ang kwento ko. Kailangan ko muna tapusin ang proyekto ko sa Literature. Sa Friday na ang deadline. See you next time.