Sa mahabang panahon ng tang init.
Ay hahanapin ng lahat ang ang ulan..
Doon ay makukuntito na ang lahat sa lilim na ibibigay ng langit . at napakalaking bagay na para sa lahat ang matakpan panandalian ng ulap ang araw..
sa panahong iyon.. tila perlas ang bawat patak ng ambon.. habang tila bluke ng ginto naman ang bawat patak ng ulan.. Ulan na inaasam asam ng lahat.. Samahabang panahon ng tag init.
Maputik na ang lupa... Maingay na ang mga lumamg bubong na may mangilan ngilang butas. Apaw na ang bawat alulod na pumuno sa bawat baradong kanal at istero.. panahong kinananabikan ng lahat noon panahon ng tag init.
Sa mababang parte.. doon nakatayo ang isa lumang bahay ampunan.
ang Maria teresita Orphanage.
Ang bahay ampunan na naging tahanan ng mga batang iniwan o wala nang mga magulang. Bahay ampuna na kumupkop at nag alaga sa mga batang musmos at wala nang masilungang tahanan.
Doon ay makikilala natin si IÑIGO at ayon sa mga madreng nangangasiwa sa ampunang iyon ay namatay ang nanay ni Iñigo matapos itong maisilang si iñigo. Ayon sa mga bali balita ay iniwan na daw ng ama ni iñigo ang mama nito bagonpa ito mangamak. Dahilan kung bakit nag desisyon na ang Maria teresita Orphanage na sila na kukupkop sa nakakaawang batang si Iñigo.
Sa pag lipas ng panahon dahil na rin sa napamahal na si iñigo sa ampunang iyon. at kahit nasa tamang edad na siya ay mas ninais parin nitong matili sa bahay ampunang iyon. Upang manilbihan o maging trabahador upang pangalagaan ang bahay ampunang iyon.. bilang pag tanaw niya ng utang na loob sa ampunang iyon.
Mula sa dilim ay mahahanap ni iñigo ang kanyang sarili sa lugar na madalas nyang nararating.. madilim doon at kung ipipikit mo ang iyong mga mata ay mas madilim parin doon..
Mula doon ay lumitaw mula sa malayo ang malilit na alitaptap.. alitaptap na wari'y nagbigay sa kanya ng mumumting liwanag.. may kakaibang kinikilos ang alitaptap.. kung papaano ito lumipat at magpabalik balik sa muka ni iñigo.. doon napagtanto ni iñigo na mukang nais sabihin ng alitaptap na iyon na sundan sya nito... ngunit bago nya pa iyon magawa.. mula sa kanyang harapan at tumamban sa kanyang ang napakalaki at nakakatakot na nilalang na may mapupulang mga mata.. " aaaHHHhhh...!!!" sigaw ni iñigo bago ito tuluyang magising. "Isa na namang panaginip" aniya sa sarili bago dumating ang kanyang kaibigan na ambon. " Ayos ka lang ba iñigo wag mong sabihin na nananaginip ka nanaman?" Tanong ni ambon. " Tama ka.. nananaginip nanaman ako.. paulit ulit na lang ambon.. hindi ko mainitindihan.. bakit karamihan sa mga panaginip ko ay ang lugar na iyon" wika ni iñigo. " Wag mo na alalahanin iyon" wika ni Ambon . " Ano kaya ang gusto ipahiwatig ng mga panaginip ko.
ang kwartong iyon.. madilim doon tapos biglan nalang may lalabas na isang nakakatakot na nilalang tapos magigising nanaman ako? " Ganon iyon lagi. " Wika ni Iñigo. " iñigo.. wag mo nang isipin pa ang mga bagay na iyon ikaw na nga ang nagsabi panaginip lang iyon at tyaka dapat nga diba masaya tayo ngayon.. kase bukas na ang araw ng iyong kaarawan" wika ni ambon. " Tama ka.. pero paano ako magiging masaya kung sa tuwing darating ang aking kaarawan ay na aalala ko na namatay ang aking mama dahil isinilang nya ako." Wika ni Iñigo. " Ito naman siguro naman walang may gusto noon at nakakasigurado ako kung asan man ang mama mo.. gusto nya na makita kang masaya lalo na bukas" wika ni ambon.
Hindi nga maintindihan ni Iñigo kung bakit halos gabi gabi syang nag kakaroon ng ganoong klaseng panaginip. Panaginip na halos parepareho lamang. Panaginip na tila may nais ipahiwatig sa kanya.
Kinabukasan ay nagising so iñigo sa
isang maingay ay masayang pagbati ng mga bata sa ampunang iyon. naroroon din ang ilang mga madre na may dalang mga pag kain habang binabati sya nga maligayang kaarawan.
" Bakit naman po nag alala pa kayo sister amelia nakakahiya naman po" wika ni Iñigo kay sister amelia na isa mga mga matandang madre sa ampunang iyon. " Iti naman batang ito ay nakalimutang ko.. hindi kana pala bata.. binatilyo kana nga pala ngayon" wika ng sister amelia. " Tama ka sister amelia sino ba naman ang mag aakala na ang dating marungis at maduming bata sa ampunang ito ngayon ay binatiyo na at naririto parin at katuwa g na natin sa ampunang ito" wika ng isa pang madre na si sister Rebecca.
Mula doon ay pinagsaluhan nga nilang lahat ang pagkaing inihanda nila para kay iñigo
At habang kumakain nga ang lahat ay nilapitan ni Iñigo sila sister amelia at sister Rebecca. " Oh iho.. ano't naririto ka... may kailangan kaba' wika ni sister Rebecca. "Wala naman po...nais ko lang po sana magpasalamat para sa araw na ito..
alam ko po kung gaano kahalaga sa inyo ang bahay ampunan na ito.. at alam ko naman din pong alam ninyo kung gaano po kayo kahalaga sa akin" wika ni iñgo. alam naman namin iyon iho.. kaya nga hanggang ngayon ay naririto ka pa rin" wika ni sister amelia.
" Gusto ko lang pong tumanaw ng utang na loob sa lugar na ito.. at sa mga taong dating may-ari nito... dahil mula ng namatay sila.. ay umasa na lamang tayo sa kung ano maitutulong sa atin ng gobyerno... Kaya mag mula noon sinabi ko sa sarili ko naibabalik ko ang pag-aalagang binigay sa akin ng ampunan na ito habang nabubuhay ako... Katulad po ninyo.. mananatili po tayong naririto.. samasama.. at tutulungan ang mga batang katulad ko na minsay nawalan na ng oag asa sa buhay" wika ni Iñigo. " Kung makapagsalita ka naman eh para magpapaalam ka na iñigo mamamatay kana ba? " biro ng kanyang kaibigang si ambon.
" eh kung ikaw kaya ang patayin ko" biro ni iñigo. "Hesus kong maawain..ano ba naman kayong dalawa ano ba yung mga pinagsasabi ninyo matakot nga kayo sa diyos" wika ni sister amelia. " Nagbibiruan lamang po kami" wika ni Iñigo. "Hala sige na..kayong dalawa ay maligo na at magbihis.. dahil alam ko naman na aalis kayo mamayang gabi " wika ni sister Rebecca. ( Agad na tumingin si iñigo kay ambon) " Kahit kailan talaga ambon.. hindi kita mapagkakatiwalaan hindi ba't sabi ko sayo na huwag mong ipapaalam sa kanila" wika ni Iñigo. " Iñigo iho huwag kang mag-alala ayos lang.. naiintidihan namin.. at tyaka kaarawan mo ngayon... bigyan mo naman kahit minsan ng kaligayahan ang sarili mo" wika ni sister Amelia bago nagabot ng pera kay iñigo . " Ano po ito" tanong iñigo. " Para yan sayo at hindi pwedeng hindi mo iyan tatanggapin...sabihin na natin na reward.. sa tagal mong nanilbihan sa ampunang ito maliit na bagay lamang iyan at sana huwag mong tanggihan" wika ni sister amelia. "Salamat po ng marami sa inyo" wika ni Iñigo bago tanggapin ang pera. " o sya sige na mahaba pa naman ang araw... kung ano man ang mga dapat nyong ayusin at tapusin... Gawin nyo na nang sa ganoon at may oras pa kayo na mag pahinga mamaya bago kayo umalis.. mag-iingat kayo kung saan man kayo pupunta mamaya..at kung sakaling iinom man kayo ay kaunti lamang maliwanag" wika ni sister Rebecca bago sumangayon si iñigo at ambon.
Mahaba pa ang araw na iyon dahil doon ay agad ngang tinapos ni iñigo at ni ambon ang mga gawain sa ampunang iyon upang sa ganoon ay maging maayos nga ang lahat bago sila umalis. Matapos nilang matapos ang kanilang mga gawain at dahil na nga rin sa pagod ay naisip ng dalawa na magpahinga muna sandali bago sila bago sila maligo at umalis. Doon sa maliit na silid dahil sa pagod ay madaling nakita ni Iñigo ang kanyang antok bagay na agad na nag patulog sa kanya.
Mula doon ay muling naglakbay si iñigo sa madilim na lugar na iyon.. ang dilim ng lugar na iyon ay tila mas dumilim pa.. pilit nyan nililingon ang bawal nasa paligild nya.. ngunit wala itong ibang maaninag... Ngunit mula sa malayo at tila may naritinig sya.. isang mahinang sigaw na palakas ng palakas ng palakas... Kaya agad nyang nga itong pinakinggan ng mabuti at agad nya ring pinikit ang kanyang mga mata upang pakiramdaman ang kanyang naririnig nang saganoon ay malaman nya kung ano nga ba iyon at saan nga ba iyon nagmumula.
Kasabay noon mula sa malayo ay nakita niya nga ulit ang alitaptap na lagi niyang nakikita sa kanyang panagini.. kaya mula doon ay hindi na ito nagsayang ng oras at agad niya nga itong sinundan.. habang sinusundan niya ang alitaptap na iyon ay napapansin niyang palakas ng palakas ang tinig na kanyang naririnig.. hanggang sa napansin dito na tumigil ang isang alitaptap sa isang madilim na pintuan.. doon ay tila nais sabihin ng alitaptap nabuksan ni iñigo ang pintuang iyon.. ngunit kasabay noon mula sa likuran ni iñgo ay tila naramdaman nito ang isang nakakatakot na nilalang natumatakbo papalapit sa kanya.. kaya hindi na nga ito nagdalawang isip at binuksan na nga ang pintuang iyon..
Sa pagbukas ni iñigo ng pintuan ay mas narinig niya ng malinaw ang sigaw na iyon..
IÑIGO!! IÑIGO!!! at mula sa kanyang kinatatayian ay bumukas rin ang isang pintuan sa kanyang harapan at doon at nagulat sya sa kanyang nakita..
Doon ay nakita niya ang isang lalaking lumabas sa pintuan na nasa kanyang harapan isang lalaking kamukhang kamukha niya..
At sa itsura ng lalaking iyon halatang pagod na pagod ito na parang galing sa pagtakbo.
Mula doon ay nagulat nga silang dalawa nagtinginan dahil nagtataka sila bakit kamukang kamuka nila ang isat isa.
" Sino ka" wika ni iñgo sa kanyang kamuka.
" Hindi na iyong mahalaga sa ngayon makinig ka muna saakin" wika pa ng isang iñigo
Ngunit sa hindi inaasahan mula sa pintuan ay lumabas muli ang isang malaking nilalang at doon at tatakain ng malaking halinaw na kainin si iñigo.
Bagay na nag pa bangon kay iñigo mula sa panaginip. At doon sa paggising ni iñigo ay ramdam nito ang pagod, hingal at uhaw...
Doon ay pakiramdam niya na parang totoong nangyari ang kanyang panaginip.. kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang magdasal na lamang na sana'y matapos na nga palaginip na iyon.