Doon nga ay tuluyan nang napasok at nakita ni Iñigo ang patag.. bagamat may kaunting dismaya si iñigo sa kanyang mga nakita dahil hindi iyon ang patag na inaakala nya at inaasahan nyang makita.. gayumpaman ay hindi iyon naging hadlang upang hindi nga ituloy ni Iñigo ang dapat nya gawin.
" Ngayon Iñigo nais kong ipaliwag sayo ang misyon na dapat mong gawin dito sa patag..
Meron limang demisyon o mundo ang papasukin natin.. o kailangan natin pasukin.. at sa bawat mundong papasukin natin ay may kaakibat na pagsubok na kailangan mong malagpasan o maipasa.. siguro nag iisip ka kung bakit kailangan mong maipasa ang mga pag subok na iyon.. kailangan mong malagpasan ang mga pagsubok na iyon para makuha mo ang mga keystone
o mga maliliit na bato at dahil limang mundo ang papasukin natin.. nangangahulugan na dapat ay limang keystone rin ang iyong makulekta.. at pag nagawa mo na iyon iipunin natin ang mga nakuha mong keystone at doon sa ilalim ng malaking punong itinuro ko sayo kanina.. doon natin sya pag sasama samahin.. upang humulma o maging isang ganap na susi.. at ang susing iyong ang gagamitin mo.. dahil sa dulo.. meron doong dalawang pintunan na naghihintay sayo at kung anong pintuan man ang mabuksan mo.. iyon ang kapalaran na nag aantay sayo" wika ni Apollo. " Eh papaano naman natin malalaman kung tamang mundo amg papasukin natin" tanong ni Iñigo. " Magandang katanungan Iñigo...Kung mapapansin mo lahat ng lagusan o deminsyon ay maliwanag at kulay puti lamang.. ngunit ang tamang mundo na maari lamang natin na pasukin ay ang lagusan o deminsyon na maliwanag at kulay ginto.. pero ito ang tandaan mo iñigo hindi ganoon kadali ang makakuha ng keystone.. ikaw din ang makakagawa ng paraan para makuha ito" wika ni Apollo. "Naiintidihan ko" wika ni Iñigo. " Mukang handa ka na nga.. at mukang handa narin ang unang mundong papasukin natin" wika ni Apollo bago nya tinuro ang nasa likuran ni Iñigo.
Mula doon ay marahan na lumingon si iñigo sa kanyang likuran .. at doon nga ay nakita nya ang napakaliwanag at kulay gintong lagusatan " anu pang inaantay mo iñigo tara na" wika ni Apollo bago nga sila tuluyang pumasok sa naturang lagusan.
Sapag pasok nga nila sa mundong iyon ay naramdaman na kaagad ni Iñigo ang malamig na hangin sa lugar na iyon.. kakaiba ang lamig na iyo... lamig na tila may kakambal na lungkot.. at mula nga doon ay dahan dahang nakita ni Iñigo ang kabuuhan ng mundong iyon.. malungkot nga roon , madilim,at halos lahat nga mga puno' t halaman na nakikita nya doon at pawang mga tuyo't at wala nang mga buhay..
"Maligayang pagdating sa mundong ng mga kaluluwa" wika ni Apollo. "Mundo ng kaluluwa.. ganito pala ang mundo ito..malungkot at madilim" wika ni Iñigo.
"Sa mundong ito ay maraming uri mg mga kaluluwa. at silang lahat ay hinahanay o hinihiwalay base sa kung papaano sila namantay.. katulad ng mga kalukuwang hindi pa lubusang tanggap na sila ay mga patay na.. iyon ung mga kakukuwang namatay marahil dahil sa aksidente, o kaya naman ay pinatay sila.. o sa madaling salita sa hindi magandang paraan sila namatay.. sila ay ang tinatawag na pulang hanay.. ang mga kaluluwa naman na namatay sa sakit.. o namatay sa pakikipag laban ay ang mga kalukuwa na nasa hanay ng mga dilaw. Habang ang mga namatay naman sa natural na kamatayan halinbawa na lamang ay namatay sa katandaan o namatay bago o sa pag silang pa lamamg ay ang mga hanay ng puti. At ang mga kaluluwang namatay dahil kinitil ang ka kanilang mga sariling buhay o namatay dahil sa sila ay pumatay rin ay tinatawag na hanay ng mga abo" paliwanag ni Apollo.. sa pagpapaliwanag ni Apollo ay hindi nga napansin ni Iñigo na dinala na pala sya ni Apollo sa isang napakalaking lugar.. isang napakalaking establisyemento na tila napakalaking munisepyo o mas kilala sa tawag na Guardian of Stray Souls.
Mula sa pagkalula ay marahan ngang pinasok nila Apollo at iñigo ang naturang establisyemento. at mula sa unahan ay pinasok nga nila ang malaking tarangkahang bakal.. doon ay nakita ni Iñigo ang ibant ibang klase ng kalukuwa ngunit ang mga anyo nito ay tila normal na tao lamang kung titignan at hindi tulad ng mga kaluluwang naglalaro sa isip nya.. malayong malayo iyon sa kaluluwang inaakala nyang makikita nya.
At ang buong akala nya na ang mga kalukuwa makikita nya roon ay ang mga kalukuwang may di magandang wangis, duguan at tila kulay tubig.
mula sa kaliwa ay narinig ni Iñigo ang isang tawag. " Apollo!!! Ang dakilang gabay ng kabilang buhay..kamusta ka naman( nakipagkamay) " wika ng isang lalaki na tila isang sundalong heneral sa sinaunang digmaan. " Heneral Rogelio Garcia!! Masaya ako at nagkita tayong muli" wika ni Apollo bago tumingin ang heneral kay iñigo) mukang may bago kang akay" ( wika ng heneral )
" Tama ka..sya nga pala si iñigo" wika ni Apollo. " Kamusta po heneral Rogelio Garcia..tama po ba.." wika ni Iñigo" Heneral na lamang mas panatag ako kung iyon ang itatawag mo saakim" wika ng heneral bago sila naglakad papasok ng lugar na iyon.
" Alam mo ba iñigo na napakalaking bagay saamin ang mga tagaakay o taga hatid katulad ni Apollo.. dahil sa kanila nababawasan ang trabaho namin dito sa mundo ng mga kaluluwa.. dahil silang mga taga akay... sila ang mga nangangala sa mga kaluluwa.. upang maihatid ito ng maayos papunta sa dulo...pero may pag kakataon na kapag nakikita na sila ng mga namatay katulad mo o ng mga kalukuwa...minsan hindi sila pinaniniwalan ng mga nito.. kaya ang gagawin ng mga tagaakay ay gagawa sila ng kahit anong paraan para maniwala sa kanila ang mga katulad mo" wika ng heneral. " eh papaano po kung hindi sila maniwala sa mga taga akay o ayaw nilang sumama ano po ang mangyayari sa kanila" wika ni Iñigo. "( Tinuro ang mga kalukuwa sa paligid) Ayan.. nagiging katulad nila.. dahil wala silang taga akay sa mundo ng kawalan ay naliligaw sila.. kaya sila tinatawag na mga ligaw na kaluluwa..at karamihan sa kanila ay ang mga kaluluwang nasa hanay pula o ang mga kalukuwang hindi pa tanggap na patay na sila dahil sa masalimuot nilang kamatayan" wika ng heneral. " Tama ang heneral Iñigo.. Malaking bagay na naaalagaan kayo ng mga tagaakay bago pa man kayo ilibing sa mundo kung saan kayo nag mula. dahil ang haba ng panahon ilalagi mo dito sa mundo ng patag ay katumbas lamang ng araw ng burol mo sa mundo nyo.. halimbawa na lamang kung pitong gabi ang burol mo sa mundo nyo. kahit gaano pa katagal ang ilagi mo dito sa patag ay katumbas lamang iyon pitong gabi ng burol mo at sa huling araw na dadalhin ang katawan mo sa simbahan para dasalan bago ka ilibing ay iyon din ang araw na haharap ka sa dalawang pintuan na nasa dulo.. at kapag nadasalan na ang iyong katawan iilaw ang susing hawak mo at doon mo bubuksan ang pituan ng iyong kapalaran" wika ni Apollo.
" Eh ano pong nangyayari sa mga di naniniwala sa mga katulad ni Apollo ( tinuro ang mga kalukuwa) sa kanila ano ang nangyayari sa kanila.. kung di man sila naniwala sa mga tagaakay at ligaw na kalukuwa na sila ano ang pwedeng mangyari sa kanila lalo na kung nadasalan at nailibing na ang kanilang katawang sa mundo namin" wika ni Iñigo." Maganda katanungan... matapos madasalan at mailibing ang mga katawan nila sa mundo niyon ay hindi na sila pwede pang pangalagaan ng mga taga akay.. ang mga kaluluwa nito ay maiiwan sa kawalan doon ay mapipilitan na kaming kunin sila mula doon.. at dadalhin namin sila dito.. para malaman ang dapat nilang gawin.. mula dito ay bibigyan namin sila ng misyon o pagsubok sa loob ng Fourty days para muling patunayan ang kanilangga saliri upang marating ang dulo.. pero sa pagkakataong iyon ay mas mahirap na na pagsubok ang haharapin nila" wika ng heneral. " Fourty days iyon ang ginagawa ng mga tao sa mundo namin noon.. doon ay sinasariwa nila ang ala ala ng mga namatay at ipagdarasal" wika ni Iñigo. " Tumpak!! Dahil sa oras na mapagtagumpayan nila ang pagsubok na ibibigay namin sa kanila sa loob ng Fourty days at kasabay noon ay aalalahanin sya ng mga minamahal nya sa buhay sa inyong mundo.. at doon ay muli syang ipagdarasal at kasabay noon ay mag kakaroon na sya ng susi at habang pinagdarasal sya ng mga mahal nya sa buhay ay iilaw ang susi hanggang sa mapasok nya ang pintuan ng kanyang kapalaran" wika ng heneral. "Paano kung hindi sila mag tagumpay" wika ni Iñigo
"Kung hindi man sila magtagumpay sa fourty days ay meron na lamang silang huling pag kakataon. ang babang luksa o ang pagalala sa mga namatay matapos ang isang taon.. isang taon silang mamamalagi dito sa patag upang humarap sa mga pag subok para mag karoon ng keystone... mahabang panahon iyon dito sa patag at pag dumating na ang babang luksa nya at kapag matagumpay syang nakakuha ng keystone.. doon ay muli sya ipagdarasal ng kanyang mga minamahal sa buhay at kapag nagtagumpay sya sa kanyang pagsubok.. kasabay ng padasal sa babang luksa ang pag harap nya sa dulo. "eh papaano po pala ung mga kalukuwang hindi matahimik o ung mga multo na nagpaparamdam o nagpapakita.. ano po nangyari sa kanila." Wika ni Iñigo.
" sila ang mga kalukuwang hindi sumama sa mga taga akay at sumuko sa mga pagsubok dito sa patag.. ang iba sa kanila nagalit at hindi nainitidihan ang proseso ng bagong mundong kinalalagyan nila.. ang iba naman sa kanila ay hindi naniwala sa mga katulad ni Apollo at tumakas sa mga taga akay at tumakas rin kahit sa amin.. dahil doon ay nananatili lamamg ang mga katawan nila sa kawalan at sa mundo ng mga buhay.. at wala man lang silang kaalam alam sa masamang kapalaran na nag hihintay sa kanila" wika ng heneral . " Ano pong kapalaran ang nagaantay sa kanila?" Tanong ni Iñigo.
"Mula doon ay makikita o makikilala nila si Agway ang nakakatakot na nilalang na kumakain ng mga ligaw na kaluluwa.. at kapag nakain ka nito lahat na ng nakakaawa at nakakatakot na maaring mong isipin na mangyari sayo. lahat iyon ay mangyayari sayo. " Wika ng heneral. " Wala po ba kayong ibang magagawa para sa kanila... si Agway.. hindi nyo po ba sya pwedeng makausap" wika ni Iñigo. " Wala na kaming magagawa.. pero ang mga katulad nilang kaluluwa.. meron pa.. pero sadyang napakahirap para sa kanila iyon.. mula sa maliit na hourglass o buhangin orasan.. doon e babase ni Agway ang iyong kapalaran.. doon ay bibigyan ka nya ng pagkakataon.. ngunit ikaw na mismo ang hahanap o gagawa ng paraan kung paaano mo sasabihin sa mga buhay na ipagdasal ka nila.. kailanga may buhay silang makausap upang ipagdasal sila at mabasbasan nang sa ganoon ay mabigyan pa silang nag pagkakataon dito sa patag. Kung alam mo lang nakakatakot ang kapalit ng ginagawa ng mga kalukuwang ligaw na katulad nila..
Kailangan nilang magpakita o magparamdam sa mga buhay.. bagay na kinakatakot ng mga buhay.. ang akala ng mga buhay.. kaya nagpapakita o kaya may nag paparamdam sa kanilang mga kalukuwa ay para takutin sila pero ang totoo.. nais lang nilang huminge ng tulong para ipagdasal ang kanila mga kalukuwa" wika ng heneral. "Ang ibig sabihin hindi pala dapat kinakatakutan ng mga buhay ang mga kaluluwa o ang mga multo.. bagkos dapat pala ay tumungan at pakingan sila ng mga buhay.. nang saganoon ay maipagdasal sila" wika ni Iñigo. " Ganoon na nga...at dahil noon paman ay takot na talaga ang mga buhay sa mga nagpapkitang kalukuwa.. kaya mas naging mahirap para sa kanila na himingi ng tulong sa mga buhay.. at kapag naubos na ang kanilang oras sa hourglass.. o kapag naubos na ang panahonh ibinigay sa kanila ni Agway.. nakakalungkot man ay kakainin na sila ng mabangis na halimaw na si Agway.. at doon ay gagawin ngab silang masasamang kalukuwa o mas kilala sa tawag na multo..
At magiging kampon na sila ni Agway
Doon ay tatakutin nila ang mga buhay.. magpapakita sila sa mga buhay sa nakakatakot na nilang mga wangis.. kaya maraming buhay na tao ang natatakot sa multo lalo na ang mga bata at lahat ng iyon ay dahil kay Agway at dahil din doon nahihirapan ang mga ligaw nakaluluwa na mapakita at humingi ng tulong sa mga buhay" wika ng heneral.