Chereads / BAGO SA DULO / Chapter 6 - CHAPTER 5 ( LUHA NG KALULUWA)

Chapter 6 - CHAPTER 5 ( LUHA NG KALULUWA)

Sa kalagitnaan ng paguusap na iyon nila Iñigo at at hener at may isang lalaki ang dumating na tumawag sa pangalan ni Iñigo.

" Ikaw pumarito ka" wika ng isang lalaki na tumawag kay iñigo. Doon naman ay agad na lumapit si iñigo. " Hindi sya masamang kaluluwa.. sigurado ako doon.. naway hayaan nyo na sya na makabalik sa kanyang gabay" wika ni hener. " Salamat sayo.. sana ay makalaya ka narin.. hangad ko na marating mo rin ang dulo. " Wika ni Iñigo bago lumabas ng piitang iyon. Sa paglabas ni Iñigo ay agad sya kinalagan ng tali ng lalaking sumundo sa kanya at agad din syang dinala at iniharap sa mga kalukuwang naroroon na tinutukoy ni hener. " Sino ka at bakit ka naririto?" Wika ng isang lalaki. " Ako ho si iñigo.. galing po ako sa Guardian of Stray Souls. Doon po ay kasama ko ang gabay ko na si Apollo.. at kaya ho ako nandirito.. marahil ay kasalanan ko na rin po.. sinundan ko po sya( tinuro ang batang kaluluwa na kanyang sinundan) medyo nag hinala po kase ako sa kanyang ikinikilos.. kaya sinundan ko po sya.. hanggang napunta na po ako dito" wika ni Iñigo. " At bakit kailangan mo kaseng maghinala at sumunod saakin" wika ng bata. " Alma tama na..ako na ang kakausap sa kanya" wika ng lalaki bago nya dinala si iñigo sa isang lugar para kausapin. " Iñigo ang pangalan mo tama ba? " Tanong ng lalaki. " Tama po.. pag pasensya nyo narin ako kung nanghimasok ako dito sa inyong lugar" wika ni Iñigo." Huwag mo nang isipin iyon..mukha naman mabuti kang nilalang.... ( Ngumiti ang lalaki) Ako nga pala si Amir at sa ngayon ako ang namumuno sa kanila" wika ni amir. Bago sila nagngitian

" Maari po ba akong mag tanong" wika ni Iñigo. " Maari naman" sagot ni Amir. " Ano po ba ang ginagawa ninyo dito.. bakit po parang may pinagtataguan po kayo" wika ni Iñigo. " Wala bang naikwento o nabangit sayo ang bilangong si hener?" Wika ni Amir. " Ah.. wala naman ho.. hindi ko po sya kinausap.. parang mahirap po kase syang pagkatiwala" pagsisinungaling ni Iñigo. " Hindi talaga ( hinawakan sa balikat si iñigo at nag lakad lakad sila ) nakikita mo ba ang lahat ng mga kaluluwang iyan..lahat sila.. lahat kami.. namatay ng walang kalaban laban" wika ni Amir. " Kung ayos lamang po sa inyo maari ko po bang malaman kung ano po ang nangyari sa inyong lahat" wika ni Iñigo. Mula doon ay iniharap ni Amir si iñigo sa mga kalukuwang naroon bago ito mag kwento.

" mag kakasama kami s alugar na iyon.. at mag kakasama rin kaming namatay..

Normal na buhay lang naman ang meron kami.. Tahimik.. pero hindi namin sukat akalain and magagawa nila iyon saamin.. katulad ng batang si alam.. at nang iba pa dito.. ang inakala naming normal na araw ng pamimili namin sa grocering iyong ay mauuwe pala sa trahedya. dahil sa magdamagang ulan na hatid ng isang bagyo.. naisip ko na mamili ng mga kakailanaganin namin dahil baka nga mag tuloy tuloy ang walang tigil na pag buhos ng ulan.. at hindi nga kami nagkamali.. hanggang kinabukasan at hindi parin tumitigil ang pag buhos ng ulan kaya doon ay dali dali na akong pumunta sa mall na iyon para mag grocery.. hindi ko alam pero may kung ano akong pakiramdam na wari'y nag sasabi na huwag na akong tumuloy.. pero tumuloy parin ako..at pag dating ko nga ng mall na iyon sa ilalim.. sa grocery.. doon nakita ko na marami na rin palang mga tao ang namimili katulad ko..

Habang namimili ako ay napansin ko na tila may mga basang parte na sa iilang bahagi ng grocery iyon..kaya nag madali na ako.. doon ay napansin ko rin na parang aligaga at hindi na mapakali ang mga trabahante at mga sales lady doon.. kaya may lalo ko pang binilisan.. ng nasa counter na ako ay nakita kong sobrang haba ng pila at ilan sa mga counter ay walang mga tao kasabay noon ay narinig ko ang malakas na tulog ng mga roll up habang binababa sila.. at ang tanong kong isa nagtatrabaho doon kung bakit nila binababa ang roll up ang sabi nito ay para hindi pumasok ang tubig mula sa ilog. Pero hindi niya sinabi na sobrang taas na pala talaga ng tubig.. hanggang sa unti-unti ng tumaas ang tubig.. halos nagkagulo na kaming lahat sa loob ng grocery ngayon.. mabilis ang pagtaas ng tubig nararamdaman na namin sa aming mga tuhod ang tubig.. ngunit hindi na namin magawang lumabas dahil sinirado na nila lahat ng roll up.. at mula doon ay naghanap nga ako ng paraan doon sa likuran.. ay may nakita akong stock room at may hagdanan pataas.. ngunit sarado rin ang gate don.. sigaw kami ng sigaw... lahat kami.. sumisigaw ng saklolo..pero walang dumadaring na tulong.. nang muli ko silang balikan ay halos nasa dibdib na namin ang tubig.. bagay na mas kinabahala ng lahat.. kaya muli akong umakyat sa hagdaan iyon para humungi ng tulong.. at doon narinig ko sila... Sila hener at ang mga kasama nya..mula sa malayo ay naririnig ko na pinipigilan ni hener ang kanyang mga kasama na buksan ang gate.. para makalabas kami.. sigaw ako ng sigaw ( umiiyak na silang lahat) at alam kong naririnig nila kami pero ano.. anung ginawa nila hinayaan nila kami.. hanggang sa nilamon na kaming lahat ng malaking baha.. lahat kami nalunod at namatay ng wala man lang nagawa" wika ni Amir. "Kung alam ko lang na mangyayari iyon hindi na sama ako sumama sa pinsan ko.. eh di sana kasama ko pa ang aking mama" wika ni alma. " Nang humupa ang baha doon ay tumamban saaming mga harapan ang aming mga bankay. Ang hirap para saamin tanggapin ang lahat.. namatay kami ng ganon ganun na lamang.. at dahil doon inisip namin na hindi makatarungan ang ginawa nila saamin.. at ako!! .. ako ang tumayo pinuno nila para mapaghiganti man lang namin ang kung ano man ang nangyari saamin..

Sama sama kaming tumakas at hindi sumama sa mga gabay namin.. at masusi naming plinano ang lahat.. hanggang sa nalaman nalang namin na binayaran nalang nila ang mga pamilya namin para manahimik.. masakit iyon para sa aming lahat.. kaya mula noon ay hindi namin tinantanan ang lugar na iyon.. kapag may pag kakataon na nakakatakas kami dito ay pumupunta kami sa mundo ng mga buhay upang mag paramdam at takutin silang lahat" wika ni Amir. " Sila.. sinong sila" tanong ni Iñigo. " Silang lahat ng may alam nito.. lalong lalo na si hener... At kulang pa ang ginawa naming sa kanya.. kulang pa ang kamatayan nya para sa kabayaran sa lahat ng hinawa nila saamin" wika ni Amir. " Kamatayan ano pong ibig sabihin nyo anonpong kinalaman nyo sa pag kamatay ni Hener" tanong ni Iñigo.