" Kung ano man ang ginawa namin sa kanya ay nararatap lamang iyon sa kanya" wika ni Amir. Doon ay napansin ni Amir na tila nanahimik si iñigo. " Minsan hindi mo alam kung anong maidudulot ng sakit na may halong pukot at galit.. oo..matapos iyon maraming buhay ang hindi namin pinatahimik.. lahat sila.. lalo na si hener.. sya ang Puno't dulo kung bakit kami naririto sa sitwasyon na ito.. matapos iyon.. nag multo kami hindi lamang sa kanilang mga panaginip at kunsensya.. halos araw araw kaming nag paparamdam sa kanila... Nag papakita.. nang saganoon ay hindi nila makalimutan kung papaano nila kami pinabayaan na mamatay" wika ni Amir. " May kinalaman po ba kayo sa pag kamatay si hener" wika ni Iñigo. " Hindi namin sya. Pinatay...Pinatay nya ang sarili nya" wika ni Amir bago manahimik si iñigo..
" kung wala ka nang katanungan.. ay iiwan na kita.. maari ka nang makabalik sa iyong gabay.. Iñigo.. ramdam ko na mabuti kang nilalang.. sanay naiintindihan mo kami.. sa inyong pag babalik sa Guardian of Stray Souls sanay huwag mong sabihin ang lahat ng nasaksihan mo dito.. manatili ka sanang bulag.. sa mga nasaksihan mo." Wika ni Amir bago iwan si iñigo. Mula doon ay biglang pumasok sa isipan ni Iñigo na huwag muna lisanin ang lugar na iyon.. doon ay palihim nyang pinuntahan at nilapitan ang batang si alma at ang mga kasama nito.
" Alma tama?? ..tama ba ako.. hindi bat iyan ang iyong pangalan" wika ni Iñigo. " Ako nga po.. ano po ang inyong kailangan" wika ni Alma. ' ah..wala naman.. gusto ko lang sanang kamustahin kayo.. ( tumingin pa sa ibang mga kasama ni alma) may nais lang sana akong itanong?? kung kayo ang tatanungin ko.. nais nyo bang manatili na lamang sa ganitong sitwasyon" wika ni Iñigo bago e yuko ng mga nakakarinig sa kanya ang kanilang mga ulo.. " ito na marahil ang aming kapalaran.. mas mabuting tanggapin nalang namin ito" wika ng isang babae. " Huwag niyong sabihin iyan..nakikita ko sa mga mata ng iilan sa inyo na napipilitan na lamang kayo..alam ko na karamihan sa inyo ay ayaw na sa ganitong sitwasyon." Wika ni. Iñigo. " Wala naman po kaming pagpipilian.. sumusunod lamamg din po kami kay pinunong Amir." Wika ni Alma. Kung meron man akong maitutulong sa inyo..handa kong gawin iyon.. basta tulungan nyo rin ang inyong mga sarili" wika ni Iñigo at mula doon ay napansin nya na tila marami nang lumalapit sa kanya at nag papakita ng simpatya. " Nandito ako.. pwede akong huminge ng tulong sa heneral..o kausapin ang aking na gabay na tulungan kayo.. hindi pa huli ang lahat.. tulad ng iniisip nyo" wika muli ni Iñigo. " Paano ka naman kakasigurado na hindi pa huli ang lahat para saamin.. gayong .. kaming mga ligaw na kaluluwa ay gumagawa ng maraming kasamaan sa mundo ng mga buhay.. ( tumingin sa mga kasama ) at nakapatay narin ng buhay' wika ng isang lalaki. " Nakapatay? Anong ibigsabihin nyo?" Wika ni Iñigo. "Mas pipiliin nalang namin na mag tago dito at manahimik... Kesa naman sunugin at parusahan kami sa kasalanan nagawa namin" wika ng isa pang lalaki. " Kasalanang hindi naman natin ginusto" singit ng isa pang lalaki. " Hindi nyong ginusto.? ah ... anong ibig sabihin nyo.. hindi ko maintindihan" pagtataka ni Iñigo. " Oo galit na galit kami ng mga panahong iyon.. wala kaming ibang iniisip Kong Hindi ang magkaroon ng hustisya ang nangyari sa amin.. at ang galit na iyon..iyon ang ginamit ni Amir para mahawakan kami.. para panghawakaan kami.. dahil kagaya nya wala naman kaming ibang hinangad kung hindi hustisya" wika ng isa pang babae. "Kaya ganun na lamang ang paniniwala namin sa kanya.. naniwala at sumunod kami sa lahat ng gusto niya.. hindi namin alam kung papaano niya yung nagagawa.. pero nagagawa niyang pumunta sa mundo ng mga buhay.. doon dinadala niya kami at inuutusan na takutin ang lahat ng taong may kinalaman sa nangyari sa amin..
Paulit-ulit kami nagpapakita sa mga taong iyon paulit-ulit namin silang tinatakot..
pero habang tumatagal ay wala namang nagbabago at wala namang nangyayari" wika nga isa pang kalukuwa. " Hanggang sa nangyari ang gusto niya.. dahil na rin siguro sa takot.... sa gabi-gabing pagpapakita at pagpaparamdam namin kay hener.. at hindi na nya nakayanan pa ang lahat ng nagyayari sa kanya.. para syang nasiraan ng ulo at nawala sa kanyang sarili.. at dahil doon ay nagawa niyang patayin ang kanyang sarili pinatay nya ang sarili nya dahil sa ginawa namin.. kami ang pumatay sa kanya..." Wika ni Alma. "dapat nasa'y nasa hanay na sya ng mga abo.. ngunit matapos niyang mamatay ay sapilitang kinuha ni Amir ang kanyang kaluluwa at dinala dito para ikinulong" wika ng isang kalukuwa. " Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.. pero pangako ko ito sa inyon. tutulungan ko kayo.. pero sana ipangako nyo rin na kahit ano man ang mangyari ay tulungan niyo ako maninindigan kayo.. para sa kalayaan nyo.. tulungan nyo sana ang mga sarili ninyo" wika ni Iñigo. Bago nya iniwan pansamantalang ang kanyang mga kausap.