Chereads / BAGO SA DULO / Chapter 3 - CHAPTER 3( ANG PATAG)

Chapter 3 - CHAPTER 3( ANG PATAG)

Sa pagkadapa ni Iñigo ay nagulat ito sa katahimikan ng paligid. nagulat ito dahil biglang kumalma ang kanyang nasa kapaligiran at mula sa kanyang mukha ay na pansin nito ang sapatos mula sa kanyang uluhan.. doon ay dahan dahan sya tumayo at sa kanyang pagtayo... doon ay nagulat sya dahil tumambang sa ka yang harapan ang isang lalak i" wahhhh!!!!!! " Sigaw ni iñigo ngunit napatigil ito sa kanyang pagsigaw ng makita nya ang mukha ng lalaking iyon.

Maamo ang mukha ng lalaking iyon maayos ang pananamit, maganda ang tindig habang nakangiti ito sa kanya. Doon ay nagulat sya dahil iniabot ng lalaking iyong ang kanyang kamay upang tulungan syang na tumayo.

" Huwag kang matakot iñigo" wika ng lalaki bago nag taka si iñigo dahil mukang kilala sya ng lalaking iyon. maya maya nga ay iniabot na rin ni Iñigo ang kanyang kamay at agad itong tumayo. " Kilala mo ko?" Tanong ni Iñigo.

"Oo naman lahat kayong inihahatid ko ay kilala ko na" wika ng lalaki. " inihahahatid??teka... Teka nga lang... Hindi ko talaga mainitindihan eh... una sino kaba.?" Pagtataka ni Iñigo. " Mula doon ay tila ikinumpas ng lalaki ang kanyang mga daliri.. dahilan kung bakit nag iba ang lugar na kanilang kinalalagyan. At doon nga ay dinala ng lalaking iyon si iñigo sa isang kulay puting tila silid.. isang lugar na wala kang ibang makikita kung hindi kulay puti. " Asan nanaman ba tayo.. ako ba ay pinaglalaruan mo.. sino kaba talaga ?" Tanong ulit ni Iñigo.

" Sabihin na nating ako ang iyong gabay.. ang tagahatid" wika ng lalaki" gabay.? Tagahatid? Hindi kaya ikaw si kamatayan at sinusundo mo na ako" wika ni Iñigo " malayong maging ako iyon.. tulad nga ng sinabi ko... Ako iyong gabay at ikaw... ikaw ang aking bagong gagabayan o sa madaling salita ikaw ang bagong kaluluwa na dapat kong akayin" wika mg lalaki. " Akayin saan?? Alam mo sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan yung mga sinasabi mo at tyaka sandali uulitin ko ha...sino kaba talaga" wika ni Iñigo. "Hayaan mong magpakilala ako sayo at hayaan mong ipaliwanag ko ang lahat lahat sayo" wika ng lalaki bago sila nag lakad lakad habang nag uusap. " Ako nga pala si Apollo isang gabay... marami ng mga katulad mo ang nakasama ko.. sa oras na mamatay ang mga buhay sa mundo nyo at sa unang gabi ng kanilang lamay o unang kabi ng kanilang kamatayan ay nagpapakita na ako sa inyo para kayo ay sunduin.. katulad ng gagawin ko sayo" wika ni Apollo. " Sunduin? At saan mo naman ako dadalhin?" Wika ni Iñigo. " Napakagandang katanungan.. sa patag.. doon ko kita dadalhin " wika ni Apollo " Patag? Anong lugar iyon " wika ni Iñigo. "Malalaman at mapupuntahan mo rin iyon( hinawakan si iñigo sa balikat at umupo muna sila sa isang puting bato)

" sa tagal ng panahon iniisip ng mga katulad nyong buhay noon.. na ang mundong inyong kinabubuhayan ay ang mundo lamang dito sa mundo. pero ang totoo napakadami mundo iñigo.. ngunit iilan lamang doon ang maaari mong mapasok o mapuntahan.. napakaraming mundo.. ngunit pili at mapapalad lamang ang nakakakita at nakakarating doon.. mula sa mundo ng mga buhay ,mundo ng mga kaluluwa ,mundo ng mga elemento, mundo ng mga mahihiwaga at malalakas na nilalang at Mundo ng mga patay. iilan lamang iyan.. sa napakadaming mundo iñigo. Sa ngayon maaari kong sabihin na ang mundo ng mga taong pinakamahinang mundo na napuntahan ko.. sapagkat ito ang mundo na napakadaling pasukin..may mga taong makatulad mo na napakadaling takutin,lokohin pamanghain at paniwalain. Gayunpaman ang bawat mundo ay binigyan ng daan o dimensyon nang saganoon ay magawa nitong makapaglakbay pa sa isang pang mundo.. ngunit hindi ganun kadali iyon... hindi sila maaaring maglakbay sa ibang mundo ng walang kahit anong pahintulot. hindi sila maaaring maglakbay sa kahit saang dimensyon ng hindi muna dumadaan dito sa patag.. alam ko tatanungin mo kong bakit?... Sapagkat ang patag ay ang lugar ng pagsusuri.. ito lugar kung saan naroroon ang napakadaming pagkakataon.. doon ang disisyon ng patag ay napakahalaga.. at walang kahit sino ang maaring bumali noon.. dahil doon sa patag ang desisyon o ang kapalaran mo ay dumidepinde rin sa iyo.. at doon lang babase ang patag kung ano ang magiging hatol nila sayo.. o sa madaling salita doon mo lang malalaman kung mapagbibigyan ka nila na maglakbay sa ibang mundo. halimbawa na lang.. ikaw Iñigo.. bilang isang patay ikaw ang gagawa ng sarili momg kapalaran kung saan ka nga ba nababagay.. ngunit bago iyon mangyari.. ay dapat mo iyong patunayan.. kaya naririto ka ngayon sa patag..maaring marami kang pagsubok na pagdaanan.. marami kang makikita at malalaman ngunit ang lahat ng iyon ay kailangan mo talagang pagdaanan bago ka makarating sa dulo" wika ni Apollo. "Kung hindi ako nagkakamali.. para siyang eskwelahan na kung hindi ka mag-aaral ng mabuti pagiging mababa ang iyong marka at hindi ka makakapasa.. ngunit kapag hinusayan mo naman.. ay makakapasa ka" wika ni Iñigo. " Parang ganoon na nga" sagot ni Apollo. " Ngunit ang hindi ko talaga naiintindihan bakit ka pa kailangan yung gawin kayong patay naman na ako" wika ni Iñigo. " Dahil ang mundo ng patag ay hindi para sa mga patay lalong hindi para sa lahat.. ngunit dito sa patag dito natin malalaman kung saan ka nga ba nababagay kapag narating mo na ang dulo" wika ni Apollo.

" Ang ibig sabihin mo nasa dulo ang langit o ang impyerno" tanong ni Iñigo. " Ikaw ang makakasagot niyan Iñigo .. masasagot mo ang lahat ng iyan kapag ikaw na mismo ang nakarating sa dulo.. dahil sa totoo lang Iñigo..kahit ako.. hindi ko alam kung ano ang nasa dulo.. may mga nilalang na nararapat lamang roon.. o sa madaling salita.. ang bawat nilalang dito ay may nakalaang mundo na mararating din nila ag dating ng tamang panahon" wika ni Apollo.

Aminado si iñigo na subrang naguguluhan pa sya sa mga nangyayari ng mga sandaling iyon.. dahilan kung bakit tila hindi pumapasok sa kanyang isipan ang kahit anong sinasabi o ipinapakiwanag sa kanya ni apollo.

Matapos ang usapang iyon at dahil napansin narin marahil ni Apollo na sadayang naguguluhan at nalilito si iñigo sa lahat ng nang yayari ay mas minarapat nalang nito na dalhin na nya kaagad si Iñigo sa patag.

Mula doon ay bumukas ang isang deminsyo. At sa unang pagkakataon ay nasaksihan nga ni Iñigo ang sinasabing dimensyon ni apollo..napakaliwanag noon at mula nga sa liwanag na iyon ay dahan dahan nga silang pumasok doon.. at sa pag pasok nga nila doon sa wakas ay nakita na nga ni Iñigo ang patag. Isang napakalawak na lugar. Lugar na kung titignan ay parang hindi naman nalalayo ang itura sa mundo na kinalakihan ni Iñigo. mula sa mga batong bahay na kulay dilaw na yari sa mud-brick, mga kaliwa't kanang mga toldang nakababa na tila mo'y malawak na pamilihan, sa mga apoy na nasa kahoy na ngsisibing ilaw nila.. habang ang iba namang naroroon ay tila may nga baong lampara at abala na tila may hinahanap.

lahat na iyon ay sadyang pinagtakahan ni Iñigo" Ito na bang patag na sinasabi mo kung titignan kong mabuti ay parang hindi naman ito naiiba sa mundo kung saan ako nanggaling.. para lamang syang malawak at lumang pamilihan saamin ano iyan oh" wika ni Iñigo. " Marahil ay tama ka pero huwag kang papakasiguro.. dahil hindi lahat ng nakikita mo.. totoo.. dahil tulad na lang sinabi ko sayo ang patag ay daanan ng iba't ibang klaseng mga nilalang...sya nga pala nakikita mo ba ang malaking punong iyon..( tinuro ) sa likod niyan naroon ng dulo" wika ni Apollo.

" Nabibiro ka ba.. napakalayo nyan" wika ni Iñigo. " Ngunit wala ka namang magagawa. Ito na ang bago mong kapalaran.. papayag ka ba na pati dito sa kabilang buhay ay wala kang magagawa para sa sarili mo...kailangan natin gawin ito.. Kailangan kita gabayan papunta sa dulo.. at kailangan mo lang mag tiwala saakin.. ngayon iñigo tatanungin kita sa huling pagkakataon.. handa ka na ba" wika ni Apollo. " Kung iyan lamang ang tanging paraan.. oo Apollo.. handa na ko.. handa na ko ng bumuo ng kapalaran ko upang marating ang siansabi mong dulo..