Bago mag hapon ay napagpasyahan na nila Iñigo at ambon na umalis upang kahit papaano ay maipagdiwang nila ang kaarawan ni Iñigo.
Matapos nilang kumain sa simpleng restaurant ay napagpasyahan na nila na uminum sa lugar na inirekuminda ni ambon.
" Mukang tahimik nga dito at maganda gaya ng sinabi mo.. kaso parang may kamahan ata dito" wika ni Iñigo. " Ano kaba wag mo na isipin iyon.. birthday mo ngayon ang dapat nating gawin ngayon ay mag saya.. tyaka hahatian naman kita sa magagastos natin dito" wika ni ambon. " O sige na ikaw ang bahala pero tandaan mo ha.. hindi tayo iinum ng marami" wika ni Iñigo. Maya maya nga lang ay dumating na nga agad ang mga beers at pulutan na na inorder ni ambon at iñigo.
Mula sa simple pagdiriwang na inyon.. ay tunay nga naramdaman ni Iñigo ang masayang karawan nya.. bagamat ay
dalawa lamang sila ng kanyang kaibigan ay di iyon naging hadlang upang sila ay maging masaya.
" Kamusta ka na nga pala.. hanggang ngayon pa ba ay nananaginip ka parin" wika ni ambo habang sila ay nag iinum " Sa halos isang taon halos araw araw akong nananaginip sa parehas na lugar at sitwasyon.. hindi ko nga alam kung bakit nangyayari ang lahat ng iyon.. kanina lamang.. ay nanaginip nanaman ako.. pero doon ay nakita ko mismo sa aking harapan ang aking sarili.. hindi ko man maunawaan pero parang may nais sabihin at ipahiwatig saakin ang aking sarili sa aking panaginip" wika ni Iñigo. " alam mo iñigo kahit ako ay nag tataka na sa mga nangyayari saiyo.. oo ang panaginip ay panaginip lamang na nawawala rin naman sa oras na gumising ka.. pero iba itong nangyayari sayo.. hindi naman tayo nakakalimot sa pagdaral.. pero itong mga panaginip na meron ka.. ano kaya ang ibigsabihin nito sayo" wika ni ambo. " Kung ano man ang kasagutan.. hindi ko rin alam" wika ni Iñigo.
Mula nga ng mga oras na iyon ay wala ngang ibang ginawa si iñigo at ang kanyang kaibigan si ambon kung hindi ang kumain mag-inom mag-usap at magsaya.. bagay na madalas naman na nilang ginagawa sa tuwing darating taon taon ang kaarawan ni Iñigo.
Nang maramdaman na ni Iñigo ang bahagyang pagkahilo dala ng alak na kanilang ininum ay ninais na nitong ayain si ambon pauwi dahil narin iyon ang kanilang ipinangako kila sister amelia bagay na di naman tinutulan ni ambon. Kaya matapos nilang mag bayad ay kaagad na nga silang umuwe. sa kanilang paglalakad pabalik ng bahay ampunan ay napansin ni Iñigo na nawawala ang susi ng kanilang kwarto.
Kaya agad nilang hinanap ang kanilang susi at binalikan sa mga lugar kung saan maaari itong nahulog. Mula sa malayo ay napansin ni ambon ang isang metal na bagay na umiilaw sa gitna ng kalsada at doon at na kunpirma nya na ang bagay na iyon ang ang susing kanilang hinahanap. " Tama ako ayon ang ang susing hinahanap natin iñigo" wika ni ambon. " Napakakinaw naman ng mata mo ambon.. sige na ako na ang kukuya ng susi.. dyan ka na lamang" wika ni Iñigo bago kunin ang susi ngunit sa hindi inaasahan sa pag kuha ni Iñigo ng susi ay hindi nya napansin ang isang malaking sasakyan na nasa ka yang likuran. At sa kanyang pag lingon sa kanyang likuran ay nasilaw ang mga mata nito sa maliwanang na ilaw at doon ay nangyari nga ang inaasahan. nasagasaan nga ng malaking sasakyan si iñigo. " IÑIGO!!!"
wika ni ambon bago makita ang duguan at wala nang buhay na katawan ni Iñigo.
Mula sa bakuran ng Maria teresita Orphanage. Doon ay makikita mong liglig sa mga bulaklak ang ang isang kwarto.
Kwarto kung saan naka himlay o ibinurol ang katawan ni Iñigo.. tama ka ng iniisip. .. hindi nakaligtas si iñigo sa kanyang kamatayan.
Matapos ang halos isang araw ay nagpasya na lamang sila sister amelia na doon na lamang sa bahay ampunan ilagay ang mga labi ni Iñigo bago ito ilibing. Doon ay ramdan ng lahat ang lungkot at bighating nararamdaman ng kanyang matalik na kaibigan na si ambon. Paulit ulit nitong sinasabi na sana ay sya ang nasagasaan ng mga oras na iyon kung sya lamang ang dumamput ng susi. Pero magsisi man sya ay huli na. doon at pinangaralan at kinausap sya nga mga madre na huwag nyang sisihin ang sarili nya sa nangyari kay iñigo dahil hindi naman nya iyon kasalanan. " Ang daya mo naman iñigo.. bakit mo ko iniwan.. marami pa tayong pangarap diba.. akala ko ba.. magkasama nating tutuparin iyon" wika ni ambon. "Antonio iho... tama. Na...wag mo nang sisihin ang sarili mo.. alam kong iyan din ang gusto ni iñigo.. isipin nalang natin na kasama na ni Iñigo ang diyos.. at alam kong gagabayan nya rin tayo " wika ni sister Rebecca. " Tama si sister amelia kahit ang lalaking nag mamaneho ng sasakyan na nakasagasa sa kanya.. marahil ay hindi na rin iyon sinasadya.. pinalaki namin kayo ni Iñigo na mabubutimg bata.. alam ko.. lahat ng ito antonio.. lahat ng ito.. maiintidihan mo" wika ni sister amelia. Bago sila mg dasal.
Kasabay noon ay naroroon at nagmamasid si iñigo sa lahat ng nangyayari.
"Marahil hanggang dito na lamang talaga ang aking kapalaran.. masakit isipin na hindi ko man lang nagawa ang mga pangarap ko bago ako nawala.. hindi ko man lang nagawa ang mag paalam at mag pasalamat sa mga tao minahal ko at sa mga taong tinanawan ko ng utang ng loob.. kung sanay naririnig nyo ako nais kong magpasalamat sa inyong lahat.. kayo na laman ng aking mga alalala nang ako ay buhay pa..kayo na nag alaga at nagturo saakin ng mgamabubuting bagay.. kayo na nangmahal saakin at nagparamdam na isang tayong pamilya ( mula doon ay naalala ni Iñigo ang kanyang mga magulang) ang mga magulang ko.. asan na kaya sila.. makapiling ko na kaya sila.. sa pag kakataong ito kaya ay makita ko na sila" wika ni Iñigo sa kanyang sarili bago tinanggap ng buo sa kanyang sarili ang kinahinatnan ng kanyang buhay
Bilang isang nilalang na biglang pumanaw at tila ligaw na kaluluwa ay hindi nga malaman at hindi nga alam ni Iñigo ang kanyang gagawin. Ngayon tapos na ang kanyang buhay sa mundo ng mga buhay.. ay wala nga itong kahit na anong ediya kung ano nga ba ang naghihintay sa kanya matapos nyang mamatay..
Mula sa madilim at mausok na kalye doon ay makikita mo mula sa liwanang ng buwan ang mamasa masang kalsada na walang kahit sinong naroroon.. mula doon ay nakita ni Iñigo ang kanyang sarili.. iba ang imahe ng lugar na iyon nakakatakot at napakalungkot.. tila isang kawalan na walang kasiguraduhan.
Mula sa may di kalayunan ay may napansin si iñigo.. mula sa mausok na parte na nasisinagan ng buwan ay may biglang lumitaw na isang nilalang.. doon ay unti unti nyang napansin na ang nilalang na iyon ay tila isang matangakad na tao.. at marahil narin sa takot at napatakbo ito ng mabilis palayo sa lugar na iyon. Sa kanyan pag takbo ay tila biglang nag iiba mulin ang imahe ng kalyeng iyon .. ang mga puno doon ay tila yumutuko upang sya ay kainin.. doon ay nagsimula narin syang mabingi dahil sa mga ingay ng mga paniki na parang nasa likod nya lamang.. umihip ng malakas ang malamig na hangin at umatungal ng malakas ang mga asong gubat . At dahil nga doo dahil sa takot ay nawalan nga ito ng balanse sa pagtabok at tuluyan nga itong nadapa at natumba sa mamasa masang lupa.