Chapter 24 - Chapter 24

Mataman siyang napatitig sa kalangitan, saglit siyang natulala sa kagandahang iyon. Napakapayapa ng langit, subalit ang kalooban niya ay tila binabagabag ng maraming alalahanin. Dahil sa nangyari sa grupo ni Laxus, nagsimula nang mangamba si Elysia para sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi lamang ang buhay niya ang mahalaga, kundi pati na rin ang buhay ng mga taong walang ninais kun'di ang mabuhay ng mapayapa at maligaya.

marahan siyang bumangon at napatingin sa malinaw na tubig, doon ay kitang-kita niya ang kaniayng repleksiyon. Nakatingin siya sa sarili niya ngunit tila ba ibang tao ang nakikita niya. Mahaba at itim na itim ang kaniyang buhok na umaalon-alon hanggang sa kaniyang beywang, ang mga mata niya ay mapusyaw na kulay ng kayumanggi na tila ba nagiging ginto sa tuwing nasasaliwan ng liwanag ng araw. Nababalot ng takot at pangamba ang maamo niyang mukha. BUmuntong-hiniga siya at mariing napapikit.

"Ano ba ang dapat kong gawin? Kung sana ay nandito si Vlad." mahinang bulong niya bago muling bumuntong-hininga. Sa pagkakataong iyon ay tumayo na siya at muling pumasok sa mansyon, kung saan naabutan naman niyang nag-uusap si Loreen at Luvan.

"Nandiyan ka na pala, halika muna rito Elysia, may sasabihin kami sa'yo." tawag ni Loreen. Walang pag-aatubili naman siyang lumapit rito at nagsimula nang magsalaysay si Luvan.

"Kung gayon ay nakita niyo na ang lungga ng mga tao ni Laxus, kumusta sila?" bulalas na tanong ni Elysia.

"Nasa maayos na kalagayan. Kasalukuyang nilang pinagluluksaan ang mga katawan ng kanilang mga kasama. Matapos iyon ay ano mang oras ay maaari na silang gumalaw laban sa atin. ayon pa sa espiyang pinapunta ko, nagpadala na sila ng tao para ipaabot ang balita sa willonfort." sambit naman ni Luvan.

"Kung gano'n, hindi imposimbleng makasagupa na natin sila. sa oras na kalabanin nila tayo, ibigay niyo ang buong lakas niyo, ngunit hanggat maaari ayokong may mamamatay ni isa sa kanila. Sugatan ng malubha ngunit iwanang buhay. Malapit sa Willonfort ang lugar na ito, nais ko sanang, paunti-unting ilikas ang mga tao palayo rito." Wika ni Elysia. 

Napatingin naman sa kaniya sina Luvan at Loreen.

"Imposible ba ang nais kong gawin?" Nakaramdam ng pag-aalangan si Elysia nang makita ang reaksyon ng mga mukha ng kaniyang kausap. Alam niyang suntok sa buwan ang nais niyang gawin subalit nais pa rin niyang subukan.

Kahit pa nagawa nilang ibalik sa ayos ang lugar, ang banta ng mga bampira at grimmer ay nananatiling nandoon. Walang kasiguruhan ang buhay ng mga tao roon sa oras na sumiklab ang labanan sa pagitan nila at ng mga bampira.

"Hindi naman imposible, maaari nating gawin iyon, subalit sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo?" tanong ni Loreen.

Mabilis siyang tumango at pinagsalikop ang mga kamay habang tila malalim na nag-iisip.

"Nakapagdesisyon na ako, lahat ng mga taong hindi makakalaban ay ililikas natin patungo sa Haruna, mga bata, matatanda at mga kababaihan. Maging ang mga lalaking ayaw makipaglaban." saad ni Elysia, sa pagkakataong iyon ay naging buo na ang kaniyang desisyon. Walang pag-aatubili niyang inilahad pa sa kanila ang kaniyang plano at inilatag angmga nais niyang gawin.

Taimtim namang nakinig sina Luvan at Loreen at walang pagtututol silang sumang-ayon sa mga suhestiyon ng dalaga. Matapos iyon ay isinangguni naman nila ito kay Florin na siyang nagsisilbing tagapayo ng dalaga.

Napapangiti lamang ang elf habang pinapakinggan ang mga plano ng dalaga. Tumatango-tango pa ito at nangingislap ang mga mata.

"Sang-ayon ako sa plano mo kamahalan, napakaganda. Tunay ngang karapat-dapat kang manatili sa tabi ng aming hari, magpapadala na ako ng mensahe sa ating hari upang ipaalam ang plano mo. Sa ngayon kailangan namang gawin ni Loreen ang parte niya." mabilis na saad ni Florin, tinapik-tapik nito ang baba habang nakatingala sa kisame ng silid nito.

"Mas mapapabilis ang paglikas sa mga tao kung gagamit tayo ng lagusan. Tahimik nating gagawin ang paglikas, walang kailangang makaalam." dagdag na wika ni Florin.

"Nagkausap na rin kami ni Loreen tungkol diyan, sa ngayon ay inihahanda na niya ang mga dapat na kailangan. Limang sorcerers ang kasama natin kaya hindi na sila mahihirapang gumawa ng lagusan. Dito rin sa loob ng mansyon ang balak ko a bubuksan ang lagusan. Papapasukin natin ang mga tao rito nang sa gayon ay walang makahalatan. Mahirap kasi kung sa labas, hindi natin alam kung ilanag mata ang nakamasid sa atin." salaysay ni Elysia na tinanguan naman ni Florin.

Nang araw ding iyon ay naging abala sila sa pag-aasikaso ng mga kailangan nilang gawin. Isa-isang tinungo rin ni Elysia kasama ang kaniyang mga tagabantay ang bawat bahay upang masinsinang kausapin ang mga ito. Noong una ay hindi pa pumayag ang mga ito sa takot na wala silang ibang lugar na mapupuntahan. Subalit nang sabihin na niya na may ilalaang lugar sa kanila malapit sa palasyo ay dito na sila nagdalawang-isip hanggang sa tuluyan na rin silang pumayag.

Ang Haruna ay isang parte ng bayan na nasasakupan ng palasyo ni Valdimir. Nasa kanang bahagi ito at hindi pa ito nauukupa ng mga tao. Tamang-tama ito para sa mga taga-Muntivor dahil likass na masagana ang lupa roon.

Kinahapunan, umuwing pagod si Elysia. Napasalampak siya sa kaniyang higaan at hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkakahimbing, ginising siya ng isang malamig na kamay na humahaplos sa kaniyang pisngi. Paungol siyang nagreklamo at marahas na tinabig ang istorbo sa kaniyang pagpapahinga. Nakarinig siya ng mahinang paghagikgik kaya agad siyang napamulagat ng mata

Bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Vladimir na tila ba nanunukso pa. Nanlaki ang kaniyang mga mata at kinusot-kusot iyon. Agad siyang napahawak s braso ng binata at mariing kinurot ito. Napaigik naman si Vladimir dahil sa ginawa ni Elysia at sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito.

"Vlad, ikaw nga. Akala ko ay panaginip lang. Paano ka nakarating agad rito, kanina ka pa ba?" tarantang tanong niya. Hindi maitago ng mga ngiti niya ang pagkasabik na makita ang binata. Tila ba lahat ng pagod niya ay biglang nawala, maging ang kaninang antok niya ay naglaho.

"Kararating ko lang, napagod ka ba, bukas na tayo mag-usap, magpahinga ka pa." Malumanay na wika ng binata at muling pinahiga ang dalaga sa higaan nito.

"Gising na ako, marami akong ikukuwento sa'yo. Pero bago yan, bakit ka nga pala nandito?" muling tanong siya habang matamang nakatingin sa gintong mata ng binata.

"Elysia, pagod ka, marami pa tayong oras bukas. Magpahinga ka." pigil naman ni Vlad sa dalaga. Idinampi ni Vlad ang hintuturo sa labi ng dalaga upang pigilan itong magsalita. Napipilan naman si Elysia at muling napatitig sa binata.

Ang kaninang pagkasabik ay agad na napalitan ng kalungkutan. Tila biglang nanumbalik ang lahat sa kaniyang alaala, ang mga nangyari sa bayan, ang mga pinagdaanan ng mga taong nasasakupan nito. Nanubig ang mga mata niya at tila isa siyang batang nais magsumbong sa ina nito ngunit hindi niya magawa.

Nang maramdaman at makita ni Vladimir ang biglaang pagbabago sa emosyon ni Elysia at mabilis niyang pinabangon ito at niyakap ng mahigpit. Walang ano-ano'y pumalahaw ng iyak si Elysia, lahat ng mabigat sa dibdib niya na hindi niya mailabas ay tila kusang sumabog at umapaw. Hindi niya magawang umiyak sa harap ng ibang tao dahil kailangan niyang maging malakas, ngunit sa harap ni Vlad ay ia pa rin siyang batang nakadepende lamang rito. Malaya siyang nailalabas ang kaniyang saloobin rito, malaya siyang naipapahayag ang damdamin niya at ang mga kahinaan niya.

Doon lamang niya napatunayan na napakalalimna pala ng tiwala niya sa binata. Ilang minuto rin ang lumipas bago tuluyan huminahon si Elysia. Masuyong hinihimas naman ni Vlad ang kaniyang likod at walang tigil ito sa pagpapagaan ng kaniyang loob.

"Ginawa mo ang kaya mo at pinagmamalaki kita Elysia. Napakagaling ng mga desisyon mo. Ang mga nangyari noon ay nangyari na, wala kang kontrol doon at wala ka ring kasalanan, dahil musmos ka pa nang mangyari ang mga bagay na iyon." Pag-aalo ni Vlad sa dalaga.

"Tahan na, magpahinga ka na, bukas magiging maayos din ang lahat."

"Hindi ka ba aalis?"

"Dito lang ako, hindi ako aalis, bukas paggising mo, nasa tabi mo pa rin ako. Kaya magpahinga ka na ulit." halos pabulong na wika ni Vladimir.

Tumango naman si Elysia at nagpatianod na ng pahigain siya ng binata sa higaan. Isang halik sa noo ang iginawas ng binata sa dalaga bago ito tuluyang tumabi sa kaniya.

Nahihiya man ay laas-loob niyang iniyakap sa beywang ng binata ang kaniyang kamay at mariring ipinikit ang mata. Napangiti na lamang siya nang hindi alisin ni Vladimir ang kamay niya, bagkus ay gumanti rin ito ng yakap sa kaniya. Nang maramdaman niya ang natural na init at lamig ng katawan ng binata ay tuluyan na ngang napanatag ang loob ni Elysia at muli siyang idinuyan patungo sa karimlan ng pagkakahimbing.

Kinabukasan, tulad nang pinangako ni Vlad kay Elysia ay nagising ang dalaga na naroroon pa rin ang binata sa tabi niya. Nakapaunan pa ang ulo niya sa braso nito habang ang braso naman nito ay tila ahas na nakayapos sa kaniyang katawan. Bahagya siyang gumalaw at umunat bago nagpakawala ng paghikab.

"Magandang umaga Vlad." Bati ni Elysia nang makita niyang magmulat na ng mata ang binataa. Napangiti naman si Vlad at tinapik pa ang ilong ng dalaga.

"Maganda ka pa sa umaga. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito at tango lang ang itinugon niya rito.