CHAPTER 2
lumabas ako ng bahay at tinignan kung nandito na si ama ngunit wala pa, ang sabi nila ay sa linggo pa ang uwi niya kaya naman ay kaagad na akong tumakbo papunta sa gubat upang puntahan si ma'am liza.
"tao po" saad ko, nakita ko naman na lumabas na si ma'am liza bago ako ngitian. tuwang tuwa siya ng makita ako at ang librong dala ko.
alam niyang pag aaralan namin ngayon ay tungkol lang sa medisina dahil alam niyang gustong gusto ko maging doctor balang araw.
"pasok pasok" saad niya, nakita ko ang 3D model ng isang lalaki at nakikita ang katawan nito. iniisa kong binabanggit kay ma'am liza ang bawat parte.
"aba.. ang galing mo naman" gulat niyang saad habang tinitignan ang 3D model. kunot ko naman itong tinignan dahil sa sinabi niya.
"noong nag aaral pa lamang ako ay isang linggo ko bago ko makabisado iyan" ani niya bago tumingin saakin. tahimik lang ako bago ngumiti sakaniya.
pinakain muna niya ako dahil napaka aga kong pumunta sakanila. siya raw ay bagong gising pa lamang dahil sa itsura niya.
"ito naman ang pag aralan mo" saad niya bago ibaba ang mga surgical tools. madami iyon at iba ibang klase.
kinuha ko ang isang maliit na matulis na bagay bago ito hawakan. tinaas ko ito at sinusuri dahil pamilyar ang bagay na iyon.
"scalpel.." saad ko kaya naman napa taas ang kilay ni ma'am liza bago tumango. mangha ako sa sarili ko dahil sa ginawa niya.
"The scalpel is used for making incisions in the skin and tissues during surgery" saad ko bago itaas ang scalpel at tignan ulit ito. tuwang tuwa si ma'am liza dahil sa ginagawa ko.
kinuha ko naman ang parang gunting na parang tongs bago itaas ito. tinignan din ni maam liza bago ako tignan.
"Forceps" saad ko bago tumingin kay ma'am at tumango.
"The Forceps is a surgical instruments resembling tongs or pincers, used for grasping, holding, or extracting tissues and objects." sunod sunod kong saad bago binaba.
nirecite ko rin sakaniya ang iba pa kaya naman manghang mangha ito saakin ng makita niyang kabisado ko rin kung paano ito gamitin. tumawa ako ng makitang naka tulala lang si ate joan saakin habang hawak hawak ang mga tools.
"ang talino mong bata.. wala na kong masabi" saad niya ng ikinatawa ko naman. tumayo ako pag tapos ay iniwan na ang isang makapal na libro bago mag paalam dahil natagalan at mag gagabi na rin.
"mag iingat ka.." saad ni ma'am liza kaya kinawayan ko lang sila bago ko mag simulang mag lakad. kinuha ko ang isang ilaw dahil medyo madilim na bago sinimulang tumakbo.
nang makarating ako sa nayon ay naka tingin sila saakin. ang tingin ni hael ay para bang seryoso at mysteryoso, kumaway ako sakaniya bago ako tumakbo papunta sa pwesto nila.
"saan ka nanaman nang galing" tanong ni juan kaya naman napa iling na lamang ako. tumingin ako kay hael na ngayon ay seryosong naka tingin saakin.
"uminom ka ng tubig at mag pahinga" saad niya bago ako talikuran. nag kibit balikat naman si Juan dahil sa inasal niya. sumimangot ako bago pumasok ng bahay upang maligo.
nang matapos na ay lumabas na ako at makitang ginagamot ni juan ang mga sugat ni hael na ngayon ay hindi parin galing.
"gamutin mo nga ito sereia at ako ay nag hahain lang" saad ni juan bago ibigay saakin ang gunting na maliit st bulak.
dinadampi ko ito sa bawat parte ng sugat ni hael kaya naman napapahiyaw ito sa sakit. malalaki ang sugat niya at matagal humilom ito.
"okay ka lang?" tanong ko sakaniya dahil kanina pa niya ako hindi pinapansin at kinikibo, tahimik lang siya at hindi ako sanay sa ganon.
"oo" tipid na saad niya bago tumahimik ulit. sumimangot ako bago umupo sa harapan niya.
"anong problema?" tanong ko bago tignan ang mga mata niyang umiiwas sa tingin ko. malinis na ngayon ang mukha niya at konting pahid ng sugat nalang.
hindi parin ito umimik sa sinabi ko kaya naman kaagad akong tumayo para sana ay iwan na siya dahil hindi naman niya ako kakausapin.
"dito ka lang" malamig na saad niya kaya automatic akong napa upo ulit ng hilain niya ako. nag lapit ang mukha namin kaya napaiwas kaagad ako.
ngumiti ako bago tumingin sakaniya, umiwas ito ng tingin bago seryoso ulit tumingin saakin.
"nag alala ako.. hindi ka nag papaalam kung saan ka pupunta, alam mong delekado sa gubat" hindi na niya matapos ang sasabihin niya dahil panay iwas ito sa tingin ko.
"nag alala ka?" may pahid na panunuya sa boses ko.
umiling ito bago tumayo. tumakbo ito papunta kung saan naroon si Juan, tinulungan niya pa ito sabay lingon sa pwesto ko at iiwas ulit. hindi ko maiwasan matawa sa ginagawa niya bago ayusin ang mga gamit.
"anong nginingiti mo dyan ha sereia" gulat kong tinignan ang kaibigan kong si wara na ngayon lang dumalaw dito sa nayon.
niyakap ko ito at halatang gulat parin ang aking mukha. si wara ang kaibigan ko at ang nobya ni juan, matagal na rin sila at ingit na ingit na ko sakanila.
"mahal!" hiyaw ni juan bago yakapin ang kaniyang nobya, kaagad naman akong tumabi upang mag karoon sila ng oras sa isa't isa.
umalis ako doon bago tignan si hael na nakatingin na rin sa dalawa. ngumiti ito bago dumapo ang tingin saakin kaya naman kaagad na nawala iyon.
"hael.. galit ka ba?" malambing kong saad kaya naman kaagad itong umiwas saakin at inabala ang sarili sa ibang bagay.
tayo siya at kumuha ng upuan upang pumwesto sa isang gilid na hindi masyadong kita ng mga tao dito. sinundan ko siya upang mag sorry.
"galit ka po ba?" saad ko kaya naman huminga siya ng malalim bago tignan ako. umupo siya bago ako hilahin at napaumupo naman ako sa kandungan niya.
hindi kaagad ako nakagalaw sa pwesto namin. gulat parin ang mga mata ko habang tinitignan siya.
"hindi.. hindi ako galit yves" saad niya ramdam ko ang kamay niyang pumupulupot sa baywang ko.
"nag aalala lang ako at baka mapaano ka pa" malambing na boses ang iginawad niya saakin kaya mas lalo akong hindi nakapag salita.
inalis niya ang kamay niya bago tumingin saakin. tinayo niya ako at ibinigay ang upuan para maka upo ako.
"i'm sorry, hindi ko sinasadya" saad niya sabay pikit ng mariin dahil sa ginawa niya. ngumiti lang ako bago tumango.
narinig naming dalawa ang sigaw ni juan dahil kakain na raw. kinuha ni hael ang upuan at inalalayan ako para bumalik doon.
"oh?" rinig kong saad ni wara ng makita kami ni hael. mahina naman napatawa si juan bago akbayan ang nobya niya.
"wara si hael.. ang dayo" ako na ang nag pakilala kaya naman tinanguan ito ni wara bago tignan ang lalaki.
"hael si wara.. nobya ni juan" tumango rin si hael bago tumingin saakin. kinuhanan niya ako ng plato at iniayos ang upuan.
nakita ko naman ang palihim na tingin ni wara kay hael na waring kilala niya ito. napalunok ito bago lumingon saakin at umiwas ng tingin.
"kamukha mo ang isang sundalo.." maski si hael ay napatigil sa pagkain bago lumingon saakin at unti unting tumango.
______________________________________________________