CHAPTER 7
inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng office ko. pinatawag ako ni mommy at daddy dahil kailangan daw nandon ako at may meeting.
"para saan kaya to" rinig kong bulong ng mga nurses. diretsyo lang ang lakad ko papunta sa isang room bago umupo roon.
si daddy at mommy ang nasa unahan habang nag kalat ang nga sundalo sa bawat gilid na para bang may mang yayari na masama ngayon.
"Kailangan namin ng medical team" saad ni daddy habang diretsyong nakatingin saakin.
"Doktora Sereia, you can choose your own team" napataas ang kilay ko sa sinabi ni daddy, tinuro ko pa ang sarili ko kaya tumango ito.
dahan dahan naman akong umiling sakaniya dahil alam ko na kung saan ako dadalhin. bumusangot ako ng iniwasan niya ang tingin ko.
"ipapadala ko kayo sa afghanistan.. may mga taong kailangan ng tulong niyo" alam ko na ito. sinabi niya na saakin to noong nag aaral pa lamang ako.
kapag naging magaling na doctor ako ay ipapadala raw niya ako sa afghanistan kasama ang team ko. hwag daw ako mag alala dahil may mga sundalo naman daw doon.
"but gen-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumayo na ito bago umiling. tumalikod at naiwan akong naka tunganga doon.
malungkot akong tumayo bago pumunta sa department namin. tinignan ko ang mga ito bago ko tignan ang nagagaling na nurse at doctor dito.
Jia - Registered Nurse
Fren - Registered Nurse
Hanna - Registered Nurse
John - Doctor
Miel - Registered Nurse
Ashley - Doctor
Trake - Doctor
Sereia - Doctor
ni list ko ng team ko bago ibigay ito kay daddy na ngayon ay nasa opisina ni mommy. binuksan ko ang pinto at napalingon naman ito saakin.
"Here.." rinig niya ang may pag tatampo sa boses ko dahil sa ginawa niya. yumakap ito saakin bago guluhin ang buhok ko.
"Pack your things.. lilipad na kayo bukas" bulong niya kaya tumango ako. lumabas ako ng opisina para pumunta sa department.
kinuha ko ang lab gown ko bago isuot iyon. naka tingin sila saakin habang nag lalakad ako.
"Pack your things! aalis na tayo bukas" saad ko kaya naman nagulantang sila. nakita ko naman na nag panic ang iba kaya natawa ako.
ibinigay ko sakanila ang list kaya kaagad naman nila itong tinignan. ang iba naman ay naka hinga ng maluwag.
"First Time namin ito doc" ngiting saad ni nurse Hanna bago ako tumango.
pinaayos ko rin ang medical truck na gagamitin at stock ng mga gamot na sakaling kailangan.
"doc sereia.." lumingon ako kay jia na ngayon ako nasa loob ng opisina ko. ngumiti ako sakaniya bago siya yakapin dahil alam kong pagod ito.
"may mga gwapong sundalo raw doon" humagikgik pa ito sabay tusok sa tagiliran ko. inirapan ko naman ito sa sinabi niya kay naman tumawa ito.
nag off muna ang team dahil bukas na ang alis namin kaya dumiretsyo kami sa mall upang bumili ng kailangan namin.
"ayaw mo mag pagupit doc?" si doc John ang nag sabi. ngumiti lang ako bago tignan ang isang salon.
pumasok ako room bago umupo. tinanong ako kung anong gupit bago ko sabihin iyon, mahaba na ang straight kong buhok kaya naman kailangan na itong gupitan.
"akala ko nag bibiro lang si doc" saad ni john na ngayon ay naka silip sa glass door. naiipit na nga ang kaniyang ilong ng ikinatawa ko.
nang matapos na ay nag bayad na ako bago lumabas. manghang mangha naman sila ng makalabas ako.
"mas bagay pala sayo ang ganyan doc" ngumiti ako bago nahihiyang tumawa nalang.
"ang ganda niya lalo" bulong pa nila bago ko tignan si jia na ngayon ay nilalaro ang maikli kong buhok.
pumasok kami sa department store bago mag libot libot. tumingin kami sa chocolate store bago bumili. tumawa naman sila na parang bata dahil nabili na nila ang gusto nila.
"bagay ito sayo doc Sereia" nilingon ko si miel ng itinuro niya ang bistidang puti kaya naman sinukat ko iyon bago bilhin.
"binibiro niyo nalang ata ako" saad ko bago sila umiling iling. tumawa naman ko sa reaksyon nila.
nandito na kami sa watson para bumili. kinuha ko ang cart na maliit bago simulan mag libot.
"ako na pipila doc.." kinuha niya ang cart ko bago pumila doon.
"doc pila lang ako ha.. ikaw doc mag babayad neto!" tumakbo ito kaya napailing ako at natawa ng kaunti.
inabot ko kay trake ang bayad bago lumabas, nakita ko naman si jia na nakikipag asaran kay John kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"dedma sainyo" saad ko ng ikinatigil nila. umubo pa si john ng makita ko silang ganon maski si jia ay napayuko.
"secret lang natin yan" kumindat pa ko sakanila bago mag lakad paalis. pumila ako dito samay DQ para sana bumili.
bumili ako walong DQ para bigyan din sila., nakita ko naman na nag hihintay sila sa labas kaya naman kaagad na akong nag lakad papunta sakanila.
"thank you doc" saad nila kaya tinanguan ko na lamang sila.
ilang oras din kaming nag libot libot bago umuwi. sinundo ako ng isang sundalo dahil pinapasundo na raw ako ni daddy.
"mag ayos na anak" ngumiti ako bago tumango. 24 na ako ngayon pero parang baby parin nila ako kung umasta sila.
kinuha ko ang isang malaking bag bago ilagay doon ang gamit ko, kumuha ako ng damit at underwear pamalit, pinares ko na iyon para hindi na ako malito at maguluhan kung anong kukunin ko. inilagay ko rin lahat ng pinamili pati ang mga chocolates at yung bistida na binili.
"mga ilang buwan po ba bago kami maka uwi?" tanong ko.
hindi kaagad ito sumagot kaya naman inabala ko nalang ang sarili ko sa pag aayos. kinuha ko na rin ang damit na susuotin ko pag alis bago umupo sa higaan ko.
"hindi ko pa alam anak e" saad ni daddy kaya tumango ako.
tinawagan ko pa ang iba para ipaalala ang medical truck at ang mga gamot na kailangan doon. kailangan din ng mga surgery tools at foods.
_________________________________________________________