Chereads / Under The Same Skies / Chapter 10 - Captain

Chapter 10 - Captain

CHAPTER 8

As we ride in this helicopter, I smell the sweat, dirt, and the sharp sting of antiseptic. The rotors roar above us, drowning out almost everything else. I grip my medical bag tightly, feeling the weight of the supplies inside. Umalog ang helicopter, at humanga ako nang malalim para kumalma. Makapal ang hangin ng tensyon at takot sa kung ano ang darating. Nagsisimulang bumaba ang helicopter, at naghahanda ako para sa gawain sa unahan.

The moment we touch down, the doors slide open and the wind welcomes us. tumayo ako bago bitbitin ang mga gamit. bumaba ako ng helicopter bago sinimulang mag lakad.

"ang init grabe" saad ni jia nga maka baba kami. kinuha naman nila ang bawat gamit nila bago tumayo at mag lakad din.

"ang init doc ha" tumawa naman ako sa reklamo nila, totoo at sobrang init ngayon.

As the soldier welcomes us, my eyes catch sight of a familiar face among the crowd. It's a soldier with distinct features and a strikingly handsome face, commanding attention effortlessly. Amidst the chaos, his presence exudes confidence and poise, unmistakably that of a leader.

"Do you know him?" my curiosity piqued by the familiarity of the soldier's face. napatingin naman si jia sa sundalong papalapit at nasa gitna ito.

"ah si Captain Thaddeus yan doc" she replies quietly. tumango ako bago tumingin ulit sa lalaki. maayos ang kaniyang katawan na parang sabak na sabak na sa gyera habang ang mga kasama niya ay inaapproach kami.

"Welcome Doctors and Nurses" he says warmly, his voice carrying authority tempered with genuine hospitality.

"We're grateful for your presence here." nakipag shake hands pa ito at ng makalapit ay napatigil ito ng makita ako.

gulat ang mata ng makita ako ngunit napalitan din ito ng pagiging seryoso. ang kulay asul niyang mga mata ay parang nakita ko na noon pa.

"Captain Hael Thaddeus G. Valderama" saad niya at nakipag kamay pa saakin. taas noo ko siyang tinignan habang ang mga mata niya ay titig na titig saakin.

"Doktora Sereia Yves Avenido" saad ko sabay tanggap ng kaniyang kamay. malamig ang kamay niya ngunit ang kaniyang mukha ay seryoso lamang at walang halong kaba.

may ibinigay sila saamin at lagayan raw iyon ng mga bag namin. isinukbit naman namin iyon at paakyat pala sa pabundok dito. ramdam ko parin ang tingin ng sundalo kaya naman umiwas ako ng tingin.

"Let me help you.." nagulat ako ng marinig ang boses na iyon. lumingon ako nang makita ko si Captain Thaddeus na ngayon ay nasa likod ko.

"hindi na.. ayos lang ako" saad ko bago ipag patuloy ang lakad ko. nasa likod ko lamang siya habang paakyat kami.

"malapit naman na, akin na iyang bag mo at alam kong mabigat iyan" ulit niya pa, wala na akong nagawa kundi ibigay ito sakaniya dahil sobrang bigat nga.

nakita naman iyon ng ka team ko bago nag bulungan. i mouthed 'dedma' kaya naman tumawa ang mga ito. nakita rin ata ito ng ibang sundalo kaya naman tumawa ang iba.

"may number sa tent niyo.. sa 8 ka" saad niya saakin kaya tumango ako. kinuha ko ang bag sakaniya bago pumasok sa tent.

dalawa lamang ang kama at lagayan ng damit doon, alam kong si jia ang makakasama ko sa tent na ito kaya naman pumwesto na ako sa isang higaan.

"maiiwan na muna kita.." ngumiti ako dito bago tumango.

"salamat." tipid na sabi ko bago siya tumalikod, kinuha ko ang gamit ko bago ayusin iyon. paparating na rin ang medical truck kaya naman nag palit na ako ng damit at lumabas.

nanlaki naman ang mata nila ng makita ako sa suot ko, siguro ay ngayon lamang nila akong nakitang naka short at t-shirt na hapit.

"puti!" sipol ni Hanna ng makalabas ako, umiling na lamang ako bago umupo sa labas, nakatayo ang sundalo habang nakatingin din saakin.

nakita ko rin ang pamilyar na babae na ngayon ay nasa harapan ko. tinignan ko ang pangalan na nasa damit niya.

"lieutenant wara anne fernandez" gulat din ang mga mata niya ng tignan ako. para bang may multo silang nakita habang tinitignan nila ako.

nasa likod din ito ang isang sergeant na si juan na ngayon ay naka tingin lamang saakin, hindi ko alam kung bakit kilala nila ako dahil wala naman akong naalala na nag kasama kami.

"Sereia" mahinang banggit niya ng ikinatigil ko, kilala niya ako kahit hindi ko pa nasasabi ang aking pangalan.

sino ba talaga ako?

"Lieutenant Wara!" isang sigaw na nag patigil saamin. madiin ito at sobrang lakad kaya naman napahinto rin ang babae.

hindi kaagad nakasagot at naiiyak na tumingin saakin. hindi ko sila kilala at hindi ko maalala kung kaano ano ko sila.

"ito na.." mahinang saad niya bago muling sumulyap saakin, maski ang mga team ko ay nag tataka pero lang kay jia na nakatingin lamang.

kumunot ang noo ko bago pumasok sa tent namin. tinignan ko si jia bago naman ito umiwas ng tingin, lumabas ito kaya naman humiga na muna ako.

"jia.." mahinang saad ko pero napahinto ito bago lumingon saakin. lumapit ito bago umupo sa kama ko.

"hayaan mo ang sarili mong makaalala" ngumiti ito saakin bago umalis, sumakit ang ulo ko sa mga nangyayari kaya naman natulog na muna ako.

"Thaddeus! siya nga iyon" rinig kong sigaw ng isang babae, minulat ko ang aking mga mata at makitang nandito ang tatlo sa harapan ko.

"Juan! si sereia yan diba?" umiiyak ang babae kaya naman umupo ako. lumapit ang babae sakin bago ako muling tignan.

"naaalala mo ba ako?" saad ng isang babae, unti unti akong umiling ng ikinabagsak ng kaniyang balikat.

"hindi ko kayo kilala" saad ko sabay tingin sakanilang tatlo.

hinayaan kong yakapin ako ng babae bago ko tignan ang isang lalaki, umiwas ito ng tingin saakin ng lumingon ako.

Captain Hael Thaddeus Valderama

Captain Hael Thaddeus Valderama

Captain Hael Thaddeus Valderama

Captain Hael Thaddeus Valderama

Captain Hael Thaddeus Valderama

ang pangalan na laging tumatatak sa isip ko, ang alam ko ay napakinggan ko na siya noong nasa hospital ako.

____________________________________________________________