Chereads / Under The Same Skies / Chapter 12 - Crush

Chapter 12 - Crush

CHAPTER 10

"coffee?" aya ni hael ngayon sa harapan ko, hindi ako umimik sa sinabi niya bago siya talikuran.

kinuha ko ang telepono ko na naka patong sa mesa. mamaya ay sisimulan na namin ang trabaho namin dahil maraming bata ang may sakit at kailangan ng gamot.

"Yves.." mapait na ang pag kakasabi niya kaya nilingon ko na ito. ang mukha niya ay seryosong naka yuko.

"hindi ko ginagamit ang pangalang iyan.. Dr. sereia nalang ang sabihin mo" seryosong saad ko bago tumingin sa mga mata niya. pumahid ang sakit doon kaya naman nag iwas ako ng tingin bago talikuran siya.

inayos ko ang gamit ko ng makabalik ako sa tent. kinuha ko ang coat at sinuot iyon, kinuha ko rin ang mga gamit bago dumiretsyo sa isang lamesa sa baba.

"kukunan lang kita ng dugo ha" saad ko sa isang lalaki na naka pila ngayon. nag hati hati na kaming mga doctor.

napapikit ito sa sakit kaya naman mabilis ko na ito ginawa, bago na rin ang kamay ko ng makitang madami pa ang gagawan ng ganon.

"he's sick" saad ng isang bata sabay turo sa kaibigan niyang lalaki. hinawakan ko ang bata at sobrang init nga.

kinuha ko ang gamot bago siya paupuin sa tabi ng aking upuan, pinainom ko na rin ng tubig.

"pumunta ka rito mamaya.. iinom ka nanaman ng gamot ha" ngumiti ako bago guluhin ang buhok nito.

nakita ko naman ang tingin ni Hael saakin bago umiwas ng tingin. naka pila rin ito kaya naman tinignan ko siya.

"doc.." rinig kong saad ng bata kaya lumingon ako sakaniya. ibinigay niya saakin ang baso kaya naman inilapag ko ito sa mesa.

nakita ko naman na pumikit na ito kaya naman sinitsitan ko si sergeant juan na ilipat ang bata sa kama para makapag pahinga na at pupunasan.

ilang oras din ang natapos ng makitang nasa tapat ko na si hael. naka upo ito bago ilahad ang braso kamay niya.

"hingang malalim" saad ko bago ituro at kinuha ang dugo niya, kaagad ko rin tinakpan ito ng bulak bago lumingon sakaniya.

hindi parin ito umaalis sa harapan ko kaya tumayo na ako para tignan ang bata. kumuha ako ng malamig na tubig at may yelo pa ito bago punasan ang bata.

"Is he okay doc?" rinig kong tanong ng kaibigan niyang babae na naka upo sa isang upuan sa tabi ng kama.

ngumiti ako dito bago tumango, kumuha rin ako ng tinapay para may malagyan ng pagkain ang tyan nilang dalawa.

"captain!" sumigaw ang bata bago tumakbo papalapit sa lalaki. sumulyap naman ako dito at nakita kong kinakarga niya na ito.

nilalaro niya ang bata kaya naman ginising ko muna ang isang lalaki bago siya pakainin, kinuha ko ang tinapay bago siya subuan at nag paluto rin ako ng sopas para sa mga tao dito.

"t-thank you d-doc" halos bulong na saad ng isang lalaki kaya naman ngumiti nalang ako at pinag patuloy ang ginagawa.

pag tapos niyang kumain ay pinainom ko muna siya ng gamot bago inihiga ulit para makapag pahinga. tinignan ko rin ang temperature ng katawan niya at bumaba ng konti.

"kumain na kayo" saad ko sabay tingin sa lalaki at sa batang hawak niya, tuwang tuwa ang bata dahil nilalaro ito ng lalaki.

tumango lang ang lalaki dahil sa sinabi ko, kinuha ko ang kalat at itinapon sa basurahan. si hael naman ay nakatingin lang saakin.

"mag pahinga kana muna.. ako na Ang mag babantay dito" saad ni hael bago tumingin saakin ulit, umiling ako bago umupo sa isang upuan bago tignan ang isang lalaki.

konting araw nalang at uuwi na rin kami, tinulungan lang namin sila pero uuwi na rin kami kaagad.

"Yves.." lumingon ako kay hael na ngayon ay nasa harapan ko. umiwas ako ng tingin ng umupo ito sa tabi ko.

"alam kong ayaw mo na akong makasama pero hindi ako mag sasawang kulitin ka para lang mabalik tayo sa dati" natahimik siya ng sabihin niya ito. sumilay ang ngisi sa labi ko sa bawat katagang binanggit niya.

"bakit? may dati ba tayo?" saad ko sabay tingin sa mga mata niya, umiwas naman ito ng tingin bago tumango.

"s-sabi mo noon naging parte ako ng b-buhay mo" naalala ko ang sinabi ko na yon.

"huh? meron ba? sorry hindi ko maalala e" patay malisya kong saad bago tumingin ulit sakaniya. nakipag titigan ito bago bumaba ang tingin sa labi ko.

dahan dahan naman itong lumapit saakin bago itapat ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.

"gusto mo ipaalala ko?" tumayo ang balahibo ko dahil doon. kaagad naman kaming lumayo sa isa't isa ng dumating ang kaibigan ng lalaki.

"what are you doing?" saad niya namay hawak na baso, hindi ko alam kung mag papanic ako o ano pero tumayo ako para lumabas.

nakita ko naman si jia na nakikipag usap sa ibang nurse, tuwang tuwa siya habang hinahampas pa ang iba at akala close niya.

pumasok na muli ako ng makaramdam ng lamig, diretsyo ang tingin ko sa dalawa ng nilalaro na ito ni hael. tuwang tuwa ang bata at ang mag sakit ngayon ay naka upo na.

"hi, are you feeling well?" ngumiti ako bago ayusin ang buhok nito. tumango ito ng unti unti kaya binigyan ko siya ng tubig.

kinausap na rin ng ibang sundalo ang pamilya ng bata para dito matulog at makapag pahinga na.

"doc, I saw you earlier.. do you like this captain?" turo niya kay hael na ngayon ay nakangiti saakin na parang bata, dahan dahan naman akong bumaling sa bata.

"no.. I don't like him" saad ko ng makitang nakatulala na ang lalaki dahil sa sinabi ko.

pati ang bata ay hindi makapaniwala sa sinabi ko, totoo naman hindi ko naman siya gusto kaya anong nakakagulat doon.

"maybe she just has a crush on me" rinig kong bulong niya sa mga bata na ngayon ay tumatawa na siya. kinurot niya pa ang pisngi nila at ginulo ang buhok.

inirapan ko ito bago lumingon sa nurse na dumating ngayon. naka ngisi at alam kong aasarin nanaman niya ako nito.

____________________________________________________________