CHAPTER 4
"Doc.. ayos na ba siya?"
hindi ko maimulat ang mga mata ko at naririnig ko lamang ang mga salita at pag uusap nila. ni hindi ko kayang igalaw ang mga kamay ko at katawan.
"hija.. mag pagaling kana" rinig kong saad ng isang matandang babae. dahan dahan kong minulat ang mata ko at bumungad saakin ang mukha nito.
"doc doc!" sigaw niya at napalingon naman saakin ang doctor. kaagad naman itong dumalo saakin at tinignan ang mukha ko.
pag tapos ay napahawak ako sa ulo kong may benda. masakit at nahihilo akong umupo, dumalo saakin ang isang babae bago ako tulungan umupo.
"nasaan po ako?" tanong ko dahil hindi pamilyar saakin ang mga mukha at kung nasaan ako. nasa isang silid na puti lamang ang nakikita ko.
"sino po kayo?" tanong ko na nalilito parin. ang mukha ng babae ay hindi pamilyar saakin maski ang isang matandang babae.
"hija.. mag pahinga kana muna" saad ng matanda kaya naman umiling ako. tatayo na sana ako ng mag salita ang isa pang doctor.
"makinig ka sereia!" napatigil ako ng sumigaw ito. ni hindi ko ito kilala pero sinisigawan niya ako.
tumayo ang matandang babae bago humarap sa lalaki. yumuko naman ang lalaki bago lumapit saakin na napayuko parin.
"i'm sorry.. makinig ka naman kay ma'am" saad niya bago ako paupuin ng maayos. tumango ako dahil sa gulat parin at hindi inaasahan ang sinabi niya.
inikot ko ang tingin sa buong silid at nakita ang isang malaking sulat 'Avenido Hospital' kunot noo kong binasa ito bago tumingin sa lalaki.
"anong nangyari saakin?" naguguluhan kong saad bago ako turukan ng kung ano. pinahiga pa ko ng lalaking doctor para makapag pahinga daw ako.
tinignan ko ang buong silid bago tumingin sa kisame. ang mga huni ng mga salita ay wala na kong naririnig. gusto ko man idilat muli ang aking mga mata ay hindi ko na magawa.
"paano mo nalaman ang pangalan niya?" rinig kong tanong ng matandang babae kanina sa doctor. hindi kaagad umimik ang doctor.
"may pumunta dalawang babae dito at dinala siya.. ang pangalan daw niya ay sereia yves, ngunit hindi na binanggit ang kaniyang apilyedo at umalis na ang dalawa" kwento niya ramdam ko ang tingin nila kaya minulat ko ang aking mga mata.
naka tingin lang ako kung saan habang sila naman ay tinitignan ako. inilapag ng isang nurse sa harapan ko ang pagkain, may tubig din doon bago ako inupo.
"kaya mo bang kumain hija?" tanong ng matandang babae. tumango ako ay simulang igalaw ang kamay ngunit nanginginig parin ito kaya naman napapikit ako.
lumapit ang isang nurse bago kunin ang kutsara at tinidor bago tumabi saakin. ngumiti na lamang ito saakin bago ako subuan.
"salamat" saad ko bago ngumiti sa babae, ramdam ko ang hiya sakaniya bago niya ko subuan muli.
"napaka ganda niyo po" hindi niya maiwasang sabihin saakin iyon kaya tipid ko itong nginitian.
umiwas pa ng tingin na waring nahihiya saakin. hindi ko alam kung anong gagawin ko pero ngumiti nalang din ako.
"thank you nurse jia" saad ko gulat niya kong tinignan.
"kilala niyo po ako?" nahihiyang saad niya tinuro ko naman ang name tag niya kaya naman nahihiya siyang bumusangot.
"ngayon.. kilala na kita" ngumiti ako dito dahil sa inaasta niya. kumain lang ako ng kaunti bago bumalik sa pag tulog.
masama parin ang pakiramdam ko at mukhang lahat ng parte ng katawan ko ay masakit. tinignan ko ang itsura ko sa salamin at putlang putla ang balat ko.
"maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong saakin ng matandang babae, ngumiti naman ako bago umiling.
"ano hong pangalan niyo?" tanong ko dito, ngumiti naman ito saakin at inayos ang nasa ulo ko.
"tawagin mo nalang akong mommy iche" saad niya kaya naman napa taas ang kilay ko.
"kami ang may ari ng hospital na ito.." ngumiti siya bago suklayin ang mahaba kong buhok.
ilang araw kaya akong hindi naligo? siguro ay mabaho na ko.
"pwede ho ba akong maligo? siguro ho ay naamoy niyo na ako" nahihiyang saad ko ng ikinatawa naman nito. umiling siya bago suklayan ulit ang buhok ko.
"pinupunasan ka dito sereia... pinapalitan ka ng damit kaya malinis ka at mabango" saad niya ng ikinahiya ko lalo.
"hala! nakita na po ba nila ang katawan ko?" gulat kong tanong ng mapaisip iyon. mas lalong lumakas ang tawa niya dahil sa naging reaksyon ko at unti unti naman itong tumango.
sumimangot ako habang tinitignan ang mukha sa salamin. mahaba ang aking buhok at parang gusto ko na paputulan.
"kapag umayos ayos na ang pakiramdam mo.. mag aaral kana at mag papahinga sa bahay natin" saad nito kaya naman unti unti akong tumango.
"wala ka ba talagang matandaan sa nangyari hija?" tanong niya kaya naman umiling ako.
ni pangalan ko ay hindi ko alam, hindi ko alam kung sino magulang ko at kung saan ako naka tira.
"okay hija.. wag mong pilitin na makaalala ka dahil makakaalala ka rin" ngumiti ito bago inayos ang benda sa ulo ko.
"lalabas na muna ako at ikaw ay mag pahinga na" saad niya, tumango naman ako bago humiga ulit. iniayos ko ang ulo ko bago tignan ang kisame.
pinikit ko ang mga mata ko upang simulan ulit matulog ngunit hindi na ako makatulog. umupo nalang ulit ako at narinig ko ang pag bukas ng pinto ay nilabas iyon ni jia.
"uy ma'am" saad niya kumaway ako dito at ipinatong niya sa kama ang gamit o kung ano man iyon.
tinignan ko ang damit puti ito na dress bago may isang pin name na naka patanong.
Captain Hael Thaddeus G. Valderama
kaagad akong napapikit sa sakit ng ulo ko, nakita naman iyon ni jia kaya naman inihiga niya muna ako.
"okay ka lang po ba ma'am?" saad niya kaya unti unti akong tumango. kinuha niya muna ang gamit bago ilapag iyon sa isang lamesa at tiniklop ng mabuti.
"sino si hael?" kuryosobg tanong ko ng mabasa ang pangalan kanina. ngumiti lang ito bago kunin ang pin tag.
"bakit kaya mayroon ka non ma'am? ang alam ko ay isang gwapong sundalo yan e" ngumiti pa ito bago tignan ang pangalan.
"mag pahinga kana muna para bukas ay makalabas kana" ngumiti ito saakin bago iniayos ang pwesto ko.
____________________________________________________________