CHAPTER 3
"ang sabi nila kung sino raw ang makabalik sa sundalong anak ng mga valderama ay may pabuya silang tatlong milyon" kwento pa ni wara. napaisip ako sa bawat salita na binabagsak niya saamin ngayon.
baka nga si hael ang tinutukoy nilang sundalo?
naalala ko nung nandoon ako kila ma'am liza may litrato na sundalong kamukhang kamukha ni hael at maski pangalan niya ay pareho din.
tinitigan ko ang plato ko kung saan napapaisip ako sa mga nangyayari naramdam ata ni hael ang pag galaw ko at pag katulala kaya naman lumingon ako sakaniya dahil kinuha niya ang isang basong tubig bago ilapag ito sa harapan ko.
hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sakaniya, napapaisip ako na baka isa nga siyang sundalo at sakupin ang nayon namin, alam kong magagalit at mang hihina si ama kapag nangyari iyon.
"uminom ka muna.. wag mo munang isipin ang sinasabi niya" saad niya at seryoso iyon.
lumingon ako sakaniya bago tumango ngunit hindi ko parin maiwasan isipin iyon. tatlong milyon ay napaka laki at hanggang ngayon daw ay hindi pa natatagpuan ang sundalong iyon.
"salamat" tipid na saad ko bago tumingin sakaniya. tipid lamang niya akong tinignan bago simulan kumain muli.
nag lapag siya ng kung anong ulam sa plato ko bago ko ito kainin, ngumiti lamang ako sakaniya bago simulan muli ang pagkain, alam kong masarap mag luto si hael dahil itong binibigay niyang ulam ay paniguradong luto niya.
"kumain ka ng madami.. upang tumaba ka naman" mahina itong natawa sa sinabi niya bago ko lumingon kay wara at juan na mamamatay na kakatawa.
sinamaan ko sila ng tingin bago kumain na, nakita ko ang mga ngiti sa labi ni hael ng tinignan niya ang kaniyang plato at sinimulan ng kumain.
ilang minuto din kami kumain at natapos na. ang mga kalalakihan at ibang kababaihan dito sa nayon ang mag hugas ng plato bago kami umalis. inaya ako ni hael sa isang daanan na hindi ako pamilyar pero malapit lamang dito sa nayon at sa katabing gubat.
may maliit na bahay na gawa sa salamin at kahoy at sa tapat noon ay may maliit na lawa na pwedeng languyan. inihubad niya ang pang itaas niyang damit bago tumalon sa lawa.
may ilaw din dito at may mga upuan na nakalagay sa harap ng bahay. para na itong mini resort dahil sa ganda ng lugar.
"halika at lumangoy ka rin" inaya niya ako sabay hawak sa kamay ko. umiling lamang ako bago umupo at inilublob ang mga paa doon.
hindi ko maiwasan tignan si hael habang lumalangoy ito. ang katawan niya ay maganda at mukhang nag work out, ang buhok niya ay hindi ganon kahaba at malinis tignan na bagay na bagay sakaniya.
lumangoy ito at nag panic ako ng matagal siyang hindi umahon at sa gulat ay ramdam ko ang kamay niyang pumulupot sa paa ko.
"Hael!" galit kong sigaw dahil sa inaasta niya. ngumiti lamang ito bago tumabi saakin. hinayaan ko na lamang ang basang katawan niyang tumampi saakin.
ngumiti ito bago tignan ang mga bitwin sa langin. masarap din ang ihip ng hangin at masaya ang puso ko ng makasama siya.
"napakaganda" saad ko sabay tingin sa bilog na buwan. maganda ito ay napaka tingkad ng kulay at sa dilim siya lang ang nag sisilbing ilaw sa buong mundo.
"napaka ganda nga" saad nito kaya lumingon ako dito. kaagad itong umiwas ng tingin sabay tingin sa buwan. ngumisi lang ako sakaniya bago isandal ang ulo sa balikat niya.
ramdam kong hindi siya nakagalaw sa pwesto niya dahil sa ginawa ko. hinayaan ko munang mag pahinga sa balikat niya dahil alam kong malapit na itong umalis.
"maraming salamat hael.. sa kaunting araw nating pag sasama ramdam ko na naging parte kana ng buhay ko" ngumiti ako sakaniya bago humarap dito.
naka tingin naman ito saakin bago ko siya patakan ng isang halik. hindi ito naka galaw sa ginawa ko at bago pa man ako makatayo ay kaagad din niya akong hinalikan.
ang bawat haplos ng mga kamay niya sa katawan ko ay nag bibigay init saakin. ang malambot niyang mga labi ay parang uhaw na uhaw saakin, sandali niya akong tinignan bago muli akong halikan.
"mahal ki-" hindi na niya matuloy ang sinabi niya ng tumayo ako dahil sa narinig kong pag sabog.
malakas ito at naririnig ko rin ang tunog ng baril. may helicopter pa pababa saaming nayon at maraming sundalo ang naroon.
"ang nayon!" hiyaw ko bago tumakbo pabalik sa nayon.
ramdam ko ang kamay ni hael na pumipigil saakin na pumunta doon dahil alam niyang delikado. inalis ko ang kamay niya bago humagulgol na tumakbo pabalik. bumagsak ang balikat ko ng makita ang mga tauhan ni ama ay patay na at naliligo na sa sarili nilang dugo.
tumakbo ako papasok ng bahay at nakita ko ang isang sundalo na sinisira ang bawat parte ng bahay namin. may hawak itong baril at napatigil lang para lumabas.
"Salute!" rinig kong saad ng isang lalaking sundalo sa tapat ni hael, sumaludo rin si hael sa mga ito bago mag paputok ulit ng baril.
si hael.. ang isang sundalo na hinahanap ng mga valderama. siya ang isang anak ng general. namuo ang galit sa puso ko dahil sa nangyari.
nakita ko si juan na naka handusay sa harapan niya at duguan, ni hindi niya matulungan at patuloy lang sa pag utos sa mga tauhan niya, si wara naman ay hindi ko makita dahil sa daming namatay.
nanginginig akong tumingin sakaniya habang inaalala ang mga nangyari saamin noon. maayos at masaya ang nayon, pumasada ang tingin ko sa mga sundalo at napatigil naman ako ng makitang nakatingin ang isa saakin.
"ayun pa isa.. patayin niyo yan!" naka tingin ang sundalo sakin bago ako itinuro. kaagad akong napatakbo dahil sa sigaw na iyon.
tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa napahinto ako sa gilid ng bangin dahil wala na akong tatakbuhan pa. rinig ko ang putok ng baril at kaagad itong tumama sa balikat ko.
nanlabo ang mga mata ko at hindi ko na maaninag ang lahat ng nangyari.
_________________________________________________________