Chereads / Under The Same Skies / Chapter 3 - Doc Yves

Chapter 3 - Doc Yves

CHAPTER 1

Isang maliit na tuta ang tumahol sa direksyon ko ngayon. ang mga batang kasing edad ko ay napalingon saakin at kaagad na tumakbo papalayo.

"May diwata!" sigaw nila na ngayon ay tumakbo na papalayo saakin.

"mag kukulam iyan, sa puti at itsura halatang hindi taga dito iyan!" sigaw pa ng iilang kaya naman nag lakad na ako papunta sa bahay nila ma'am liza upang tulungan sila mag linis doon at kunin ang librong pag aaralan ko.

kumatok ako at nakita ko naman ang pag takbo ni ma'am liza at ang kaniyang kapatid na si ate joan, ngumiti ako bago kumaway sakanila.

"Sereia! ngayon ka lang ulit dumalaw saamin ha!" natatawang saad ni ma'am liza bago ako ayain pumasok. ngumiti ako sakaniya bago pumasok din sa bahay nila.

may nakahain na cake doon at nasa isang pinggan na rin at malamig na juice. umupo ako at tumingin sakanila na nakatingin saakin.

"kumain ka ng madami at namamayat kana" ngumiti ako bago tumango, kinuha ko ang tinidor bago simulan kumain.

binaba ni ate joan ang magazine sa lamesa kaya hindi ko maiwasan na tumingin doon. nakita ko ang isang lalaking sundalo na nakatingin sa camera.

"Hael.." nakita ko ang gulat sa mga mata nila ng banggitin ko ang pangalan na iyon. kuryoso ang paningin nilang tumingin saakin.

"oh? kilala mo?" ngumiti ako bago sumubo ulit. tinignan ko ulit ang mukha ng lalaki bago tumingin kay ma'am liza.

"kahawig po niya ang dayo sa nayon" ngumiti ako bago uminom ng tubig. nag katinginan silang dalawa bago tignan ulit ang mukha ng lalaki.

"baka hindi siya yon ate? madaming mag kakahawig sa mundo hindi ba?" tumango silang dalawa bago ilapag ang magazine sa lamesa at pareho nilang ibinaba ang mga libro.

"hindi bat heheram ka nito sereia?" tanong ni ate joan kaya unti unti akong tumango. tinuturuan ako ni ma'am liza kung paano ang tamang pag gamit ng kagamitan sa hospital.

"bagay na bagay sayo maging isang doctor sereia" ngumiti ako bago tumango. maalikabok ang mga aklat kaya naman nilinisan muna nila.

pag tapos ko kumain ay nag hugas na ako at kinuha ang makakapal na libro. may mga papel at ballpen na nakalagay doon kaya naman nag pasalamat ako.

"sa susunod sereia, pag-aaralin kita" kumaway ako kay ma'am liza at ate joan pag kalabas ko ng pinto. kinuha ko lang ang mga libro dahil pag aaralan ko ito.

mabigat at makapal ang isang libro at tatlo itong dala dala ko at may makapal na papel pa at dalawang itim na ballpen.

"let me help you yves" gulat kong tinignan si hael na ngayon ay nakapamaywang at naka sandal sa isang puno.

hindi ako makapaniwala na nandito siya, nakatayo at hinihintay na iabot ko sakaniya ang mga libro. ngumiti lamang ako at umiling, patuloy lang ako sa pag lakad at ramdam ko ang pag hila niya sa mga dala ko.

"akin na.. mabigat" ibinigay niya lang saakin ang flashlight dahil madilim sa gubat ng gantong oras. may mga huni na medyo sanay na ako.

"nag aaral ka?" kuryosong tanong niya saakin kaya naman umiling lang ako. tinignan niya ang libro bago tumango saakin.

"para saan ito?" tanong niya pa. kinuha ko ang papel at ballpen na nakapatong upang makita niya kung anong libro iyon.

"gusto ko mag aral.. gusto ko maging nurse o doctor balang araw" mapait kong sagot, wala na saamin nag salita pa hanggang sa makauwi na kami sa nayon.

iniabot niya ang tatlong libro kaya naman tumango lang ako at tumalikod na para maitago kay ama dahil alam kong magagalit ito kapag nalaman niyang nag aaral ako ng medisina.

"lumabas kana dyan sereia at kakain na" saad ni ama kaya kaagad kong tinago ang mga libro sa ilalim ng mesa bago ayusin ang sarili at lumabas.

nakita ko ang tingin ni Hael saakin ng lumabas ako. tipid ko itong nginitian bago lumabas ng bahay. kinuha ko ang plato at kumain na.

"eat this.. i cooked that" saad nito sabay lapag ng kung ano sa plato ko.

napatigil ang lahat dahil sa ginawa niya. lumingon si ama saamin kaya napaiwas ako ng kaunti kay hael dahil nasa harapan namin si ama.

"salamat" tipid kong saad bago kumain. tinikman ko ang ulam na inilapag niya sa plato ko at masarap nga iyon. ano kayang trabaho niya doon sakanila?

nang matapos na ay pumasok na ako sa kwarto ko bago ko ilock ang pinto at isarado ang bintana. ang isang libro ay binuklat ko bago simulan pag aralan.

kinakabisado ko ang parts of the body at ang mga organs. pinag aaralan ko rin ang iba pa about sa surgeries bago isulat iyon sa isang papel.

kaagad kong tinago ang libro at mga papel sa ilalim ng kama ng may kumatok. binuksan ko ito at nilabasan ito ni hael, nakatayo ito sa tapat ng pinto bago tumingin saakin.

"umalis ang ama mo at ipag patuloy mo lang ang iyong pag aaral." bumusangot ako dahil sa sinabi niya bago ilabas ang libro ay binuklat iyon.

"maganda pala ang iyong sulat" saad niya kaya tinakpan ko iyon sa hiya. nakita niya ang pag kahiya ko kaya mas lalo niya pa kong inasar.

"doctor talaga ang future mo" bulong niya sa tenga ko bago tumawa ng kaunti. sinamaan ko ito ng tingin sabay hawi sakaniya.

tumawa lang ito bago itaas ang dalawang kamay niya na waring susuko na. napairap ako bago ituloy ang pag susulat.

"kaya mo yan doc yves.." bulong niya samay tenga ko. hindi ko maiwasan makiliti dahil sa kung anong meron.

tumayo ito bago hawakan ang buhok ko at isinarado ang pinto. inayos ko ang buhok ko bago mag sulat muli, sumimangot ako dahil sa sinabi niyang pang doctor ang sulat ko.

tumingin ako sa pinto ng makitang nakasarado na ito. hindi ko maiwasan isipin ang mga galaw niya saakin, alam kong balang ara ay uuwi na siya sakanila upang makita ang pamilya niya kapag naka alala na siya.

" The art of medicine consists of amusing the patient while nature cures the disease." - Voltaire

________________________________________________________