PROLOGUE
I used to sway my long white dress, tumakbo ako sa gitna ng gubat habang ang aking mahabang buhok ay hinahangin kaya naman kaagad ko itong inipit sa likod ng aking tenga at sinimulang tumakbo pa, ramdam ko ang sakit ng tumapak ako sa mga bato upang silipin ang mga bata na kasing edad ko sa bayan.
"hoy! taya kana mae" dinig kong saad ng isang batang babae habang tumatakbo papalayo at hinabol naman ito ng kasama.
Ganito nalang ang buhay ko kapag pumupunta ako sa gupat, sisilipin ang mga bata sa bayan na kasing edad ko at hihilingin na sana maging normal na bata lang din ako.
"mommy! mommy! I want barbie" mataray ang boses ng babae habang tinuturo ang malaking manika na nasa taas. tumango ang ina niya bago ito bilhin.
humakbang ako palabas ng gupat at nakita ko ang gulat at pag hiyaw ng mga bata. kunot naman akong tignan ng mga tao na waring may kakaiba saakin.
"Asawang!" tinulak ako ng isang matanda kaya napaupo ako. kunot ko silang tinignan dahil na lilito ako sa inasal nila.
tumayo ako at tumakbo papalayo. nang makalayo layo na ay tinignan ko ang isang manika at bago ito hawakan, inis naman akong tinignan ng isang babae kaya napabitaw ako dito.
"magnakakaw! magnanakaw!" hiyaw pa nito kaya naman napatakbo ako. hinawakan ko ang ibaba ng damit ko bago ko tumakbo papasok ng gubat upang mag tago.
hingal akong bumalik sa nayon ng makita ako ni ama. nanliliksik ang mga mata nito ng lumingon ako kaya naman napalunok ako ng maayos.
"hari! may bago ho tayong kasapi!" rinig kong saan ni antonio habang hingal na tumatakbo papunta sa pwesto ni ama.
"may isang lalaki na nawalan ng malay na ngayon ay ginagamot ni juan" kaagad naman akong napalingon kay juan na ngayon ay naka upo at ginagamot nga ang lalaki.
wala sa sarili akong tumakbo upang makita ang lalaki. nakahiga ito at puro sugat ang mukha at katawan, napansin ni juan ang titig ko rito kaya naman kaagad akong nag iwas ng tingin.
"Marunong ka ba nito Sereia?" bulong ni Juan habang tinatahi ang bawat sugat ng lalaki. malaki at mukhang masakit ito kaya naman umiling nalang ako.
gusto ko mag aral sa kursong medisina kung papayagan ako ni ama ngunit alam kong hanggang sa pangarap nalang iyon dahil iba ang gusto ni ama para saakin.
"Juan, saan niyo ba siya natagpuan?" kuryosong tanong ko habang tinitignan ang mukha ng lalaki.
"dyan samay gubat, puno ng sugat at waring mamamatay na" kaagad dumapo ang palad ko sa balikat niya upang hampasin siya.
masama mag sabi ng ganon dahil ang tao dapat mabuhay dahil alam kong may gusto pa itong ipag laban at gustong marating sa buhay.
"aray naman" sumimangot ako habang tinitignan ang lalaki na naka higa ngayon. makisig ang pangangatawan at waring sabak na sabak na sa gyera.
"ikaw ba ay nahuhumaling na dito sa ginoo?" tanong ni juan ng makitang nakatingin nanaman ako dito, kaagad akong umiling dahil sa sinabi niya.
"sikreto lang natin iyan sereia"hagikgik na saan ni Juan kaya sinamaan ko ito ng tingin bago tumayo at tumakbo papasok ng aming tahanan.
alam kong bukas ay hindi na mapirmi ang boses ni Juan nyan dahil sa inasal ko kanina, totoo naman e makisig ang katawan niya kahit mayroon siyang sugat, ang mukha niya ay gwapo na parang may nobyang nag hihintay na umuwi siya.
"anong iniisip mo diyan?" si ama ngayon ang nag tanong, umiling ako sakaniya bago lumingon sa bintana ng aking kwarto.
malalim na rin ang gabi kaya isinarado ko na ito at pumuntang palikuran upang maligo na at nag bihis.
"hari! ang dayo ay nagising na!" rinig ko ng makalabas ako, tumakbo ako sa kwarto ko upang mag ayos at isuklay ang mahaba kong buhok.
nakita ko na ang tingin ni Juan na manunukso dahil sa inasal ko ngayon. alam niyang hindi ako pala ayos kapag gabi ngunit ngumisi ito ng makita akong naka ayos ngayon.
"may isang dalaga nanaman na mahuhumaling sayo" ngumisi si Juan bago akbayan ang dayo.
lumingon ang dayo saakin ng makita ako, napatigil ako sa pag lalakad ng maramdaman ko ito, ang kaniyang mga mata ay kulay asul na waring nag hihimagsik sa isang laban at ang kaniyang kutis ay malinis at napaka puti, matangos ang ilong at ang kaniyang kilay ay kunot at mukhang suplado at ang kaniyang katawan ay napaka matikas.
"Who are you?" tanong niya saakin na nag patigil saakin na tumingin sakaniya. parang may namuong plema sa lalamunan ko at hindi kaagad ako makapag salita.
"Sereia Yves" nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya at tinignan lamang niya ito bago lumingon sa paligid.
"Nasaan ako?" kunot noo niya akong tinignan dahil naka lahad parin ang kamay ko sa harapan niya, nahihiya kong binawi ito bago sumagot.
"sa nayon namin, wala ka raw malay ng natagpuan ka at si Juan ang nag pagaling at gumamot sayo" direstyong sabi ko, tumango tango ito bago hawakan ang ulo niya.
"sino ako?" saad niya pa habang tintignan ako, may maliit na bagay na ibinigay saakin si Juan bago ko ito tignan.
Captain Hael Thaddeus G. Valderama
"Hael.." napatigil ako at dahan dahan lumunok ng mag bago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Hael ang iyong pangalan" saad ko bago itago sa bulsa ang pangalan na iyon bago tumingin kay juan na ngayon ay naka ngisi.
"maiwan ko muna kayo at mag hahain lang kami" saad niya bago ngumiti saakin, tinanguan ko naman ito bago umupo sa bakanteng upuan.
"ayos na ba ang pakiramdam mo?" pag aalala ang tono ko na ibinigay ko sakaniya kaya naman napatango siya.
nakatitig ang lalaki saakin habang ako naman ay todo iwas sa tingin niya. ngumiti ako dito bago tumayo at tinignan ang mga sugat sa katawan niya.
"ito oh.. isuot mo muna" saad ko bago ibigay sakaniya ang isang damit ni Juan na ngayon ay nasa kamay ko na.
hindi niya maitaas ang kamay niya kaya naman lumapit ako at tinulungan siya. napaiwas lang ako ng mag dikit na ang balat naming dalawa.
"thank you yves.." ngumiti ako bago tumango
_________________________________________________________