Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Muling natahimik si Milo, pakiramdam niya ay isa na naman iyon sa batong pinapasan niya. Nadagdagan na naman ang mga buhay na nawala, subalit ano ba ang magagawa niya? Wala pa siyang gaanong kakayahan at isa lang ang magagawa niya ngayon, ang bigyan ng hustisya ang kanilang mga kamatay*n.

Matapos mag-almusal ay nanatili sila sa malawak na likod bahay ni Aling Lorna para doon mag-ensayo. Mabilis na dumaan ang oras na iginugol nila sa paghahanda. Kinahapunan ay sinimulan na nilang tahakin ang landas patungo sa paanan ng bundok. May kalayuan ito sa bayan kaya naman bago nila marating ang paanan ay halos papalubog na ang araw.

Mula sa paanan ay tinanaw ni Milo ang masukal na kagubatang minsan na niyang nakita sa kaniyang panaginip. Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras at nagsimula na silang tahakin ang landas paakyat ng bundok.

Hindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay kapansin-pansin ang kakaibang kadilimang bumabalot sa kagubatang iyon. Dahan-dahan na ding binabalot ng makapal na hamog ang buong paligid dahilan para magsindi na sila ng sulo upang maging tanglaw nila sa gubat na iyon. Sa paglalim pa ng gabi ay nagsimula na silang makarinig ng mga kakaibang ingay sa paligid.

May mga iyak na silang naririnig na hindi nila mawari kung anong hayop ang may kagagawan. Ang hamog ay mas lalong kumapal at pahirapan na sa kanila ang pagsipat ng kanilang daraanan.

"Mula dito, malapit na tayo sa bukana ng kanilang pugad. Mag-iingat tayo dahil ang iba sa kanila ay may matalas na pang-amoy." Wika ni Milo. Bigla niyang naalala ang isang babaeng kubot na siyang nakaamoy sa kaniya nang minsan siyang makapunta roon. Kamalayan lamang niya ang nandoon subalit nakapagtatakang naamoy siya nito.

"Marahil, mataas na uri ito ng kubot. Kadalasan talaga sa kanila ay matatalas ang pang-amoy at pakiramdam. Hindi naman sila mahirap paslangin dahil tulad ng ibang uri ng mga aswang, namamatay rin sila sa sugat na gawa ng buntot-pagi, asin at iba pang sandatang pangontra sa mga aswang, ang mahirap lamang ay kung paano mo ito gagawin," ani Tandang Polon.

Kasalukuyan na silang nagpapahinga sa isang malaking puno, lumitaw na rin si Karim at ang diwata ng hangin. Nagsimula na ding umikot ang mga lambana na lumabas sa maliit na uka sa punong kanilang pinapahingahan. Pinat*y na rin nila ang mga sulong gamit nila upang maiwasan nila na makita agad sila ng kanilang mga kalaban.

Sa kanilang pananatili roon ay nagsimula na silang makarinig ng mga pag-aangil, hudyat na nagsisimula nang magbago ng anyo ang kanilang mga kalaban. Dahil dito ay naghiwa-hiwalay na sila at pinaikotan ang kabuuan ng pugad ng mga kubot habang nag-iiwan ng mga pangontra sa bwat sulok nito upang masigurado nilang walang makakalabas na kahit isang nilalang roon.

Nang mailagay na nilang lahat ang mga pangontra ay nagsimula nang sumayaw si Maya na noo'y nasa isang parte ng gubat na hindi abot ng presensya g mga kalaban nila. Ito ang naatasan ni Tandang Polon na kokompleto sa ritwal upang maitaas ang harang sa lugar.

Kitang-kita ni Milo ang isang manipis na liwanag na unti-unting nabubuo papaikot sa parte ng gubat na kinaroroonan nila.

"Matagumpay nang naisasagawa ni Maya ang kaniyang parte, Milo, Simon, siguraduhin niyong walang matitira sa kanila." turan ni Tandang Polon habang nakaupo sa gitna ng isang bilog. May mga simbolong nakaukit roon na dahan-dahan nang nagliliwanag matapos magsimulang mag-usal ng matanda.

Nagkatinginan naman si Milo at Simon bago tinanguan ang isa't-isa. Sabay na hinugot nila ang kani-kanilang mga sandata bago pinasok nang tuluyan ang pugad ng kanilang mga kalaban.

Sa kanilang pagpasok roon, ang kasukalan na kaninang nasisilayan nila ay biglang napalitan ng pat*y na kagubatan. Tigang ang lupa, tuyo at walang buhay ang mga punong-kahoy. Kapansin-pansin ang pagkatuyo ng lupa sa bawat hakbang nila. Animo'y naglalakad sila sa malapad na bato.

Nang masipat nila ang kinalalagakan ng mga kubo ay agad nilang nakita ang mga babaeng tila hindi mapakali na nasa labas. Nakatingala ang mga ito at paikot-ikot na animo'y may hinahanap. Panay din ang pag-angil ng mga ito kasabay ng paulit-ulit na pag-uusal sa hangin.

Ramdam na ramdam ni Milo ang mga usal ng mga ito, nagsisitayuan ang mga balahibo niya sa katawan habang tila ba may nag-uudyok sa kaniya na tumakbo na papalayo. Gayunpaman ay nilakasan niya ang kaniyang loob at hinigpitan na lamang ang pagkakahawak niya sa kaniyang tabak.

Mayamaya pa ay nagsimula na silang magpalipad-hangin at mag-usal ng pang poder at bakod sa kani-kanilang mga katawan.

Muli nilang isinilid ang kanilang mga sandata sa taguban nito matapos itong ihipan ng sabulag na siyang maagkukubli sa gamit nilang iyon.

"Handa ka na ba?" Tanong ni Simon qt napatango naman si Milo. Tumayo sila mula sa kanilang pinagtataguan at nag-aktong nawawalang mga magsasaka.

"Magandang gabi, paumanhin sa inyo pero nawawala kasi kami. Maari ba kaming magpalipas ng gabi rito? Hindi na kasi namin makita ang daan pababa dahil sa kapal ng hamog." Paunang bati at wika ni Simon habang naglalakad papalapit sa mga kababaihan.

Marahas na napalingon ang mga ito at alertong sinipat silang dalawa. Nang mapagtanto ng mga ito na mga simpleng magsasaka lamang sila ay isang matamis na ngiti ang iginawad ng mga babae sa kanila.

"Ganoon ba? Kawawa naman pala kayo, bukas naman ang aming munting baryo para patuluyin kayo." Saad ng isang babaeng agad na namukhaan ni Milo. Ito yung babaeng nakita niya sa kaniyang panaginip, ang babaeng may malakas na pang-amoy.

"Talaga ba? Salamat naman kung gano'n. Kayo lang ba ang nakatira rito? Wala kayong mga lalaki?" Pasimpleng tanong ni Milo.

Malungkot na umiling ang isang babae habang ang iba naman ay natawa.

"Mga lalaki? Puro kami mga babae rito." Natatawamg sagot ng isang babae. Nag-akto silang nagulat at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga ito.

Pasimpleng tumingala si Simon at nakita niyang kompleto na ang harang na ginagawa ni Tandang Polon at Maya. Palihim niyang kinalabit si Milo na dagli naman naintindihan ng binata.

"Hindi ba kayo natatakot rito? Puro kayo babae at may mga napapabalitang mga aswang sa gubat na ito. Paano kung umatake ang mga iyon? Ano naman ang magiging laban niyo sa mga ganoong nilalang." Patuloy na wika ni Milo.

"Aswang? Walang aswang dito. Gawa-gawa lamang iyon ng mga matatanda para matakot ang mga bata." Tugon pa ng isang babae. Pansin na pansin ni Milo ang kakaibang kilos ng mga ito. Nagsisimula na ring magsihabaan ang mga buhok ng mga ito, iyong habang hindi normal.

Nararamdaman na din nila ang mga buhok na palihim na gumagapang sa lupa. Nagkatinginan si Simon at Milo, bago pa man sila mahuli ng mga buhok na iyon ay mabilis na silang nakatalon papalayo sa kanilang kinaroroonan.

Gulat na gulat ang mga babae nang makita ang mabilis na apg-ilag nilang dalawa. Segundo lamang ang lumipas ay nagbago na ang mga kaanyuan ng mga babaeng nasa harapan nila. Ang kanilang magaganda at maayos na mukha ay biglang napalitan ng kapangi-pangilabot na itsura. Namumula ang mga nanlilisik na mga mata habang ang mukha ay tila ba napuno ng kulubot na tila mga kaliskis na hindi nila mawari.

"Sino kayo? Hindi kayo magsasaka lang?" Umaangil na tanong ng nilalang.

Napangisi naman si Simon at mabilis na inialis ng sabulag sa kaniyang balaraw. "Tama ka, hindi kami magsasaka. Dahil kami ang tatapos sa kasamaan niyo," saad niya at inatake ng taga ang unang kubot na malapit sa kaniya.

Dali-daling ibinaba na din ni Milo ang sabulag sa kanyang tabak at binigyan ng proteksyon si Simon laban sa mga kubot na maaring makisalo sa laban nito.

Nagbuno si Simo at ang kubot. Naging dikit ang laban at halos nasasabayan ng nilalang ang angking bilis at liksi ni Simon. Pahirapan din sa pagbibigay ng sugat rito dahil na din sa buhok nitong nagsisilbing depensa at opensa ng nilalang.

Patuloy lang silang nakipaglaban sa mga nilalang kahit pa degado sila sa dami ay hindi nila iyon ininda. Parwhong mabilis at maliksi si Simon at Milo kaya naman matagumpay nilang naiilagan at nasasangga ang mga pag-atake ng mga kalaban sa kanila.

"Pangahas kayong mga tao, nagawa pa talaga ninyong magpunta sa pugad namin. Puwes, hindi na kayo makakalabas ng buhay rito." Tumatawang wika ng kubot.

"Tingnan natin kung sino ang hindi makakalabas ng buhay rito. Hindi kami t*nga para pumunta rito nang hindi handa." Pasugaw na turan ni Milo at malakas na inihampas ang talim ng kaniyang tabak sa kubot na malapit sa kaniya. Matagumpay na natamaan ang balikat nito na siyang ikinaputok ng buong braso ng nilalang.

Umalingawnhaw ang sigaw nito dahil sa sakit na siya naman ikinabulabog ng mga uwak na tila ba nasisiyahan sa nagaganap na labanan. Hindi na nag-aksaya ng oras si Milo, hindi pa man din nakakabawi ang kaniyang katunggali ay mabilis niyang inundayan ulit ng taga ito. Sa pagkakataon iyon ay mismong ang ulo na ng nilalang ang kaniyang pinuponterya.

Matagumpay niyang naihiwalay ang ulo nito sa katawan ng nilalang. Habol-habol ni Milo ang hininga habang pinapanood na magpagulong-gulong ang ulo ng kubot sa lupa bago ito tuluyang naabo.

"Merkana!!!" Tawag na sigaw ng isa pang kubot nang makita ang nangyari sa kauri nito. Nagmistulang baliw ito sa pagtakbo upang atakihin si Milo. Akmang sasakmalin na ng nilalang ang binata ay nabigla sila nang biglang tumilapon ang nilalang.

Isang dambuhalang aso na may kulay abong balahibo ang siyang bumuwal dito. Nagpagulong-gulong sila sa lupa habang hindi ito tinatantanan ng nilalang na lapain.

"Alerto Milo, hindi pa tapos ang laban. Ipaubaya mo na ang isang iyon kay Maya. " Sigaw ni Simon na ikinagulat naman ni Milo.

Muli siyang napatingin sa aso at sa kubot na naglalaban, hindi siya makapaniwalang si Maya ang dambuhalang asong iyon. Gayunpaman ay muli niyang pinulot sa lupa ang kaniyang tabak at ipinagpatuloy ang kanilang laban.

Nabalot ng sigawan at angio ang buong kagubatan. Ilang oras din ang itinagal ng labanan na maging si Tandang Polon ay napilitan na ring makisali dahil na din sa dami ng mga kubot na naroroon.

Madaling araw na nang tuluyan nilang maibalik ang katahimikan sa kagubatang iyon. Lahat ng kubo ay kanilang sinira at mabilis na sinilaban upang matupok na ito nang tuluyan.

Nag-alay sila ng dasal para sa mga namayapang nilalang at para na din sa mga taong naging biktima ng mga ito. Dahil sa napuno ng salot ang parteng iyon ng kagubatan ay napilitan silang magsagawa ng orasyon upang manumbalik ang buhay roon.

Gamit ang nagliliyab na apoy nag-ukit si Maya at Simon ng mga simbolo bilang pagtawag sa mga nagtatagong engkantong gubat na malapit roon.

Dahil sa kanilang dugong babaylan ay mabilis na tinugon ng mga nilalang ang kanilang pagtawag. Dahan-dahan nilang binuhay ang p*tay na gubat dahil sa pamiminsala ng mga kubot sa lugar na iyon.

Napatulala na lamang si Milo habang pinagmamasdan ang dating tigang na lupa ay muling tinubuan ng mga damo at panaka-nakang mga bulaklak. Ang mga tuyot at tila pat*y na puno ay nakitaan niya ng pag-usbong ng mga dahon.

Ilang sandali pa ay nanumbalik ang dating ganda at yabing ng kagubatang iyon. Napasalampak naman si Maya sa lupa habang nananatiling nakatayo si Simon sa tabi nito.

"Ayos ka lang ba Maya?" Tanong ni Milo nang makita ang tila panghihina ng dalaga.

"Natural na manghina si Maya dahil dalawamg malalakas na ritwal ang kaniyang ginawa ngayong gabi. Ako man ay nawawalan na din ng lakas." Sambit naman ni Simon.

"O' siya bumaba na tayo para makapagpahinga na, tapos na ang misyon natin. Maraming salamat sa inyong tatlo. Kung hindi dahil sa tulong niyo ay matagal pang makukulonh sa takot ang bayan ng Isidro." Emosyonal na wika ni Tandang Poldo.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, mabilis na pinasan ni Milo si Maya upang mabilis na silang makababa ng bundok. Hindi naman umangal ang dalaga dahil wala na din itong lakas na makipagtalo pa. Agad itong nahimbing nang sumandal sa likod ng binata ang kanyang pagod na katawan.