Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

"Bakit naman sa gabi, Tandang Polon?" tanong ni Milo habang inililigpit ang mga kalat sa lupa. 

"Dahil iyon ang mas mainam na oras. O' siya maghanda na kayo. Simon alam niyo na ang gagawin. Magkita na lamang tayo rito mamayang ala-sais." wika pa ni Tandang Polon.

Matapos ang usapana ay agad na silang nagpahinga pansamantala. Nakita ni Milo na nakaupo lang si Simon at nagdadasal sa kaniyang higaan. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang bahagyang bumubuka-buka ang bibig habang mabilis na nag-uusal ng mga salitang hindi naman naririnig ni Milo.

"Hindi ka pa ba maghahanda, Milo?" Nagulat pa si Milo nang biglang magsalita si Karim sa kaniyang tabi. 

"Ikaw pala Karim. Nagtataka kasi ako, bakit gabi kami aatake, hindi ba't mas mainam kung sa umaga dahil walang laban ang mga aswang sa umaga at hindi na tayo mahihirapan?" tanong ni Milo na ikinatawa naman ni Karim.

"Oo mahina sila, pero mahihirapan ka ring makita sila. Hindi basta-basta nagpapakita ang mga kubot sa umaga. Hindi mo sila makikita sa kanilang pugad dahil nasa paligid lang sila, malayang nakikihalubilo sa mga normal na tao at mahirap malaman kung sino ang sino." Paliwanag naman ni Karim.

Napatahimik naman si Milo at muling sinipat si Simon na nagdarasal. Nagsimula na din siyang magdasal, ngunit sa pagkakataong iyong iyon at tila pwersahang hinatak ang kamalayan niya patungo sa isang 'di pamilyar na lugar. Napakasukal ng kagubatang iyon na tila nakalagak sa isang parte ng mundo na binabalot ng kadiliman. Walang liwanag na pumapasok sa mayayabong na dahon ng mga kapunuan.

Nang ilibot niya ang kaniyang paningin ay doon niya napansin ang mga sira-sirang kubo na nakatayo paikot sa isa pang kubo na higit na mas malaki sa nakararami. Nagtataka man ay tahimik niyang pinagmasdan ang buong paligid. 

Nasaan ba siya? Anong lugar ito? Bakit siya naroroon?

Ito ang mga katanungan naglalro ngayon sa isipan ni Milo, subalit kahit anong gawin niyang isip ay wala siyang kasagutan na nakukuha.

"May mga namatay na naman tayong kasamahan? Sino ang may gawa? Ang mga taong bayan? Imposible, takot na silang lumabas sa gabi. Paniguradong may nakapasok na mga antinggero sa bayan. Tugisin niyo sila at dalhin sa akin."

Mayamaya pa ay isang nakakatakot na boses ang narinig ni Milo. Umaalingawngaw ito sa buong kagubatan na animo'y napakalaki nitong tao o sadyang tahimik lang talaga nang araw nang gabing iyon.

Tahimik na lumapit siya sa kubo na nasa gitna at doon niya nakita ang nagtitipon mga kababaihan na puro sabog-sabog ang buhok. Sa gitna nila ay may tatlong lalaki ang nakahiga. Nakapulupot sa mga ito ang kanilang mga buhok at umuungol ang mga lalaking iyon na tila ba nasasaktan.

Doon napagtanto ni Milo na naroroon siya sa ugad ng mga Kubot. Akmang aatras siya ay may narinig siyang yabag na nagmumula sa kaniyang likuran. Tatakbo na sana siya nang mapagtanto niyang hindi siya nakikita ng mga ito. Pigil niya ang hininga habang dahan-dahang naglalakad patungo sa deriksyon niya ang dalawang babae. Maamo ang mga mukha nito ngunit alam niyang isa lamang iyon sa mga balat-kayo nito. 

Nang saktong nasa harap na niya ang mga ito ay bigla namang napatigil ang isang babae at inamoy ang hangin.

"Bakit Agnes?" Narinig niyang tanong ng kasama nito.

"Hindi mo ba naaamoy ang mabangong iyon. Parang may ibang tao rito." Tugon ng babae. Tumahip sa kaba ang puso ni Milo nang marinig ang tugon nito. Alam ng babae na naroroon siya? Naamoy siya nito!

Walang pagdadalwang-isip na dahan-dahang umatras si Milo sa mga ito nang magsimula na rin amuyin ng isa pang babae ang hangin.

"Wala naman akong naaamoy, baka ang mga bagong huli ang naaamoy mo. Tara na baka maubusan pa tayo." Pag-aaya nito. Nakahinga naman ng maluwag si Milo nang makita niyang pumasok na sa kubo ang mga babaeng iyon. Hindi makapaniwala si Milo sa panaginip niya ay makikita niya ang pugad ng kanilang mga kalaban. 

Muli niyang inikot ang lugar bago tuluyang naglakad pababa ng bundok. KUng totoo ngang iyon ang pugad ng mga kubot, kailangan niyang kabisaduhin ang daan patungo roon upang hindi na sila mahirapan bukas ng gabi. Nang tuluyan na niyang mababa ang bundok ay may nakita naman siyang isang matipunong lalaki ang matiyagang naghihintay sa paanan ng bundok.

Hindi ito pamilyar sa kaniya at mukhang hindi rin ito taga-bayan. Naupo ito sa lupa habang ang likod nito ay nakasandal sa isang malaking puno. Nakapikit din ang mga mata nito. Kakaiba ang awrang nararamdaman niya na nagmumula sa binatang iyon. Para bang pinapaikotan ito ng isang kakatuwang liwanag na nagbibigay takot sa mga nilalang na lapitan ito.

Dahil alam naman ni Milo na hindi siya makikita ng kahit sino ay hindi na lamang niya ito pinansin. Akmang lalagpasan na niya ang binata ay narinig niya itong magsalita sa kaniya.

"Kamusta ang pamamasyal Milo?" tanong ng binata na nagpahinto kay Milo. NIlingon niya ito at nagtama ang kanilang mga mata. Nakangiti ito sa kaniya at napansin niya ang kulay ginto nitong mga mata, tila ba nagliliwanag iyon sa ilalim ng buwan.

"Sino ka?" Tanong ni Milo na may pagtataka sa kaniyang isipan.

"Ako si Bulan, dyosa ng buwan." simpleng tugon nito habang nakatingala sa buwan.

"Dyosa? Eh bakit lalaki ka?" muling tanong ni Milo, pakiramdam niya ay pinagloloko na siya maging ng kaniyang isipan.

"Bakit mas nais mo bang makita ang aking anyong babae? Kahit kailan ay napakainosente mo Milo. Ang mga diwatang katulad namin ay kayang baguhan ang aming mga kaanyuan. Maari kaming maging babae, lalaki, matanda o isang bata kung nanaisin namin." Malumanay na paliwanag nito habang paisa-isang binabago ang anyo niya sa kaniyang mga binanggit.

Nanlalaki ang mga mata ni Milo habang ginagawa iyon ng diwata. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga nakikita. Kung hindi lamang siya nakakaraamdam ng kapanatagan rito ay malamang nagtatakbo na siya sa sobrang takot.

"Bakit ka nandito, may kailangan ka ba sa akin?" Tanong niya, pilit niyang nilalabanan ang takot sa kaniyang dibdib. Hindi siya maaring masindak rito. 

"Wala naman, nais lamang kitang masilayan at masiguradong makakabalik ka ng ligtas sa iyong katawang lupa. Humayo ka na Milo, nag-aalala na sa iyo ang mga kasama mo." Malumanay na wika ni Bulan na ngayon ay nasa anyo ng isang napakagandang dalaga. Marahan siyang hinawakan ni Bulan sa kaniyang dibdib at naramdaman niya ang mainit nitong mga palad.

Napatulala siya sa napakaamong mukha nito bago niya naramdaman ang malakas nitong pagtulak sa kaniya na ikinatumba niya. Pakiramdam niya ay nahulog siya sa napakalalim na bangin, napasigaw pa siya habang pilit na sinusubukang abutin ang mga baging na kaniyang nasisipat.

Isang malakas na pagkahulog ang nangyari sa kaniya subalit nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang sarili niya sa sahig ng bahay ni Aling Lorna. Nakatingin sa kaniya sina Maya, Simon at Tandang Polon nang may pag-aalala. Napabaikwas siya nang bagon at inilibot ang kaniyang mga mata. Wala na ang diwata at wala na siya sa gubat.

"Anong nangyari?" tanong niya habang bumabangon.

"Kami nga ang dapat na magtanong sayo niyan, ano ba ang nangyayari sayo, bigla-bigla ka na lang sumisigaw na parang mamamat*y ka na." wika pa ni Maya, nakakunot ang noo nito at napansin ni Milo ang tila pagkakahawig ng dalaga sa wangis ni Bulan.

"May nakita akong diwata, ang sabi niya Bulan ang pangalan niya tapos tinulak niya ako, para akong nahuhulog sa bangin kaya sumigaw ako. Akala ko talaga mamamat*y na ako." paliwanag niya at nagkatinginan naman ang magkapatid.

"Ano oa ang nakita mo noy, bukod sa diwata ng buwan?" biglang tanong ni Tandang Polon.

"Tama, nakita ko din ang kinaroroonan ng pugad ng mga kubot. hindi ko alam kung tama ba iyon dahil parang panaginip lang ang lahat. Pero malakas ang kutob ko na iyon nga ang lugar. Sa panaginip ko nakita kong may tatlong lalaki silang biktima na nasa kubo nila." wika ni Milo. Napatango naman si Tandang Polon at tumingin sa magkapatid.

"Mukhang sa kaniya pinadaan ang mga hiningi nating sagot." Natatawa pang wika ng matanda. "O'siya, maghanda na kayo, mag-almusal na tayo." Dagdag pa nito bago nilisan ang kanilang silid.

Matapos nilang linisin ang kanilang mga sarili ay tinungo na nila ang tindahan ni aling Lorna. Pagdating nila ay nakahain na ang kanilang almusal. Nilagang saging at kamote at kape ang naroroon. May kanin din at tuyo at saka pritong itlog. 

"Mga bata, mag-almusal na muna kayo para may mga lakas kayo. Huwag na kayong mahiya, konting bagay lamang ito kumpara sa tulong na binibigay niyo sa aming bayan." Tawag ni Aling Lorna, mabilis silang naupo at nagsimula nang kumain.

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain ay may mga taong biglang nagtakbuhan patungo sa bukana, isang lalaki naman ang agad na napahinto ng ginang para tanungin kung ano ang nangyayari.

"Naku, tatlong bangkay na naman ang nakita sa paanan ng bundok, isa sa bangkay raw ay asawa ni Marie. Nagkakagulo ngayon ang mga tao roon." sagot ng lalaki. Natigilan naman sa pagkain si Milo at saka napatingin sa kaniyang mga kasama.

"Ibig sabihin hindi talaga isang panaginip iyon?" Gulat na tanong ni Milo. Umiling naman si Simon.

"Hindi iyon isang panaginip. Naglakbay ang kamalayan mo upang maituro sa iyo ang eksaktong lugar ng pugad nila. Wala ka nang magagawa sa mga taong nawala nang gabing iyon Milo. Huwag mo itong damdaming masyado. Wala ka rin namang magagawa dahil kaluluwa mo lamang ang nandoon,"