Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

Matapos maglaho ang mga nilalang ay naglibot naman si Milo upang tingnan kung meron pang pinsala ang gubat dahil sa dumaang bagyo kagabi. Nang mapagtanto niyang wala na ay bumalik na siya sa bahay at naabutan niyang gising na rin si Maya at Simon. 

Nakatayo ang mga ito sa harapan ng bahay at nakatanaw sa kabuuan ng gubat. May pag-aalalang namumutawi sa kanilang mukha na agad din naman napansin ni Milo.

"May problema ba?" Agad na tanong niya paglapit niya sa mga ito.

"Kailangan natin bumaba sa bundok, mayroong bumulong sa amin na nasa panganib ang baryo ninyo." Tugon ni Simon.

Bigla naman nilukob ng kaba si Milo at mabilis na nag-impake ng kaniyang mga dala. Agaran din nilang tinahak ang daan pababa sa bundok, dahil umulan kagabi, maputik at madulas ang daan pababa. Hindi naman nila ito ininda dahil mas nakatuon ang pansin nila sa kagustuhan nilang makarating ng mas mabilis sa baryo.

"Maya, Simon, gamitin na ninyo ang lagusan na nakakonekta sa balete sa bahay ni Lolo Ador. Ako na ang bahala kay Milo." Nagulat pa si Milo sa biglaang pagsulpot ng tikbalang sa tabi niya.

Nagkatinginan naman ng magkapatid at napatango. Agad silang naghanap ng puno at doon nag-ukit ng simbolo, matapos ay sabay na nag-usal ang magkapatid. Hindi na nalaman ni Milo ang mga sumunod na nangyari dahil bigla na siyang pinasan ng tikbalang .

Napakapit na lamang si Milo sa mahabang buhok ng nilalang nang bigla itong tumalon ng pagkataas-taas. Impit na napasigaw si Milo sa bawat paghampas ng ng mga sanga sa kaniyang pagmumukha. Napakataas na ng kinaroroonan nila at halos maabot na nila ang kalangitan.

Napanganga na lamang si Milo nang masilayan ang napakagandang tanawin mg kabuuan ng kalupaan. Ngunit saglit lamang iyon dahil ang manghang nararamdaman niya ay biglang napalitan ng sindak nang mabilis silang bumulusok sa lupa.

Pakiramdam ni Milo ay babaliktad ang kaniyang sikmura dahil sa bilis ng kanilang pagbaba. Napayakap na lamang siya ng mahigpit sa leeg ng tikbalang sa takot na baka makabitaw siya at maunang mahulog.

Paglapag nila sa lupa ay halos himatayin si Milo sa sobrang takot. Akala niya ay katapusan na niya nang pagkakataong iyon.

"Nanginginig ka Milo." Wika ng tikbalang na animo'y natatawa kasabay ng mahinang paghalinghing nito.

"Sino'ng hindi manginginig? Hindi mo man lang ako inabisuhan na tatalon ka ng ganoon kataas. 'Di sana'y naihanda ko ang sarili ko. At maari naman siguro akong sumabay kay Simon doon sa lagusan." Reklamo ni Milo. Isang malutong na tawa ang tinugon ng nilalang.

"Kung sumama ka sa kanila, higit pa sa naranasan mo ngayon ang mararanasan mo roon. Hindi biro ang tumawid sa lagusan, lalo pa't wala ka pang alam dito." Tugon naman ng tikbalang habang patuloy na tumatakbo. Patag na ang lupang kinaroroonan nila at malapit na rin iyon sa kanilang kubo.

"Bakit sina Maya at Simon maaring dumaan doon, hindi naman naglalayo ang mga edad namin a'?" Giit ni Milo at muling natawa ang nilalang.

"Kinalakihan na ng magkapatid ang pagdaan sa lagusan at minsan na din silang nanirahan sa mundo ng mga engkanto kasama ang kanilang mga magulang. Samantalang ikaw ay matagal na ikinubli ni Ador sa mundong dapat ay iyong kinagisnan." Paliwanag ng tikbalang. Sa pagkakataong iyon ay natahimik si Milo dahil hindi na niya alam kung ano ang sasabihin niya.

Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa kaniya kung sino ba talaga siya. Ayaw din naman siyang bigyan ng kasagutan ng nilalang at maging ang kaniyang Lolo ay ayaw din magsalita. Lagi nilang sinasabi na hindi pa siya handa.

Handa para saan?

Ano at sino ba talaga siya?

Bakit ganoon na lamang ang pagmamalabis nilang sanayin siya?

Ito ang iilan sa mga katanungan niyang hanggang ngayon ay wala pa rin kasagutan.

Ilang sandali pa ay narating din nila ang kubo ng kaniyang Lolo. Saktong pagbaba ni Milo sa likod ng tikbalang ay nagbukas naman ang lagusan sa puno ng balete ay bumungad sa kaniya ang paglabas doon ni Maya at Simon.

Pinagsawalang-bahala na lamang ni Milo ang kaniyang nararamdamapagkamangha at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kubo.

Naabutan nila si Lolo Ador na nagpapausok habang nakaratay sa papag si Ben na tila inaapoy ng lagnat. Nanginginig ang buong katawan nito at napakaputla na rin ng balat nito na animo'y nababad iyon sa tubig ng matagal.

"Lo, ano'ng nangyari kay Ben? Bakit siya nagkakaganyan?" Nag-aalalang tanong ni Milo. Mabilis itong lumapit sa kinahihigaan ng kaibigan at nagulat pa siya sa sobrang init ng balat nito nang dumampi roon ang kaniyang kamay.

"Sinubukan nilang iligtas ang mga bata kahapon sa ilog, wala silang kamalay-malay na may mga berberoka na nag-aabang sa kanila. Mabuti na lamang ay nakaahon si Nardo dahil kung hindi pareho silang nakaratay ngayon ni Ben. Huwag kang mag-alala, nabigyan ko na ng paunang lunas si Ben. Mayamaya ay bababa na rin ang lagnat niya. Mabuti naman at nakarating kayo agad. " Sagot ni Lolo Ador habang abala pa rin ito sa pagpapausok kay Ben. Nakatuon din ang mga mata nito sa binata.

"May nagbulong sa aming engkanto kaya nalaman namin ang mga kaganapan dito sa baryo. Ang bagyo kahapon ay hindi pangkaraniwan. Batid kong kagagawan ito ng isang engkanto. Pero bakit po sila biglang sumalakay?" Tanong ni Simon at napailing naman ang matanda.

"Hindi ko rin alam Simon. Napakaaliwalas ng panahon kahapon, at bigla na lamang nagbago ang panahon matapos magkagulo sa ilog dahil sa pagsalakay ng mga berberoka. Hindi ko rin mabatid kung bakit bigla silang nagalit nang gano'n. Iilan sa mga kabaryo namin ang namatay at marami ang nasugatan sa pagtatangkang iligtas ang iba," nanlulumong wika ni Lolo Ador.

Ilang minuto pa ay natapos na rin ang ginagawa niyang panggagamot kay Ben. Bumaba na rin ang lagnat nito at hindi na rin ito nanginginig katulad kanina. Naging payapa na rin ang paghinga nito at maaliwalas na din ang mukha ng kaibigan ni Milo.

Nakahinga naman ng maluwag si Milo nang makita niyang nasa mabuting kalagayan na ang kaniyang kaibigan.

"Lo, may magagawa ba kami?" Tanong ni Milo.

"Sa ngayon wala apo. Biglang naglaho ang mga engkanto at berberokang sumalanta sa atin kahapon. Para bang bigla lang silang dumating at bigla ring nawala. Pakiramdam ko nga'y nasa plano ang lahat ng iyon." Salaysay ni Lolo Ador at nagkatinginan ang magkapatid.

"Hindi kaya nalaman na nila na sinasanay natin si Milo?" Bulalas na tanong ni Maya.

"Posible Maya, at kung tama nga ang hinala mo, babalik sila." Tugon ni Simon at napakunot-noo si Milo sa narinig.

"Bakit ako? Sino ba sila at bakit gano'n na lamang ang pagmamalabis nilang pigilan ako sa pagsasanay? Idinamay pa nila ang mga tao sa baryo!" Galit na tanong ni Milo.

Oo, natatakot siya, pero hindi niya hahayaang marami ang masaktang mga tao dahil sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang mga berberoka subalit hindi niya mapapatawad ang mga ito sa ginawa nilang pananakit sa mga kaibigan at kababaryo niya.

"Huminahon ka apo, hindi malulutas ang problema kung paiiralin mo ang init ng ulo mo." Wika ng matanda.

"Tama ang lolo mo Milo, walang magagawa kung magagalit ka. Sa ngayon,ang magagawa lang natin ay hintayin ang mulimg pagbabalik nila. Pansamantala muna nating ipagpapaliban ang pag-iinsayo mo sa pisikal na kombate. Hahasain ka muna namin sa espiritual upang magkaroon ka ng laban sa mga elemento sa iyon paligid," suhestiyon ni Simon.

Humugot naman ng malalim na hininga si Milo para pakalmahin ang kaniyang sarili. Mayamaya pa ay tukuyan na din niyang nakontrol ang bugso ng damdamin niya.

"Lo, magpahingq muna kayo. Mukhang hindi ka pa nakakatulog. Kami na muna ang bahala rito." Suhestiyon ni Milo at inalalayan na ang matanda papasok sa kamiyang kwarto. Nangasigurado niyang natutulog na ito ay agad na din siyang lumabas ng kwarto nito.

"Hindi pa ba tayo magsisimula?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang pagsassnay niya sa espiritual na aspeto. Napangiti naman si Simon dahil sa ipinapakitang pagnanais ni Milo na matuto.

"Doon tayo sa may balete dahil mas malakaw ang mahahatak nating enerhiya roon," suhestiyon ni Milo at agad na tumango.

Pagdating nila sa harap ng puno ng balete ay pinaupo na siya ni Simon. Hindi na ito ngsayang ng oras at agad na sinimulan ang pagtuturo sa binata.

Una niyang itinuro ay ang mga usal para sa bakod at poder. Madali itong nakabisa ni Milo dahil minsan na din niya itong nabasa sa libretang iniwan ng kaniyang ina.

"Para masubok kung nakakaya mo nang magamit ang poder at bakod nang maayos, tatawag ako ng isang elemento ng kalikasan para subukin ka, Milo," seryosong wika ni Simon at ikinumpas nito ang kamay.

Bigla naman lumakas ang hangin at nagulantang siya nang biglang may tumalong isang nilalamg na ubod ng laki. Napakaitim din nito at ang buong katawan ay punong-puno ng balahibo.

"Kapre!"

Sigaw ni Milo at akmang tatakbo ngunit napahinto siya nang maalala niya ang sitwasyon ng kaniyang kaibigang si Ben.

"Hindi ito ang panahon para matakot ka Milo. B*bo ka ba? Paano mo ipagiihiganti ang nangyari kay Ben kung d*wag ka!" Singhal ni Milo sa sarili at matapang na hinarap ang nilalang.

Mabilis niyang iniusal ang mga usal na kailangan niya at mariing tinitigan ang nilalang. Napangisi naman ito sa kaniya at kitang-kita niya ang naninilaw at bungal nitong mga ngipin. Matuyulis din ito na animo'y kaya nitong punitin ang laman mo sa isnag kagat lamang. May hawak-hawak iting malaking tabako sa kanang kamay habang may sanga ng 'di niya kilalang kahoysa kaliwa nitong kamay.

"Sugod! Handa na ako!" Hamon ng binata. Walang pagdadalawang isip na umatake ang nilalang at halos tumilapon siya palabas ng bakuran ng kanilang kubo. .

Mabilis siyang tumayo at bumalik sa harap ng nilalang muling nag-usal. Paulit-ulit niyang ginawa iyon. Hindi niya ininda ang sakit ng katawan sa bawat pagtilapon niya. Minsan halos pulutin niya ang sarili sa loob ng kahon ng palayan, kaya naman nabalot na ng putik ang kaniyang buong pagkatao.

Magkagayunpaman ay ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbalik sa nilalamg hanggang sa tuluyan niyang napaglabanan ang atake nito. Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa kapre dahil nakita niyang kumuha ito ng buwelo upang atakihin siya, subalit nakapagtatakang hindi siya tumilapon at hindi rin siya nakaramdam ng sakit.

"Magaling Milo, ganyan nga. Mahusay! Nagawa mo ring paganahin ang mga usal na itinuro ko sayo." Wika pa si Simo habang pumapalakpak.