Chereads / Kasangga: Ang Pagtuklas / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Hindi na namalayan ni Milo ang oras at kung ilang beses siyang bumagsak dahil sa malalakas na atake ng kapre. Pakiramdam niya ay humihiwalay ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan sa bawat pagtilapon niya sa palayan.

Patuloy lang siya sa pagbangon hanggang sa tuluyan na nga niyang napaglabanan ang atake ng nilalang gamit lamang ang mga usal na kaniyang binibitawan.

Sa kanilang pagpapatuloy ay mas madali nang nagagampanan ni Milo at napapagana ang mga usal sa kaniynag isipan. Wala na din kahirap-hirap sa kaniya ang ilagan ang mga atake ng kapre na kanina ay halos ilang ulit na nagpatumba sa kaniya.

Halos hapon na nang tuluyan nang naglaho ang kapre sa kaniyang paningin. Habol-habol niya ang hininga habang nakasalampak sa lupa. Nakatuon ang pansin niya sa puno mg balete kung saan naglaho ang nilalang.

Sa paglubog ng araw, doon nasilayan ni Milo ang pag-iiba ng anyo ng balete na simula paglabata ay inakala niyang normal na puno lang.

Dahan-dahan itong nagliwanag dahil sa paglabas ng mga nagkikinangang maliliit na nilalang na kumakapit sa bawat dahon at sanga ng puno. Maging ang kulay lupa nitong katawan ay tila nababalutan ng kakaibang liwanag na nakadagdag sa hiwagang bumabalot dito.

Mula roon ay nasipat ni Milo ang mga nilalang na ngayon lamang niya nasilayan. Sa unang pagkakataon ay puno mg pagkamangha ang buong pagkatao ni Milo.

"Iilan lamang sila sa malayang naninirahan dito sa puno ng balete. Sila din ang dahilan kung bakit magpasahanggang ngayon ang punong ito ay nananatiling malusog at punong-puno ng buhay." Wika ni Simon na noon ay nakamasid na din sa puno.

Napalunok naman ng laway si Milo. Doon lamang niya napagtanto na matagal na din siyang nabubuhay kasama ang mga nilalang na ito. Hindi lamang niya noon napapansin dahil nakasarado pa ang kaniyang ikatlong kamalayan.

Sa pagkakataong iyon ay kitang-kita niya kung paano ang mga nilalang ay nagkakasiyahan sa paligid ng puno ng balete. Nagmistulang isang maliit na baryo ng mga elemento ang bakuran ng bahay ni Lolo Ador.

Nagsasayawan ang mga engkanto at mga laman-lupa papaikot sa puno, animo'y nag-oorasyon ang mga ito.

"Ano'ng ginagawa nila?" Nagtatakang tanong ni Milo.

"Nagbibigay ng alay na sayaw para sa mga kaluluwang namayapa kahapon." Sambit ni Maya.

Agad namang natahimik si Milo at napatingin sa mga ito. Tahimik siyang nag-alay ng dasal para sa mga taong nasawi at taimtik din aiyang nangako na bibigyan niya ng hustisya ang kamatayan ng mga ito.

Kinagabihan ay halos hindi makatulog si Milo. Nakaupo lamang siya sa kaniyang higaan habang tahimik na pinagmamasdan ang nagaganap na kasiyahan ng mga nilalang sa labas ng kaniyang bintana.

Nang hindi na niya makayanan ang kaniyang nararamdamang pagkabahala ay lumabas na siya ng kubo at tinungo ang puno ng balete. Sa kaniyang pagdating ay biglang nahinto ang mga nilalang sa kanilang kasiyahan at napatingin sa kaniya.

"M—magpatuloy lang kayo, manonood lang ako. Hindi kasi ako makatulog." Nahihiya pa niyang wika. Muli niyang narinig ang malamyos na musika at muli nang nagsayawan ang mga ito. May mga iilan din na nagbibigay sa kaniya ng mga pagkain tulad ng iba't-ibang uri ng prutas subalit mariin niya itong tinatanggihan.

Kahit pa man noong bata pa siya ay mahigpit siyang pinagbabawalan ng kaniyang lolo na kumain ng kahit anong pagkain na bigay ng ibang nilalang.

Ayaw din naman niyang mapabilang sa mga ito dahil mawawalan ng kasama ang kaniyang lolo. Nakangiting tinanggap naman ng mga nilalang ang kaniyang maayos na pagtanggi at hinayaan na lamang siya sa kaniyang kinauupuan.

"Hindi ka ba makatulog?" Tanong ni Maya na bigla-bigla na lamang sumulpot sa tabi ng binata. Nasapo naman ni Milo ang dibdib sa sobrang gulat sa dalaga.

"Hindi pa ako nasa aswang kong anyo pero takot na takot ka na. Ano pa kaya kung isa na akong aswang? Baka mauna pang tumakas ang kaluluwa mo kaysa sa boses mo." Natatawang wika naman ng dalaga.

"Bakit ba kasi bigla ka na lang sumusulpot. Para kamg kabute ah," reklamo pa ni Milo, bago muling itinuon ang pansin sa mga nagsasayawang nilalang.

"Binabagabag kasi ang konsensya ko ng mga taong namayapa. Hindi ko alam, pero kahit sabihin pa ng lolo na wala akong kasalanan ay hindi pa rin mawaglit sa isip ko na namatay sila dahil sa akin." Wika pa ni Milo bago bumuntong-hininga.

"Tama naman ang lolo mo. Kaya ka nagkakaganyan dahil hindi mo pa rin matanggap ang nangyari. Subukan mong tanggapin, maari mo naman silamg ibawi sa mga taong tunay na may gawa ng kamatayan nila. Paalalahanan lang kita Milo, hindi dahil mga berberoka ang may gawa, sila na ang may sala. Minsan meron pa lang mas malaking kalaban na nasa likod ng lahat ng nilalang na nakakalaban mo. At iyon ang totoong kalaban mo." Mahabang salaysay ni Maya.

"Sino ba kasi sila? At ano ang pakay nila sa akin? Alam kong hindi mo rin ito sasagutin kaya ayos lang. Hihintayin ko na lamang ang araw na kusa niyo nang ilalahad sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman." Wika niya at muli nang tumahimik.

Sa paglipas pa ng gabi ay unti-unti na din nakaramdam ng antok si Milo. Pumasok na siya sa kaniyang kwarto upang magpahinga. Paglapat pa lamang ng kaniyang katawan sa higaan niyang gawa sa kawayan ay agad na siyang nakatulog.

Kinaumagahan ay maagang nagising si Milo. Paglabas niya sa sala ay sakto naman nagising na din si Ben. Agad niya itong inaya sa kusina para makapag almusal na sila.

Agad din namang nagkuwento si Ben ng mga nangyari sa kanila ni Nardo nang mangyari ang aksidenteng iyon.

Ayon pa sa kaibigan niya ay napakarami nila ang lumusong para tulungan ang mga batang naliligo sa ilog. Noong una ay napakapayapa ng tubig. Masayang naglalaro ang mga bata habang may iilang residentw naman ang nasa mabatong partw upang manghuli ng mga ulang . Ilang sandali pa ay bigla na lamang umurong ang tubig at nagsikabasan ang mga isda at napakaraming ulang.

Agad na na-ingganyo ang iba an lumusong na din sa tubig upang makakuha ng ulang at isda. Nang makita naman ito ni Nardo ay agad din itong sumigaw na lumayo sa ilog. Subalit huli na nang mapagtanto ng mga tao ang nais iapahiwatig ni Nardo.

Nataranta na rin ang mga kaibigan ni Milo at agad na tinawag ang iba pang malalakas na kalalakihan upang sagipin ang mga taong nahuli sa bitag ng mga berberoka. Sa tantiya pa ni Ben ay nasa hugit sa lima ang berberokang sumalakay sa kanila.

Bukod pa sa mga ito ay may napansin din silang isamg nilalang na nakatayo sa 'di kalayuan sa ilog. Hindi ito namukhaan ni Ben dahil mas natuon ang pansin nila sa pagliligtas sa mga kakabaryo nila.

Habang pilit nilang inililigtas ang mga tao ay hindi namalayan ni Ben ang isang berberokang nasa likuran niya. Nahuli siya nitot nakulong sa isang tila bolang punong-puno ng tubig.

"Mabuti na lamang at dumating si Lolo Ador. Kung hindi ay marahil pinaglalamayan na rin ako ng pamilya ko ngayon." Wika pa ni Ben at nasapo lang ni Milo ang noo.

"Nakuha mo pa talagang magbiro. Pero salamat pa rin buhay ka Ben. Kayo lang ni Nardo ang matalik na kaibigan ko rito sa baryo kaya hangga't maaari ay ayokong napapahamak kayo," salaysay ni Milo. Napangisi naman si Ben at tinapik ang balikat ng kaibigan.

"Oo naman. May sa pusa kaya itong kaibigan mo."

Sa pagkakataong iyon ay napangiti na si Milo. Masaya siyang malaman na nasa mabuting kailagayan na si Ben. Mayamaya pa ay dumating si Nardo bitbit ang damit na pamalit ni Ben at isang supot ng tinapay habang nag-uusap ang dalawa.

"Ben, ayos ka na? Mabuti naman at napagaling ka kaagad ni Lolo Ador. Nag-aalala ang mga magulang mo. Hinimatay oa kahapon si Aling Nelia nang malaman niya ang nangyari sayo." Agad na bungad ni Nardo at inilapag sa mesaa ng dalang tinapay.

"Magaling talaga si Lolo Ador." Sambit pa ni Ben.

Nagkatuwaan pa ang magkaibigan na animo'y walang nagyari sa mga ito. Nang magtanghali na ay muling tiningnan ni Lolo Ador ang kalagayan ni Ben bago ito pinahintukutang umuwi. Binigyan din niya ito ng isang maliit na parte ng katawan ng isang puno bilang proteksyon umano laban sa mga masasamang elemento.

"Lo, magiging okay na ba si Ben?" Tanong ni Milo at tumango lang ang matanda. Kiniha nito ang isang bayong na punong-puno ng halamang gamot at ipinatong iyon sa ibabaw ng kanilang papag.

"Wala kang dapat na ipag-alala. Malakas si Ben at walang magiging problema. Napabaonan ko na din siya ng isamg tipak na kahoy na nagmula pa sa sinukuan. Mabisa iyon laban sa kahit anong klase ng elemento. " Paliwanag ni Lolo Ador at doon lang nakahinga ng maluwag si Milo.

"Siya nga po pala, hindi ko yata nakita aina Maya at Simon?" Tanong ulit niya nang mapansin ang kawalan ng dalawa niyang kasama.

"Umuwi lang sila saglit. Babalik sila mamayang gabi. Halika, tulungan mo na ako sa pagliligpit nito at ituturo ko sayo ang iilan pa sa mga gamit ng mga halamang gamot na ito. Hindi ba't noon pa man ay nais mo nang matutong manggamot?"

"Sige po Lolo," sang-ayon naman ng binata sa lolo nito.