Chapter 3 - CHAPTER 3

Nakatingin si Bryce sa Mapa ng Barangay Tugdunan. Tugdunan ang pangalan ng lugar na pinuntahan nila kasama ang kanyang partner na si Oliver. Isa kasi sa mission nya bilang secret agent ay mag spy sa naturang lugar. Dito daw kasi ang kuta ng drug lord na pinaghahanap nila. Hindi lang basta ito drug lord dahil marami pa itong ibang mga illegal na gawain. Leader ito ng isang sindikato at 'di lubos ma isip ni Bryce kong anong meron sa lugar na ito kong bakit dito na isip mag hide-out.

"Nakakalap ka na ba ng iba pang information?" umiling si Bryce sa tanong ni Oliver na kasalukuyang busy sa paghahanap ng signal.

Mahirap kasi ang signal sa naturang barangay dahil 'di pa naman ganon ka improved ang lugar. Tanging sa dalampasigan lamang may signal at sobrang hina pa. Kailangan ay talagang mapag pasensiya ka.

"Hindi ko pa nakikita ang hide-out nila. Sigurado ba sila sa nakuha nilang information na dito naglulungga yong drug lord na yon?"

"Maybe may iba pa silang lugar na pinagtataguan hindi mismo dito sa baryo," sabi ni Oliver.

Sabagay sino ba naman kasing tanga na maglulungga sa madaling makita sabi ng isipan ni Bryce.

"Yeah, maybe in the jungle." sagot ni Bryce. Hindi na sumagot pa si Oliver dahil busy ito sa paghahanap ng signal, halata na rin sa mukha nito ang pagkairita at pagmumura.

"Nagtatampo na ba, bebe mo?" natatawang tanong ni Bryce kay Oliver.

"Maybe, kagabi pa ako 'di nakapag update sa kanya."

"Patayuan mo nalang 'to ng network provider para 'di kana namomoproblema sa signal and internet." Easy lang naman kasi kay Oliver dahil anak ito ng billionaire at nang mismong boss ng organisasyon nila.

Na isip ni Bryce na mabuti na lamang siya ay walang girlfriend, wala siyang iisipin na magagalit sa kanya kapag 'di siya naka pag update. Lalo na napakahirap pala ng signal sa lugar na ito.

"Napansin mo ba padami ng padami ang pumupunta dito?" tumingin naman si Oliver sa tinutukoy ni Bryce. May paparating kasi na malaking bangka at may sakay itong mga turista.

Dapat talaga 'di sila tutuloy sa resort dahil mas magagastusan lang sila kapag sa resort sila tumuloy. Pero nong naghanap sila ng apartment na pwede nilang tirahan ay wala silang makita kahit boarding house man lang. No choice sila kundi gumastos ng pera, pero dahil yakang yaka naman ni Oliver lahat ng gastusin ay 'di na iniisip ni Bryce ang pera.

Pinag masdan nila ang mga tourist na bagong dating. Parang may kakaiba dahil sa laki ng mga bitbit nitong mga bag. Hindi rin naka ligtas sa paningin nila ang isang lalake na may naka sukbit na baril sa likuran nito. Hindi ito mahahalata ng isang ordinaryong tao lang lalo na kong 'di kinikilatis ng husto.

"Mukhang may iimbestigahan tayo," mahinang sabi ni Oliver sa kanya. Pero busy pa rin ito sa pag p-phone at 'di halata na nagmamasid ito sa mga bagong dating.

"Pupunta ba si Anya?" tanong ni Brent na agad naman umiling si Oliver. Girlfriend ni Oliver si Anya na isa din sa member ng kanilang organisasyon.

Aalis din kasi agad si Oliver pagkatapos ng isang buwan. Sa loob ng isang buwan dapat makakuha na sila ng lead kong saan ang hide-out ng drug lord na hinahanap nila. Tanging si Bryce na lamang ang maiiwasan sa naturang lugar kapag natapos ang dapat gawin ni Oliver.

*****

Kagigising lang ni Anna at masakit na masakit ang katawan nya. Mag hapon kasi siyang nakatayo sa resort kagabi.

"Gumising kana dyan Anna, darating mamaya ang tiyo mo! Ilako mo rin muna 'tong suman na niluto ko." Kahit masakit ang katawan ay pinilit ni Anna bumangon.

Medyo natuwa rin siya dahil darating ang kanyang tiyo kasama ang kanyang pinsan na si Ronel. Dalawang linggo kasi itong nanatili sa city para maghanap ng trabaho pero mukhang 'di nakakuha ng trabaho dahil umuwi ito. Hindi kasi nakapag high school ang kanyang tiyo kaya pahirapan din talaga makahanap ng papasukang trabaho sa syudad. Kong dito naman ay tanging pangingisda lang ang hanap buhay. Kasama dati ng kanyang ama ang tiyo nya sa pangingisda pero ngayon mukhang mag-isa na lamang itong mangingisda.

"Mauuna na ako sa resort ikaw na 'tong mag tinda ng suman." Iniwan ng ina ang kinse pirasong balot ng suman. "Hwag mo rin palang kakalimutan na lakuan ang resort nagsabi kasi sa akin kagabi si ma'am Janice na bibili siya," dagdag pa ng ina bago tuluyang umalis.

Nag tali lamang ng buhok si Anna at binitbit na ang basket na naglalaman ng suman.

"Ate Bebang bili na po kayo ng suman," alok ni Anna sa nakasalubong nyang babae na nasa edad trenta.

"Naku, wala 'ata akong barya Anna." pinakita nito ang isang libong piso.

"Utangin mo na lang po mamaya ko na lang kunin ang bayad," sagot ni Anna. Malapit lang din naman kasi ang bahay nito sa kanila kaya madali nya lang masisingil kong sakali.

"Sige, bente pa rin 'di ba ang balot?" marahan namang tumango si Anna at inabot ang isang balot ng suman.

Naglakad pa si Anna hanggang sa nakarating na nga siya sa resort. Agad nyang hinanap ang ina pero wala raw ito roon dahil inutusan ng may-ari ng resort na mag-abang sa aplaya para bumili ng isda at iba pang sea foods. Ibinigay naman ni Anna kay Gezelle ang limang balot na suman. Si Gezelle ang may-ari ng resort na pinagt-trabahuhan nilang mag-ina.

"Ano yan, ma?" Si Janice ang nag tanong ang anak ni Gezelle.

Mag k-klase si Janice at Anna noong high school sila hanggang senior high. Sa totoo lang ay naiinggit si Anna rito dahil sa mayaman sila at nabibili nya lahat ng gusto.

"Suman, tara mag kape muna tayo. Salamat, Anna." Marahan lang tumango si Anna at saglit na sinulyapan naman siya ni Janice. Ngingitian nya sana 'to pero ang reaction nito ay parang nandidire sa kanya. Kahit naman kasi mag klase sila noon ay 'di man lang 'ata siya nag e-exist kay Janice o baka nga 'di siya nito kilala.

Sikat na sikat si Janice dati sa batch nila dahil sa maganda na, matalino pa.

Umalis na si Anna at dumiritso sa aplaya, malayo pa lamang siya ay nakikita nya na ang ina na bumibili sa mga mangingisda na bagong dating galing laot.

"Dito kana pala, 'di pa ba yan ubos ang inuutos ko sayo?" halata sa boses ng ina ang pagkairita. "Baka nagpautang ka na naman, sinabi ko naman sa'yo walang utang 'di ba? Lubog na tayo sa utang tapos magpapa utang ka pa? Paano na tayo nyan aahon?" Hindi naka sagot si Anna dahil karamihan talaga ng napag bentahan nya ay umutang.

Ayaw nya rin naman na 'di pautangin dahil mga kakilala naman nila ito at 'di mauubos ang paninda kong 'di siya magpapautang.

"Bilhin ko na lang po yan lahat," nagulat si Anna sa biglaang pag sulpot ni Bryce.

"Napakabait mo naman pala, sigurado ka ba hijo bibilhin mong lahat?" tuwang tuwa naman ang kanyang ina.

"Opo, magkano po ba?"

"Bente lang ang isang balot, total apat na balot na lamang din yan."

Nanonood lamang si Anna sa kanila habang nag-uusap ang kanyang ina at si Bryce. Hindi rin ma iwasan ni Anna na mapatitig sa binata. Mas lalo kasi siyang humanga rito lalo na nong bibilhin nito ang kanyang mga paninda.

Inabot ni Anna sa binata ang apat na balot nang makapag bayad ito sa ina.

"Sayo na yang isa mukhang 'di ka pa kasi kumakain," kumindat pa ito sa kanya bago umalis.

Napatingin tuloy si Anna sa suman na natira na nasa palad nya. Na isip nyang masyado bang halata na 'di pa siya kumakain dahil nalaman nito.

"Ano pang tinatanga-tanga mo dyan, Anna? Tara na sa resort tulungan mo akong maglinis nitong mga isda." Agad namang na tauhan ang dalaga sa tinuran ng ina.

******

Matapos bumili ni Bryce ng suman ay iniisip nya kong paano nya makakain ang lahat. Paano kasi ay bumili rin siya ng isda na uulamin nila para sa agahan. Sinadya nilang bumili para maka tipid sila dahil wala naman kasing atm machine sa lugar. Kukunti na lang din ang cash na dala nila.

"Aanohin natin 'yan?"

Kumuha ng isang suman si Oliver habang siya naman ay tulala sa binili nyang suman. Paano ba naman kasi limang piraso pala ang laman ng isang balot. Nasanay kasi siya sa city na mahal ang mga bilihin at kukunti lamang ang isang balot.

Hindi rin lubos ma isip ni Bryce kong bakit binili nyang lahat ng suman na tinitinda ni Anna. Paano kasi ay narinig nyang pinapagalitan ito ng ina.

"May class ka pa ba bukas?" Isa kasing substitute teacher si Oliver sa naturang lugar.

"Yeah, ang hirap never ko pinangarap maging isang guro." Natawa naman si Brent sa kanya.

"Ginusto mo yan, ulol!"

Si Oliver naman kasi talaga ang nag insist na maging guro tapos nagrereklamo na ito ngayon. Hinahanap nya kasi ang nawawala nyang kapatid at isa sa makakapagturo sa kanya kong na saan ang kapatid nya ay isa sa mga magulang ng estudyante na nag-aaral rito.