Chapter 7 - KABANATA 6

ANNA POINT OF VIEW

Pumasok ako sa resort kahit na masama ang loob ko kay mama. Alam ko naman kasi na kailangan namin ng pera kaya titiisin ko na lang. Isang araw na rin kasi akong absent at isang araw na rin kaming 'di nagpapansinan ni mama. Pero 'di ko pa rin lubos ma isip kong anong nangyare sa akin nong na lasing ako? Kong sino ang nag hatid sa akin?

"Anna," pag dating ko pa lang ang tinawag agad ako ni Janice. Lumapit naman ako sa kanya.

"Ano yon?"

"Linisan mo nga yong room ko, absent kasi si Emelda." Naalala ko tuloy yong nangyare noong isang gabi.

"Pero 'di naman ako naka assign sa paglilinis sa kusina ako," sagot ko sa kanya. Kasi don naman talaga ako lagi naka assign.

"Sino bang boss dito?" nakataas pa ang kilay nito sa akin.

Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Sa totoo lang 'di ko alam na ganito ang ugali ni Janice. Noong high school kasi 'di ko siya nakakausap kasi 'di naman siya namamansin.

Habang naglalakad ako ay na pa hinto ako at napatingin sa buhanginan ng dalampasigan. Paano kasi dumaan si Bryce nag jo-jogging ito at naka airpads. Grabe, ang gwapo nya talagang tignan mapapakanta na lang ako ng Style ni Taylor Swift. Pero kumikirot pa rin ang puso ko kapag naaalala ko yong gabi na nakita ko siyang kasama si Ayezha. Ano bang laban ko don? Ang ganda-ganda, nun. Plus naka pagtapos pa ng pag-aaral, matalino at mayaman. Sino ba naman ako? Napailing na lang ako at dumiritso na ako kong saan ang kwarto ni Janice.

Pag pasok ko sa loob ng kwarto nya ni halos wala akong makitang alikabok bukod sa ang kalat lang ng mga gamit nya. Kaya 'yon na lang ang inayos ko. Pagkatapos kong maayos ang gamit nya ay lumabas na ako. Kaso 'di ko inaasahan na makikita ko na naman si Bryce. Umiinom ito ng tubig at hingal na hingal. Basa rin ng pawis ang damit nya. Hindi ko tuloy maiwasan na 'di mapatitig sa kanya. Para na akong sira dito!

"Hi, Anna." natauhan ako ng nasa harap ko na pala si Bryce. Hindi ko man lang namalayan na lumapit na pala siya sa akin.

"H-hello," nahihiya kong sabi. Feeling ko talaga nahuhuli na ako nito sa mga pinanggagawa ko.

"Okay ka na rin ba?" nangunot naman ang noo ko, anong tinutukoy nya na kong okay lang ba ako?

"Ah, oo nga pala. Lasing ka kasi nong isang gabi ako yong naghatid sa iyo." napalunok naman ako sa nalaman ko.

Wala ba akong pinagsasabi sa kanya na kalokohan? Ganon kasi sa mga napapanood ko na kapag lasing kong ano-ano sinasabi at pinanggagawa. Sana naman wala.

"ah, ikaw pala. Thank you," agad ko siyang tinalikuran kahit gusto ko pa siyang ma kausap. Feeling ko kasi namumula na ang mukha ko lalo na nalaman ko na siya pala ang nag hatid sa akin. Pero huli kong nakita mag kasama sila ni Ayezha? Iniwan nya ba yon para sa akin? Imposible.

Wala naman gaanong ginawa ngayon sa resort dahil 'di naman ganon karami ang gawain. Na isipan kong manginas sa hibasan dahil hibas talaga. Total malapit na rin mag alas singko. Pero kanino kaya ako magpapaalam na aalis ako? Ayoko naman kausapin si mama.

"Ate Daisy!" si ate Daisy lang kasi ang nakita ko kaagad. Nasa beach front kasi siya katatapos nya lang ipag serve ang isang guest.

"Bakit Anna?" Lumapit ito sa akin.

"Pwede bang umuwi na? Alas singko na rin kasi." sana naman pumayag.

"Okay lang naman tsaka sunday naman ngayon," oo nga pala di ko na isip na sunday. Dapat pala di na lang ako pumasok. Ginawang utusan lang kasi ako ni Janice dito buong araw. Hindi ko alam sa babae na yon pero mukhang walang magawa sa buong araw at ako ang trip.

Umuwi muna ako sa bahay para ayain si Ronel na manginas kaming dalawa para din may pang-ulam. Habang naglalakad kami pahibasan ay napa tigil ako. Paano kasi si Bryce nasa 'di kalayuan may hawak itong camera. Mukhang nag t-take ng picture ng sunset.

"Ate, siya yong sabi kong pogi na nag hatid sa'yo." Hindi ko talaga alam kong kikiligin ako sa nalaman ko. Iniisip ko kasi baka may sinabi ako or ginawang kalokohan huhuhu. Hinila ko na si Ronel at payukong naglakad para maiwasan lang si Bryce. Nahihiya kasi talaga ako na nasaksihan nya yong kalasingan ko.

Habang palalapit kami naririnig ko na yong shutter shot ng camera nya. Itinigil ko na ang pagyuyuko ko baka makahalata siya at tumingin na lang ako sa ibang direction.

"San kayo pupunta?" Napatigil tuloy ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Hindi ko inaasahan na sa pagharap ko nakaharap pala sa akin ang camera na hawak nya at narinig ko na lang yong shutter shot. Pinicturan nya ba ako o baka nagkataon lang?

"Pupunta kami sa hibasan maghahanap kami ng pwedeng i pang ulam na sheels." sagot ko sa kanya.

"Pwede sumama?" parang halos matuyo yong lalamunan ko sa tanong nya.

"Marunong ka ba?" Halata naman kasing 'di siya lumaki sa ganitong lugar kaya malamang 'di siya marunong.

"Hindi, pero gusto ko lang kumuha ng picture don mukhang maganda ang view." Nasa may dulo kasi ang hibasan.

"Ah, tara." nasa likuran namin siya ni Ronel at naririnig ko pa rin ang shutter shot ng camera nya.

Pagkarating namin sa hibasan ay marami ding mga ibang tao na narito na nangunguha ng shells. Hindi na rin ako nag abala pang kausapin si Bryce dahil busy siya sa pagkuha ng mga pictures. Nag focus na rin ako sa pagkukuha ng mga shells nilalagay lang namin ni Ronel sa dala kong timbang maliit. Mabuti na nga lang din ay marami rami ngayon ang mga shells na nakukuha namin may time kasi nakakaunti. Hindi nga lang shells ang nakuha namin pati na rin maliliit na pugita.

Nang marami rami na rin kaming nakuha na sa tingin ko ay kakasya na sa pang ulam namin ngayong hapon ay inaya ko na si Ronel na umuwi.

"Ate, 'di mo ba sasabihan yang gwapo mong kaibigan na sumabay na sa atin sa pag-uwi." napilitan tuloy akong lumapit kay Bryce kahit na nahihiya ako.

"Bryce, uuwi na nga pala kami." tumingin pa siya sa dala kong timbang maliit na naglalaman ng mga shells. Mga kabebeng maliliit lang din naman ang nakuha namin.

"Gusto mo ba?" baka kasi balak nya humingi 'di ba?

"Nope, pero 'di ako tatanggi kapag inaya mo akong kumain sa inyo at yan yong ulam." natigilan tuloy ako lalo na sa laki ng ngiti nya ng sinabi nya yan.

"Pwede naman," gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil baka kapag nalaman ni mama ay kagagalitan na naman ako.

"Sige, walang bawian ah." pero nang makita ko kong gaano siya kasaya sa sinabi ko ay 'wag na lang siguro.

Sumabay siya sa amin pauwi at talagang hanggang bahay sumabay siya. Medyo kinakabahan na nga ako kasi yong mga kapit bahay namin ay naka tingin sa amin. Baka iba na naman ang isipin nila dahil may kasabay akong lalake.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si tiyo na mukhang namomoproblema.

"Ano pong problema, tiyo?" napakamot naman ito sa kanyang ulo bago sumagot.

"Wala na kasing bigas, nahiya naman ako humingi kay mama mo lalo na ilang araw na siya ang nag p-provide ng bigas dito."

"Ayaw na po ba magpa utang sa atin ng mga tindahan?"

"Ay naku, naka tatlong tindahan na ako pero sinasabi sa akin ay 'di na daw sila nagpapa utang. Lalo na malaki na raw utang ni mama mo."

"Ako na lang po ang bibili," agad kaming napalingon ni tiyo sa likuran namin ng mag salita si Bryce. Tsaka ko lang din naalala na kasama nga pala namin siya.

"Teka, ikaw yong naghatid kay Anna 'di ba?"

"Opo, bibili na lang po muna ako ng bigas." gusto ko sanang pigilan si Bryce dahil nakakahiya naman kaso ang bilis nyang naglakad paalis.

"Boyfriend mo ba yon pamangs?"

"Hindi po," agad na sagot ko.

Nilinisan ko na muna ang mga shells na nakuha ko. Mga ilang minuto lang din ay dumating na si Bryce. Nagulat ako dahil isang sako ng bigas ang dinala nya.

"Bryce!"

"Don't worry 'di yan libre bayaran mo na lang ako kapag may pera kana. Tsaka dito ako kakain ngayon 'di ba?"

"Pero bakit naman kasi isang sako yan? Pwede naman isang salop lang," sa laki ng katawan nya at sa tangkad nya na kaya nya talagang buhatin yong isang sako ng bigas.

"Okay lang naman."

Nasa hapag kainan na kami at kasabay namin si Bryce. Wala pa si mama nakakauwi mukhang busy na naman siguro siya sa kusina, marahil maraming guest.

"Tara na't kumain," ani ni tiyo habang nagsansandok ng ulam. Napatingin naman ako kay Bryce na busy rin sa pagkuha ng kanin. Feeling ko tuloy part na siya ng family ko. Gusto kong kiligin pero pinigilan ko lalo na habang tinitignan ko siya na kumukuha ng niluto kong ulam.

Halos lumubo ang tiyan ko sa dami ng nakain ko. Paano ba naman kasi si Bryce kanina yong nag saing at napakarami nyang sinaing. Sino ba naman ako para mag reklamo, eh siya yong bumili ng bigas. Kaya tuloy 'di ko napigilan ang sarili ko na kumain ng marami lalo na ang sarap ng luto kong ulam. Minsan lang kasi talaga kami kumain ng marami lalo na nagtitipid kami sa bigas.

"Uuwi kana?" hinatid ko na si Bryce sa pintuan.

"Yeah, thank you for the dinner."

"Welcome, kulang pa nga 'yan sa pa bigas mo." natatawang sabi ko. Naiisip ko tuloy parang namamanhikan siya sa akin? Waah! Feeling. Paano ba naman kasi isang sakong bigas, kong 'di ba naman siya siraulo.

"Kahit 'di mo na bayaran yon sa isang kundisyon," bigla naman ako kinabahan sa pa condition nya. Paano kong kailangan nya ang pagkababae ko? What? Mukhang 'di namang ganong lalake si Bryce? Ang lala naman ng iniisip ko.

"Ano yon?"

"Hindi ko pa kasi nalilibot 'tong buong Barangay nyo. Pwede bang samahan mo ako maglibot." Akala ko kong ano na? Kong ano-ano kasi pumapasok sa isip ko.

"Yon lang pala ang easy lang naman, nun. Hindi mo na kailangan pang bumili ng isang sakong bigas." tumawa naman siya sa naging sagot ko.

"Sige, mauna na ako." Nag wave lang ako sa kanya at tinignan siya habang papalayo.

Sinira ko na ang pintuan ng bahay at 'di mawala wala ang ngiti ko sa labi. Grabe, nakakakilig pala talaga kapag kinakausap ka ng taong gusto mo. Feeling ko tuloy bumalik ako sa pagka high school.

"Ate, okay ka lang ba? Kanina ka pa nasa pinto at nakatulala dyan habang nakangite," agad akong natauhan ng nasa harapan ko na pala si Ronel at halatang confused ito.

"Bata ka pa kasi kaya 'di mo maiitindihan," sabi ko sa kanya.

"Kinikilig ka lang eh," pang-asar nya sa akin.

Hindi na ako sumagot pa sa kanya dahil maganda ang mood ko at pumunta na ako agad sa kwarto para mahiga. Ang saya kasi ng araw ko ngayon kahit na 'di naging maganda kaninang umaga.