Maaga ako ngayong pumasok sa resort. Ako lang ang papasok ngayon, 'di kasama si mama dahil sumama ang pakiramdam nya. Pagdating ko sa resort ay 'di naman ganon ka busy. Pinag punas lang muna ako ng mga lamesa sa restaurant dahil wala pa naman kumakain. Mostly kasi yong mga guest kumakain lunch na.
Habang nagpupunas ako at naka tingin sa dagat na nasa harap. Natigilan ako kasi si Bryce naglalakad kasama ang ate ni Janice. Muntik na pa naman akong maging assuming sa mga pinapakita nya sa akin. Dapat siguro iwasan ko na lang siya no? Pero di ko pa naman confirm kong sila ba? Kong sila iiwasan ko na lang siya baka mag selos pa sa akin si Ayezha.
Pero ano naman ipapagselos nya sa akin? Hindi naman ako maganda? Hindi nya rin ako kasing puti, hindi rin makinis ang balat ko 'di katulad sa kanya ang clear ng skin. Wala ring makikitang kahit isang pimples man lang sa mukha nya. Break na ba sila ng Mayor?
"Mukhang tulala ka?" natigilan ako ng lumapit sa akin ang isa mga guest dito. Kilala ko siya, siya yong laging kasama ni Bryce. Pero 'di ko alam kong anong pangalan nya. Hindi ko 'ata na itanong dati or nakalimutan ko na.
Halos same featured lang sila ni Bryce, pero parang may lahi siya. Naaalala ko tuloy noong bata pa ako lagi ako sinasabihan na ampon daw ako kasi 'di ko kamukha si mama at papa. Plus daw mukha akong may lahi, 'di ko lang kong anong lahi ang tinutukoy nila. Baka Alien na lahi.
Umupo siya sa isa sa mga upuan dito mukhang kakain siya. Pero naka harap naman siya sa beach din.
"Mag o-order po kayo, sir?" agad naman siyang umiling.
"Nah, gusto ko lang umupo dito. Ang ganda kasi ng view."
Itong restaurant medyo mataas siya at mahangin at sa mismong harap din talaga ng beach.
"Ano nyo po si Bryce?" Introvert akong person pag dating kay Bryce kong ano-ano lumalabas sa bibig ko.
"He's my colleague," akala ko mag pinsan sila or mag kapatid. Lagi kasi talaga sila mag kasama. Curious rin ako kong bakit si Bryce wala namang trabaho dito pero namamalagi dito. Two weeks na rin kasi since nong nakita ko siya. Ito kasing kasama nya teacher siya for summer class kaya siya nandito. Nakikita ko kasi siya minsan sa high school at naka pang uniform ng teacher. Siguro nag babakasyon lang talaga si Bryce.
"Ah, akala ko kamag-anak mo siya."
"Shhhh, secret lang natin na 'di ko siya kamag-anak," ngumiti siya sa akin pagkatapos nyan.
"Girlfriend nya ba si Ayezha?" pero kasi kong boyfriend nya si Ayezha, edi 'di totoo yong about kay mayor na mag lover sila?
"Ha? Nope, bakit mo naman iniisip na girlfriend ni Bryce si Ayezha?"
"Palagi ko kasi sila nakikita na mag kasama at mag kausap."
"Do you like him?"
"Hindi," agad na sagot ko.
Napailing naman siya sa akin at halata sa mukha nya na 'di siya naniniwala sa akin. Mukhang obvious nga masyado na gusto ko si Bryce. Hindi ko lang sure kong nahahalata ba ni Bryce ito? Pero baka hindi kasi mukha naman siyang manhid.
"He's a good guy pero 'di ko sure kong i-gi-give up nyang lahat para sa taong magugustuhan nya."
"Hindi naman ako humihiling ng kahit ano pang kapalit okay na sa akin kahit natatanaw ko siya sa malayo o nakakausap man lang." kahit na minsan nasasaktan ako sa mga nakikita ko.
"Nandito ka lang pala Oliver kanina pa kita hinahanap," napalingon kami kay Bryce na nasa hagdan pa akyat dito sa restaurant. Nang makalapit siya sa amin tumingin siya sa akin saglit.
"Akala ko ba maghahanap tayong sasakyan papunta sa kabilang isla?" nakikinig lang ako sa kanila.
"Yeah, nagawan ko na ng paraan." ano kayang gagawin nila sa kabilang isla?
Mas sikat yong isla na 'yon compare dito sa Barangay namin kahit na sakop din siya ng Barangay. Pag-aari kasi yon ng mayor at sabi maganda ang isla na yon. Plus mas marami daw dong mga tourist na dumadayo compare dito. Kahit ang lapit lang non dito sa amin 'di ko pa napupuntahan.
"Gusto mo sumama, Anna?" agad akong napalingon sa kanila. Bakit naman nila ako tinatanong na sumama don?
"Ha? Wala naman akong gagawin don. Tsaka baka makagalitan ako ni mama kapag nalaman nya na 'di ako nag work."
"Sabagay."
Bumalik muna ako saglit sa kusina baka kasi hinahanap na ako nila. Mabuti na lang wala pa rin namang inuutusan at wala pa rin silang ginagawa. Nasa isla kasi na pag-aari ng mayor ang ibang guest dito. Hinahatid kasi minsan don ang mga foreigner na gusto pumunta don. Gusto ko talaga sumama kaso baka talaga makagalitan ako ni mama. Hindi pa kasi talaga ako nakakapunta don.
Pagbalik ko sa dining area ng restaurant nandon pa rin ang dalawa. Lalapit na sana ako sa kanila ng humarang sa harapan ko si Janice and yong ate nya.
"Balak nyo 'di bang pumunta sa isla? Sumabay na kayo sa amin pupunta kami later," ani ni Ayezha na halos umabot na sa tainga ang ngiti nya.
"Mas goods yan, libre ba?"
"Oo naman libre, kayo pa ba?" tumingin naman sa akin si Ayezha. "Waitress ka ba here? Kunan mo nga kami ng maiinom and for breakfast na rin," bago umupo siya. Tumabi din sa kanya si Janice, tumango lang ako at bumalik na ulit sa kusina.
Nag timpla lang ako ng juice at si Ate Daisy ang nagluluto. Pagkatapos ng 20 minutes tapos na rin ang niluto ni ate Daisy at iseserve na lang sa kanila.
"Ako na magseserve, te." Kinuha ko na yong tray at lumabas.
"May kapatid ka? Wow! For sure maganda yon dahil napaka gwapo ng kuya nya," malayo pa lang ako naririnig ko na ang pinag-uusapan nila.
Inisa isa ko ng ilapag ang mga pagkain. Ngumiti lang sa akin si Oliver at tinignan lang ako ni Bryce. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa pakikitungo nya sa akin ngayon. Parang 'di siya yong Bryce na kumain sa bahay at yong na kasama ko kahapon.
Bumalik na ulit ako sa kitchen pero kahit nasa kitchen ako kitang-kita ko pa rin sila dito. Ang saya-saya nilang nag-uusap.
"Anna, bumili ka muna ng isda naubusan kasi tayo ng stock. Ito pambili, oh."
Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa wakas makakaalis ako. Bumigat kasi pakiramdam ko ng dumating sila Ayezha and Janice. Tapos naging ganon pa yong mga tingin sa akin ni Bryce na parang 'di nya ako kilala. Lalo na kapag kasama sila Ayezha, red flag na ba yon? Pero okay lang color blind naman ako! Tsaka sino ba naman kasi ako? Hindi nya rin naman alam na nasasaktan ako.
Habang naglalakad ako at naghahanap ako ng isda. Wala naman kasing palengke dito at halos lahat naman ng tao dito nangingisda. Pumunta ako agad kila ate Dadang kasi buyer yon ng isda, eh kaya for sure meron yan sa kanila.
"Ate Dang, may tuna po kayo?"
"Meron, 100 per kilo."
Inabot ko sa kanya ang 300 pesos. Tatlong kilo kasi ang pinapabili sa akin ni ate Daisy.
Na isipan ko dumaan sa aplaya para maganda ang tanawin. Gandang ganda pa ako sa tanawin na nakikita ko, nakikita kasi dito yong ibang isla pa sa kalayuan na sakop din ng barangay namin. Kahit na taga dito ako 'di pa rin ako nakakapunta. Noong nabubuhay kasi si tatay may bangka kami kaso 'di ako nag balak sumama sa kanila. Lalo na dati noong birthday ko nag-aaya sa akin si tatay na mag beach daw kami kahit walang handa. Like dadalhin lang namin isda iihawin at kanin. Sayang kong maiibalik lang yon talagang papayag na ako. Wala din kasi talaga akong hilig sa mga ganon kaya di ako sumasama kay papa.
Napatigil ako sa pag-iisip ng mapadako ang tingin ko sa isang speed boat. Lulan nun si Ayezha and Janice mukhang hinihintay nila si Bryce and Oliver. Feeling ko nga nagkakamabutihan na silang apat, eh. Ano ba namang laban ko sa kanila? Mabuti na lang talaga tumanggi ako sa alok nilang sumama kaysa makasama si Janice and yong ate nya. Para kasing mga matapobre sila and may mga attitude. Hangang-hanga pati ako sa kanila dati at inggit na inggit pero ngayon di bale na lang.
Naglakad na lang ako papasok ng resort kaso nasulubong ko si Oliver and Bryce. Busy si Bryce sa pag-aayos ng laman ng bag at si Oliver naman nag Hi sa akin. Hindi ko talaga alam kong anong itatawag ko kay Oliver kasi para naman siyang mas matanda sa akin pero 'di ko man lang tinatawag na kuya. Dapat siguro talaga sir itawag ko. Ganon naman kasi dapat talaga dahil guest siya dito and staff ako.
Tinignan ko na lamang sila habang sakay ng speed boat habang papalayo. Hindi ko alam pero nalulungkot ako.
Buong mag hapon ako parang hinang-hina dito sa resort. Ganito pala pag wala yong taong gusto mo makita palagi? Hayys!
"Anna, ito na pala sahod nyo ni mama mo for two weeks Inabot sa akin ng manager nitong resort ang pera."
"Thank you po."
Matapos kong makapag hugas ng plato ay umalis na ako agad para ma ibigay tong sahod namin ni mama. Lalo na masama ngayon ang pakiramdam nya. Bumili muna ako ng isang pad ng gamot para naman makainom siya.
Pagdating ko sa bahay wala ang tiyo tanging si Ronel at mama lang. Si mama naman ay nasa higaan nya. Napapansin kong napapadalas nawawala dito si tiyo.
"Ma, bumili pala ako ng gamot mo. Nag bigay na kasi ng sahod natin." Inabot ko kay mama ang sobre na naglalaman ng sahod naming dalawa.
Umupo naman siya at binilang ang mga ito. Nasa 7500 din ito na ibili ko kasi ng gamot ang sobra isang daan.
"Sa sunod 'wag kana bibili ng gamot. Okay lang naman ako kaysa mabawasan 'to. Alam mong malaki utang natin dyan kila Cynthia at may utang pa tayo sa mga tindahan dito. Magbabayad pa rin tayo ng kuryente at tubig."
Kila Ate Cynthia kasi kami nangutang noong na hospital si papa. Inabot din ito ng mahigit 30,000 hindi ko alam kong na hulugan na yon ni mama. Muntik na nga rin kami nun sampahan ng kaso. Minsan nga naiiyak na rin ako kasi aware naman kaming may utang kami. Pero sana kunting konsiderasyon din sa amin lalo na nawalan kami at walang wala din kami. Hindi naman kami tatakbo bakit kailangan pang mag sampa ng kaso. Kinausap din namin sila na babayaran namin pa unti-unti. Mabuti na nga lang kinausap ng captain dito si ate Cynthia at mukhang naliwanagan ito sa situation namin.
Alam din naman nila yong nangyare kay papa kong paano kami inapi dito ng gobernador. Mabuti na ng lang 'di na pumupunta dito yong anak ng governor, eh. Kasi napakawalang hiya ng ugali nun! Porket papa nya governor feeling nya nakakataas na siya. Ang kapal ng mukha 'di ko talaga sila i-vovote sa darating na election!