GIANNA POINT OF VIEW
Kagigising ko lang ngayon para sana mag asikaso sa kusina kaso na una na palang gumising si tiyo. Kahit pa paano may reason pa rin ako para mag stay dito. Mukhang 'di na kasi magbabago ang trato sa akin ni mama.
"Kain na Anna," pag-aaya sa akin ni tiyo ng makita nya akong gising na.
"Sige lang po, maliligo na lang muna ako."
"Anna," napalingon ng marinig ko ang boses ni mama. Gising na rin pala siya. Ito ang unang araw na pinansin nya ako.
"Hwag ka ng pumasok muna, napakadami na ng labahin, maglinis ka na rin dito sa bahay." Hindi ako sumagot sa kanya pero tumango ako. Ilang araw na rin kasi kaming naging busy sa resort kaya 'di na namin 'to na asikaso ang bahay.
"Meron din palang ibang labahin dyan na pinapalaba. Isama mo na lang din sayang pa rin yan pera pa. Sa dami nating utang 'di ko na alam uunahin."
Nag almusal na si mama pagkatapos nyang sabihin yan. Sa totoo lang ayoko magalit kay mama kahit na nagbago siya ng pakikitungo sa akin. Lalo na kapag ganitong problemadong problemado siya tapos wala naman akong naitutulong.
Inuna ko munang labhan yong mga pinapalaba ni mama na may bayad bago ang sa amin. Mabuti na lamang din di ganon karami. Kundi magsusugat na naman 'tong mga daliri ko. Sana lang din wag umulan para naman matuyo agad tong mga damit na lalabhan ko.
Pagkatapos kong makapaglaba ay nagpahinga lang muna ako ng mga sampung minuto at sinimulan ko na maglinis ng bahay. Wala ngayon dito si tiyo mukhang may pinuntahan at si Ronel naman ay naglalaro sa labas.
Inuna kong linisan ang kwarto ni mama. Winalisan ko ang kasulok sulukan ng kwarto nya dahil napaka alikabok. Tsaka nag walis din ako sa ilalim ng kama nya kahit na banig lang naman ito. Sa akin lang kasi ang kutson na higaan at sa isang kwarto. May mga alikabok na sa ilalim ng kama ni mama at may mga gamit din akong nakuha. Siguro mga nalaglag, may panyo din na color pink na nadampot ako. Halos di na nga siya nag mukhang pink dahil sa duming kumapit dito. Naisipan kong labhan ito dahil baka ginagamit ito ni mama. Pero 'di ko naman dati napapansin na may ginagamit siyang ganitong panyo.
Nang malinisan ko ang panyo tsaka ko lamang na pansin ang nakalagay na stitch dito.
"Gianna Christine Carter"
Yan yong nakalagay sa panyo. Ito ba dapat ang name ko? Pero kailan pa naging Carter ang apelyido ko? Baka naman may artistang ganitong name at dito nakuha ni mama ang name kong Gianna. Pwede ring may kakilala siyang foreigner sa resort na ganito ang name at ibinigay sa kanya 'tong panyo.
Ibinilad ko na lamang ang panyo para naman ma ibigay ko kay mama o 'di kaya ligpitin ko na lang. Mukhang 'di nya naman 'din ginagamit. Pagkatapos kong magawa ang lahat nag pahinga ako saglit dahil maliligo ako. Ang baho ko na kasi lalo na pawis na pawis ako sa dami ng ginawa ko.
Katatapos ko lang maligo at nagsusuklay ako ng may kumatok sa pinto. Sino rin ang kakatok? Tinignan ko ang oras at alas tres pa lang naman ng hapon. Kong si tiyo naman ay binubuksan nya naman agad ang pinto dahil di naman ito naka lock. Naglakad ako sa pintuan at binuksan ito. Laking gulat ko ng bumungad sa akin si Bryce.
"Remember may utang ka pang 'di nababayaran?" Oo nga pala sabi ko ililibot ko siya dito sa barangay. Mabuti na lang pinaalala nya dahil muntik ko na talagang makalimutan.
"Ngayon na ba agad?" ang init-init kasi talaga kahit na alas tres na ng hapon. Mainit pa lalo dahil sa malapit lang kami sa beach.
"Yep, ayaw mo ba?" pero tatanggi ba ako sa isang Arthur Bryce? Siya na yan, eh.
"Hindi naman, tara." Sinarado ko na ang pinto at hinila siya. Hindi naman 'to malaki ang Barangay namin at kukunti lang ang mga nakatira. Halos mabibilang nga lang, 'di ko tuloy alam kay Bryce bat kailangan ko pa siyang i-tour?
Hindi na lang nag bayad ng tour guide 'di ba? Sabagay sa akin kasi libre, ay este 'di pala libre ikaw ba naman bilhan ng isang sakong bigas.
"May alam ka bang malaking bahay dito na pinatayo katulad ng mansion?" Meron ba? parang wala naman akong natatandaan na nagpatayo ng ganoon? Halos 'di naman ganon kayayaman ang tao dito para may magpatayo ng ganon.
"Parang wala naman pero dati na balita na may itinatayo daw na malaking bahay ang gobernador dito. Pero ilang years na wala namang naipatayo."
"Baka hindi dito itinayo kaya 'di nyo nakikita."
"Siguro," palagi lang naman kasi akong nasa bahay kaya 'di ko rin ganon ka alam. Tsaka 'di naman ako tsismosa 'di ako nagtatanong tanong about sa ganap dito. Wala siguro talaga akong paki sa mundo?
"Teka, 'di ba ako ang nag to-tour sa'yo? Bakit papunta tayo rito?" Daan kasi 'to papunta sa isang site na pag-aari ng Mayor. Pero may sabi-sabi na sa mismong gobernor daw talaga yon. Bale inuutusan nya lang ang mayor namamahala.
"Syempre dito 'yong 'di ko pa napupuntahan."
"Maglalakad lang tayo?" Pataas kasi itong daan like nakakapagod kaya 'yon lakarin. Huling nakalakad ako dito dati noong high school pa ako.
Nag-aya kasi mga classmate ko na mag outing. Dati kasi 'di pa pag-aari ng gobernador yong lupang madadaanan namin mamaya. Tapos sa unahan nun may falls kaya don namin ma isipan na mag outing para maligo.
"Nope," hinila nya ako sa 'di kalayuan may naka park na motor sa isang tabi ng puno.
"Let's go," nag alangan pa akong sumakay dahil first time ko pa lang makakasakay nito. Hindi naman kasi uso dito ang motor sa amin at maliit lang ang baryo kaya naglalakad lang talaga karamihan ang tao rito. Kong meron mang may motor dito ay yong mga ma pera lang na nakatira dito sa amin.
"Kumapit ka," kinuha nya yong kamay ko para kumapit sa baywang nya.
Feeling ko tuloy ngayon habang naka motor ako nasa kdrama ako. Ganito pala pakiramdam nun, like nakakakaba na nakaka excite at the same time kinikilig ako.
Tanaw na tanaw ko ang dagat. Yong daan kasi malapit lang sa dagat kaya kitang-kita namin habang tumatakbo ang motor. May ibang part din na 'di nakikita ang dagat dahil sa mga puno.
Sayang-saya na sana ako pero napalitan ng kaba ng pinahinto kami ng may nakasalubong kami. Pamilyar sila sa akin parang isa sa mga tauhan ni mayor.
"Anong ginagawa nyo dito?"
"Bawal po ba? Namamasyal kasi kami ng girlfriend. Sorry bago lang kasi ako dito kaya 'di ko alam na bawal." tumingin siya sa akin at parang nagsisign na makisama sa naging sagot nya. Kikiligin na sana ako sa part na sinabi nyang girlfriend nya ako. Pero alam ko namang wala lang yon sa kanya.
"Opo, pasenya na 'di po kasi namin alam na bawal." Hindi naman kasi talaga dati bawal. Akala ko nga makakarating pa ako sa falls sasabihan ko sana si Bryce na huminto kami don.
"Hindi naman sa bawal pero private area na kasi 'to dito. Hanggang dyan lang kayo." marahan kaming tumango na dalawa.
"Let's go," hinila ako ni Bryce at sumakay kami ulit ng motor para bumalik. Pero 'di pa man kami nakakalayo ay huminto na siya.
"Bakit?" may kinuha siya sa bag nya at telescope ito.
Pinabayaan ko lang siya baka trip nya talaga makita ng malapitan ang view. Ang ganda nga eh, lalo na malapit na mag sunset.
"Gusto mo bumaba?" tinutukoy nyang bumaba ay sa batuhan sa may dagat. "May dala akong foods dito sa bag."
"Para namang pinaghandaan mo 'to?"
Bumaba kaming dalawa sa batuhan kong saan humahampas ang mga alon. Puwesto lang kami sa isa sa mataas na batong nandito at malapad. Hindi ito naaabot ng tubig ng dagat kaya dito kami puwesto. Inilabas ni Bryce ang dala nyang pagkain. Natawa pa ako kasi may dala siyang mik-mik.
"Bakit ka tumatawa?"
"Bakit kasi may dala kang mik-mik?"
"Ah, ayan ba? Si Oliver kasi yang inutusan ko bumili. Tapos wala daw ibang tindang pagkain yan ang binili."
May dala naman siyang malaking tsitserya at soft drinks na 'di na malamig. Unti-unti na ring lumulubog ang araw kaya kitang-kita sa pwesto namin ang sunset.
Hindi ko naman hinilig kay God ang ganito pero sobra-sobra ang ibinigay nya. Kahit na ang daming problema ng family namin kahit pa paano ang saya ko ngayon dahil kasama ko si Bryce.
"May cellphone ka ba?"
"Wala, meron akong phone kaso ang hirap nun i-touch tapos naghahang pa. Basta mumurahin kasi regalo lang sa akin ng papa ko yon dati. Pinaglumaan ng isa sa kakilala nya at binili nya. Ayoko din palitan kasi si papa ang nagbigay kahit na magkaroon man ako ng bago itatago ko pa rin yon at iingatan. Yon lang yong na iwan na ala-ala nya sa akin."
"Kong ganon pupuntahan na lang kita sa inyo or sa resort kapag magpapasama ako."
"Pwede naman."
Napangiti ako ng palihim kasi hindi lang ito yong una at huling makakasama ko siya ng ganito.
"Good to hear that."
Pagkatapos ng pag-uusap namin nyan ay naging tahimik kami. Nakatingin lamang kami sa sunset na malapit na ring mawala dahil papalitan na ng dilim. Naubos na rin namin yong kinakain namin.
"Tara, baka hinahanap kana sa inyo." tumayo na ito para bumalik kong saan naka part ang motor.
Tsaka ko lang din na realized na kanina pa pala akong alas tres wala sa bahay. Baka nakauwi na si mama pero sana naman 'wag muna. Ang saya-saya ko pati ngayon.
Gabi na ng makarating ako sa bahay.
"Thank you sa pagsama Anna. Next time ulit." umalis na ito nang ma ihatid ako sa labas ng bahay.
Ang saya-saya kong pumasok sa loob pero nawala ang ngiti ko ng makita si mama na nasa lamesa at halatang hinihintay ako.
"Ang galing mo naman? Nawala kang mag hapon dito para sumama lang sa isang lalake! Mapapalamon ka ba nun? Kaya ka bang buhayin nun?! Sa dami ng utang natin kaya nya bang bayaran, ha?" na bigla ako sa sunod-sunod na tanong ng ina ko. "Nakakahiya na talaga yang pinanggagawa mo! Nakaraan nag lasing ka at hinatid ka rin ng lalakeng yon! Ano mo yon?!"
"Bakit po ba galit na galit kayo? Nasa tamang edad na rin naman po ako. Bawal po ba? Kong sa itinatanong nyo po kong ano ko siya? Wala pong namamagitan sa amin. Yong mga isip nyo lang ang masama ang iniisip! Porket ba kasama ko ganun na agad ang iisipin nyo?" tumayo si mama at namumula na ang kanyang mukha.
"Talagang marunong ka ng sumagot? Pinagmamalaki mo ba yong lalakeng yon?!"
"Bakit nyo po ba siya dinadamay, ma? Kaibigan ko lang siya! Bakit ba sa tingin nyo lahat na lang ng ginagawa ko mali?!"
"Sa pinanggagawa mo buong barangay alam na laging kasama mo yang lalake na yan!" napangiti ako ng mapait.
"Ano rin po ba? May na itulong po ba sila sa atin? Bakit nyo po ba kasi iniisip yong sasabihin nila? Bakit 'di nyo po iniisip ang nararamdaman ko? Bakit palagi na lang sa akin lahat?"
Hindi siya sumagot marahil ay tama ako. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at binuhos ang lahat ng luha ko. Kong kanina sobrang saya ko ang bigat-bigat naman ng dibdib ko ngayon. Halos 'di ako maka hinga sa sobrang bigat nito. Pina kalma ko ang sarili ko dahil baka sa sobrang iyak ko ay atakihin ako ng asthma. Bata pa lang ako may asthma na ako pero kusa rin siyang nawala nong nag dalaga na ako. Natatakot ako baka ma trigger ito lalo na araw-araw na lang kami nag-aaway ni mama at iyak ako ng iyak dahil dito. Gabi-gabi din ako nag b-break down kasi ang dami kong regret lalo na kapag naaalala ko si papa.
Gustong-gusto kong ibalik ang time na yon pero kahit anong gawin ko di ko na magagawa. Hanggang kailan ko rin hihintayin na mapatawad ako ni mama? Hanggang kailan ko dadalhin 'tong bigat palagi sa dibdib ko? Minsan nakakapagod na rin pero kinakaya ko pa rin. Gusto kong magkaroon ng justice ang pagkamatay ni papa. Pero wala akong malapitan, wala rin akong pera. Ang dami ko pang gustong ma achieve sa buhay pero 'di ko magawa.