Chapter 5 - KABANATA 5

Naglalakad papunta sa resort si Anna ng makasalubong nya si Crissa at Melany. Bestfriend nya ang dalawa at kasalukuyang mag-aaral ng third year college sa pasukan ang dalawa. Naiinggit nga siya sa dalawa dahil malapit na sila grumaduate samantalang siya ay naiiwan pa rin.

"Waaah! Beshy, I miss you!" Agad siyang niyakap ng dalawa at gumaan naman ang pakiramdam nya.

"Kamusta naman kayong dalawa?"

"Ayos na ayos, gala tayo mamaya minsan na nga lang tayo mag kasama eh." ani ni Crissa at halatang masayang masaya ito dahil nakita siya.

Ilang years na rin kasi sila 'di nagkita dahil nag-aaral ang mga ito sa syudad. Kong uuwi man ito sa kanilang lugar di pa rin sila nagkikita dahil 'di naman lumalabas si Anna. Medyo malayo kasi ang bahay ng mga ito kaya 'di sila nagkakasalubungan. Wala rin silang komunikasyon dahil ang phone ni Anna ay 'di gumagana minsan at mahina sumagap ng signal.

"Hindi ko sure, busy kasi kami ngayon sa resort. Lalo na darating si Mayor."

"Hala, I heard that. Jowa pala ni Mayor yong ate ni Janice?" medyo na bigla naman si Anna sa tinuran ni Melany.

Paano kasi ay hindi nya ito alam, ngayon nya lang talaga narinig na girlfriend ng Mayor sa kanilang lugar ang ate ni Janice. Tsaka ang pagkakaalam nya ay busy ito sa manila sa pag-aaral. Pagkakaalam nya rin ay may asawa ang mayor pero nag hiwalay daw ito kumakailan lang. Mukhang ang ate ni Janice ang dahilan kaya nagkahiwalay ang mag-asawa. Nasa late 30's na rin ang mayor kaya masyadong na bigla si Anna ng malaman nya ito. Lalo na matanda lang ng ilang taon sa kanila ang ate ni Janice.

"Totoo pala ang tsismis. Grabe talaga basta mapera papatulan," napairap na lang si Crissa.

"Tumigil na nga kayong dalawa baka may makarinig pa sa inyo dyan," pagsusuway ni Anna sa dalawa.

"Ah basta, Anna mamaya susunduin ka namin ni Crissa. Ang tagal kaya nating 'di nag kasama. Paano ba naman kasi ikaw 'di ka lumalabas dyan sa inyo."

"Sige, t-try ko. Baka kasi 'di ako payagan ni mama at baka abutin kami ng hating gabi sa resort."

"Sa resort ka pala nagwowork? Okay lang 'yan ang tanda mona, eh tapos di ka pa rin papayagan ni mama mo."

Kong siguro 'di nagbago ang ina ni Anna ay marahil papayagan pa siya nito. Pero ngayong ganon na ang pakikitungo sa kanya ay baka 'di siya payagan na umalis sa kanila.

"Puntahan ka nalang namin mamaya sa resort, tsaka may pa disco daw mamaya sa gymnasium ng barangay." Narinig nga ito ni Anna kanina sa kanyang ina. Pa event daw kasi ito ng kanilang Mayor dahil sa pagdalaw nito sa kanilang Barangay.

"Sige-sige, pero kong 'di ako makaabot kayo na lang. Busy kasi talaga kami ngayon dahil sasalubungin namin si Mayor." sabi ni Anna sa dalawa. Mukhang naintindihan naman ito ng kanyang dalawang kaibigan.

"Sige, ingat ka don ah. Impakta pa naman si Janice." natatawang sabi Crissa.

Naaalala nya pa dati noong senior high sila ay inis na inis si Crissa kay Janice. Paano kasi silang dalawa ang naglalaban sa with high honors kaso si Janice pa rin ang nagwagi. Galit na galit nun si Crissa dahil halata naman daw na pinaboran ng mga teacher si Janice dahil mayaman ito. May kaya din naman sila Crissa isa din sila sa may-ari ng mga tindahan na malalaki sa kanilang Barangay. Pero mas mapera nga lang talaga si Janice.

"Bye na sa inyong dalawa," naglakad na si Anna papunta sa resort.

Pagdating nya sa resort ay sinalubong agad siya ng ina na mukhang masama ang timpla ng mukha.

"Ano ba yan, Anna. Alam mong maraming gagawin ngayon dahil may mga bisita na darating tapos ang tagal mo dumating dito sa resort!"

"Pasensya na, ma. Nasalubong ko kasi sila Crissa at Maleny," paliwanag nya sa ina.

"Inuna mo pa talaga sila kaysa sa trabaho mo? Mapapalamon ka ba ng mga 'yon?!" Hindi na lamang sumagot si Anna sa kanyang ina dahil baka kong saan pa ma punta ang usapan.

Pumasok na siya sa kitchen at nag simulang tumulong sa gawain sa pagluluto, paghuhugas at paggagayat ng mga pagkain na ihahalo sa lulutuin. Halos apat na oras na ganon lang ang ginawa nila.

"Guys, kain muna tayo." Pag-aalok ni Daisy sa kanila

"Anna, don ka na lang muna sa beach front nag-aayos sila ng mga lamesa don at nagdedecorate rin para sa pag salubong kay Mayor." ani ng kanyang ina.

Gusto nya sana tumanggi dahil pagod na ang binti nya kakatayo at kamay. Gusto nya rin sana sumabay sa kanila sa pagkakain dahil gutom na siya. Pero mukhang gumawa talaga ang kanyang ina na 'di siya makakain. Hindi man lang 'ata iniisip nito na gutom na siya or alukin na lang muna siya kumain bago papuntahin doon.

Pagdating nya sa harap ng resort ay maayos na rin ang lahat. Nakalapag na lahat ng pagkain na niluto nila at hinihintay na lamang ang pagdating ng mayor. Mga ilang minuto rin na paghihintay ay dumating na ang mayor. Sinalubong pa ito ng mga elementary student drum n lyre habang paparating ang sinasakyan nitong speed boat. Naka sakay kasi ang mayor sa yatch pero dahil 'di naman pwede ang yatch sa mababaw ay kinailangan nilang mag speed boat. Marami pang mga naka sunod na speed boat at mukhang mga security guard ito ng mayor. Napansin rin ni Anna na kasabay ng mayor ang ate ni Janice na si Ayezha. Inalalayan pa ng mayor ang pagbaba nito mula sa speed boat. Napagtanto ni Anna na totoo nga ang tsismis na may relasyon ang ate ni Janice at ang Mayor.

Pagkatapos ng paghahanda at ng makakain na ang mayor ng pananghalian ay sa wakas nakakain na rin si Anna. Pero yon nga lang ay pagkatapos na pagkatapos nyang kumain ay inutusan siya agad ng ina na hugasan lahat ng mga pinggan na pinagkainan ng mga bisita. Napakarami nito at wala man lang katulong si Anna dahil ang ina ay busy rin sa pagluluto na naman at ang iba pa. Paano kasi ay may kainan ulit mamayang gabi na gaganapin. Kasama na doon ang mga kaibigan ng mayor kaya busy pa rin sila.

Halos sumakit ang buong katawan ni Anna sa buong maghapon lalo na sa hugasin na napakarami. Mabuti na lamang ay 'di na siya inutusan ng ina ng matapos nyang ma hugasan ang lahat. Kaso nasa isipan ni Anna na mukhang 'di siya makakasama sa mga kaibigan dahil mukhang marami na namang iuutos sa kanya ngayong gabi.

"Anna, umuwi ka na muna sa bahay at maligo. Mag-ayos ka ng sarili mo nakakahiya naman sa mga bisita mamaya. Nagsabi kasi si Ma'am Gezelle na kasama lahat ng staff sa resort kakain mamaya ng dinner. Dalhan mo na rin ako ng damit, dito na lang din ako maliligo."

Pagkatapos sabihin yan ng ina ay agad na umuwi si Anna. Naabutan nya ang kanyang tiyo at si Ronel na kumakain.

"Kain ka muna pamangs, mukhang pagod ka." bati sa kanya ng tiyo pagdating nya pa lang.

"Sige lang tiyo, sa resort na daw po kasi kami maghahapunan." sagot ni Anna rito.

Agad na bumagsak ang katawan ni Anna sa hinihigaan nyang kama. Hindi man ito ganon kalambot dahil manipis lang ang kutson. Pinaglumaan lang kasi ito sa resort at binigay sa ina. Sobrang na pagod ang katawan ni Anna buong mag hapon kaya napag desisyunan nya munang humiga. Total ay maaga pa rin naman mamaya pa kasing alas otso ang dinner. Mag alas sais pa lang din naman kaya kampante lang siyang nahiga.

"Hoy, Anna! Gising na dyan, gurl!" nagising si Anna dahil sa may yumuyogyog sa kanya. Nagulat siya ng makita ang kanyang dalawang kaibigan.

"Anong ginawa nyo dito?" wala sa sarili na tanong nya.

"Malamang sinusundo ka, gurl. Wala ka kasi don sa resort tinanong ko sa mama mo sabi umuwi ka daw." Agad namang natauhan si Anna nang mapagtanto nyang naka tulog pala siya sa sobrang pagod.

"Anong oras na?" mukhang malalagot na naman siya sa ina nito.

"7:30, girl." sagot ni Crissa sa kanya.

Agad siyang naghalukay ng maayos na damit na susuotin nya.

"Dito lang kayo maliligo muna ako," agad siyang tumakbo sa banyo. Mabuti na lamang din ay may tubig na isang balde sa banyo.

Pagkatapos nyang maligo naabutan nya ang dalawa nyang kaibigan na naghihintay sa labas ng kanilang bahay.

"Bakit nandito kayo sa labas?"

"Ah, kasi ang hirap ng signal kaya lumabas muna kami saglit." sagot ni Melany sa kanya.

Bago nya lang din na pansin na ang gaganda ng ayos ng mga kaibigan nya at halatang mga bago ang dress na suot. Samantalang siya ay ang dress nya pa na binili ng kanyang ina ng prom night noong senior high siya. Ang babango rin ng mga ito, naubos na rin kasi ang pabango nya na binili na tag 50 pesos tanging johnson na pulbo na lang ang meron siya.

Kinuha nya na ang damit ng ina at pinasok sa loob ng shoulder bag nya.

"Ano oras na?" tanong nya sa dalawa nyang kaibigan.

"Maaga pa naman 8 pa lang," mukhang lagot talaga siya sa mama nya.

"Bilisan natin papagalitan kasi ako ni mama nito, lalo na nandito sa akin ang damit nya na susuotin."

Nagmadali naman sila sa paglalakad nakarating sa sa resort ng sampung minuto na lakaran. Agad hinanap ni Anna ang kanyang ina.

"Ma," halata dito ang inis sa kanya ng makita siya. Agad siya nitong sinampal pagkalapit na pagkalapit nya pa lamang.

"Gusto mo ba ako ipahiya, ah?! Pinaaga kita ng uwi para maaga ka rin makabalik pero, ano?! Bwesit ka talaga kahit kailan!" Hinablot sa kanya ng ina ang shoulder bag na bitbit nito at dumirtso sa banyo ng resort.

Hindi nya namalayan na napaiyak na pala siya sa pag sampal ng ina. Ito ang unang beses na napag buhatan siya ng ina ng kamay. Hindi nya nga na isip na darating pala ang panahon na magiging ganito ang samahan nila ng kanyang ina.

Lumabas siya ng resort sa sama ng loob ay ayaw nya na lamang pang sumama sa dinner na gaganapin.

"Ayos ka lang ba?" mukhang na pansin nila Crissa at Melany na tahimik si Anna. Agad nila itong niyakap na nagpa gaan naman ng pakiramdam ni Anna.

"Ayos lang ako, siguro maglakad lakad na lang muna tayo." agad naman sumang-ayon ang dalawa sa suggestion ni Anna.

Napag desisyunan nila na sa dalampasigan nalang muna maglakad lakad habang 'di pa nagsisimula ang disco sa gymnasium ng kanilang Barangay. Pagkatapos pa daw kasi ng pa dinner ng Mayor sa resort bago mag start ang disco.

"Alam mo ba nakakatakot kanina? Habang naglalakad kasi kami ni Crissa ang dami namin nasasalubong na mga armadong lalake."

"Kaya nga, akala mo naman may papatay kay Mayor makapag dala naman ng maraming guard. Okay lang sana kong maayos ang mga mukha pero mukhang mga sanggano na di gagawa ng maganda. Kaya nakakatakot."

Hindi na pansin iyon kanina ni Anna pero ngayong naglalakad sila papunta ng dalampasigan ay may nakasalubong nga sila na iilan. Parang ayaw na nga lang nila tumuloy sa paglalakad. Huminto sila sa di kalayuan sa may resort at na upo sa isang tabi.

"Ano yon?" napahinto sila ng may marinig silang sigaw. Hindi ito maririnig masyado sa resort dahil sa ingay na tugtug at mukhang mas malapit sa pwesto nila ang sumisigaw.

Hindi sila maaaninag masyado dahil sa punong nakatabon sa kinauupuan nila. Mga ilang minuto lamang ay nakarinig sila ng paparating at marahan silang nakinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Ikaw ba ang kumuha ng flash drive?"

"Hindi p-po, ma'am" halos ma iyak na ang boses nito.

"Hwag mo akong inuuto, Emelda! Ikaw lang ang pumasok sa kwarto ko at nawala na ang flash drive!" Isang malakas na sampal ang natanggap ni Emelda mula sa babae.

Hindi nila gaanong ma kilala ang babae dahil sa hindi ito nakaharap sa pwesto nila at medyo madilim pa ang pwesto nito. Pero kilala ni Anna si Emelda isa ito sa mga tagalinis sa resort.

"Ma'am, maniwala po kayo wala po akong kinuha." nakaluhod na si Emelda sa harap ng babae. Agad hinila nito ang buhok ni Emelda at sinampal kanan at kaliwa. Halos di makapaniwala sila Crissa, Anna at Melany sa nasaksihan nila. Gusto sana nila tumulong pero natakot sila dahil may nakasunod na mga armadong lalake sa babaeng nanakit kay Emelda.

"Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo dahil kong hindi ipapapatay kita! Hindi lang ikaw idadamay ko rin buong pamilya mo!" Halos dumagundong ang dibdib ng tatlo sa mga narinig.

"Ayezha, let's go." tsaka lamang nila napagtanto na si Ayezha pala ang babae kong 'di pa ito tinawag ng mayor. Umalis na ang mga ito at kinaladkad ng mga armadong lalake si Emelda palayo.

"Totoo ba ang nasaksihan natin?" hindi makapaniwalang tanong ni Melany.

"Ano pa nga ba? May pinagmanahan pala talaga si Janice." ani ni Crissa.

Tahimik naman si Anna sa isang tabi at parang 'di pa nag sink-in sa kanya ang mga nangyare.