Nasa dalampasigan si Bryce at malapit na rin mag hating gabi. Nagpapa signal kasi ito dahil may i-se-send raw na files ang organization tungkol profiles na in-imbestigahan nila. Uuwi na sana si Bryce nang may marinig siyang paparating na isang grupo ng kalalakihan. Agad siyang kumubli sa isa sa mga puno.
"Pre, ngayon na ba ang dating ng mga armas?" nakikinig lamang si Bryce sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Bobo ka ba? Kaya nga tayo naka abang ngayon dito!"
"Mga armas lang ba ang darating?"
"Hindi ko alam, pero mukhang may iba pa."
Hindi maaninag ni Bryce kong sino-sino ang mga ito dahil sa madilim ang area. Wala rin kasi talagang buwan o bituin man lang na makikita sa kalangitan. Nanatili si Bryce sa pinagtataguan nito upang makakuha pa ng ibang information. Malalaki ang katawan ng mga ito halos doble ng katawan nya. Kaya kong babalakin nya man sumugod ay dehado siya. Wala rin naman sa mission nya ang sumugod kundi ang magmanman lang.
Mga ilang minuto pa na paghihintay ay may dumating na speed boat. Malakaking bag ang laman nito at mukhang naglalaman nga ito ng mga armas.
"Pre, mukhang naiiba ito."
"Ihahatid daw yan sa kabilang isla. Gagamitin ng mga guest doon." Mukhang kailangan ni Bryce na maka punta ng kabilang isla upang makakalap pa ng ibang impormasyon.
"Napakarami nitong shabu, pre. Mukhang tiba-tiba tayo nito."
"Dalian mo baka mahuli pa tayo!"
"Sus! Ano rin bang ikatatakot natin? Wala namang laban ang mga taga rito kahit mag sumbong pa sila wala silang kakampi. Malakas ang kapit natin dito sa batas!"
Binuhat ng mga ito ang bag na naglalaman ng armas at shabu. Marahan silang sinundan ni Bryce. Pa linga-linga pa ang mga ito at nakikiramdam din sa paligid.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba?" Huminto ito at tumingin sa paligid. Mabuti na lamang ay madilim ang paligid dahil sa wala ng kuryente sa naturang lugar kapag hating gabi na. Kaya hindi mahahalata si Bryce na tumatago sa matataas na mga damo.
"Wala naman, pre. Ano ba yang pinapagsabi mo?" umiling naman ito at nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Malayo na ang nilalakad ng mga ito, parang papunta na sa kabundukan.
'Gago, ang tanga ko! Hindi ko man lang na inform si Oliver about dito. Wala pa namang signal. Bahala na nga!' yan ang binabanggit ng utak ni Bryce habang sinusundan nya pa rin ang mga ito.
Habang papalayo ng palalayo ay mas lalong nagiging mapanganib para sa binata ang lahat. Pero desidido siyang malaman kong saan naglulungga ang drug lord na hinahanap nila. Napahinto ito sa pag sunod at agad na kumubli sa matataas na damo. May sumalubong kasi sa mga ito na may mga dalang armalite na baril. Malalaki rin ang mga pangangatawan ng mga ito.
"Ito na ba yon?" marahan namang tumango ang isa sa kanila.
"Pwede na kayong umalis." Binitiwan na ng mga ito ang mga bit-bit na bag at kinuha ng mga lalakeng may hawak na armalite. Umalis din agad ang kaninang sinusundan ni Bryce. Napagdesisyonan nya na di na lang muna ituloy ang pagsusunod sa mga armadong lalake. Lalo na malalim na ang gabi at baka mapahamak siya. Sumunod na lamang siya sa kaninang sinusundan nya.
"Nakapasok kana ba sa loob?" rinig ni Bryce ang pinag-uusapan ng mga ito. Pabalik na rin ang mga ito sa mismong baryo.
"Hindi pa, pero si pareng Gino nakapasok na sa loob."
"Talaga mukhang malakas siya kay bossing, ah."
"Oo, nakakatakot daw sa loob at sobrang higpit ng security."
"Nakita mo na ba kong sino ang boss?"
"Hindi pa, hindi naman kasi yon nakikipag meet sa mga kagaya nating 'di ma impluwensya."
Nang makarating sila sa mismong baryo ay naghiwa-hiwalay na ang mga ito. Mukhang uuwi na ang mga ito sa kani-kanilang bahay. Sinundan ni Bryce ang lalakeng medyo may alam sa kanila. Tinignan nya kasi kong saan ito nakatira dahil may alam ito, isa rin pa sa list nya na hahanapin ay yong Gino na pangalan. Mukhang mas marami itong nalalaman lalo na nakapasok ito sa mismong hide-out.
Bumalik na si Bryce sa resort, tinignan nya ang wrist watch nya at malapit na pala mag alas dos ng madaling araw.
"San ka galing?" halos atakihin si Bryce dahil sa biglaang may nag salita sa likuran nya papasok ng room nya sa resort. Mabuti na lamang ay si Oliver lang.
"May kakaiba kasi kanina sa paligid kaya na isip kong sundan."
"Here," Inabot ni Oliver ang flash drive at mukhang nakuha na nito ang profiles ng member ng syndicate na in-imbestigahan nila.
Isinaksak ni Bryce ang USB sa kanyang phone at nag-iisang file lang ang nandoon. Bumungad agad sa kanya ang picture ng isang babae.
Name: Ayezha De Veluz
Age: 22 years old
Siya ang pinaka una sa list.
"Mukhang 'di ako familiar sa kanila." ani ni Bryce habang nagbabasa pa ng ibang information about sa member.
"Malamang 'di ka talaga magiging familiar dahil 'di ka naman taga dito, tanga!"
Yong nasa profiles kasi na member ay more on taga tugdunan lamang. Mga bata pa rin parang kaka graduate lang ng college.
"Ikaw ba walang familiar? Walang member sa mga co-teacher mo?" marahan namang umiling si Oliver.
Hindi naman kasi pwede mag tanong tanong si Bryce sa mga taga dito dahil baka kong ano pang isipin ng mga ito. Pero may isang nasa utak nya na pwede nyang pag tanungan. Pumikit na ito nang bumuhos ang napakalakas na ulan.
*****
Maagang gumising si Anna upang makapag igib ng tubig at makapag handa ng kanilang agahan. Medyo tinatamad nga siyang bumangon dahil ay makulimlim at malamig dahil sa umuulan. Naalala nya pa dati kapag ganito ang panahon ay di naglalaot ang kanyang ama at ito ang gumagawa ng dapat na gagawin nya. Napapaluha na lamang siya kapag naaalala nya ang masasayang araw na kasama ang kanyang ama.
Alas sais ng matapos sa gawain si Anna at gising na ang kanyang ina bago nag timpla ito ng kape.
"Hayys, kong bakit ba naman kasi nang dumating ka sa amin ay naging malas 'tong buhay namin." parang sinaksak ng ilang libong karayom ang puso ni Anna ng marinig ito mula sa kanyang ina.
Naririnig nya rin dati sa mga kapit bahay noong nag-aaral pa siya na 'di naman sila ganon kahirap. Sa katunayan nga raw ay sa syudad nakatira ang kanyang pamilya at may negosyo don. Nakakapunta lamang dito kapag bakasyon dahil ang tiyo nya ay nakatira talaga dito. Pero dahil sa kanya raw ay naghirap ang buong pamilya dahil may sakit siya sa puso. Kinailangan gumastos ng kanyang mga magulang kaya na ibenta ng kanyang mga magulang ang bahay at lupa sa syudad. Nalugi rin ang negosyo ng mga ito dahil sa laki ng binayaran sa pagpapa opera sa kanya. Kong dati kapag nasasabi nya ito sa ama ay sinasabihan lang siya nito na 'di sila nagsisisi atleast daw ay buhay siya at malakas. Pero ngayong narinig nya sa ina ay sobrang sakit sa pakiramdam.
Sumabay na sa ina si Anna sa pag pasok sa resort. Alas otso ng umaga sila dumating at ang tanging inutos lamang sa kanya ng ina ay magwalis sa buong paligid. Napakalaki ng resort at marami ding mga puno kaya naman marami ring nagkalat na mga dahon.
Habang nagwawalis siya ay napa hinto siya ng lumapit sa kanya si Bryce. Bumilis na naman agad ang tibok ng puso nya.
"Hi, 'di ko nga pala natatanong name mo?"
"Anna, tawagin mo na lang akong Anna."
"Ah okay Anna, by the way kilala mo ba si Ayezha?" Si Ayezha ay anak ng may-ari ng resort. Medyo kumirot ang puso nya nang nagtatanong ito tungkol sa ibang babae.
"Amo po namin yan, anak po siya nang may-ari nitong resort."
"Ah, talaga ba? Iba kasi pa kilala nya sa akin. Thank you."
Umalis na ito matapos mag tanong, gusto nya pa sanang makausap ito pero wala naman siyang na iisip na itatanong pa rito.
"Hoy Anna!" na bigla siya sa pagdating ni Janice at halata sa boses nito ang pagkairita.
"Anong tinanong sayo ni Bryce?"
"Nagtatanong lang siya tungkol sa ate mo." agad naman nagbago ang expression nito at halatang natuwa.
"Talaga? Mukhang hinahanap nya si ate," pagkatapos nitong sabihin sa kanya ay umalis na rin.
Sumakit talaga ang dibdib ni Anna dahil mukhang interested ito sa ate ni Janice. Ano bang laban nya ron, 'di hamak na katulong lamang siya at 'di naman maganda.