Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 20 - EPISODE 21

Chapter 20 - EPISODE 21

"ANG PAGBABALIK NI SELENA"

ANG NAKARAAN,

Matagumpay nilang naitakas si Joshua sa kamay ni Hex. Nabunyag na din ni Aira ang tunay na katauhan ni Hex.

"Wag kanang magtago sa Maskara mo Haring Gerald!" Sabi ni Aira habang kaharap niya si Hex.

Na syang ikinagulat naman ni Hex.

SA PAGPAPATULOY...

"Ihiga ninyo sya dito." Utos ni Aira kina Joshua at Liam habang karga nila si Sam.

"Buhay pa sya?" Tanong ni Joshua.

"Oo buhay pa sya nararamdaman ko pa ang kanyang diwa. Wag kang mag-aalala." Sagot ni Aira.

Nang Makita nina Zandro at Xavier na dumating na sina Aira kasama si Sam na hanggang ngayon ay Wala pa ding malay.

"Samuel! " Sigaw ni Zandro. At nagmamadali silang dalawang mag tungo kay Sam.

Hinawakan ni Xavier ang kamay ni Sam sabay halik dito at si Zandro naman ay hinalikan si Sam sa noo.

"Sandali, anong ginagawa nyong dalawa sa kabiyak ko!" Tanong ni Joshua.

Di maka sagot silang dalawa.

"Prinsepe Husua magpahinga ka muna ipapaliwanag namin ni Nuno ang mga nangyari bago ka nawala." Sabi ni Rosa.

"Oo nga Husua. Sa ngayon mag tungo ka muna sa iyong silid. " Dagdag ni Nuno.

"Aira? Anong nangyayari bat nila hinahalikan si Sam? May love triangle naba?" Tanong ni Liam.

"Antayin nating magising si Sam." Sagot ni Aira.

"Mabuti naman at buo na ang apat na elemento!" Sabi ng pamilyar na boses na nanggagaling sakanilang likuran.

"Tiya Selena?" Sambit ni Aira. Nang lingunin nya ito ay nagbalik na sa dating anyo si Selena.

"Mahal na Prinsesa hindi na wangis bata ang anyo mo ngayon!" Masayang sabi ni Victoria.

"Tinulungan ako ng mga diwata, at nakarating na din si Habagat sa Kanlaon. Si Gerald pala at si Hex ay iisa. Bakit hindi ko kaagad ito napansin. Noong una kung Kita ko sakanya nagdududa nako sakanya. Pero huli na! Kelangan na nating maghanda!" Sabi ni Selena.

"Pero tiya, Kung si Haring Gerald at si Hex talaga ay iisa. Si Samuel ay dugot laman nya?" Sabi ni Aira.

"Tama ka Aira. Makakaya kayang kalabanin ni Samantha ang kanyang sariling ama. " Sabi ni Selena.

"Pero binibini papano kung...~" Naputol ang sasabihin ni Xavier ng magising na si Sam.

"Nasaan ako? Nana Matilda?" Sabi ni Sam.

"Bes si Liam to, kamusta kana?" Tanong ni Liam sakanya.

"Liam? insa Aira? Ikaw ba Yan?" Sabi ni Sam nang makita nya Sina Liam at Aira.

"Kami nga kamusta kana? May masakit ba sayo?" Tanong ni Aira.

"Si Joshua ? " Tanong ni Sam.

Lumapit Naman si Joshua at kinuha ang kanyang kamay.

"Mahal ko, nandito ako. Maraming salamat at iniligtas moko." Sabi ni Joshua.

"Mabuti naman at ligtas kana." Ngiting Sabi ni Sam.

"Kamusta kana Samantha." Sabi ni Selena.

"Selena?" Sabi ni Sam.

"Tiya Selena! Dahil kapatid ko si Anya ang iyong ina.kamusta kana pamangkin ko!" Tanong ni Selena.

"Tiya bakit hindi pa din ako bumabalik sa pagiging lalaki? May sumpa pa din ba ako?" Tanong nya.

"Sumpa? Hindi yan sumpa. Dahil ang totoo, ikaw ay ipinanganak na babae. Nagbago lang ang iyong kasarian ng mapunta ka sa Mundo ng mga tao. Ayun na din sa kagustuhan ng iyong ina. Upang iligtas ka sa iyong ~ " Nagdadalawang isip si Selena kung sasabihin ba nya ang katotohanan.

"Aking?? Ano?" Tanong ni Sam.

"Hindi ating kalaban na si Hex. " Sagot ni Selena.

Nagulat sina Aira nang ilihim ni Selena ang katotohanan.

"Handa nakong labanan sya.upang iligtas ang aking ina at ama." Sabi ni Sam.

"Kung ganun, kompleto na kayo. Bukas mag sisimula na Ang tunay na pagsasanay. Magpahinga ka muna para may lakas ka bukas." Sabi ni Selena.

"Opo Tiya!" Sagot ni Sam habang nakangiti sakanya. At gumanti din ito ng ngiti sakanya.

"Nuno, Victoria at Rosa pakibantayan si Sam, kakausapin ko muna ang mga tagapagbantay. At kasama ka Zandro." Sabi ni Selena.

"Ako po? " Gulat na Sabi ni Zandro.

"Oo sumunod kayo saakin!" Utos ni Selena.

At sumunod Naman silang Lima kay Selena.

Samantala sa Harte.

"Via! Isa ka din ba sa mga taksil? Sumagot ka!" Tanong ni Hex.

"Panginoon, Wala akong Alam sa sinasabing Plano ni Aira. May kapangyarihan kang Makita Ang Nakaraan panginoon. Bakit di mo gamitin!" Sabi ni Via.

"Siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo, kapag nalaman kung nag sisinungaling ka. Hindi ako magdadalawang isip na kitlin ka ng buhay." Sabi ni Hex at ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang tukuyin Kung totoo bang sinasabi ni Aira.

"Panginoon? Hindi pa ba natin kukunin ang itinakda?" Tanong ni Via.

"Hindi pa, pero balang araw makakaharap ko din ang Anak ko." Sabi ni Hex.

Humangos ang isang kawal na nagbalita tungkol sa pagtakas ni Joshua.

"Sabi ko na nga ba! Si Joshua ang pakay nila dito. Ngayong kompleto na sila muli. Hindi padin ako natatakot dahil Alam Kung hindi ako kayang saktan ng aking sariling anak. Lalo na't alam na ni Aira ang katotohanan. " Sabi ni Hex.

"Maitanong ko lang panginoon? Bakit gustong-gusto mong masakop ang Jamais?" Tanong ni Via.

"Simple lang kapag nawasak na ang Jamais. Magbubukas na ang ibang lagusan papuntang Kanlaon at lagusan patungong mundo ng mga tao!" Sabi ni Hex.

"Kung sisirain mo ang Jamais papano ako maging Reyna sa Aera? Kung Wala na Ang tahanan ko?" Sabi ni Via.

"Wala akong pakialam! Pwde kang mag Reyna sa mundo ng mga Tao Kung gugustuhin mo! Hindi ako makapasok sa Lagusan na ginawa ni Selena dahil may basbas ito ng mga diwata sa kanlaon. Ang mga itinapon na mga diwata na katulad ko ay magiging abo kapag pipilitin kung pumasok doon!" Sabi ni Hex.

"Hindi ko ma gets yang sinasabi mo Panginoon pero gusto ko din maging Reyna sa mundo ng mga tao!" Ngiting Sabi ni Via.

Balik kina Selena...

"Hindi nyo muna sasabihin Kay Samantha ang totoo tungkol Kay Hex. Dahil masisira ang Plano natin. Ako na Ang magpapaliwanag sakanya kapag dumating na ang panahong iyon." Sabi ni Selena.

"Mukhang Hindi yan madali Binibini. Lalabas pa din Ang totoo!" Sabi ni Xavier.

"Basta, ihanda nyo si Samantha! Lalo nat Alam ko na gagamitin sya ng kanyang Ama upang sirain ang Jamais. Oras na masira ang Jamais, makaka punta na sa Kanlaon si Hex at doon nya isasagawa Ang huling delubyo sa Mundo ng mga tao!" Sabi ni Selena.

"At papano Ang love story nilang lima? Alam kung gusto ninyo si Samuel, Zandro at Xavier. Pero ~" Sabi ni Aira nang biglang sumabat si Joshua.

"Pero magmamay-ari ko sya! Mahal ko sya! Ipinagkatiwala ko sayo si Samuel sayo Xavier pero bakit parang inaahas mo ang Mahal ko!" Sabi ni Joshua.

"Oo aaminin ko na, may gusto ako kay Samuel pero asahan mo kaibigan. Hindi ko popormahan si Sam." Sabi ni Xavier.

"Ako Hindi ko maipapangako dahil bago naging kayo. Kami ni Sam. Babawiin ko sya sayo!" Sabi ni Zandro.

"Kung ganun! May the best man win?" Sambit ni Liam.

"Hay mga lalaki talaga!" Sabi ni Aira.

Itutuloy....