"ANG MGA KAPANALIG SA PALASYO!"
ANG NAKARAAN,
Pumuslit si Samuel sa Lakur upang puntahan ang kasintahan na si Joshua sa Harte na ngayon ay nasa pamumuno na ito ng itim na nilalang na tinatawag nilang Hex.
Samantala, sumanguni si Selena sa isang malapit na kaibigan tungkol sa nangyaring pagbabago kay Samuel.
"Hindi lalaki ang Anak ni Anya kundi isang prinsesa, nagbago lamang ang anyo nito noong napadpad ito sa mundo ng mga Tao. Ayun na din sa kagustuhan ng kanyang inang reyna." Sambit ni Magayon kay Selena.
ANG KARUGTUNG...
"Malilintikan tayo ni Nuno nito Mahal na prinsepe! Kapag nalaman nilang wala ka sa Lakur. Tyak na mag aalburuto nanaman si Binibining Selena!" Sabi ni Rosa sakanya ang lamabanang sumunod sakanya noong nakita nyang pumuslit si Samuel sa Lakur.
"Sandali, may susubukan ako sayo Rosa!" Sabi ni Samuel at itinaas nya ang kanyang palad.
"Ano yan?" Pag aalalang Sabi ni Rosa.
"Hindi pupuwedeng ako lang ang mag hahanap kay Joshua. Total sumama kana sakin eh tumulong kana. Sandali, parang ito yung itinuro sakin ni Aira eh, ano nga ba yun?" Sabi ni Samuel habang nag iisip pa.
"Mahal na Prinsepe, sigurado ka? Alam naman nating hindi kapa masyadong magaling sa pagkumpas at pag usal ng mahika mo. Nakakatakot yan!" Sabi ni Rosa.
"Magtiwala ka Rosa!" Ngiting Sabi ni Sam at agad syang nagsalita ng kakaibang salita kasabay ng pagkumpas Ng kanyang mga kamay.
Sa isang iglap ay naging kasing laki na nya si Rosa.
"Ang galing Mahal na Prinsepe. Humuhusay kana nga!" Sabi ni Rosa.
"Sabi ko sayo eh." Sagot ni Samuel at biglang may pumasok na isang matandang babae at base sa tindig at kilos nito halatang may malaking katungkulan sa Palasyo.
"Sino kayo? Mga magnanakaw kayo no?" Sabi ng matandang babae.
Tatawag na Sana ng kawal ang babae ngunit pinigilan ni Rosa.
"Ako po si Rosa, nanggaling po kami ng kapatid ko sa maliit na bayan ng Boida na ngayon ay sira na nasa kagubatan nalang ho kami ng kapatid ko nakatira. Parang awa nyo na po senyora~.. " pakiusap ni Rosa.
"Matilda nalang, taga Boida din ako, talagang sira na ang aking banwa! Nakakalungkot" Sabi ni Matilda.
"Aling Matilda, aalis nalang ho kami!" Sabi ni Sam.
"Anong tinawag mo saakin babae?" Nakataas na kilay na tanong ni Matilda.
"Pagpasensyahan nyo na po kapatid ko." Sambit ni Rosa.
"Alam ko ang salitang Aling, nanggaling ba Ang kapatid mo Rosa sa Mundo ng mga tao?" Tanong ni Matilda. Sasagot na sana si Samuel nang..
Biglang dumating ang mga kawal.
"Matilda sino sila?" Tanong ng kawal.
"Sila ang mga pamangkin ko. Pinagbibihis ko na sila ng kasuotang pang dama. Bakit mo pala ako hinahanap?" Tanong ni Matilda.
"Hinahanap na ng Hari ang kanyang pinapahandang pagkain?" Sagot ng Kawal.
"Ay oo Tama, sige susunod na kami ng mga pamangkin ko. Sandali lamang at magbibihis kami!" Sabi ni Matilda.
Nang makaalis na ang kawal nagpasalamat si Rosa at Samuel sakanya.
"Ako nga po pala si Samantha." Sabay abot ni Sam ang kanyang kamay sa matanda.
"Ikinagagalak kitang makilala Samantha." Nang abutin ni Matilda ang kanyang kamay ay bigla itong natulala at nakatitig Kay Sam.
"Nana Matilda? Ayus kalang ba?" Tanong ni Rosa.
Nang makabalik na sa kanyang uliran si Matilda ay agad itong lumuhod sa harapan ni Samuel.
"Nana Matilda anong ginagawa mo?" Sabi ni Samuel.
"Mahal na Prinsesa sawakas ay nag balik kayo sa Jamais. At matutuwa kaming mga kapanalig ng Reyna Anya. " Sabi ni Matilda.
"Papano mo nalaman na si Samuel ang Anak ng reyna?" Sabi ni Rosa.
"Dahil, may kakayahan akong malaman ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng isang nilalang. At nakita ko sa aking pangitain na ang batang ito ay ang Anak ng Reyna Anya. May simbolo din syang taga Harte sya. " Sabay turo ni Matilda sa kanang braso ni Sam.
"Kung ganun, matutulungan mo ba kami nana Matilda. Hinahanap namin ng kaibigan ko si Prinsepe Joshua. O Husua? Kaloka yan kasi tawag nila sa boypren ko dito." Sabi ni Sam.
"Boypren? Kakaibang salita minsan na din akong nanirahan sa Mundo ng mga Tao Mahal na Prinsesa. Ngunit, sguro matanda nako di ko na maalala ang mga salitang ginagamit ng mga Tao doon. Tungkol sa Prinsepe ng Lakur. Matutulungan ko kayo pero sumama kayo saakin. Alam ko Kung saan sya namamalagi." Sabi ni Matilda.
"Maraming salamat!" Ngiting Sabi ni Sam.
Samantala sa Lakur,
"Samuel humanda ka sakin pag nakita kita!" Sigaw ni Aira.
"Bakit Aira? Anong nangyayari? Anong nangyari kay Samuel?" Pag-aalalang Sabi ni Zandro. Na agad namang sumunod sa pag tatanong si Xavier .
"Nasaan ang pasaway na tagapag mana ng Harte." Sambit ni Xavier.
"Tumakas mukhang pupuntahan so Joshua sa Harte!" Galit na Sabi ni Aira.
"Wag kayong mag aalala, sinamahan sya ni Rosa. Alam kung Hindi sya papababayaan ni Rosa." Sabi ni Nuno.
"Susundan ko ang pasaway na yun!" Sabi ni Xavier.
"Bakit mo naman susundan si Samuel? Para ikaw Lang Ang maging tagapagligtas nya? Alam ko na diskarte mo Xavier. Style mo bulok!" Sabi ni Zandro.
"Ah ganun pala ha?" Akmang susuntukin na ni Xavier si Zandro ng pinigilan ni Aira ang dalawa gamit ang kanyang mahika.
"Hindi ba Kayo titigil? Hindi nyo ba Alam o sadyang tanga kayong dalawa! Si Samuel at si Joshua ay mag syota na. Narinig ko Ang usapan ninyo kagabi na dadaanin nyo sa paligsahan upang maging kabiyak nyo si Samuel. Utang na loob! Tumigil kayo? Wag na kayong dumagdag pa! May panahon ang mga bagay na ganyan lalo na ngayon Hindi ko pa din mahanap si Liam!" Sabi ni Aira.
"Tama si Prinsesa Aira. Hindi sa kinakampihan ko Ang aming Prinsepe Husua. Tama si Aira hindi dapat Yan Ang nasa isipan natin. Kelangan nating isipin Kung papano natin mapapauwi ang Prinsepe.." Sabi ni Nuno.
Biglang dumating si Liam.
"Mabuti naman at nagpadala ka ulit ng direksyon Aira. At bakit nasaan si Samuel ?" Tanong ni Liam.
"Halika ipapaliwanag ko sayo sa daan. Tayo na Ang sumundo sa pasaway na Prinsepe!" Sabi ni Aira. At agad silang naglaho.
Tinitigan Lang ni Nuno Ang dalawang Prinsepe ng Hestia.
"Tanging ang panahon lamang ang makakapagsabi Kung sino sainyong tatlo ang magiging kabiyak ng Prinsepe. " Sambit ni Nuno at iniwan nya Ang dalawang naka yuko.
"Mahal ko si Samuel, ako ang nagbabantay sakanya noong Bata pa! " Sabi ni Xavier.
"Tama na Xavier, Tama si Aira at Nuno. Nasa kamay na ni Husua si Sam. Maging masaya nalang tayo!" Sabi ni Zandro.
"Sumusuko kana ba?" Tanong ni Xavier.
"Hindi susuyuin ko pa din si Samuel Alam Kung may puwang pa ako sa puso nya. " Sabi ni Zandro.
Balik sa kaharian ng Hestia..
Pinakilala ni Matilda sina Samuel at Rosa sa mga kapanalig nila.
At ngayon ay tinungo na ng dalawa ang kwarto ni Joshua.
"Narito na tayo Mahal na Prinsepe ito na nga Yung sinasabing kwarto ni Nana Matilda." Sabi ni Rosa.
"Kung ganun ibabalik na Kita sa pagiging lambana mo Rosa. Mag masid ka Kung may paparating na kalaban!" Sabi ni Sam.
"Masusunod!" Sambit ni Rosa at agad namang inusal ni Sam ang mga mahiwagang salita upang bumalik sa dating anyo si Rosa.
Nang maging Lambana na si Rosa ulit nagtago ito sa mga halamanan, at si Samuel ay pumasok na sa kwarto.
"Senior Husua, narito na po ang inyong pagkain." Sabi ni Sam habang iginala nya Ang kanyang mga panigin sa ganda ng desinyo sa loob ng kastilyo.
At doon nkita niya si Joshua na nakahiga at tanging kumot lang Ang nakatakip sa maselang bahagi ng katawan nito.
Naalala niya noong nasa Mundo pa sila ng mga Tao, dinalaw sya ni Joshua sa kanyang panaginip at hanggang ngayon kapag naalala nya yun ay kinikilig pa sya.
"Fucos Samuel! Kelangan mong mahalikan Ang nobyo mo. Parang sleeping beauty na. Pero ako na Yung Prinsesa na humahalik sa natutulog na Prinsepe kaloka. " Sabi ni Sam.
"Hindi pala sya natutulog dahil sa sumpa. Tulog Lang talaga sya. Pero bakit ganito matulog si Joshua masyadong bold star. Bwesit! Baka Hindi lang kiss mabibigay ko. Jusko tukso layuan mo ako!" Sabi ni Sam habang dahan dahan syang lumalapit Kay Joshua ng biglang bumangon si Joshua at galit na galit ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Joshua.
"Ah senyor pinapahatid ni Nana Matilda Ang mga pagkain na ito para sainyo." Sabi ni Sam habang dahan dahan itong humahakbang papalapit kay Joshua.
"Makakaalis kana!" Sabi ni Joshua.
"May sasabihin po ako sainyo senyor.!" Sabi ni Sam.
"Pwde ko po bang ibulong?" Sabi ni Sam.
"Bakit ba bulong nasabi ko mukha akong seductive na kabet na parang ewan. Pero Sana mag work? Kaloka Tung ipinasuot sakin ni Nana Matilda. Halos Makita na Kaluluwa ko nito. Yung dibdib ko jusko sexy star yata ako." Sabi ni Sam sakanyang sarili.
"Ano yun? Sge!" Sabi ni Joshua.
Agad lumapit si Sam at hinalikan si Joshua sa labi nito.
"Sana mag work!" Sigaw nya.
"Lapastangan!" Sigaw ni Joshua. At tumilapon si Sam sabay bagsak sa sahig dahil sa lakas ng pagkatulak no Joshua.
Ilang sandali pa ay nakaramdam ng pagkasakal ang itim na joshua.
"Anong ginagawa mo sakin babae!" Sabi ni Joshua.
"Gumagana nga!" Sabi ni Sam.
"Aaarrrrrghhhhh!!!" Sigaw ni Joshua.
"Bumalik kana Joshua! " Umiiyak na sabi ni Sam at bago ito nawalan ng Malay.
Mabuti na lamang ay dumaan si Matilda sa kwarto ni Joshua at agad sinaklolohan Ang dalawa.
"Rosa nasaan ka?" Tanong ni Matilda.
"Nana Matilda narito ako!" Sabi ni Rosa.
"Bumalik ka sa Lakur, humingi ka ng tulong sa mga kasamahan mo. " Sabi ni Matilda.
"Opo masusunod sandali Lang Mahal na Prinsepe Husua at Samuel. " Sabi ni Rosa at agad syang gumawa ng lagusan mula sa mga halaman.
"Mahal na Prinsesa gumising ka!" Sabi ni Matilda Kay Sam na nawalan ng Malay. Habang si Joshua ay unti-unti nang bumabalik sa dati.
Itutuloy....