Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 14 - CHAPTER 14

Chapter 14 - CHAPTER 14

"ANG PATIBONG AT ANG NAKARAAN (PART2)"

ANG NAKARAAN,

Nahuli sina Aira, Liam at Joshua at nasa kamay sila ni Hex.

"Bat hindi gumagana ang mga kapangyarihan natin dito?" Sabi ni Joshua.

Samantala, hawak na ni Zandro ang mga diamante na nagsisimbolo sa limang kaharian ng Jamais.

"Ito nga! Papano mo nakuha ang mga to?" Gulat na Sabi ni Samuel.

Habang si Xavier naman ay nagulat sa pagdating ni Victoria at may dala pa itong masamang balita.

ANG KARUGTUNG,

"Xavier kasama mo ba ang anak ng Reyna Anya?" Tanong agad ni Victoria kay Xavier.

"Bakit mo sya hinahanap? Teka nasaan Sina Aira? Bat hindi mo sila kasama?" Tanong ni Xavier kay Victoria.

"Yun na nga, masamang balita Prinsepe Xavier. Hawak ni Hex ang iba pang tagapag bantay. Pinasasabi ni Prinsesa Selena na kelangan ng magbalik si Samuel sa Jamais." Sabi ni Victoria.

"Papano Hindi pa handa si Samuel! Isang Elemento lang ang kaya niyang kontrolin. Yun ang Elemento ng Hangin.!" Sabi ni Xavier.

"Alam ni Prinsesa Selena yun. At kayong magkakapatid ang magtuturo sa kanya!" Sabi ni Victoria. Sa isang kumpas nya ay lumabas sina Sam at Zandro.

"Nasaan tayo?" Tanong ni Zandro.

"Nasa bahay ka. Xavier? Anong nangyayari?" Tanong ni Samuel.

Yumuko si Victoria ng makita nya si Samuel.

"Mahal na Prinsepe!" Sambit ni Victoria sabay yuko sa harapan ni Samuel.

"Victoria? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Zandro.

"Nasa panganib ang mga tagapagbantay. Inuutos ni Prinsesa Selena na kelangan na ng prinsepe na bumalik sa Jamais." Salaysay ni Victoria.

"Kung ganun, tayo na!" Sabi ni Sam.

"Hindi ka pupunta!" Sabay nilang Sigaw kay Samuel.

"Okay nag duet pa kayo! Pero bakit? Kelangan nating tulungan ang ang mga kaibigan natin!" Sabi ni Sam.

"Ako nalang ang pupunta!" Sabi ni Zandro.

"Hindi ako na! Alam ko ang pasikot-sikot ng Kastilyo. Isa pa Hindi pa Alam ni Hex na nasa panig ninyo ako. " Sabi ni Zandro.

"Sa katunayan may ispiya kami sa Harte, Alam na ni Hex na pinagkalulong mo sya. " Sabi ni Victoria.

"Wala nang oras! Buksan mo na ang lagusan!" Sabi ni Sam.

"Maiwan ka dito! Hindi ka sasama!" Saway ni Xavier.

"Oo nga hindi ka sasama!" Dagdag ni Zandro.

"Ayaw nyo? Sge!" Malungkot na Sabi ni Sam sabay upo sa Sofa.

"Ngayon na Victoria!" Utos ni Zandro at agad namang binuksan ni Victoria ang lagusan.

"Papano ang Prinsepe? Yun ang bilin ng prinsesa Selena saakin." Sabi ni Victoria.

"Hindi ko isusugal ang buhay nya. Siya lang ang makakatalo kay Hex." Sabi ni Xavier.

Nang humakbang na silang Tatlo papasok sa Lagusan ay biglang humawak si Sam sa Bewang ni Xavier.

"Anak ng Putek!" Huli na nang matanggal nya sa kanyang bewang ang kamay ni Sam.

"Wow! Ito ba ang Jamais? Ang ganda!" Manghang Sabi ni Sam habang pinagmamasdan nya ang mga kakaibang halaman, puno at nilalang sa paligid.

"Bat ka sumama!" Sigaw ng magkapatid.

Napangiti lang si Victoria sa inasal ng Dalawa.

Samantala sa Herta..

"Nararamdaman ko na ang enerhiya ng Anak ni Anya. " Ngiting Sabi ni Hex.

"Talaga panginoon? Nasa Jamais na ba ang itinakda?" Tanong ni Via.

"Tama ka Via. Unti-unti nang natutupad ang aking mga plano!" Sabi ni Hex.

"Anong plano mo Panginoon?" Tanong ni Via.

"Simple lang, patayin ang kanilang pag-asa! Bwahahaha!" Sabi ni Hex.

Hindi Alam ni Hex na may puting ibon ang nagmamasid sa kanya at nakikinig sa kanilang usapan.

Pagkatapos ng usapan nina Via at Hex. Lumipad palayo ang ibon at nagtungo ito sa Kulungan kung saan nakakulong sina Aira, Liam at Joshua.

"Ang kaibigan mong ibon Joshua nagbalik na sya!" Sabi ni Liam.

Agad tumayo si Joshua at nilapitan ang Ibon.

Tinitigan nya Lang ito ng ilang minuto at agad din itong umalis.

"Anong nangyari? May balita ba?" Tanong ni Aira.

"Nasa Jamais na daw si Samuel. Tama nga ang aking kutob. Kelangan na nating makatakas dito. Isa itong patibong!" Sabi ni Joshua.

"Hindi! Hindi! Hindi ito maari. Kelangan may gawin tayo!" Sabi ni Aira.

"Susubukan ko, pero Wala akong nakikitang tubig sa paligid!" Sabi ni Liam.

"Ako naman, kaya kung pakiusapan ang mga halaman pero ni isang dahon wala!" Sabi ni Joshua.

"Dahon lang ba kelangan mo?" Tanong ni Aira.

"Oo, bakit?" Sagot ni Joshua.

"Sandali!" Sabi ni Aira at agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Sa labas ng Kastilyo, umihip ang isang malakas na hangin. Nagsasayawan ang mga puno sa paligid ng kastilyo hanggang sa may tatlong dahon ang inilipad ng hangin papasok sa rehas ng kulungan nila.

"Dahon? Papano?" Sabi ni Liam.

"Utak ang gagamitin natin Liam. Wag daldal! So ano na? May tatlo kang dahon! Hindi kaya ng aking hangin ang bumuwal ng malalaking puno nasa loob tayo ng pisteng kulungan na ito!" Sabi ni Aira.

"Ayus na ito! May plano nako!" Sabi ni Joshua.

Itinapon nya sa labas ng kulungan nila ang tatlong Dahon at ginamitan nya ng mahika.

Ilang sandali pa ay naging kawangis nila ang tatlong dahon.

"Ang galing! Papano tayo napunta dyan sa labas!" Tanong ni Liam.

Ngumiti lang si Joshua at inutusan nya ang tatlo nilang kamukha na guluhin ang mga nagbabantay habang sila ay nagtatago sa isang sulok.

Habang nagkagulo ang mga nagbabantay sa kulungan nila. Nahulog ng isang nagbabantay ang susi sahig na agad namang sinipa ng kamukha ni Aira papasok sa kulungan.

"Sige hulihin ang mga Yan! Iharap kay panginoong Hex ang mga Yan!" Sabi ng isang gwardya.

Nang makaalis na sila. Agad dinamput ni Aira ang susi at Dali Dali nilang sinusian ang padlock at matagumpay silang nakalabas.

"Sa wakas! " Sigaw ni Liam.

"Ssshhh! Tahimik!" Saway ni Aira.

"Saan tayo ngayon? Papano tayo makakalabas dito ng Hindi nila napapansin. Ilang minuto lang ang itatagal ng aking mahika. Bilisan nyo na!" Sabi ni Joshua.

"Lumapit kayo saakin!" Sabi ni Liam at sabay niyang ikinumpas ang kanyang mga kamay sa isang iglap lang ay naglaho sila.

"Invisible? Bakit hindi nalang tayo mag teleport?" Sabi ni Joshua.

"Hindi pwde malalaman ni Hex kapag ganun!" Sagot ni Liam.

Samantala sa bulwagan ng Harte.

"Panginoon muntik na silang makatakas!" Sabi ng gwardiya.

Tinitigan ni Hex ang tatlong kawangis nima Aira, Liam at Joshua.

"Panginoon bakit po?" Tanong ng gwardiya.

"Mga gong gong! Naisahan kayo ng duwende! Hindi sila totoo!" Sabi ni Hex at Isa Isa nyang pinatamaan ng kulay asul na bolang apoy ang kawangis Nina Aira. At nag balik ito sa kanilang tunay na anyo.

"Da~dahon?" Gulat na Sabi ng gwardiya.

"Mga Bobo hanapin nyo sa Kastilyo ang mga tagapagbantay! Hindi pa sila nakakalayo!" Sigaw ni Hex.

"Panginoon? Bakit kayo sumisigaw? Anong nangyayari?" Tanong ni Via.

"Makatakas ang kapatid mo!" Sagot ni Hex.

"Sila Aira nakatakas? Hindi maari! Kelangan ko pa Ang katawan nya upang mag balik ang aking dating itsura! Ako na ang maghahanap sakanila Panginoon!" Sabi ni Via.

"Oras na para magharap kayo ng kapatid mo!" Sabi ni Hex.

At ngumiti lang si Via. Tila may namumuong plano sa kanyang isipan.

Itutuloy....