Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 4 - EPISODE 4

Chapter 4 - EPISODE 4

"ANG PAGSASANAY"

ANG NAKARAAN,

Humingi na nang tawad si Xavier dahil sa kanyang mga nasabi kay Sam. At dahil doon medyo naging maayus na sila. Ngunit kailaliman ng pagtulog ni Sam ay may isang nilalang na gumambala sakanya.

Nilalang na nag-iwan ng chikinini sa leeg. Na napansin naman ito ni Xavier pagkasundo nya dito.

"Bakit? Anong tinitingnan mo?" Naiinis na sabi ni Sam habang tinatakpan nya ang kanyang leeg gamit ang kanyang mga kamay.

Napangiti na lamang si Xavier.

ANG KARUGTUNG,

Dinala ni Xavier si Sam sa isang bundok kung saan nandoon din ang tatlong nanga-ngala sa iba pang elemento.

Pagkarating nila ay agad siyang niyakap ng pinsang si Aira.

"Samuel!" Sambit ni Aira habang niyayakap sya.

At napangiti naman si Sam.

"Halika may ipapakilala ako sayo!" Sabi ni Aira sakanya.

"S-sino po?" Tanong nya sa babae.

At ilang distansya mula sa kanilang kinalalagyan, nakita nila ang babaeng nakatalikod kausap sina Liam, at Joshua.

"Selena narito na sya!" Tawag ni Aira sa babaeng nakatalikod Habang kausap sina Liam at Joshua.

Nang marinig ng babae natinawag ang kanyang pangalan. Agad itong lumingon at ngumiti.

"Siya na ba ang aking pamangkin Aira?" Ngiting Sabi ng babae. At tumango lang si Aira.

"Kung ganun, hayaan nyo po akong magpakilala sainyo." Panimula ng babae at yumuko ito sakanya.

"Ako po si Selena, ako ang kapatid ng iyong ina na si Reyna Anya." Pakilala ni Selena kay Sam.

"Talaga ho? So ikaw po ang tiyahin ko? Ang saya naman! Akala ko kabute lang ako. Na walang pamilya. Yung basta-basta lang sumusulpot." Naluluhang Sabi ni Sam.

"Wag kang mag-aalala kapag natapos na ninyo ang pagsasanay at kapag natalo natin si Hex. Mabubuo na ulit kayo." Sabi ni Selena nang mapansin nya ang leeg ni Sam.

"Anong nangyari dyan sa leeg mo pamangkin?" Tanong ni Selena.

"Ah~ kasi...." Nauutal na Sabi ni Sam. Habang si Joshua naman ay namumula ang pisngi. Na agad namang napansin ni Aira.

Magsasalita na Sana si Sam nang biglang hinubad ni Xavier ang kanyang sout na t-shirt at ginamit nya ito upang takpan ang marka na ginawa ni Joshua sa leeg ni Sam. Nagsalita din ito.

"Pagpasensyahan mo na Binibining Selena, ang inyong pamangkin ay may alergy. Yun bang kapag nagkakain ka ng mani nagkakapantal-pantal ka. Alam ko meron din ang Reyna Anya ng ganitong kondisyon?" Sabi ni Xavier sabay akbay kay Sam.

Napatingin naman si Sam sa kamay ni Xavier na nakaakbay sa kanyang balikat.

"Ay oo nga, naalala ko may ganung kundisyon si Anya. Pero wag kang mag-aalala pamangkin mawawala din yan kapag nakahanap ka ng magiging irog mo. At pwde ba Xavier, wag kang maghuhubad sa harap ko. Mahigpit na ipinagbabawal sa Hestia ang ganyang gawain lalo na kung may mga ibang nilalang ang nakakakita." Saway ni Selena sa lalaki.

"Selena, nasa earth tayo. Wala ako sa Hestia!" Sagot ni Xavier.

"Tama na nga yan. Pagpasensyahan muna sya Selena. Akala ko ba may ibibigay ka kay Sam?" Sambit ni Aira.

"Oo nga pala meron, sandali!" Sambit ni Selena at ikinumpas nya ang kanyang mga kamay. At lumabas sa kanyang palad ang isang bracelet na may kulay asul na diamante sa gitna.

"Ano to Tita?" Tanong ni Sam.

"Pag-aari ito ng iyong ina at ama. Bago ka nila ipinadala dito. Iniwan nila ito saakin at kapag dumating na ang oras na yun ibibigay ko saiyo ito. At ito na ang araw na yun Samuel. Magagamit mo ito sa pag talo Kay Hex. Lagi mong tatandaan. Mahal na Mahal ng mga magulang mo. " Sabi ni Selena habang unti-unting naglalaho ang kanyang mga daliri, braso hanggang sa kanyang buong katawan.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Sam.

"Nawawalan na ng bisa ang aking mahika. Mahika upang makapunta sa mundong ito. Hindi ako actual na nakaalis sa mundo natin. Isa lang itong ilusyon." Paliwanag ni Selena hanggang sa tuluyan ng maglaho ito.

"Sam, kelangan na nating magsimula sa pagsasanay. Dahil may sinabi sakin si Selena kanina." Nalulungkot na Sabi ni Aira.

"Ano yun?" Tanong nya.

Lumapit si Liam at Joshua.

"Kasalukuyang kinukuha ni Hex ang mga kapangyarihan ng mga mamayan sa limang kaharian. Upang buksan ang portales papunta dito at sakupin ang mga Tao dito. nasa gitna ng pakikipaglaban si Selena ngayon." Sabi ni Liam.

Lumapit naman si Joshua sakanya at saka kinuha ang kamay ni Xavier sa balikat nya. Pati na rin ang T-shirt na pinangtakip ni Xavier sa leeg ni Sam.

Nag-usal ito ng kakaibang salita at mula sa mga palad ni Joshua ay lumabas ang kulay berdeng scarf.

"Heto isuot mo ito Mahal ko." Sambit ni Joshua at inilagay nya ito sa leeg ni Sam.

"Mahal ko??? Anong ibig sabihin nito? Char! Biro lang. Sge na magsimula na tayo!" Sigaw ni Liam.

Napangiti lang si Sam at Aira habang sina Joshua at Xavier naman ay nakatitigan lang.

Nawala ang ngiti ni Aira ng marinig nya sakanyang isipan ang pauusap nina Xavier at Joshua.

"Itigil nyo yan. Hindi ko gusto makaramdam si Sam ng hindi kayo bati. Utang na loob! Alang-alang sa Reyna at sa mga kaharian natin." Saway ni Aira sa kanyang isipan at narinig naman ng dalawang lalaki ang kanyang mga sinabi.

Napailing nalang ito habang tinititigan sina Joshua at Xavier

"Matitigas ulo!" Sambit ni Aira.

"Bakit pinsan?" Tanong ni Sam sakanya

"Wala- Wala! Halika mag sisimula na tayo sa pagsasanay. Unang pagsasanay, kelangan nating malaman Kung papano lalabas ang iyong kapangyarihan. Hindi pwde kung nasa panganib ka lang sya lalabas dahil tuso si Hex." Sabi ni Aira.

"Tama ang iyong pinsan Sam. Tingnan mo ito!" Sambit ni Liam

At ikinumpas nya ang kanyang mga kamay. kasabay nun ay umilaw ang sout nyang kwentas.

"Liam, tagapagbantay ng Elemento ng Tubig!" Ilang sandali pa ay, nagpalit ng anyo si Liam.

Tinitigan sya ni Sam mula ulo hanggang paa.

"Ito ang aking kasuotan pandigma." Sabi ni Liam.

Sumunod naman si Aira.

Akmang magpapalit anyo na Sana si Aira ng biglang may malakas na Sigaw ang kanilang narinig.

"Anong nangyayari??" Tanong ni Aira.

"Tuloolnngggh!!! Ngayon ay sobranglakas na.

"Umaatake Ang mga alagad Hex.. "

Itutuloy....