Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 7 - EPISODE 7

Chapter 7 - EPISODE 7

"UNANG MISYON AT ANG KAMBAL NA BUWAN"

ANG NAKARAAN,

Nagsimula na ang pagsasanay ni Samuel sa tulong ng apat na tagapagbantay ng apat na elemento na sina Aira, Liam, Xavier at Joshua.

At nakilala na din natin ang kapatid ng Reyna Anya na si Selena. At ang tapat na heneral ni Hex na si Zandro na nagkataon na dating nobyo ni Sam. Kung nagkataon nga lang ba ang lahat?

Habang si Xavier naman ay mukhang lihim na pagtingin kay Sam.

"Wala kabang nararamdaman?" Sabi ni Xavier habang hawak nya ang kamay ni Sam sa kanyang dibdib.

ANG KARUGTUNG...

"Sam kelangan mong hanapin ang apat na diamante na nagsisimbolo sa apat na kaharian ng Jamais. Sa tulong ng apat na diamante. Doon lamang magbubukas ang lagusan papuntang Jamais." Sabi ni Aira.

"Isinara na ni Binibining Selena ang lagusan papasok at palabas ng Jamais. Para sa Kaligtasan na din ng mundong iyong kinalakihan." Sambit ni Xavier.

"Wag kang mag-aalala, tutulungan ka namin." Dagdag na Sabi ni Liam sabay ngiti sakanya.

"Nasaan si Josh??" Tanong ni Sam.

"Wag kang mag aalala nandito lang ako mahal." Sabi ni Joshua sabay yakap sakanya.

"Ehem! Dala mo na ba Josh?" Tanong ni Aira.

"Oo Aira. Narito!" Sabi ni Josh. Sabay abot kay Aira ng hawak nyang libro.

Nang biglang mawalan ng Malay si Sam.

"Samuel!! Ayus ka lang?? Samuel ! " Sigaw ni Xavier.

"Dalhin nyo sya sa higaan." Sabi ni Aira at agad namang binuhat ni Joshua ang nobyo at pinahiga.

Samantala sa isang maliit na syudad..

Sa isang TV interview..

"Welcome and maraming salamat saiyong pagpaunlak ng one on one interview with our hottest bachelor in town na si Mr. Jules Santo Domingo." Sabi ng babaeng interviewer.

"Maraming salamat din po. And happy ako na nakabalik ako muli sa Studio. Na miss ko kayo." Ngiting sabi ng lalaki.

"First Question, Mr. Santo Domingo. Are you single? And why?" Ngiting sabi ng babaeng interviewer.

"Ah eh. Opo. Eh wala ko pa sa isip ang mga ganyan. Isa pa busy na din ako sa mga projects ko dito sa TV network. So kaya ayun." Sagot naman ng lalaki .

"Sabagay, you have a lot of projects na naka line up for you. Well very professional! And Second Question, is this true? na may sumpa ka daw na dala? Kasi palaging may nangyayaring masasama sa mga P.A mo? Or it's just a coincidence lang. Kasi maraming nagsasabi. Well I think this is just Hoax. Nagka P.A ka na ng Lima ata? If I'm not mistaken? Then this hoax just started nung nag boom talaga ang career mo. Kasi simula nung simukat ka. Sunod sunod na ang pagkamatay ng iyong mga P.A. and Marami ding nagsasabi na nakikipag sundo ka sa Demonyo. And grabe ng chismis yan. What can you say about this ?" Tanong ng babaeng interviewer.

Nagisip muna si Jules bago nagsalita.

"I think hindi naman yata tama yan. It's not true po na nakipag deal ako sa demonyo para sumikat haha. And besides ang pagkamatay ng mga P.A ko accident at natural causes po. Kahit ako hindi ko din alam Kung bakit ganun. Nakakalungkot lang kasi nagiging close ko na yung iba. It's hard for me po talaga." Sabi ni Jules.

>>>>>>>

Balik naman kay Sam.

"Mabisang gamot ito upang magising si Sam." Sabi ni Aira. Habang hawak ang isang maliit na bote na may gamot sa loob.

"Hindi kaya buntis si Sam?? Hayup ka Josh! Panagutan mo kaibigan ko!" Sigaw ni Liam.

"Tumigil ka nga Liam. Wala syang matres! Isa pa~" Naputol ang sasabihin ni Xavier ng biglang sumigaw si Sam ng...

"Waaaaagggg!!!!"

At agad syang bumangon.

"Sam?? Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Joshua.

"Akala ko talaga totoo!" Hinihingal na Sabi ni Sam.

"Ang ano Insan?" Tanong ni Aira.

"May isang halimaw ang umatake sa lalaki. At humihingi sila ng tulong saakin. Lalo na ang mga biktima." Sabi ni Sam.

"Seryuso Bessy?? Multo naba sila?"Tanong ni Liam.

"Oo!" Maikling sagot ni Sam.

Habang sa Jamais.. Ang Kastilyo ng Harte.

"Nagsimula na pong gumalaw si Jules Mahal na panginoon." Sabi ni Zandro.

"Magaling! Panigurado akong matatalo nya ang anak ni Anya. Magbalik ka sa mundo ng mga tao Zandro. Magpatuloy ka sa pagkuha ng puso ni Sam. At uulitin ko. Mag iingat ka na di ka makita nila at makilala." Sabi ni Hex.

Yumuko lang si Zandro at sabay kumpas ng kanyang mga kamay. Sa isang iglap ay naglaho sya sa loob ng Kastilyo.

Balik kay Sam...

"Maraming salamat Liam sa pagkuha ng mga impormasyon. At ito naba lahat??" Tanong ni Aira.

"Sya nga!" Sabi ni Sam sabay turo sa larawan ni Jules Santo Domingo.

"Siya ba ang halimaw?" Tanong ni Xavier.

"Hindi ako nagkakamali. Sya ang humigop sa Spiritual energy ng mga biktima. " Sagot ni Sam.

Lumapit si Joshua at inakbayan ang nobyo.

"Sandali, tingnan nyo ang suot nyang kwentas. Simbolo ng kaharian nyo Aira. Ang Diamante!" Sabi ni Joshua.

"Oo nga ang Simbolo ng Aera!" Sambit ni Aira.

"Kung ganun? Kelangan nating puntahan ang lugar na yan!" Sabi ni Sam.

"Teka sandali Sam? Handa kana ba talaga?" Tanong ni Xavier.

"Bakit hindi ko ibalik sayo ang tanong na yan? Kayo ang nagsanay saakin. Handa naba akong harapin ang mga alagad ni Hex? Sa tingin nyo handa na ba ako?" Naiinis na tanong ni Sam habang nakataas ang kilay nya sa apat.

"Sa palagay ko handa ka na Mahal!" Sabi ni Joshua.

"Sa palagay lang? Alam nyo ba ayuko nang minamaliit ako! Gagawin ko to para sa mga magulang ko. Magulang ko na matagal ko nang hindi ko nakita ng ilang taon. Akala ko anak ako ng kabute na biglang sumulpot dito sa mundo." Naluluhang Sabi ni Sam.

Agad naman syang nilapitan ni Aira at Liam.

"Tama na bes! Malaki ang tiwala namin saiyo. Pagpasensyahan mo na si Aira Kung masunget pag sa oras ng iyong pagsasanay." Sabi ni Liam.

"Ako ang magsasabi Sam. At Handa kana! Nakikita ko ang iyong ina sa iyo ngayon ganyan din si Tita Anya. Hayaan mo. Narito kaming apat upang gabayan ka at tulungan ka sa misyon mo!" Sabi ni Aira.

"Kung ganun tayo na! Tama na Ang drama!" Sabi ni Xavier at binigkas ang Teleportation Spell.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Syudad kung saan nila mahahanap si Jules Santo Domingo.

"Saan tayo magsisimula?" Tanong ni Xavier.

"Base sa research ko. Namamatay ang mga P.A nya so ngayon nag hahanap sya ng Personal Assistant.

Baka may Isa saatin na Ang gusto. Pero sguro ako na kasi Ang Hot nya super. Ang sarap sarap nya. Jusko!" Sabi ni Liam.

"Alam ko na kung papano!" Sabi ni Aira.

Itutuloy...

Salamuch mga Mahal sa pag antabay at pagbasa. Hopefully nag enjoy kayo.

Abangan ang susunod na kabanata.