Chereads / THE LAST ELEMENT (M2M-TAGALOG) / Chapter 8 - EPISODE 8

Chapter 8 - EPISODE 8

"ANG KAMBAL NA BUWAN (Part 1)"

Jules Sto. Domingo's Secret.

Kilala si Jules sa kanyang maamong mukha at mala adonis na katawan.

Sikat din ito dahil minsan na din itong naging bida sa mga Pelikulang "Save me from the Darkness" na sya ang gumanap na bidang lalaki sa pelikula.

Ang pinagkakatakahan ng iilan, Kung bakit ganun kabilis ang pag-usbong ng Career ng binata.

Maraming din sabi-sabi na kaya nakukuha ni Jules ang Leading man role ay pinapatikim nya sa mga director na bading ang kanyang alaga. O kumbaga may Indecent proposal ang nagaganap.

Ngunit ang isang pinagkakatakahan ng Imbestigador na si Senior Inspector Kiko Fernandez. Ay sa tuwing may namamatay na P.A nya ay mas dumadami pa ang kanyang mga projects sa TV man o sa Big Screen.

"Norman Cruz, nag P.A lang ng eksaktong isang buwan kay Mr. Sto.Domingo. Ayun patay, katulad din sa mga nauna pang biktima na P.A nya. Parang naubusan ng dugo. Tingnan mo ang mga larawan!" Sabi ng batang pulis na kasama ni Inspector Kiko.

Pagkatapos tingnan ni Inspector Kiko ang larawan ay kunot noo lang itong nakatitig sa Larawan sabay Palo ng dyaryo sa kasamang pulis.

"Pinag loloko mo ba ako? Eh larawan yan ng anak ko! Isang tanong, isang sagot. Pinopormahan mo ba anak ko?" Tanong nya sa kasamang binatang pulis.

"Ah eh ~" magsasalita na Sana ang batang pulis agad naman napigil dahil sa may lumapit na babae sa kanila.

"Good morning, hinahanap ko si Sr. Inspector Fernandez at si ~" di na natapos ang sasabihin ng babae ng agad iniabot ng batang pulis ang kanyang kamay sa babae.

"Miss ~ PO1 Mark pala. At yes this is Sr. Inspector Fernandez. Anong maitutulong namin sainyo?" Sabi ng batang pulis.

"Hi Ako nga pala si Aira, ako ang kapatid ni Norman Cruz. Makikibalita lang Sana ako sa kaso ng kapatid ko. " Kunware umiiyak na sabi ni Aira.

Habang ang mata naman ng batang pulis ay nakatitig sa malusog na dibdib ng dalaga. Dahil sa suot nyang sobrang nipis. Ay halos, muntik nang lumuwa ang malulusog na papaya ng babae.

"Ganun ba? As of now po. We're still running some investigation. But ~" sagot ng batang pulis ng agad syang pinigilan ni Sr. Inspector Fernandez.

"Miss, follow me sa office we need to talk something!" Sabi nya at agad tumayo si inspector Fernandez.

Samantala sa Studio,

Kung saan naghahanap ng bagong P.A si Mr. Sto.Domingo.

"Next? " Sabi ng babaeng kasama ni Jules.

"Ako na?" Tanong ni Liam Kay Sam.

"Oo, ikaw na galingan mo!" Sabi ni Sam sabay tulak sa lalaki.

Nang makaharap na ni Liam ang babae. Ngumiti si Liam na para bang napililitan lang at sabay sabing.

"Hi Liam here, 27 marami na po akong nahandle na artesta. And tumatagal Naman ako ng 10 taon ang recent one is Ms. Ann Marie Cervantes (Her name is Denny Ann -pa promote )" Sabi ni Liam.

"Really?? Oh my gosh? You know what she's my Idol. Anyway reason for living?" Sabi ng babae habang hawak ang Resume ni Liam.

"Nag migrate na kasi sila sa U.S. so ganun." Maikling sagot ni Liam.

"Yeah, Oo nga! Sayang. At wait? Ilang applicants na Lang ba?" Tanong ng babae.

"Me and my friend Sam." Sagot ni Liam.

"I see" maikiling sagot ng babae na nagpakilala sa pangalang Michelle.

"Actually po, he's also one of Miss Cervantes Stylist." Dagdag pa ni Liam.

"Wait ? " Sabi ni Michelle.

Agad pinuntahan ni Michelle ang kanyang kaibigan na si Jules.

"Bes, I have two hot guys sa labas. And guess what?" Masayang sabi ni Michelle sa kaibigan.

"What Mitch??" Sagot nya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"They are Miss Cervantes's as in Ann Marie. Assistant. And Yung Isa super cute." Sabi ni Michelle.

Agad tumayo si Jules at sinilip ang dalawang lalaki na nakatayo sa labas.

Unang napansin nya si Sam. Tinitigan nya ito mula sa ulo hanggang sa fit shorts na suot nito.

Sabay sabing...

"He's hot nga and Daks! Okay pwde na. Hire them!"

Maikling Sabi ni Jules at bumalik sa kanyang pagkakahiga.

"Alright!" Masayang sabi ni Michelle at agad bumalik kina Liam at Sam upang ipaalam ang desisyon ng kanyang amo.

Balik naman kay Aira.

"Miss Cruz, naniniwala ka ba sa paranormal?" Unang tanong ni Inspector Fernandez sakanya.

"Ano ho? Tama ba narinig ko??" Tanong ni Aira.

"Yes, I know di ito kapani-paniwala! Pero Mr. Sto.Domingo is doing something para mamatay ang mga P.A nya. Malakas ang kutob ko. Bampira ang Artestang iyan." Sabi ni Inspector Fernandez.

Tinitigan sya ni Aira sabay tawa ng Malakas.

"Seriously?? Pulis naniniwala sa paranormal?? Oh how come? Pero sge Inspector Fernandez sasakyan ko trip mo! Pano mo nasabi??" Tanong ni Aira.

Agad kinuha ni Inspector Fernandez Ang kanyang journal na may mga larawan ng mga biktima.

"Ito!" Sabi nya sabay turo sa larawan.

"Hindi ko Yan kapatid? Anong kinalaman ko dyan?" Tanong nya.

" This is the first victim, lalaki then, namatay bigla pagkatapos. Ang findings, ubos Ang dugo. At ito.." sabay turo sa isang marka sa braso.

"So anong tawag mo dyan?" Sabi ni Inspector Fernandez.

"Oh tapos? Hindi naman Yan kagat ng isang halimaw o Bampira ng sinasabi mo!" Dagdag ulit ni Aira.

"Ito na Ang sumunod last 2015 then until now. Pareho lang Ang kinamatay nila. Tuyo? As in walang ni isang patak ng dugo! Malakas ang kutob ko Bampira ang Mr. Sto. Domingo na yan!" Sabi ni Inspector Fernandez.

Biglang nag tumunog ang kanyang cellphone at nakita nya ang mensahe na galing kay Xavier.

"Umalis kana dyan, papunta na ang kapatid ng biktima." Sabi sa mensahe na galing kay Xavier.

Tumayo si Aira sakanyang kinauupuan at pinigilan Naman sya ni Inspector Fernandez.

"Saan ka pupunta Miss Cruz?" Tanong nya.

"I have to go! May lakad pako. Kung ano mang update sa kaso sa kapatid ko. Just let me know!" Sabi ni Aira at nagmamadali itong lumabas ng police station.

Sakto namang nasa malayo na si Aira ay papasok na sa police station Ang tunay na kapatid ng biktima.

Habang sa di kalayuan.

Nag-aantay si Xavier.

"Ano nabura mo ba ang ala-ala ng police na nakausap mo?" Tanong ni Xavier.

"Oo kamusta na sina Liam at Sam?" Tanong ni Aira. Habang papasok sa kotse.

"Nakuha na nila ang trabaho. Yun ang Sabi ni Sam." Sagot ni Xavier.

"Saan tayo pupunta??" Tanong ni Xavier.

"Babalik muna tayo sa bahay. Kakausapin ko si Tiya Selena. Pati narin si Josh. Kung may nakita na ba syang paraan." Sabi ni Aira.

"Okay!" Sambit ni Xavier at agad inistart ang makina ng Kotse.

"Xavier!" Tawag ni Aira sa kasama.

"Magtapat ka nga may gusto ka ba sa Pinsan ko?" Tanong ni Aira.

"Tigilan mo nga yan Aira. Bat mo binasa ang aking isipan? Eh papano kung Oo? Masama ba?" Tanong ni Xavier.

"Hindi, pero tandaan mo Xavier. Naka laan na si Samuel Kay Josh. Sanggol palang si Samuel ay binasbasan na sila ni Tiya Selena. Kung ano man yang pinaplano mo! Itigil mo yan. Baka yan pa ang maging dahilan upang di mabuo ang limang kaharian. Kelangan nating magkaisa lalo nang hawak ni Hex ang Jamais." Sabi ni Aira.

Tinitigan ni Xavier si Aira at halatang seryuso ang babae sa kanyang babala.

"Oo naman, hindi rin ako pwdeng magkaroon ng nobyo. Dahil ako ang papalit sa aking ama sa Hestia." Sabi ni Xavier at mas binilisan pa ang kanyang pagmamaneho.

Itutuloy....