Chapter 30 - Chapter 30

"Who are you referring to, Miss Torres?"

Halos sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Agad na napangiti si Christy nang makita si Sebastian na papalapit sa kanila.

"Sebastian." Malumanay na tawag ni Christy. Nang mapakunot ang noo ni Sebastian ay inakala niyang dahil ito sa panggugulo ni Mira. Tumikhin siya at muling pinapormal ang sarili bago hinarap ang binata.

"Sir, pasensiya na po, ito kasing pinsan ko hindi ko alam kung bakit nandito siya at nanggugulo sa party. Ako na po ang humihingi ng patawad dahil wala sa tamang pag-iisip ang pinsan kong ito." Agap na wika ni Christy. Habang ang winiwika niya ay paghingi ng tawad ay kaakibat naman nito ang paghahayag niya na isang tao si Mira na hindi matino ang pag-iisip. Napataas naman ng kilay si Sebastian nang marinig ang panglalait ng babaeng ito kay Mira.

"Naku Sir, pagpasensiyahan niyo na itong pamangkin ko, simula nang mamatay ang aking kapatid ay naging ganyan na siya, laging nanggugulo." dagdag pa ng ama ni Christy habang pagak na tumatawa.

Napakunot naman ang noo ni Mira. Nakatingin lamang siya sa mga ito na tila ba nakatingin siya sa mga walang kwentang tao. Dahil sa mga sinabi ng mga ito doon lamang niya napatunayang hindi siya itinuturing ng mga ito na isang kapamilya kundi isang pabigat lamang sa kanilang buhay.

"Tsk– hindi na dapat yan pumunta dito." Wika ng isang babaeng guest kasama ito ng isang lalaki na isa ring business man na naimbitahan sa naturang pagdiriwang. Na agad din naman sinang-ayunan ng iba. Napangisi naman si Christy nang makitang sumasang-ayon sa kanila ang mga taong naroroon.

"Tsk– kayo ang dapat na hindi na pumunta. Nagagawa niyong magsalita ng ganyan dahil hindi niyo kilala si Mira. Hindi matino? Sino ang niloloko niyo? O baka kayo ang kulang-kulang sa pag-iisip. " Hindi na napigilan ni Veronica ang hindi sumali sa usapan. Alam niyang kaya ito ni Mira subalit hindi niya maatim na makita na nilalapastangan ng mga taong ito ang pagkatao ng kanyang kaibigan.

"Miss, mas mabuting huwag kang mangialam sa usapan ng may usapan. Sino ka ba?" Paasik na tanong ni Margie sabay irap ng mata niya dito.

"Sino ako? At bakit ko sasabihin sayo? You have no right to know who I am." Wika pa ni Veronica habang napapailing dahil sa kapal ng mukha ng mga ito. Napatingin naman siya kay Mira at pansin niya ang ngiti sa mga labi nito na hindi umabot sa kaniyang mga mata.

"Excuse me Miss, hindi mo alam ang tunay na kwento dito. This cousin of mine stole my necklace." Walang kagatol-gatol na wika ni Christy. Maluha-luha pa itong napatingin kay Mira.

"Mira, dapat sinabi mo na lang sa akin na gusto mo rin ang kwentas na iyan, hindi ko naman ipagdadamot sa iyo ang bagay na iyan. Kailangan pa bang agawin mo iyan sa akin ng harapan." Mangiyak-ngiyak na wika ni Christy. Agad naman nitong napukaw ang damdamin nang mga lalaking naroroon, ngunit ang mas nais niyang maawa sa kaniya at kumampi ay si Sebastian.

"Sa tagal nang pagkakakilala ko sayo, ngayon ko lang napatunayan ang husay mong magsinungaling na hindi nauutal. Christy alam natin pareho kung sino ang tunay na may-ari ng kwentas na ito. " Wika ni Mira at itinaas ang kwentas na nasa kanyang mga kamay. Gawa ang kwentas na iyon sa mamahaling ginto na napapalamutian ng maliliit na diamante at ang pendant naman nito ay isang crescent moon na merong diamante sa gitna na animo'y isang bituin.

"Kilala ko ang kwentas na iyan. Minsan ko na iyang nakita sa isang auction sa Milan. Kung hindi ako nagkakamali nagkakahalaga iyan ng mahigit sa sampong milyon." Wika ng isang matanda na kanina'y tahimik lang na nakamasid sa mga pangyayari. Agad naman nitong sinipat si Veronica bago ibinaling ang kaniyang atensyon kay Mira.

Agad na nangislap ang mata ni Christy nang marinig ang tinuran ng matanda. Hindi niya akalain na ganun pala kamahal ang kwentas na iyon. Kinuha lang niya ito kay Mira dahil pagmamay-ari ito ng dalaga at nais niyang kunin ang anumang bagay na pinapahalagahan nito. At isa pa, maganda ang kwentas at alam niyang babagay din ito sa kanya.

"Mira, akin na ang kwentas ko." Sigaw ni Christy sabay agaw sa kwentas ngunit mabilis itong inilayo ni Mira sa pinsan. Tinitigan niya ito ng masama bago bumuntong-hininga.

"Ibibigay ko ang kwentas na ito sayo kung mapapatunayan mong ikaw nga ang tunay na may-ari nito." Mahinahon nang wika ni Mira.

"Sa anak ko yan, dahil ako mismo amg nagregalo sa kanya ng kwentas na iyan. " Wika ni Agnes.

"Oo nga, matagal ko nang nakikitang suot-suot yan ni Christy." Sang-ayon naman ni Arnold. Napangisi naman si Mira dahil sa nagmumukhang mga payaso ang mga ito sa harap niya.

"Narinig mo yun? Kaya ibalik mo na sa akin ang kwentas na iyan, dahil akin yan." Wika ni Christy at muling hinablot ang kamay ni Mira para agawin dito ang kwentas. Hindi naman iyon pinahintulutan ni Sebastian at agad niyang sinangga ang kamay nitong akmang hahawak sa braso ni Mira.

"Sir, akin ang kwentas na iyan." Wika ni Christy na lubhang nagulat sa inasal ni Sebastian. Nangilid ang luha niya upang makuha ang awa nito ngunit sa halip na maawa ito sa kaniya ay marahas pa siya nitong itinulak papalayo kay Mira.

"Sigurado ka bang ikaw nga ang may-ari ng kwentas na ito? Sa sinabi pa lang ng butihing ginoong ito ay nakapagdududa na ang isang pamilyang nahahanay sa middle class ay makakabili ng kwentas na nabibili lamang sa mga auction. Sampung milyon ang bidding price ng kwentas na yan pero alam mo ba kung magkano ang huling bid para dito?" Nakangising tanong ni Sebastian. Napipilan naman si Christy at nakaramdam siya ng hindi maganda sa sinabi nito, ganunpaman ay hindi siya nagpadala at nagpatinag dito.

Wala siyang alam kung magkano ang halaga ng naturang kwentas pero hindi pwedeng mabawi iyon ni Mira sa kanya.

"Sige dahil wala kang maisagot sasabihin ko sa inyo. " Wika ni Sebastian at tinungo ang stage upang kunin ang microphone na naroroon. Muli siyang tumayo sa tabi ni Mira at nakangising tumitig sa pamilya ni Christy.

Marahan niyang kinuha sa kamay ni Mira ang kwentas at ipinakita iyon sa mga taong naroroon.

"Ang kwentas na ito ay nagkakahalaga ng isang daan milyon dahil iyon ang naging huling bidding price nito sa auction sa Milan." Wika ni Sebastian na lubhang ikinagulat ni Christy at nang ibang nakarinig.

"Let me ask you a question Ms.Torres, paanong ang isang tulad mo ang nagmamay-ari ng kwentas na ito?" Tanong ni Sebastian na ikinanginig ng katawan ni Christy. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong na iyon dahil hindi naman talaga siya ang may-ari nito.

"Ang kwentas na ito ay napanalunan ko sa bid na iyon at iniregalo ko ito sa aking asawa. Paanong napunta ito sa iyo, Ms. Torres?" Ang huling tanong na iyon ng binata ang siyang nagpagimbal sa buong pagkatao ni Christy. Agad siyang pinanghinaan ng tuhod at napaupo ito sa upuan na likuran niya.

"S–sir baka nagkakamali kayo, a–akin talaga iyan." Nauutal na wika ni Christy at muling napangisi si Sebastian.

"You really don't know when to stop, Ms. Torres. In that case, let me tell you something. After I won this necklace, I got someone to engrave my wife's name on the pendant. So, I know this is my wife's necklace." Wika ni Sebastian at tila ba may sumabog na bomba sa utak ni Christy. Maging ang mga magulang nito at kapatid ay tila ba sinabuyan ng malamig na tubig dahil sa tinuran ng binata. Sino ang mag-iisip na ang kwentas na iyon ay pag mamay-ari ng asawa ni Sebastian.

Maging ang mga panauhin ay naintriga sa kung sino ba ang asawa ng binata. Kilala kasi si Sebastian bilang isang bachelor at walang babaeng nakakapit sa pangalan nito. Kaya halos lahat sila ay nagulat sa rebelasyong sinabi ng binata noong gabing iyon.

"Bakit hindi ka makasagot Ms. Torres?" Muling tanong ni Sebastian at nanginginig na tumitig sa kanya si Christy. Marahas naman niyang nilingon si Mira at nakita niya itong nakangiti sa kaniya.

Mira trapped her.

Iyon ang mga katagang namumuo sa kanyang utak. Kagagawan ito lahat ni Mira.

"You stole my wife's necklace and that's the truth." Deklara ni Sebastian at marahas na umiling si Christy. Wala na siyang ibang maiisio kundi ang sabihin ang alam niyang totoo.

"I didn't stole it. Aaminin ko, hindi akin ang kwentas na iyan pero hindi ako ang nagnakaw ng kwentas sa asawa mo kundi si Mira. " Umiiyak na wika niya at itinuro si Mira. Napatingin naman ang lahat kay Mira at muling napuno ng bulungan ang buong function hall.

"Why would Mira stole it?" Natatawang tanong ni Veronica.

"Hindi pa ba obvious kung bakit. Mas mahirap pa sa daga si Mira. Ninakaw niya ang kwentas para magkapera. At ibinigay naman niya ito sa akin para ako ang mapagbinatangan." Wika ni Christy. Napatingin naman ang lahat nang may magflash sa screen na nasa likod nila. Dahil nakatalikod ang buong pamilya ni Christy sa screen ay hindi nila nakita ito. Kuha iyon ng CCTV sa araw na hinarang ni Christy si Mira at dalhin ito sa isang tagong hallway. Doon ay kitang-kita ng madla kung paano kunin ni Christy ang kwentas kay Mira. Walang sound ang kuhang iyon kung kaya't hindi nila rinig ang pinag-uusapan ng mga ito. Ngunit kahit sino man ang makakapanood ng video na iyon ay agad na maiintindihan ang mga nangyayari.

"Ha– you really don't know when to stop unless you see your own coffin. " Natatawang wika ni Veronica. "Hindi ko alam kung t*nga ka ba o nagtat*nga - t*ngahan lang. Sebastian already told you that he gave it to her wife as a gift at ninakaw mo ito sa asawa niya. Bakit pinagbibintangan mo si Mira ang nagnakaw nito? Paano niya nanakawin ang bagay na pagmamay-ari na niya?" Mahabang wika ni Veronica at nanlaki ang mata ni Christy sa narinig. Napatingin siya kay Mira at Sebastian na noo'y nakatayo sa harap niya na magkatabi.

"You? Imposible, paanong ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ni Christy. Maging ang mga magulang nito ay tila ba naguguluhan na sa mga pangyayari. Ngunit isa lang ang naiintidihan nila nang mga oras na iyon. Si Mira, na ibenenta nila sa pasugalan ay asawa na ng isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang negosyante sa bansa.