Chapter 31 - Chapter 31

Tila ba umikot ang paningin ni Christy sa sobrang pagkahilo dahil sa mga naririnig. Paanong si Mira ang asawa ni Sebastian? Siya dapat ang babaeng nakatayo sa tabi ng binata. Siya dapat ang tumatamasa ng buhay na puno ng yaman at kasiyahan. Bakit si Mira?

Mga tanong na kahit paulit-ulit niyang itanong sa kanyang sarili ay wala siyang nakukuhang sagot. Maging si Agnes at ang asawa nito ay hindi makapaniwala. Binalot ng takot at pagkabahala ang kanilang pagkatao dahil sa rebelasyong iyon.

Paano kung balikan sila ni Sebastian dahil sa mga ginawa nila kay Mira? Paano kung magdesisyon itong kunin ang kanilang buhay? Pare-pareho silang napayuko habang matalim na nakatitig sa kanila si Sebastian. Ramdam na ramdam nila ang nakakatakot na aura na bumabalot sa binata sa pagdaan ng bawat minutong nananahimik sila.

"Ngayon sasabihin mo pa rin ba na si Mira ang nagnakaw ng kwentas niya? Matagal ko na dapat ginawa ito ngunit dahil nais kong si Mira mismo ang magbigay ng hatol sa inyo ay wala akong ginawa. I've never been so forgiving until Mira came, kaya pasalamat kayo at nasa tabi ko si Mira ngayon. Security!" turan nang binata bago nito tinawag ang mga guwardiyang naghihintay lang sa labas ng hall. Limang malalaking lalaki ang pumasok sa loob nang hall na nakasuot pa ng itim na kasuotan. Agad na kinaladkad nang mga ito ang buong pamilya ni Christy papalabas ng hall. Ang mga reporters naman na nakaabang ay walang humpay na kinunan ang mga ito habang walang awa silang kinakaladkad ng mga bodyguards ng binata. Nagsusumigaw si Christy at ang kapatid nito ngunit walang sino man ang nais tumulong sa kanila.

Bugbog naman ang inabot ni Arnold nang tangkain nitong manlaban kung kaya't wala itong nagawa kundi ang magpaubaya na lamang sa huli. Nang tuluyan nang maglaho sa kanilang paningin ang mga ito ay namayani ang katahimikan sa loob nang function hall. Walang kahit sino ang naglakas ng loob na magsalita. Halos lahat kasi sa kanila ay nag-iisip kung ano ba ang kahahantungan ng pamilyang iyon sa kamay ng isang Sebastian Saavedra.

Agad namang sumenyas si Sebastian sa emcee at ito na ang kusang bumasag ng ktahimikan sa paligid. Opisyal na sinimulan ang pagdiriwang nang gabing iyon sa pamamagitan ng isang maikling speech galing sa binata. Opisyal din nitong ipinakilala sa mga empleyado at mga bisita niya si Mira bilang asawa nito.

Sa kabilang banda, ay napapatango naman ang isang may katandaang lalaki habang pinapanood ang live broadcast ng speech ni Sebastian. Maamo ang mukha nito at may luhang nangingilid sa mga mata nito habang maiging pinagmamasdan ang napakagandang mukha ni Mira sa telebisyon.

"Allysa, nakita ko na ang anak natin." sambit pa nito na halos yakapin na ang telebisyon. Kung maari lamang na hugutin niya ito doon ay gagawin niya mayakap lang niya ang dalaga.

"Dad, huwag kang mag-alala, sa linggo ay makikita mo din si Mira." Sambit ni Gunther nang makita nitong umiiyak ang kanyang ama. Alam nito kung gaano nangulila ang kanyang buong pamilya sa pagkawala ni Mira. Wala pang isang taong gulang si Mira nang mawala ito sa kanila.

"Gunther, nakita mo ba ang mga taong iyon na nagpahirap kay Mira? Sabihan mo si Sebastian na huwag gagalawin ang mga iyon." Utos nito at napatango naman si Gunther.

"Alam na ni Sebastian ang gagawin niya Dad. Magpahinga ka na Dad, para makabawi ka ng lakas." Sambit naman ni Gunther at inalalayan na ang ama patungo sa kwarto nito. Buhat nang mamatay ang kanilang ina ay tila ba nanghina na din ang kanilang ama, idagdag pa ang pagkawala ng nakababatang kapatid niya ay lalong nalugmok sa kalungkutan ang kanilang ama. Ibinaon nito ang sarili sa trabaho hanggang sa unti-unting nagkasakit ang katawan nito.

"Gunther, yung kapatid mo, pabantayan mo siya. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nasisigurong ligtas siya sa araw-araw. Sabihan mo si Sebastian, alam kong matutulungan tayo ng batang iyon." Wika nito habang pinapahiga ni Gunther sa higaan nito.

"Yes Dad. Don't worry, I already arrange someone for her. Kapag nasa school naman siya ay nandoon si Dylan para bantayan siya."

"That's good. That's good." Tumatango-tangong wika nito. Agaran din amg pagpikit ng mata nito para makapagpahinga. Hinintay muna ni Gunther na makatulog ito bago nilisan ang kwarto. Paglabas niya sa kwarto ng kanyang ama ay agad siyang tumawag sa kanyang cellphone.

"Kyle, I need you to monitor someone. I'll give you the address. Siguraduhin mong wala silang gagawing hindi kaaya-aya kay Mira. Report to me as soon as possible." Wika ni Gunther at agad din pinutol ang tawag.

Halos maghahating-gabi na nang matapos ang pagdiriwang. Dahil na din sa pagod ay agad ding nakatulog si Mira matapos nitong magbihis at mahiga sa kama.

Kinaumagahan ay halos tanghali na nang magisinh si Mira. Araw iyon ng sabado at wala ring pasok si Sebastian sa trabaho nito. Pagmulat ng kaniyang mata ay agad niyang nasilayan ang maamo nitong mukha kapag tulog. Akmang babangon na siya ay agad naman siyang napigilan ng binata. Nagulat pa siya dahil ang buong akala niya ay tulog pa ito.

"Where are you going?" Tanong nito sa garalgal nitong boses.

"Banyo." Wika ni Mira habang pilit na kumakawala sa mga bisig ng binata. Agad din naman siyang pinakawalan nito at muling napapikit ng mata si Sebastian.

Nang makabalik na si Mira sa higaan nila ay nakita niyang muling nakatulog ang binata. Napangiti naman siya at napailing. Tahimik niyang nilisan ang kwarto nila at agad na tinungo ang kusina upang makapagluto ng kakainin nila para sa umagang iyon.

Pagdating sa kusina ay nakita naman niya si Dylan na abala sa paghihiwa ng mga gulay.

"Good morning Dylan." Bati niya dito. Tumango lang si Dylan bilang pagtugon na ipinagkibit-balikat na lamang niya. Agad naman niyang tinulungan ito upang mas mapabilis ang kanilang gawain.

Nang matapos na nilang makapagluto ng tatlong putahe ay sakto namang nakababa na ai Sebastian.

"Mira, bukas pupunta tayo sa mansyon ng mga Vonkreist para sa kaarawan ni Uncle Liam." Paalala ng binata at napangiti naman si Mira.

"Okay, isasama ba natin si Dylan?" Tanong ni Mira at tumango naman si Sebastian.

"Of course kasama si Dylan." Sagot nito at napangiti si Mira. Agad din silang kumain nang oras na iyon. Matapos ay nagpahinga na sila sa living room habang nanonood ng tv.

Habang si Mira at Dylan ay nanonood ng tv ay nasa isang upuan naman si Sebastian habang meron itong ginagawa sa kanyang laptop. Panaka-nakang natatawa ang dalawa dahil sa pinanonood nang mga ito. Naging bonding na din ni Mira at Dylan ang panonood ng tv kapag wala silang pasok na dalawa.

Sumapit na nga ang hapon at inayos na ni Mira ang kaniyang susuotin para sa kinabukasan. Inihanda na rin niya ang binili nilang regalo para sa daddy ni Gunther. Ilang linggo na din niyang hindi nakikita ang binata at nakakaramdam siya ng bahagyang pagkasabik dito.

Dumating na nga ang araw ng kaarawan ng ama ni Gunther. Maaga pa lamang ay nasa byahe na si Mira, Dylan at Sebastian. Nasa likuran si Mira at Sebastian habang nasa harap naman si Dylan katabi ang driver.

Bahagya pang napapahikab si Mira dahil sa antok. Napapangiti naman si Sebastian habang pinagmamasdan ang dalaga.

"You can sleep if you are sleepy." Turan ng binata at umiling naman ang dalaga. Sumandal siya kay Sebastian at pinagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana.

" Bastian, mabait ba ang Daddy ni Gunther?" Tanong ni Mira.

"Oo naman, mabait si Uncle Liam. He's a very passionate man, kaya lang nagbago siya nang mamatay ang Mommy ni Gunther, 20 years ago. Kahit sino naman siguro magbabago kapag nawala ang taong pinakamamahal mo."

"Siguro napakaganda at napakabait ng asawa niya kaya mahal na mahal niya ito. " Nakangiting sang-ayon ni Mira. Nagkukuwentuhan lang sila sa byahe habang patuloy na tinatahak ng kanilang sasakyan ang daan patungo sa ancestral house ng mga Von Kreist.

Malayo sa kabihasnan ang kinaroroonan ng bahay nito at aliw na aliw si Mira sa pagtanaw sa mga bagay na noon lamang niya nakikita. Purong berde na ang kaniynag nasisilayan at malimit na lamang siyang nakakakita ng mga gusali roon. Maya-maya pa ay natanaw na niya ang isang napakalaking mansyon na aakalin mong isang palasyo dahil sa sobrang laki nito.

Bago mo mapasok ang naturang mansyon ay dadaan ka muna sa pagkahaba-habang daanan na may mga nagtataasang mga puno. Nang marating na nila ang looban ay doon nasilayan ni Mira ang isang malaking hardin sa labas ng mansyon na halos puro rosaa lamang ang mga tanin. Iba't ibnag klase ng rosas ang iyong masisilayan roon. Pagbaba nila ay agad noyang nasamyo ang napakabangong hangin dahil sa mga bulaklak na iyon.

"Napakaganda naman dito Bastian." Nangingislap ang mga matang wika ni Mira habang tanaw ang mga naggagandahang bulaklak sa hardin.

"Gusto ko rin ba ng mga bulaklak?" Tanong ni Sebastian habang inaakbayan ang asawa. Agad namang tumango si Mira na ikinatawa ni Sebastian.

"Meron hardin sa bahay, ipapaayos natin iyon para taniman ng mga bulaklak, ayos ba yun sayo?" Taning ng binata.

" Okay, gusto ko rin ng maraming rosas, Bastian. Yung katulad nito. Napakabango ng hangin at napakaganda ng tanawin." Sambit ni Mira na noo'y hini maialis ang mga mata sa mga rosas na kanyang nakikita.