Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

His Sweet Peculiar Wife is a Bit Fierce

YueAzhmarhia
76
Completed
--
NOT RATINGS
66.1k
Views
Synopsis
What if you met someone who could instantly change your life and make you fall in love? Ulilang lubos na si Mira Bella Torres, maagang namatay ang kanyang ina habang wala naman siyang kinamulatang ama. Dahil dito ay madalas siyang pagmalupitan ng kaniyang tiyahin na siya namang kumupkop sa kanya nang namatay ang kanyang ina. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito ay may itinatagong lihim si Mira na lubos niyang pinakaiingatan. Then meet Sebastian Claude Saavedra, isang multinational business tycoon na ang negosyo ay pautang at mga bangko. He led a chaotic but fruitful life. Nagawa niyang pagyamanin ang kakarampot na perang iniwan sa kanya ng kanyang ina nang hindi umaasa o humingi ng tulong mula sa kanyang ama. Broken family kung maituturing ang pamilya ni Sebastian at dahil dito ay hindi siya naniniwala sa tunay na pag-ibig. Hanggang sa isang araw nang maglaro ang tadhana at kusa silang pinagtapo nito. Mabago kaya ng pagkikitang iyon ang kanilang mga buhay?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Mira pagpasok niya sa kusina.

"Napakat*nga mo talaga kahit kailan. Pabigat ka na, t*nga ka pa." Galit na singhal ng kaniyang tiyahin sa kanya bago nito hatakin ang kanyang buhok at mabilis siyang iningudngod sa kalderong may lamang ulam.

Mabuti na lamang at hindi na iyon gaanong mainit dahil kung nagkataon ay lapnos ang kanyang mukha. Napakagat-labi na lamang si Mira nang bumagsak siya sa sahig upang pigilan ang sarili niyang mapasigaw sa sakit at mapaiyak.

Ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ang tiyahin niyang iyon kaya hangga't maari ay hindi siya gumagawa ng ingay kapag pinagmamalupitan siya nito.

Walang araw na hindi siya nito sinasaktan, lalo kapag nalalasing ito o di kaya naman ay natatalo sa pagma-majhong.

"Linisin mo ang kalat na yan bago pa dumating ang tiyo mo. Napakawalang-silbi mo." Sigaw pa nito at padabog na nilisan ang kusina. Pagkaalis nito ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

Napakasakit ng ulo niya, maging ang buong katawan niya ay pagod na pagod na rin dahil sa araw-araw na pangbubogbog nito. Wala naman siyang magagawa kundi ang tanggapin lahat ng pasakit dahil nakikitira lamang siya at ito na lamang ang natitirang kamag-anak na meron siya.

Ulilang lubos na si Mira. Namatay ang kanyang ina noong siya ay sampong taong gulang pa lamang. Hindi rin niya nakilala ang kanyang ama at wala ring nababanggit noon ang nanay niya. May naiwan namang pera ang nanay niya noon sa kanya at ito din ang dahilan kung bakit siya kinupkop ng kaniyang tiyahin. Mabait naman noon ang tiyahin niyang iyon ngunit simula nang unti-unting naubos ang perang naiwan sa kaniya ng nanay niya ay naging mainitin na din ang ulo nito. Highschool lamang ang natapos ni Mira dahil hindi na raw siya kayang pag-aralin pa ng kaniyang Tiya. Tatlo ang anak ni Agnes at dalawa sa mga ito ang nag-aaral ngayon sa kolehiyo at ang isa naman ay nasa highschool habang siya naman ay naiiwan sa bahay upang pagsilbihan sila.

Matapos niyang malinis ang kalat sa kusina ay kumuha na siya ng pera sa tokador upang mamalengke. Oras na kasi para mamili siya ng lulutuin niya para mamayang hapunan. Darating din ang mga pinsan niya at kailangang makaluto na siya bago pa man mangyari iyon dahil paniguradong bugbog na naman ang aabutin niya sa mga ito.

Pagdating sa palengke ay agad na siyang namili ng karne at mga gulay. Matapos iyon ay mabilis na siyang bumalik sa bahay. Habang nasa daan ay napapatingin lamang siya sa mga taong dumaraan doon. Hindi niya maipagkakailang naiinggit siya sa mga ito dahil malaya nilang nagagawa ang kanilang mga gusto. Nakakapag-aral at nakakapasyal sila sa mga lugar na hanggang sa tingin lamang niya nakikita.

Napapangiti lamang siya habang pinapakinggan ang mga masasayang tawanan at usapan ng mga ito, pakiramdam niya ay maging siya ay natutuwa na rin sa tuwing nakakakita siya ng mga taong ngumingiti at tumatawa.

Sa kanyang paglalakad ay bigla na lamang siyang napahinto nang makarinig siya ng isang pag-ung*l. Inilibot niya ang paningin at wala naman siyang nakitang taong nasasaktan. Sa kanyang pagmamasid ay napatda ang tingin niya sa isang makitid na eskinita. Hindi niya maintindihan ngunit tila ba hinakatak siya ng kanyang isipan na pasukin iyon na tila ba nawalan na din siya ng kontrol sa mga sarili niyang paa.

Nang mapasok na niya ang eskinita ay bumungad sa kanya ang isang lalaking nakaupo sa semento habang nakayukyok ang ulo. Ang buong akala niya noong una ay patay na ito ngunit nang malapitan na niya ito ay nakita niyang humihinga pa ito.

"Ayos ka lang ba?" Agaran niyang tanong sa lalaki. Gumalaw ito at tumingala. Napatulala lamang si Mira nang makita ang guwapo nitong mukha. Muli itong napa-ungol sa iniindang sakit at doon natauhan si Mira. Yumukod siya sa harapan nito at nakita niyang may tama ito sa kanyang tiyan.

"Teka, titingnan ko lang itong sugat mo, Sir. " Wika niya at bahagyang inangat ang suot na polo ng lalaki. Lumantad naman sa kanya ang duguan tiyan nito. Mabilis niyang pinunit ang laylayan ng suot niyang palda at pinunasan niya ang mga makalat na dugo sa paligid ng sugat nito. Nang makita na niya ang sugat ay agad naman niyang idinampi doon ang kanyang kamay.

"What are you -" putol na tanong ng lalaki nang mabilis niyang takpan ang bunganga nito ng kaniyang libreng kamay.

"Mabilis lang ito." Wika niya at ipinikit ang mata.

Hindi naman maunawaan ng lalaki kung ano ang ginagawa sa kanya ng babaeng iyon. Ang buong akala niya ay wala nang makakakita sa kanya sa lugar na iyon. Nang bigla na lamang sumulpot ang babaeng iyon sa harapan niya. Nasa kalagitnaan siya ng byahe kanina nang bigla na lamang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang kanyang sasakyan. Agad na namatay ang driver niya sa engkwentrong iyon at mabilis naman siyang tumakas sa pamamagitan nang pagtalon sa sasakyan bago pa man ito mahulog sa tulay.

Minalas lamang siya at may isang bala ang tumama sa kanyang tiyan. Ganoon pa man ay sinubukan pa din niyang tumakas sa mga taong gustong pumatay sa kanya hanggang sa mapadpad nga siya sa maliit na eskinitang iyong malapit sa pampublikong palengke.

Akmang tatanungin niya ang babae kung anong ginagawa nito nang mabilis nitong matakpan ang bibig niya ng maliliit nitong daliri bago ito nga wika ng...

"Mabilis lang ito. " Pagkawika nito ng dalaga ay naramdaman na lamang niyang tila may gumalaw sa kanyang sugat at mabilis iyong hinatak nang kung anong pwersa at muli siyang napaung*l sa sakit.

Lo

Napabuntong-hininga naman si Mira nang sa wakas ay mahatak niya ang bala sa sugat ng lalaki. Umagos mula roon sa sugat ang masaganang dugo at mabilis naman niya itong tinakpan ng isang panyo mula sa kanyang bulsa.

"Pasalamat ka at hindi malalim ang pagkakabaon ng bala. May cellphone ka ba? Wala akong cellphone kaya hindi ako makakatawag ng tulong." Wika niya. Bakas sa mukha ng binata ang pamumutla at pagkagulat ngunit hindi na ito pinansin ng dalaga. Kailangan na din kasi niyang magmadali dahil paniguradong pagagalitan na naman siya sa bahay.

"Nasa bulsa." Sagot nang binata at mabilis na kinuha ni Mira ang cellphone nito sa bulsa ng lalaki.

Kaagaran siyang tumawag sa numerong alam niya upang makapagpadala na ng ambulansya roon.

"Nakatawag na ako ng tulong. Ipagamot mo lang iyan at magiging okay ka din. Hindi na kita masasamahan dito dahil siguradong pagagalitan na ako sa bahay. " Wika niya at ibinalik na sa lalaki ang cellphone nito.

Agaran din ang pag-alis ng dalaga at wala nang nagawa pa ang binata upang pigilan ito. Nakatulalang pinulot niya ang bala sa sahig. Iyon ang bala na kanina ay nasa tiyan pa niya. Naningkit ang mata niya sa bagay na iyon at sa panyong hawak-hawak niya na nakatakip sa nagdurugo niyang sugat.

Samantala, dahil sa hindi inaasahang pangyayari kanina ay na late nang dating si Mira sa bahay nila. Nagulat pa siya nang makita ang pinsang si Christy na nakaupo na sa sofa at nanonood ng tv. Naningkit ang mata ni Christy nang makita siya sa pintuan at agad nitong tinawag ang kaniyang ina.

"Ma, nandito na si Mira." Sigaw nito at agad siyang hinatak papasok ng bahay. " Saan ka ba galing, naglakwatsa ka na naman ano? Napakapabaya mo talaga. Hindi ba sabi sayo dapat nakaluto ka na bago ako dumating?" Sigaw nito sa tenga niya at itinulak siya sa sahig. Nangalaglag tuloy ang mga pinamili niyang mga karne at gulay doon. Hindi pa ito nakuntento at ilang beses pa siyang tinadyakan ni Christy bago ito kumalma. Tulad ng dati ay hindi siya umiyak o gumawa man lang ng kahit anong ingay. Nakayuko lamang siya habang pilit na iniinda ang sakit ng kanyang katawan. Inaasahan na niya ito kung kaya ay naihanda na niya ang kanyang sarili. 

Nang makarating naman si Margot sa kinaroroonan niya ay agad din siyang sinabunutan nito at hinatak patungo sa kaniyang kwarto.

"Wala kang silbi. Dahil sayo, nagkandal*che-l*che na ang buhay namin. Manigas ka diyan. Simpleng bagay hindi mo pa magawa ng tama. Hindi ka kakain ng tatlong araw. Dumadagdag ka pa sa gastusin ko, dapat sayo mamat*y na lang, para matahimik na din kami." Pasigaw na wika nito at mabilis na isinara ang pinto, narinig pa niyang ikinandado ito ng kanyang tiyahin. Napahiga na lamang siya sa sahig at tahimik siyang umiyak habang yakap-yakap ang sarili. 

"Ma, bakit mo ako iniwan?" tanong niya at muling napaiyak. Simula nang mawala ang kaniayng ina ay tila nawala na rin ang saya sa kanyang buhay. Puro pananakit at masasakit na salita na lamang ang naririnig niya. Naaalala pa niya noong nabubuhay ang kanyang ina ay masaya na sila kahit simple lamang ang kanilang pamumuhay. 

"Nasaan si Mira?"

Narinig pa niyang tanong ng kanyang tiyuhin nang dumating ito sa bahay nila. Dinig na dinig niya ang pagmum*ra ng kanyang tiyahin habang walang sawa nitong inuulit-ulit ang pagiging walang kwenta niya.

"Walang kwenta na kung walang kwenta. Bakit hindi mo na lang ipambayad doon sa utang mo dun sa pasugalan at nang mapakinabangan. Ikaw naman kasi, sinabi ko na sayo na dagdag gastusin lang iyang pagpapatira mo sa kanya dito." wika pa ng tiyuhin niya at napamulagat siya ng mata. Alam niyang isang masamang lugar ang pasugalang tinutukoy nito. Ayaw niyang mapunta roon dahil paniguradong ikakamatay niya ito.

Puno ng takot at kaba ang puso niya dahil sa narinig. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may natatanging kakayahan itong si Mira. Simula pagkabata ay lagi na siyang pinaaalalahanan nang kanyang ina na itago ito sa iba dahil maari niya itong ikapahamak. Muli siyang napaluha at kinagat niya ang kanyang labi upang maiwasang makagawa siya ng anumang ingay.