Chapter 2 - Chapter 2

Lumipas ang dalawang araw ay muli nang binuksan ng tiyahin niya ang kanyang kwarto. Agad itong napangiwi dahil sa amoy ng kwartong iyon. Bukod kasi sa maliit ang kwartong iyon na nasa likod ng bahay ng tiyahin niya ay wala din itong palikuran na pwede niyang gamitin. Isang maliit na palanggana lamang ang ginagamit niyang ihian at dinidumihan kapag tinatawag na siya ng kalikasan.

"P*ste ka Mira, kabaho ng kwartong ito. Maglinis ka nga. Bilisan mo, maligo ka at magbihis ng maayos may pupuntahan tayo. " Sigaw ng tiyahin niya at napapitlag lamang siya sa paglakahiga sa sahig. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo at nakita niyang bukas na ang pintuan doon. Matapos linisin ang kanyang kalat ay tinungo na niya ang banyo upang maligo.

Pagkatapos magbihis ay tinungo naman noya ang kusina kung saan kalmadong kumakain ng tanghalian ang kayang tiyahin. Agad na humilab ang kanyang tiyan ng makita ang nilalantakan nitong fried chicken. Dalawang araw na siyang walang kain at ni tubig ay hindi siya nakatikim. Kaninang naliligo siya ay doon na din siya uminom dahil sa matinding uhaw. Hindi na niya ininda ang manilaw-nilaw na kulay ng tubig galing sa gripo ang mahalaga ay maibsan ang uhaw na kanyang nararamdaman.

"Anong tinitingin-tingin mo? Hindi kita bibigyan kahit magmakaawa ka pa." Wika pa nito at mabilis na inubos ang pagkain. Napapalunok na lamang si Mira at ininda na lamang ang gutom na nararamdaman niya.

Mayamaya pa ay umalis na sila ng bahay ng kanyang tiyahin. Nagtataka pa siya dahil nasa siyudad na sila. Malayo na din ito sa kanilang bahay at hindi na niya kabisado ang lugar.

"Tiya, saan po tayo pupunta?" Tanong niya ngunit hindi siya iniimik ng kanyang tiyahin. Tumatahip na sa kaba ang kanyang dibdib at pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isipan ang mga salitang narinig niya noong gabing ikinulong siya sa kwarto ng kanyang tiya.

"Nandito na tayo." Sambit ni Agnes at agad na siyang hinatak ng tiyahin niya papasok sa isang malaking gusali. Sinalubong sila ng dalawang lalaki at kinausap ito ng kanyang tiyahin. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pinag-uusapan nito.

Tama nga ang kutob niya, binabalak siyang ibenta ng tiyahin niya sa lugar na iyon. Nilingon niya ang lugar na kanilang pinasukan ngunit humarang ang isang malaking lalaki doon na tila alam nito ang binabalak niya.

"Malinis ang batang yan at wala kayong magiging sabit sa kanya. Patay na ang mga magulang niyan at ako na lang ang natitira niyang kamag-anak. " Wika pa ni Agnes habang kinukumbinsi ang isang may katandaang lalaki.

Sumenyas ito sa kanyang tauhan na agad naman humatak sa kanya papalapit sa mesa. Iniangat nito ang kanyang mukha at kumislap ang mata nito nang makita ang maamong mukha ni Mira. May kaliitang babae si Mira ngunit hindi maipagkakaila ang ganda nitong taglay. Makinis din ang kutis nito at maamo ang kulay tsokolate nitong mga mata.

"Matutuwa ang boss sa regalo mo. Sige dahil sa dala mo ay ipapawalang-bisa ko ang mga utang mo. Siguraduhin mo lamang na wala kaming magiging problema dito dahil kung hindi alam mo na ang mangyayari sa inyo." Wika pa nito at pumirma sa isang papel. Tuwang-tuwa naman si Agnes nang makuha ang kasulatang iyon. Napangisi ito at tiningnan ng masama si Mira.

"Pasalamat ka dahil binigyan kita ng magandang buhay. Magpakabait ka lang paniguradong magiging maganda ang buhay mo dito." Wika pa ni Agnes at masaya na itong umalis nang hindi siya nililingon. Tahimik siyang napakagat sa kanyang labi dahil sa sobrang takot at pagkadismaya sa kanyang tiyahin.

Simula't sapol isang pabigat na ang tingin ng mga ito sa kanya.

"Hoy, ikaw sumama ka sa akin." Utos ng may katandaan lalaki at agad naman sumunod si Mira dito. Wala din naman siyang tatakasan dahil sa bantay sarado ang nag-iisang daan na alam niya.

Nakayuko lamang si Mira habang sumusunod dito. Sa kanyang paglalakad ay nakakarinig siya ng mga iyak ng babae na humihingi ng tulong. Naririnig din niya ang mga sigaw ng kung sino na pinapatahimik ang mga ito. Tila umikot ang paningin ni Mira at hindi niya mapigilan ang maluha sa sasapitin niya.

"Pumasok ka dito at huwag kang tatakas dahil kung hindi papat*yin ka namin."wika ng lalaki at itinulak na siya papasok sa isang kwarto bago nito isinara at inilock ang pinto.

"Bantayan niyo ang babaeng iyan, dahil siya ang ireregalo natin ka Boss." Narinig niyang utos nito at napatingin lamang siya sa pintuan. Nilingon niya ang malaking higaan na naroroon at napangiwi siya. Umupo siya sa sahig at niyakap ang tuhod.

"Nagugutom na ako Ma. Pagod na din ako. " Bulong niya sa sarili at marahang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Samantala, kakalabas lamang ng hospital ni Sebastian at agad itong isinama ni Leo sa lugar na madalas nitong pagtambayan.

"Masaya ang lugar na iyon bro, at maraming magagandang chicks. Tumawag sa akin si Ricos at meron daw dumating na sariwang karne sa lugar. Pinambayad utang ng isang manunugal." Magiliw na wika ni Leo at napakunot naman ng noo si Sebastian.

"Leo, tigilan mo nga ako diyan. Alam mong hindi ko ugali ang gumalaw ng mga babaeng hindi ko kilala." Mariing wika ni Sebastian.

"Sus, titingnan lang natin, paano kung pasok sa panlasa mo?" Pamimilit pa ni Leo at napabuntong-hininga na lang si Sebastian. Wala na siyang nagawa kundi ang samahan ito at tingnan ang babaeng napili nito.

Pagdating nila sa lugar ay agad na silang inihatid ni Ricos patungo sa isang kwarto sa loob ng pasugalan. Kalahati ng pasugalang iyon ay pagmamay-ari niya ngunit iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakaapak siya sa lugar na iyon. Bilang isang mayamang loan shark at isang business man , ang isang pasugalan ang pinakamadaling pagkakitaan dahil sa dami ng mga manunugal na hayok kung magtapon ng pera.

Ito ang kaniyang naging unang negosyo noong nagsisimula pa lamang siya. Nang maitayo niya ang kanyang kompanya ay doon na niya dahan-dahang iniwan ang pamamahala nito sa mga kaibigan niya. Hanggang sa tuluyan siyang nakilala bilang si Sebastian Saavedra, isang multi-national business tycoon na nagmamay-ari ng halos malalaking bangko sa Europa at Pilipinas.

"Nandito siya Master Leo, mukhang bata pa at inosente. Iiwan ko na po kayo. Ipatawag na lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo. " Wika ni Ricos at mabilis na nilisan ang lugar.

Binuksan na ni Leo ang pinto at agad na nasamyo ni Sebastian ang isang pamilyar na amoy na nanggagaling sa loob. Napakunot ang kanyang noo at inaninag niya ang looban ng kwartong iyon.

"Bakit walang ilaw?" Tanong pa niya kay Leo at natawa lamang ito.

"Marahil ay kasama iyon sa sorpresa ni Ricos. Surprise kumbaga." Biro pa nito at mabilis nang in-on ang ilaw. Agad na tumambad sa kanila ang isang maliit na babaeng nakahiga sa sahig.

Naningkit ang mata ni Sebastian at mabilis na nilapitan ang pamilyar na pigurang iyon. Agad niya itong inalalayan at hinawi ang buhok nitong nakatakip sa kanyang mukha at hindi nga siya nagkamali. Ito ang babaeng sumagip sa buhay niya.

Agad siyang napam*ra at mabilis itong inihiga sa kama. Gulat na gulat naman si Leo dahil ito ang unang pagkakataong nakita niya si Sebastian na humawak ng isang babae at base sa reaksiyon nito ay mukhang kilala nito ang babaeng iyon.

"Kilala mo ba ang babaeng iyan?"

"Anong ginawa ng mga tauhan mo sa kanya. Ipatawag mo sila." Gigil na wika ni Sebastian. Hindi na niya pinansin ang sinasabi ng kaibigan niya dahil sa kakaibang kabang kanyang nadarama. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niyang pag-aalala dito. Marahil dahil ito ang unang taong tumulong sa kanya at ang nagligtas ng buhay niya. Simula ng araw na iyon ay dalawang araw din niyang inasam-asam na makita ito ulit. Kahit makapagpasalamat man lang sa ginawa nito sa kanya. Ngunit kahit pangalan ay hindi niya alam at ang tanging natatandaan lamang niya ay ang maamo nitong mukha at ang mabango nitong amoy.

Agad ding natipon ni Leo ang mga tauhan niya sa lugar na iyon. Nakayuko ang mga ito habang nagpapaliwanag naman si Ricos sa mga nangyari at kung saan nila nakuha ang babaeng iyon.

"Maniwala kayo boss, hindi namin ginalaw ang babaeng iyan. Dinala iyan kanina ng isang babaeng suki sa pasugalan bilang kabayaran sa mga utang nito."

"Sinong nanay ang gagawa nito sa sarili niyang anak?" Tanong naman ni Leo at umiling si Ricos.

"Mukhang hindi niya nanay ang babaeng iyon. Marahil Tiyahin niya Master Leo." Pagtatama ni Ricos.

"Leo, alamin mo kung sino ang taong iyon, puntahan mo ako sa mansiyon kapag may balita ka na." Wika lang ni Sebastia at nilisan na ang lugar na iyon habang buhat-buhat ang dalaga. Nagkatinginan naman si Leo at Ricos dahil sa pangyayaring iyon.

"Master, hindi naman siguro magagalit si Boss, hindi ba? Hindi naman namin alam na kakilala niya ang babaeng iyon. Ang sabi nung nagdala sa kanya ay walang sabit ang babaeng iyon at patay na daw ang mga magulang nito at siya na lamang ang natitirang kamag-anak nito."

"Kung ayaw mong malagutan ng hininga, balikan mo at hanapin ang babaeng nagdala sa kanya. Ipagbigay alam mo agad sa akin kapag nakakuha ka na ng impormasyon. " Wika naman ni Leo at mabilis na ding umalis sa lugar na iyon.