Chapter 6 - CHAPTER 6

" Ang Libro ng Kahilingan "

PREVIOUSLY...

NARAMDAM NINA JENNA, AYA AT IAN NA KAKAIBA NA ANG MGA KINIKILOS NI TYLER..

I don't want to bitin you mga mahal at ito na ang karugtung ng kwento.. enjoy don't forget to vote. ♥

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hayaan mung mabulok sya sa labas.. " sabi ni tyler sakanila. Habang malakas ulan at sinabayan pa ng kulog at kidlat may biglang tumubo na isang bulaklak sa sahig magkasingtulad ng bulaklak na pinatay ni Tyler sa paso.

"Jake ayus ka lang ba ? " sigaw ni Jenna.

"Ayus lang ate jen, pero mag iingat kayo dyan dahil hindi yan si Tyler ang kasama nyo ngayon.. yan ang---" Naputol na Sabi ni Jake ng biglang pinatay ulit ni Tyler ang bulaklak.

Samantala si Makiling Naman ay di makapasok ng bahay dahil sa kakaibang harang na nasa bahay nakapalibot.

" Anong salamangkang nakabalot dito bakit di ko magamit aking Kapangyarihang makapaglaho. " Sabi ni Makiling. Buti nalang agad syang napansin ni Jake sa anyo nyang ibon.

" Mahal Na diwata Buti nalang pinuntahan nyo kami dito nanganganib sina Jenna sa Loob. " Salaysay ni Jake sakanya.

" mas naging malakas pa ang Kapangyarihan ni Tyler ngayon dahil nadagdagan ito ng mga naiwang mahika ng mga oroskopyong kanyang inilagaan. " Sabi ni Makiling.

" ano po ba ang maari nating gawin? Upang makapasok tayo? " Tanong ni Jake.

" Hindi tayu dadaan sa himpapawid..

Sa ilalim ng lupa tayo dadaan. Kaya mo bang gumawa ng lagusan sa ilalim ng lupa ?" Tanong ni Makiling.

" Hindi ko pa nasusubukan pero, Susubukan ko Mahal Na diwata kumapit po kayo.. " Sabi ni Jake.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Samantala sa lungga ni Sitan..

" Kamahalan, may maganda po akong ibabalita sainyo.. " Sabi ng isang babaeng alagad ni Sitan.

" Ano yan, Cathy ? " Sagot ni Marco.

" Dahil sa taglay kung Kapangyarihan, Nakikita ko sa aking ikatlong mata nakikita kung malapit ng magkakawatak-watak ang mga bagong tagapangalaga. " Sabi ni Cathy.

" bakit mo nasabi un, Dating tagapangalaga ng oroskopyo ng Gemini ? " Sabi ni Marco.

" Dahil taglay ko pa din po ang Kapangyarihan ng oroskopyo ng Gemini saakin. At may plano na kami ni Charity kung papano pa Sila mas lalong magkakawatak-watak . " Sabi ni Cathy.

" kung ganun, pinapahintulutan ko kayo sainyong mga plano. At Simula ngayon Hindi na kayong tatawaging tagalipon ng oroskopyo. Kayo na ang---" Sabi ni Marco ng biglang Naputol dahil sumingit si Miguel.

" Tagasira !" Sigaw ni Miguel.

" Hindi! At bakit ngayon ka lang nagbalik Miguel!" Sabi ni Marco.

" Magandang balita Mahal Na sitan. Ang ating mga kalaban ay unti-unti na silang magkakawatak-watak. Sina Katalina At Theo ay itinago ng mga Pisteng diwata kung Saan man. At ngayon dumaan ako sa bahay ng mga Adonis. Gumawa nanaman ng lagim si Tyler at malakas ang pakiramdam ko na mas madali na natin silang matatalo. " Salaysay ni Miguel.

" Hangal naisalaysay na yan ni Cathy saakin.. at may plano na silang dalawa ni Charity upang mas lalong gumulo. " Sabi ni Marco sabay tawa ng malakas.

" Teka Cathy at Charity ano ba ang plano nyo ? Maari ko bang malaman ?" Tanong ni Miguel.

" Simple lang.. gamit ang Libro ng Kahilingan. " Sabi ni Cathy habang inaabot ni Charity ito sakanya sinalaysay nya kung papano ito gumagana at gagawa ng malaking kaguluhan sa Sangkatauhan.

Authors Q :

Ito Yung mga names ng mga dating tagalipon ng mga oroskopyo. And Yung mga roles nila.

Charity - Jenna ( Babaylan)

Cathy - Katalina ( Fire)

Michael - Theo ( Water)

Gretchella - Jake ( Earth)

Amythest - Tyler ( Keepers of all oroskopyo/ Wind )

Lucas - Ian/Charlie ( ice )

Back to the story...

" Ngayon an gusto ko Miguel pumunta ka ng Syudad dahil may kelangan tayung gagawin doon. " Sabi ni Marco.

" Ano yun Marco ? " Tanong ni Miguel.

" Bibisitahin natin ang mga Enkantong Tao. Dahil malaki ang kutob ko na gagamitin nanaman ng mga kalaban natin sila laban sa atin. " Sabi Marco.

" Masusunod!" Sagot ni Miguel sabay yuko.

" Charity at Cathy kayo na ang Bahala sa mga tagalipon." UTOS ni Marco.

" masusunod kamahalan.." Sagot Nina Cathy at Charity.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Balik kina Jake at Makiling.. Nagtagumpay na mapasok nila ang bahay. Ngunit...

" Mahal Na diwata papano nyo nalaman na gagana yun?" Sabi ni Jake.

" Galing Kaya Kay Gassia ang Kapangyarihan mo. Ginagawa ni Gassia yan sa Bundok yayaisa nung inutusan sya ni Bathala na magbantay sa bundok. At tumakas sya gamit sa ganung stratehiya. " sagot ni Makiling.

" Kaya Pala.. papasok nako Mahal Na diwata." Sabi ni Jake. Ng biglang may sumigaw ng Tulong. At pinigilan sya ni Makiling na pumasok.

" Kilala ko ang boses na yun. Si ate Jenna yun!" Alalang Sabi ni Jake.

" Alam ko Jake, Kelangan natin gumawa ng plano. Tandaan mo Hindi si Tyler ang nasa Loob. Ibang Tyler yang kakaharapin natin.a t Bakit Anong nangyari bakit naging ganyan si Tyler ? Anong ginawa mo?" Tanong ni Makiling. At agad namang isinalaysay ni Jake ang nangyari.

Habang sa Loob ng bahay..

" Anong ginagawa mo bunso.. pakawalan mo kami dito.." Sigaw ni Ian.

" Tumahimik ka Ian. Hindi ako si Tyler Kaya wag mo akong tawaging Bunso.." Sabi ni Tyler.

" Anong pinagsasabi mo Tyler ? Pakawalan mo kami dito. " Sigaw ni Aya habang nakatali ang kanilang mga kamay gamit ang isang enerhiyang lubid.

" Wag kayong mag alala.. susubukan Kong tagalin ang bisa nito.." Sabi ni Jenna.

" Subukan mo.. para mas humigpit ang pagkakatali nyan at walang silbi ang inyong mahika sa mga enerhiyang lubid na yan. " Sabi ni Tyler.

" Kung Hindi ikaw si Tyler sino kaba ?" Sigaw ni Ian.

" Ako ang Oroskopyo ng Pisces.. kakambal ng oroskopyong taglay mo Ian. Ako Itim.. " Sabi ni Tyler.

" Itim ? Ang kambal tubig ni Puti.. na nasa pangngalaga mo Ian. Katulad ni Tyler. Napunta sayo ang Dalawang oroskopyo. Ang isang oroskopyo ang Oroskopyo na pinalangalagaan ng iyong ina ang Oroskopyo ng Virgo. Pangalawa Ang oroskopyo ng Pisces. O kambal tubig at nasasayo si Puti. Ngunit ang lubusan ko lang ipinagtataka bakit---- " Sabi ni Jenna ng tinanggalan sya ni Tyler ng boses.

" Dami mong Alam at Dada Jenna.. At mukhang may bisita tayo." Sabi ni Tyler.

" Sino?" Tanong ni Aya.

" Isang diwatang Mahina at Isang Taksil.. " Sagot ni Tyler.

" Pero Bago ko Sila salubungin.. " Sabi ni Tyler ng nagpalit sya ng Anyo biglang ama ni Jenna.

" Jenna Wala Kang kwentang Babaylan.. Di nagsisi ako kung bakit ko sayo ibinigay ang Libro ng karunungan. " Sabi ni Tyler na nasa anyo ng ama ni Jenna. Habang si Jenna Naman ay Umiiyak ngunit walang boses ang lumabas sa kanyang bibig.

" At Ikaw Naman Aya.." Sabi ni Tyler habang lumalapit sya Kay Aya at nagpalit ng wangis bilang Si Mary ang best friend nila ni Tyler nung High school.

" Isa ka ding traydor.. Akala mo di ko Alam ang kataksilan nyong ginawa Lawrence dati. Boyfriend ko si Lawrence Aya. Bakit ka pumayag na makipagsex sakanya. Isa pa Bestfriend moko bat mo nagawa sakin yun.. " Sabi ni Tyler habang sinusugatan nya ang leeg ni Aya.

" bunso Tama na!" Sabi ni Ian.

" Tyler bumalik kana.. " Sabi ni Aya habang umiiyak.

" Wait lang baby, " Sabi ni Tyler at Ginaya nanaman nya ang wangis ni Charlie. Ang dating kasintahan ni Ian nasawi sa labanan..

" Charlie ? " Sabi ni Ian habang unti-unting tumutulo ang Luha nya.

" Baby, Bakit moko pinatay ? Hindi mo ba ako Mahal ? " Sabi ni Tyler na nasa wangis na ni Charlie habang inaarte nya na may espadang nakatusok sa kanyang likuran at dugo ang lumalabas sa mga mata nito.

" Mahal kita baby, Sorry kung di kita nailigtas .. napakatanga ko. Sorry ! Kung pupwede lang magpapakamatay ako ngayon para sayo. Baby I love you." Sabi ni Ian habang umiiyak.

" Tama ba ang narinig ko baby ? Magpapakamatay ka ? " Tanong ni Tyler.

" Oo, " Sagot ni Ian. At agad kinuha ni Tyler ang espada ni Ian.

" Waaaaggggg!! Tyler labanan mo yan.. Wag mong gagawin yan.. tandaan mo Kuya mo parin yan." Sabi ni Aya.

" paki alamera! " Sabi ni Tyler sabay Sampal sakanya.

" baby namimiss na kita sumama kana saakin.. " Sabi ni Tyler.

" Uo baby papano ba kita masasamahan? " Sabi ni Ian.

" Baby makinig ka. Gusto Kung ibaon mo tung espada mo sa Sarili mong katawan. Diba Sabi mo gagawin mo ah lahat para makasama moko. At kung pwede lang magpapakamatay ka just for me.. how sweet. Ito na ung espada baby.paslangin Mo ang sarili mo para magkasama na tayu. Diba un ang gusto mo?" Panlilinlang ni Tyler.

Samatala kinuha ni Jenna ang atensyon ni Aya.

" Aya Makinig ka saakin.. kelangan mong sambitin ang isang salita na aking sasabihin upang matulungan ko kayo ni Ian. " Sabi ni Jenna.

" Wow ano to? Powers mo din ba ito ate Jenna. ? Nag uusap tayu sa Isip. An galing !" Sabi ni Aya.

" Wala ng Oras Aya. Sundan mo ang bibig ko kung Anong salita ang aking gustong ipasabi sayo.. " Sabi ni Jenna.

At Agad namang sinabayan ni Aya ang Bawat galaw ng bibig ni Jenna

" Darna? " Sabi ni Aya. Umiling lang si Jenna pinapahiwatig na mali.

" Ano ba Kasi yan, Nakakaloka! " Sabi ni Aya.

" La-son tu-ba tu-ba.. ah Lason tubatuba!" Sabi ni Aya. At umiling ulit si Jenna.

" Mag fucos ka Aya, habang inaaliw pa ni Ian si Itim.. " Sabi ni Jenna sa isipan ni Aya.

" La-so-tu-ber-to-da? Lasotubertoda? " Sabi ni Aya. At biglang nagkaroon na ng boses si Jenna.

" salamat Aya. Ngayon na Jake !" Sigaw ni Jenna..

Hindi Alam ni Tyler, ay kinausap na Sila ni Makiling gamit ang kanilang isipan.

Flashback >>>

Habang nasa labas pa sina Makiling at Jake, Minabuti ni Makiling na kausapin nya si Jenna gamit ang isip. Habang abala si Tyler sa panlilinlang sakanilang tatlo sina Makiling at Jake Naman ay nakapwesto na isang sulok kung Saan inaantay ang senyales ni Jenna.

Let's go back to the story mga Mahal. 😊

Agad ginamit ni Jake ang kanyang Kapangyarihan.

" Halimuyak ng antok.. Baging ng kahinaan gapusin ang nilalang na yan. At patulugin.." Sabi ni Jake sa kanyang engkantasyon. At agad namang lumabas mula sa sahig ang mga bulaklak na kulay asul at mga baging na kumulupot Kay Tyler.

" Ngayon na Ian. " Sigaw ni Jenna.

" Yelo! Yelo ! Aking taglay utus koi sundin.. gawing yelo ang kanyang buong katawan.

" Kamalasan!Anong ginagawa nyo.. pakawalan nyo ko ate Jenna , Aya ano to bes ? Kuya Ian ano to .. " Sabi ni Tyler habang inuuto silang lahat.

" Ibalik mo si Tyler.. " sigaw ni Jenna.

" AYUKOOO!! " Sabi ni Tyler at bigla syang nakatulog.

" Kelangan nating gamutin si Tyler.. maari mo kaming tulungan Puti? " Sabi ni Ian.nang may biglang isang napakaliwanag na ilaw ang lumabas sa palad nya.

" Masusunod ako na ang Bahala!" Sabi ng isang maliit ba ilaw na ng galing Kay Ian.

TO BE CONTINUE