"Ang Panaginip"
Bumaha ng luha ang buong Bahay dahil sa pagkamatay ni Danny.
"Tita.." Wika ni Rex nang akma nyang yakapin ang kanyang step mother. Imbes na yakapin din sya ay sinalubong ito ng malutong sampal na ikinagulat naman nina Doc Santos, kasama sina Myan, Myda at Princess.
"Kung hindi dahil Sayo, at dahil Dyan sa ka-wierdohan mo. Hindi sana namatay ang anak ko." Umiiyak na sambit ng Ina ni Danny.
Akmang sasapalin na sana si Rex sa pangalawang pagkakataon. Agad nang tumayo si Mycka at inaawat ang kanilang step mother, sinalo nya ang kamay ng kanilang step mother at saka nag wika.
"Excuse me? Wala si Rex sa lugar kung saan namatay ang kapatid namin. Isa pa Eloida, mawalang galang na! Ikaw lang ang Hindi kami tanggap sa pamilyang ito. Minahal namin si Danny bilang kapatid namin. Kaya wag mo kaming susumbatan at sisihin sa nangyari sa kanya."
"Ate Tama na. She's right, dahil sa pagiging wierd ko.~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Rex nang dumating ang kanilang ama.
"What's this Rex, Mycka at Eloida? Bakit kayo gumagawa ng eskandalo sa burol ng anak ko at kapatid nyo?" Tanong ng ama nila.
Magsasalita na sana si Mycka ngunit pinigilan lang sya ni Rex.
"Nothing po papa. Aakyat nako sa itaas" Sabi ni Rex at mabilis itong Umakyat sa hagdan. na sinundan naman ni Mycka.
Naiwan sa burol sina Doc Santos, Nurse Myda, Princess at Myan.
"Grabe naman ang babaeng yan. Hindi naman kasalanan ni Rexy. Kasalanan ng alagad ni Senior Ronnel." Sambit ni Myda.
"Wag nalang kayong magsasalita para Hindi kayo masama sa gulo. Magbigay Tayo ng respeto sa kapatid mo sa nakaraang buhay. " Sabi ni Doc Santos.
"Tama si Jacinto, iwasan nyong makagawa ng eksena sa mga tao." Dagdag ni Myan sa kanila. Tumango lang sila at muling nag tanong si Myda.
"Muli bang maire-reincarnate si Danny?" Tanong nya.
"Hindi natin alam, tandaan nyo ilang taon Tayo nag antay bago natin maramdaman ang magkapatid. Sa Ngayon hanggang buhay pa sina Mycka at Rexy. Kelangan natin silang tulungan na maintindihan ang lahat at ihanda sila sa pagbabago." Sabi ni Princess.
Samantala sa Sta Helena..
"Senior patay na ang Isa sa kapatid ng itinakda." Nakangiting Sabi ni Hanna.
"Magaling, Hindi na tayo mahihirapan pang lumpuhin ang itinakda. Pero mag iingat kayo, ang mga tauhan ni General Caballero at Jacinto. Nakapaligid sa kanila. Mahihirapan pa din Tayo. Pero magaling pa din." Nakangiting Sabi ni Senior Ronnel.
"Nasaan ang polpol na aso?" Saway ni Hanna.
Lumabas naman sa kanyang likuran ang isang malaking lobo na kulay itim.
"Nariyan kana pala? Nakakahiya sayo, tinuring ka panamang alpha ng mga kalahi mo. Ngunit trabaho ba ng alpha ang magtago dito sa Santa Helena? Kung gayung nagbukas na ang lagusan." Saway ni Hanna habang nakataas ang kilay.
Biglang nag palit anyo ang malaking lobo sa isang tao.
"Ang yabang mo, pumatay ka lang. Ako, sinira ang Kastilyo ng mga Haponesa. Hawak ko na din ang traydor." Sabi ni Jolino.
"Si Rea? Nasaan sya? Gusto ko syang Makita?" Sabi ni Hanna. Habang nag uusap sila malayang nakikinig sa usapan si Renalyn. Hindi nila nakikita si Renalyn, dahil may kakayahan syang gawing katulad ng isang hangin ang kanyang sarili.
Hindi nagtagal ay naamoy sya ni Jolino.
"May nakikinig? May kasama pa ba Tayo senior? Bukod saaming dalawa ni Hanna?" Tanong ni Jolino.
"Wala at tanging Tayo lang ang nakakaalam sa silid na ito." Sagot ni Senior Ronnel.
Dahan-dahang umaatras si Renalyn ng Aksidente nyang mahulog ang Isa sa mga libro. Nang titigan ni Jolino kung saan nahulong ang libro. Bumilis Ang kaba ni Renalyn at mabilis syang tumakbo paalis ng silid.
"Nararamdaman ko ang takot mo, Sino ka?" Tanong ni Hanna.
Mabuti nalamang at nakalayo na si Renalyn sa silid aklatan.
Hinihingal itong bumalik sa Kusina at doon, kinamusta sya ng kanyang kasamahan.
"Ate Rena ayus ka lang ba?" Sabi ng babaeng kasama nya sa Kusina.
"Oo ayus lang ako. Pahingi ng tubig." Sabi nya at agad naman syang inabutan ng babae ng isang basong tubig.
"Anong nangyari? Totoo bang bihag nila si Rea?" Tanong ng babae at biglang sumulpot si Senior Ronnel kasama si Jolino at Hanna.
"Tila hinihingal ka Renalyn? Saan ka nanggaling?" Tanong ni Senior Ronnel.
Nagkatinginan sila ng kasamahan nya bago nag salita.
"Nagtungo ako sa~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Renalyn ng iligtas sya ng babaeng kasama.
"Inutusan ko po ang ate sa gubat na kumuha ng halamang gamot. At sangkap para sa hapunan natin." Sabi ng babae.
"Syang tunay ang sinasambit ni Jona. Pero bigo akong makahanap ng gamot para sa sakit ko." Dagdag pa ni Renalyn.
"Kung ganoon, ipaghanda na ninyo kami ng mga masasarap na pagkain dahil may celebrasyon Tayo." Sabi ni Senior Ronnel.
"celebrasyon po? Anong okasyon? Sa pagkakaalala ko. Nasa buwan ng Nobyembre pa ang pagdidiwang sa Santa Helena." Sabi ni Jona.
" Wag na kayong mag tanong, kilos na!" Sigaw ni Hanna.
Yumuko naman silang dalawa at ginawa na nila ang inuutos ni Senior Ronnel.
kinagabihan..
Habang mahimbing na natutulog si Rex.
Muling nanaginip si Rex at sa pagkakataong ito ay nakita na nya ng malinaw ang itsura ni Anghelo.
"Rexxy, hanggang sa muli. " Sabi ng lalaki at tuluyan na itong namatay.
Isang malakas na sigaw ang ginawa ni Rexxy na dahilan upang magising si Rex.
"Anghelo..." Sabi ni Rex at Puno ng pawis Ang kanyang buong katawan. Nilingon ni Rex ang kanyang cabinet nang Makita nyang nakatitig si Danny sakanya at Puno pa itong ng mga dugo sa mukha.
"Ate Tulungan mo ako." Sabi ng multo ni Danny.
"Danny, patawad at Wala akong nagawa." Umiiyak na Sabi ni Rex.
Lalapitan na Sana ni Rex si Danny nang agad naman itong nawala.
Biglang naalala ni Rex si Mercedes at Ang kanyang boss.
Una nyang tinawagan si Mercedes, ngunit walang sumasagot.
Habang nagscroll scroll si Rex sa kanyang cellphone kung sinong tatawagan. Biglang namatay ang kanyang cellphone at mag isang nagtatype Ang kanyang cellphone at hinayaan nya ito.
"Ate kilala ko na kung sinong pumatay sa nakaraan mong buhay!" Basa nya sa nakasulat.
"Sino? Please sabihin mo saakin. " Sabi nya habang nakaharap sa kanyang cellphone.
"Si Anghelo." Sagot sa sulat.
"Si Anghelo? Impossible love interest ko si Anghelo. Pero bakit sya?" Tanong nya.
"Hindi ko alam!" Sagot ni Danny.
"Kelangan kung makausap sina Ate Myan at Doc Santos." Sabi nya.
Sa pagkakataong ito, handa akong sasailalim sa past life regression
Itutuloy....