Chapter 14 - EPISODE-FOURTEEN

"Ang Pagbabalik ko sa Santa Helena"

Habang pauwi ako sa Bahay, agad kung tinawagan si Ate Mycka upang magpa sundo sana. Pero iba ang dumating.

"Gelo, anong ginagawa mo dito?"

Dahan-dahan syang humakbang papunta saakin pero pinigilan ko sya.

"Wag Kang lalapit, alam ko na ang lahat. Nagsakripisyo ang Tiya Eloida dahil sa kakagawan mo. " Sabi ko sakanya.

Agad naman syang umatras.

"I want to say sorry, Kaya nga sinundan kita dito. I want to explain everything. Nasa spell ako ni Senior Ronnel." Paliwanag nya.

"Umalis ka na bago ka pa maabutan ni Ate Mycka." Sabi ko sakanya.

"Alam ko kung nasaan ang condé, Ang iyong ama. Dahil ako ang tumulong sakanya noong sumalakay ang mga tauhan ni Senior sa inyung Mansyon. Nag balik ako sa aking kamalayan pagkatapos mong mawalan nang hininga. " Sabi ni Gelo saakin, Hindi ko namalayan na dumating na si Ate Mycka kasama sina Princess at Rea.

"Layuan mo ang anak ng Condé, taksil!" Sigaw ni Princess at isang malakas na kidlat ang muntik nang tumama kay Gelo, mabuti na lamang ay nakaiwas ito.

Agad naman akong hinawakan Nina Rea at Ate Mycka .

"Tayo na Rea." Sambit ni Ate Mycka Kay Rea.

At tinawag naman ni Rea si Princess upang makaalis na kami.

"Safe bang gumamit ng mahika dito?" Tanong ni Rea.

Lumingon lingon si Princess at Ate Mycka. Siniguradong walang taong Makakakita sa gagawin ni Rea.

"Wala akong nararamdamang ibang tao dito." Sabi ni Princess at agad namang ikinumpas ni Rea ang kanyang kamay at sa isang kisapmata ay naglaho kami.

Nang makarating kami sa bahay ay sinabi ko kay ate Mycka ang tungkol sa sinabi ni Gelo saakin.

"Rex maaring nag sisinungaling lang ang lalaking iyon. " Sabi ni Ate Mycka.

"Tama si Mycka, alam kung buhay ang condé ngunit hindi ako sigurado kung nasaan sya Santa Helena nag tatago." Sabi ni Princess.

"Tama, sinubukan na naming hanapin ang condé ngunit kahit anong mahikang gamitin namin. Wala din nangyayari, baka patibong lang yan ni Anghelo. " Sabi ni Rea habang umiinom ng isang tasang tsaa.

"Eh di hanapin natin ? Handa nako. Nakapasa nako sa pagsubok ni Ate Myan at ni Kuya Jacinto. Kaya ko na!" Sabi ko sakanila ng biglang mag isang mahulong ang figurine na anghel.

Umiihip ang malamig na hangin at sa likuran ni Ate Mycka, nakita ko ang kaluluwa ni Danny.

"Masyadong delikado ate, hawak ni Senior Ronnel ang buong Santa Helena. Nag tungo ako ng Santa Helena, Tama si Kuya Gelo, hawak nya Ang condé at ligtas naman ang iyong ama." Sabi ni Danny.

"Danny, salamat" Sabi ko.

"Nandito si Danny?" Tanong ni Ate Mycka.

" Oo ate, Hindi nyo ba sya nakikita? " Tanong ko sakanila.

"Kahit mga sorsera kami Rexxy, Wala kaming kakayahang Makakita ng kaluluwa ng namayapa. Tanging mga kayong mga lahing lobo ang maykakahan lamang. Nararamdaman namin sila pero, Hindi namin sila nakikita." Sabi ni Rea.

"Tama si Rea, pero kung gusto mo talagang magbalik ng Santa Helena. Sasamahan ka namin, poprotektahan ka namin kahit anong manyari." Sabi ni Princess.

"Salamat" ngiting Sabi ko.

"Sasabihan ko sina Doc Santos bukas tungkol sa Plano mo. Sa Ngayon matulog na muna Tayo. " Sabi ni Ate Mycka.

Kinabukasan..

Nagtungo si Mycka sa Opisina ni Doc Santos at dito kinausap nya ang lalaki tungkol sa Plano ni Rex.

"Sasabihan ko muna sina Myan tungkol dito!" Sabi ni Doc Santos.

"Hindi na kelangan Jacinto, ano itong pinag-uusapan ninyo?" Sabi ni Myan kasama sina Cristine at Myda.

Agad namang ikinuwento ni Mycka ang plano sa pagbabalik ni Rex sa Santa Helena.

"Nahihibang na ba kayo Mycka? Inilalapit ninyo ang inyong mga buhay sa kamatayan. Kung hawak man ni Anghelo Ang condé at nasa mabuting kalagayan ito. Dapat maging Masaya kayo. " Saway ni Myan sa kanya.

"Hanggang kelan nyo ba balak mag tago? Handa na Ang kapatid. Maging ako ay nabawi ko na ang aking kapangyarihan at kaalaman sa mahika. Lubos kaming nagpapasalamat dahil sa tulong mo ay naibalik ang mga alaala namin sa nakaraang buhay. Pero hanggang kelang Tayo magtatago.? Nasa Santa Helena ang mga buhay natin. Oras na para bawiin ito. Kung Hindi kayo sasama saamin. Irerespeto namin yan!" Sabi ni Mycka at agad itong umalis. Sinundan naman sya ni Myda.

Napaisip sina Myan, Cristine at Doc Santos tungkol sa sinabi ni Mycka.

Kinagabihan, nagtungo sina Mycka, Rex, Princess at Rea sa lagusan papuntang Santa Helena.

Humabol naman si Gelo sakanila.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Rex.

"Sasama ako, ako magtuturo kung nasaan ang condé." Sabi ni Gelo.

"Gelo Hindi kami pupunta sa Santa Helena para sa ama ko. Susubukan naming bawiin ang Santa Helena sa kamay ng senior. " Sabi ni Rex.

"Ano? Magpapakamatay ba kayo? Anong laban ninyo sa mga kawal ng senior. Babawiin? Nahihibang na kayo? Pero bahala na, sasamahan ko kayo." Kunot noong Sabi ni Gelo.

Ilang sandali pa ay nagbukas na ang lagusan. Sabay sabay silang pumasok dito. Napadpad sila sa kagubatan.

"Nandito na Tayo sa kagubatan ng Santa Helena. Mag iingat kayo, bago kami nagtungo sa kasalukuyang panahon. Naglagay ng mga kakaibang nilalang si Senior dito sa kagubatan. Mga halimaw! Kaya kami na talo. Maging si Carlotta ay nagbuwis ng buhay para makatakas kami." Sabi ni Rea.

"Tama kaya mag iingat kayo. Hindi ko alam kung saan nakuha ng senior ang kanyang kapangyarihan." Dagdag ni Princess.

"May nararamdaman ako. Magtago kayo!" Sabi ni Gelo.

Agad ikinumpas nina Rea at princess ang kanilang kamay at dito bigla silang naglaho.

Maging si Mycka at Rex ay ginaya din nila ang ginawa ng dalawa. Matagumpay na nagawa ni Mycka ang mahikang paglaho ngunit si Rex ay tila nagkaroon ng problema Hindi nagtatagal ang kanyang mahikang paglaho.

"Rex mag focus ka!" Sabi ni Mycka.

"Oo nga, mag relax ka tapos magic!" Sabi ni Gelo.

Sinubukan ulit ni Rex ang mahikang panglaho at sa wakas ay nagawa din nya ng maayus. Si Gelo naman ay umakyat sa Puno at dito nag masid sa paparating na nilalang.

Isang babaeng naka hood ang patungo sakanilang kinalalagyan.

At tumigil ito sa Puno kung saan nagtatago si Gelo.

Agad tinanggal ng babae ang kanyang hood at dito nakita nila ang mukha nang babae.

"Ako to si Renalyn, pasensya na at nahuli ako. Kelangan kung siguraduhin na Hindi nako hahanapin ng senior." Sabi ni Renalyn, at ikinumpas muli Nina Mycka Ang kanilang mga kamay. Dito ay nagbalik na sila sa dati.

"Maraming salamat at dumating ka Renalyn." Sabi ni Rea at agad nyang niyakap ang kapatid.

"Bakit kayo nag tungo dito?" Tanong ni Renalyn at nang Makita nya muli si Rex ay yumuko ito sa harapan ng dalaga.

"Naku ate wag na po kayong yumuko. Nakakahiya!" Sabi ni Rex Kay Renalyn.

"Nagbibigay lamang po ako ng respeto sa anak ng Condé. " Wika ni Renalyn.

"Maraming salamat Ate sa pag tulong sakin para makatakas. Utang ko Sayo ang buhay ko. " Sabi ni Rex.

"Walang anuman yun. Sya nga pala, hawak ng Senior ang medallion ng Kelia. Mas Lalo pa syang lumakas Ngayon. Ang maipapayo ko lang ay tanggalan nyo muna sya ng kapangyarihan. Sirain ang Pinagkukunan nya ng lakas." Sabi ni Renalyn.

"Magandang Idea yan." Sabi ni Gelo.

"Bakit nyo kasama ang pumatay sa anak ng Condé." Tanong ni Renalyn.

"Sya ang may hawak sa condé at ligtas ito. Ngayon totoo bang hawak ni Senior Ronnel ang Libro ko?" Tanong ni Mycka.

"Syang tunay Eloida, ito Ang ibinigay ni Jean sakanya. Pero Wala na si Jean sya mismo ang pumaslang sa kanang kamay mong traydor. " Sabi ni Renalyn.

"Kung ganun, hawak nya ang mga kaalaman ko sa mahika. kelangan kung mabawi iyon." Sabi ni Mycka.

"Wag Kang mag-aalala. Alam ko kung nasaan nakatago Ang Libro mo Eloida. Tutulungan ko kayo. Magmadali na kayo Hindi na magtatagal Ang aking ginawang mahikang panlinlang. Muling nagbalik Ang aking kapangyarihan. Hindi alam ng senior na may kapangyarihan ako ulit." Sabi ni Renalyn.

Itutuloy...