"Doña Calista"
Habang abala ang senior sakanyang ginagawa, may isang pamilyar na boses ang nagsalita mula sakanyang likuran.
"Kamusta ka kapatid ko?" Sambit ng boses ng isang babae na nanggagaling sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay nagulat ako saaking nakita.
"C~calista? Anong ginawa mo dito?" Nauutal na sabi ko saaking kapatid. Si Calista ang panganay saaming magkakapatid ngunit sya rin ang may malakas na kapangyarihan saaming magkakapatid.
"Kamusta? Bat ka napadalaw dito sa Santa Helena?" Tanong ko.
"Nabagot ako! Halos sampung siglo nako sa bansang Europa. Halos paiba iba na ako ng pangalan at Tirahan. Naging kakaiba na ang pamumuhay ng mga tao. Pero tingnan mo bayang ito, nakakulong pa din sa sumpa ng Mangkukulam na si Eloida. At dahil ito sa pagiging pabaya mo." Wika ni Ate Calista.
"Ate, sinusubukan ko ngang kunin ang kapangyarihan ng Ika labing walong henerasyon Mula sa lahi ng mga Morales. Ngunit~" sambit ko ngunit agad naman itong naputol nang biglang naramdaman kung bumaon ang isang bagay sa aking dibdib at nang tingnan ko ito.
Ang kamay ni ate Calista ang bumaon saking dibdib.
"A~ate.. anong ginagawa mo?" Pautal-utal kung Sabi habang hinahabol ko ang aking hininga.
Ngumiti si Calista bago nag salita.
"Hanggang Ngayon mahina ka padin! Palibhasa, pinapairal mo ang pagiging tao mo!" Sabi ni Calista bago hinugot ang kamay nya sa dibdib ko.
Nang bumagsak na sa sahig ang senior, agad nagsalita si Calista sa harapan ng mga nasasakupan ng senior habang hawak ang puso ng kapatid.
"Mula ngayon, ako na ang pagsisilbihan ninyo. Ibigay ninyo ang katapatan saakin at maliligtas kayo saaking kapangyarihan. " Sabi ni Calista at isang malakas na kulog at kidlat ang nagpakita sa kalangitan.
Samantala sa Kagubatan ng Santa Helena.
Naramdaman nila ang kakaibang presensya.
"Kaninong Aura yun? Sobrang lakas ng itim na presensya.." Sambit ni Princess habang naglalakad sila.
"Nararamdam ko din yun ngunit hindi ko alam kung kanino. Minsan ko nang nakaharap ang senior pero Hindi ganito ang aura nya." Sabi ni Rex.
"Kilala ko kung sino, Hindi ako nagkakamali si Calista!" Sabi ni Mycka.
"Calista?" Tanong ni Rex.
"Kapatid ng senior, katulad mo din sya Rex, taglay nya ang tatlong lahi. Ngunit, mas bihasa si Calista sa pag gamit ng kapangyarihan nya. Hindi ko inaasahan na buhay pa si Calista. At Hindi ako nagkakamali." Sagot ni Mycka sabay hawak sa kanyang dibdib.
Hindi nila namalayan na may mga kawal ang kasalukuyang naglilibot sa kagubatan at tyempo silang nakita. Agad nagpalit anyo ang mga kawal bilang isang mga Lobo.
Pinapalibutan sila ng anim na lobo.
"Naloko na!" Sabi ni Gelo at inilabas nya ang kanyang mga pangil. Nag Palit anyo din sina Princess at Rea bilang isang mga Lobo na may gintong balahibo.
"Kelangang walang makakaalam sa inyong pag dating. Babalikan ko kayo" Sabi ni Renalyn at nagpalit anyo ito bilang isang ibon.
"Ate miks, ayaw ko pang mamatay." Natatakot na Sabi ni Rex at sabay nag sign of the Cross pa ito.
"Sa likud ka lang namin." Sagot ni Mycka at ikinumpas nya ang kanyang kamay, biglang nagsilapitan ang mga dahon sa kanya. Lumulutang ito sa kanyang kinatatayuan.
"Ate ~" sigaw ni Rex nang bigla syang sunggaban ng isang lobo at mabuti na lang ay malakas itong itinapon ni Gelo papalayo sakanya.
"Ayus ka lang ba?" Tanong ni Gelo.
Sina Princess at Rea naman ay patuloy pa din sa pakikipag laban sa dalawang itim na lobo.
Nagka roon nang sugat si Rea nang makalmot sya ng kanyang kalaban. Mabuti nalang at tinulungan sya ni Mycka gamit ang kanyang mga dahon. Parang mga kutsilyo ang mga dahon nya. Napatay naman ang lobong kalaban ni Princess. Nang mapatay nya ito ay nagbalik na sya sa kanyang anyong tao. Maging si Rea din at iniinda pa din nya ang sugat sa kanyang braso. .
Samantala si Renalyn naman, sinundan nya ang isang kawal na naging lobo.
Nakita nya itong nagtatago sa isang makapal na damuhan. Nang mapansin ng kawal na nakatingin sya dito. Wala syang oras na inaksaya. Agad nyang sinundan Ang kawal na yun.
Nang maramdam ng kawal na lobo ang kanyang presensya. Agad itong nag palit anyo bilang lobo upang mabilis itong makatakas.
"Mabilis man ang aso, mas mabilis pa din ang agilang lokaloka!" Sabi ni Renalyn, Mula sa maliit na ibon naging isang agila ang babae at mabilis nyang hinarangan ang lobo nang maunahan nya ito.
"Nakikipag karera ka?" Tanong nya sa lobo.
Nang makaharap na nya ang lobo, hinawakan nya ang kanyang Ulo at parang nabibingi ang lobo dahil napahiga na ito sa lupa.
"Hindi kita papayagan na magtagumpay kayo." Sabi ni Renalyn.
Agad sinugod ng lobo si Renalyn at kalma lang itong nakatitig sa kalaban.
Balika kina Rex sa gubat.
Natalo nila Ang mga kalaban.
At inaantay nilang magbalik si Renalyn.
Sa Mansyon..
Lumabas sina Hanna at Jolino upang magbigay ng katapatan sa Doña.
"Doña, Ako po si Hanna. Nagbibigay ng katapatan sainyo." Sabi ni Hanna sabay yuko.
"Ako din doña , nagbibigay ng katapatan sainyo." Sabi ni Jolino.
"Kung ganun, tinatanggap ko kayo! At may ipapagawa ako sainyo. " Sabi ni Calista.
"Ano po yun Doña?" Tanong ni Hanna.
"May mga bisita Tayo sa singalang bahagi ng bayan. Sa mga kakahuyan. Nais kung salubungkn ninyo sila at bigyan ng madugong welcome party.
Agad yumuko sina Jolino at hanna. Agad nag palit anyo si Jolino bilang isang lobo. Si Hanna naman ay naging isang ibon.
Balik sa kagubatan..
Ginamot naman nj Mycka ang mga sugat ni Rhea.
"Salamat mycka.." Sabi ni rhea.
Ilang sandali pa ay dumating na din si Renalyn.
"Malinis na ang daan. Tingnan ko ng maagi upang walang makakakilala sainyo." Sabi Renalyn.
At nagpatuloy silag naglakad papuntang Mansyon. Nang biglang dumating sina Hanna at Jolino.
"Kamusta kayo?" Bati ni Jolino.
"Hindi okay dahil nakikita ko Ang mukha mo sa daraanan ko." Sabi ni Rex.
Nagtawanan lang sina Hanna at Jolino.
"Hindi ko pa nakalimutan ginawa mo saakin.." Sabi ni Hanna Kay Mycka. Habang matalim na nakatingin sa kanya.
"Magbabayad ka din saakin, tandaan mo yan! May Utang kapang buhay saakin.
Itutuloy...