"Finale Part 1"
Sa pagpapatuloy....
"Yung Holy water?" Sambit ni Rex.
"Anong Plano mo?" Tanong ni Gelo at inabot sa dalaga ang isang boteng holy water.
"Myda nakakuha kaba nang syringe sa Ospital?" Tanong nya sa babae.
"Oo heto." Sagot ng babae at inabot ito sakanya.
"Hindi Basta Basta matatablan ang Senior sa Holy water, Kung may plano kang itusok yang holy water sakanya. Mukhang mahihirapan tayo, Isa pa Hindi ko pa kayang gumawa nang spell." Sabi ni Mycka sa kapatid.
"Ate ako nang bahala." Ngiting sabi ni Rex sakanyang kapatid at agad nyang nilagyan ng holy water ang syringe.
"Rexy, Hindi kami papayag ng Kuya Ben mo na Ikaw lang mag isang sasalakay sa Mansyon." Sabi ni Myan.
"Don't worry ate, kelangan ko nang tulong ninyo. " Sabi ni Rex at itinago nya sakanyang sling bag Ang mga syringe na may holy water.
Mula sa malayo tanaw na nila si Renalyn na paparating.
Isang malaking ibon ang paparating sakanila at dahan dahan itong bumaba, kasabay nang pagbaba ng ibon ay nagbalik ito sa kanyang totoong anyo.
"Kinausap ko na ang mga kasamahan ko na ang katapatan ay nasaiyong ama pa din. Handa na silang sumugod." Sabi ni Renalyn.
"Nakahanda na din sina Princess at Rea sa paligid ng Mansyon." Sabi ni Myda.
"Kung ganun tapusin na Ang dapat tapusin.." Sabi ni Rex at kinuha nya ang salamangka libro ni Mycka. binuklat ang mga pahina at doon nag usal nang kakaibang salita na sa isang iglap ay naglaho silang lahat. Sa isang kisapmata nila ay nasa harapan na sila ng Mansyon. At kasalukuyang nakikipaglaban ang mga mga taong lobo na nasa pack ni Doc Santos.
Habang sina Rea at Princess naman ay inutusan Nila ang mga Puno na gumawa nang isang harang sa palibot nang Mansyon.
"Ngayon pumasok kana sa loob, kami na ang bahala dito." Sabi ni Mycka at binuklat ang mga pahina nang kanyang libro.
"Sandali Mycka, kaya mo nabang mag cast ng spell?" Tanong ni Myan.
"Bahala na kelangan nating ecover up si Rexy upang makapasok sa Mansyon." Sabi ni Mycka.
"Kuha ko, asahan mo kami." Sabi ni Myan at sa isang kumpas nya nang kanyang kamay ay tumitilapon Ang mga kalabang lumalapit sakanya.
Tumango si Rexy at mabilis itong tumakbo papasok nang Mansyon. Ngunit bago pa ito pumasok ay tinusok nya nang syringe ang kanyang paa.
Sinalubong naman sya ni Renalyn sa loob nang Mansyon.
"Sa likod mo lang ako Rexy, wag Kang mag aalala." Sabi nya.
Habang dahan dahan silang nagtungo kung saan nakakulong Ang kanyang ama, Ang condé.
"Anong gina-gawa mo dito.? " Tanong ng condé.
"Tay papatakasin ka namin ama." Sabi ni Rex.
Niyakap sya nang kanyang ama, at sa likuran nya may napansing kakaiba si Renalyn.
"R-rex hihi-hindi mo sya!" Hindi natuloy Ang sasabihin ni Renalyn nang biglang huminto Ang oras.
Mabilis na nagpalit anyo ang ama ni Rexy at naging si Senior Ronnel ito sabay kagat sa kayang leeg.
"Aaahhhh!" Ungol ni Rexy habang mabilis na sinisipsip ng senior ang kanyang dugo.
Samantala sa labas...
"Ano bang Plano ni Rex?" Tanong ni Gelo na Punong-puno na sya ng sugat.
"Ay sandali. Halika nga!" Sigaw ni Myda at agad niyang pinagaling Ang mga sugat ng binata.
Habang sina Princess at Rea ay nakalaban nila ang mga tauhan ni Jolino.
"Ang mga lobong itim..." Sabi ni Princess sabay padjak nang kanyang paa sa lupa at nagsilutangan ang mga tuyong dahon. Si Rea naman ay hinubad ang kanyang bracelet na biglang humaba at naging latigo ito.
"Silver Lighting whip!" Sambit ni Rea na isinasiwas nya ang kanyang latigo.
"Lapit na mga doggy! " Sabi ni Princess.
Isang lalaki ang humarap sa kanila at ngumiti pa ito sakanila.
"Miss me?" Tanong ng lalaki.
"Ikaw?" Gulat na sambit ni Princess.
"Bakit kilala mo ba sya cess?" Tanong ni Rea.
"A friend of mine na parang Hindi naman!" Sabi ni Princess.
Nagsalita naman Ang lalaking humarap sakanila.
"Ambilis makalimot? Ipa-alala ko Sayo ang lahat princess." Sabi ng lalaki.
"No need Welnard!" Sagot ni Princess at itinaas nya Ang kanyang kamay, kasabay nun ang paglabas ng mga malalaking ugat na nanggaling sa ilalim nang lupa. Si Rea naman ay nakipaglaban na sa mga maiitim na lobo.
Mabilis Mang umiwas si Welnard sa mga atake ni Princess Hindi nagtagal ay nahuli na ni princess ang binata. Kasabay nang kanyang galaw mas humigpit pa ang pagkakagapos nang mga ugat ng puno sa katawan ng lalaki.
Samantala sa loob nang Mansyon..
Nagbalik sa dati ang lahat. Agad tinulungan ni Renalyn si Rex habang nanghihina pa.
"Hindi Hindi. Lumaban ka para sa tatay mo" Sabi ni Renalyn. Habang Ang senior ay nakangiti lang sa dalawa. Ngunit nagtataka ang senior kung bakit nakangiti lang si Rexy sakanya kahit nanghihina na Ang dalaga.
"Bakit parang Masaya kapa?" Tanong ng senior sa dalaga habang pinupunasan nya ang kanyang labi na may dugo.
" Hindi mo ba na full moon Ngayon?" Sambit ni Rexy at tumingin naman si Renalyn sakanya.
"Alam ko, pero anong kinalaman nang full moon. Alam ko kung anong uri ka, taglay mo nga ang tatlong lahi sa dugo mo. Pero, nakalimutan mo nabang Hindi ka magkakaroon nang kakayahan ng mga bampira at lakas ng mga lobo. Tanging dugo nang mangkukulam lang Ang makakatagal sa panahong ito." Sabi ni Senior.
Biglang tumayo si Rexy at nagsalita..
"Kaya nga naghanda ako sa panahong ito." Sabi ni Rexy at kinuha nya sakanyang lalagyan ang mga syringe.
"Rexy? Diba yan yung may lamang...." Hindi na natapos ang sasabihin ni Renalyn nang biglang mangisay Ang senior.
"Anong ginawa mo!" Pautal utal na Sabi ng senior.
"Simple lang... Nilagyan ko nang Holy water ang dugo ko at gamit ng dugo nang mangkukulam. Hindi ako matatablan ng holy water." Sabi ni Rexy at inilabas nya ang isang boteng holy water at itinapon nya ito sa ire.
"Ate rena, Ngayon na!" Sigaw nya. Mabilis na nag palit anyo si Renalyn at naging isang malaking ibon ito at inilipad ang holy water sa ire ikinalat sa boung paligid.
Sa ibaba naman kung saan nakikipaglaban pa ang mga kasamahan Nila. Biglang nahinto dahil sa ulan..
Napansin Nila na mukhang unti-unting nanghihina amg kanilang kalabad.
"Holy water? Ito Ang Plano ni Rexy?" Sabi ni Mycka.
"Kahit sa nakaraang buhay nya matalinong bata." Sabi ni Doc Santos.
Pati ang mga nakalaban nina Princess at Rea ay nagsi-atrasan.
"Para kayung asung basang-basa!" Sabi ni Rea.
Balik sa Mansyon...
"Anong ginawa mo hayup kaaaa!!!" Sigaw ng senior habang lumiit na ang hangin na kanyang hinihingahan.
"Bye bye!" Sabi ni Rex at iniwan Nila ang senior.
"Papano sya Rexy?" Tanong ni Renalyn.
"Ate, hayaan mo syang mabulok!" Sabin ni Rexy at sabay talikod.
Hindi nya alam na kumuha nang putol na kahoy Ang senior at mabilis nyang itinusok ito sa dalaga ngunit pinigilan sya ni Gelo.
"Waaaggg!" Sambit ni Gelo. Nang lingunin ito ni Rexy ay nagulat ito sakanyang nakita.
"Gelooo!!!" Sigaw ni Rexy at hinawakan Ang kamay ni Gelo.
"Ate rena! Tulong Po!" Sabi ni Rex at agad namang ikinumpas ni Renalyn Ang kanyang kamay ngunit. Wala pa ding nangyari.
"Please wag mo Kong iiwan. May gagawin pa Tayo Mokong ka! Please.." umiiyak na sabi ni Rexy.
Itutuloy....