"Senior Ronnel"
Ronnel's P.O.V.
Bata palang ako noong nalaman ko ang tungkol sa katauhan ng mga Morales. Naging taga silbi ako ng pamilya. Hanggang sa ginawa akong abay ng Condé.
Lumaki akong walang magulang at tanging Ina at ama ng condé ang kinalakhan at kinikilalang magulang.
Hanggang sa nalaman ko ang katotohanan tungkol saaking mga magulang.
Isang Gabi, malalim na ang pagtulog ng Condé nagpasya akong magtungo ng banyo. Bago ako makarating sa banyo ay dadaanan ko muna ang silid ng mag asawa.
"Papano kung malaman nya ang katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang? Natatakot ako Ignacio." Sabi ng babae.
"Josepina, pinalaki natin si Ronnel bilang isang mabuting tao." Sabi ng lalaki.
"Hindi na sana natin pinaslang sina Sioning, matalik kung kaibigan si Sioning. Hindi sya masamang Lobo. Kababata ko sya, kaya kilala ko si Sioning." Umiiyak na sabi ng babae.
"Kinakailangan dahil yan ang utos ng konseho." Sambit ng lalaki. Hindi ko na tinuloy ang pakikinig sakanila dahil may nakita akong isang babae at ito din ang babaeng palaging nasa panaginip ko.
Nang sundan ko ang babae palabas ng Mansyon. Dito ko nakilala ang Ina ni Hanna.
"Ikaw anak ni Sioning, isang magiting at magaling na Lobo at mangkukulam nanalatay saiyong mga ugat Ang dugo ng pagiging mandarag! " Sabi ng babae.
"Mandarag?" Tanong ko sakanya.
"Ang mandarag, isang nilalang na may pinahalong dugo ng Lobo at Mangkukulam. Isa Kang tagapagmana sa iyong pamilya" Sabi ng babae.
"Sino kaba?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang ito bago nag salita.
"Ako si Allysa, kapatid ko si Sioning ang iyong Ina. Pinatay sya ng mga kinikilala mong Ina at ama.
Dahil naiingit sila sa kapangyarihan natin. Kaya Ikaw, ipaghigante mo ang lahi natin." Sabi ng babae at hinawakan ako sa aking Ulo. Kasabay noon ay nakaramdam ako ng kakaibang galit na humantong sa pagpaslang ko sa mga ama at ina ng condé.
"Hindi ito mababayaran ng sorry mo, you must pay for killing them. Hindi ko alam kung bakit ganun ka kagalit sa mga magulang natin. They never treated you as someone else. We treated you fair." Sabi ng condé.
Susubukan ko sanang magpaliwanag ngunit sarado ang isipan nya sa mga oras nayun.
Inilagay nila ako sa bartolina at doon ikinulong ng ilang taon. Ngunit hindi nila alam sinasanay ko na din Ang aking sarili sa pag gamit ng salamangka sa tulong ni Alyssa.
Hanggang sa pinakawalan ako ng condé, hinayaan nya akong mamuhay mag Isa. Ngunit isang maling pagkakamali ang kanilang ginawa. Dahil dun nagsikap akong maging mayaman at kumuha ng mga tauhan upang sakupin ang Mansyon ng mga Morales.
"Sa wakas nakuha ko na ang Mansyon! At saakin na Ang Buong Santa Helena."
Nagbalik lang ako saaking kasalukuyang pag iisip ng bigla akong makaramdam ng malakas tadyak na nagmumula saaking tagiliran at tumilapon ako sa mga damuhan.
Nakalimutan kung nakikipag laban padin ako sa mag ama.
Ngunit naging matalino ako. Nilapitan ko si Rexxy at mabilis kung itinatak ang isang kakaibang marka na nabasa ko sa aklat ng aking yumaong Ina.
"Hindi maari ang markang yan!" Sambit ni Mycka habang bakas sa kanyang mukha ang takot at pag-aalala sa kanyang kapatid.
"Ang marka nang pag-uunay!" Sabi ng Condé nang Makita nya ang marka sa kanyang anak.
"Marka nang ano?" Naguguluhang wika ni Rexxy.
Lumapit sina Myan at Princess upang tingnan ang kalagayan ni Rexxy.
"Marka ng pag-uunay, ibig sabihin. Iisang hangin na inyung hinihingahan at iisang buhay. Kung anong mangyayari sa Isa ganun din ang mangyayari sa Isa. Parang kambal tuko." Sabi ni Myan.
Hindi nila namalayan na sinalakay sila ni Hanna sa utos ko. Ngunit naging mabilis din ang kamay ni Cristine upang harangan nya ang daanan ni Hanna gamit ang mga malalaking ugat ng puno. Napaatras ang aking alagad dahil sa ginawa nya.
"Halamang panlaban sa mga aso na gaya mo." Ngiting Sabi ni Cristine. Si Renalyn naman ay mabilis syang nagpalit anyo bilang isang malaking ibon at dito tinakpan nya nang kanyang malaking pakpak ang kanyang mga kasamahan. At ilang sandali pa ay naglaho silang lahat.
Nakataas man sila, alam kung may may hawak akong alas sakanila.
Lumapit saakin si Hanna at nag salita.
"Senior malapit na ang muling pag gising nang iyong Ina na si Sioning. Hayaan mo kapag nagising na sya. Tyak kung mapapaslang na natin yang anak ng condé. "
Hindi ako umimik bagkus nag tungo ako sa loob nang Mansyon.
Samantala sa Bahay ni Myan at Christine.
"Myda maraming salamat, Hindi pa din nawawala ang iyong kakayahang magpagaling." Sabi ni Rea, ngumiti lang si Myda at lumapit naman ito kay Rex.
"Rexxy, mabuti mga galos lang ang inyong nakuha. Teka nasaan Ang condé kasama nyo ba sya.?" Tanong ni Myda.
Tumayo si Renalyn Mula sa kanyang kinauupuan at nagsalita.
"Nasa Santa Helena padin sya. Nanatali syang bilanggo ng lugar na iyon. "
Nang biglang Sumigaw si Rex nang napakalakas nang tingnan nila kung anong nangyayari, nakita nilang may sugat si Rex sakanyang braso. Halatang kakasugat lang nito dahil, sariwa pa ang dugo na dumadaloy sa hiwa.
"Nakakaloka! Sandali!" Sambit ni Myda at ginamit nyang muli ang kanyang kapangyarihan magpagaling.
"Isa itong malakang problema ate Mycka, papano natin matatangal Ang marka ni Rexxy na ginawa ng senior?" Tanong nya.
"Hindi ko alam, kung nandito lang sana yung libro ko. naalala ko sa nakaraan kung buhay bilang Eloida, may palagi akong dalang libro. Ngunit hindi ko maalala kung sinunog ko o nasa Mansyon pa din ito?" Sabi ni Mycka habang nag iisip kung nasaan na ang libro nya. Biglang nag salita si Renalyn.
"Nasa silid aklatan ng Mansyon padin ito Eloida. Itinago ko ito noong nakita kung Wala ka nang buhay. Pinag aralan ko ang mga salamangkang nakasulat doon kaya ako naging ganito. Katulad nyong mga sorsera. "
"Kung ganun Kukunin ko ang libro ko." Sabi ni Mycka.
"Matutulungan Kita Dyan, kabisado ko na ang pasikot sikot sa Mansyon." Ngiting Sabi ni Renalyn.
Dumating naman ang ikalawang tauhan ni Myan.
"Mag iingat kayong dalawa. Naihatid ko na si Doc Santos. He got an emergency meeting with his pack." Sabi nang babae.
"So anong Plano natin? Patuloy nalang ba tayo na magtatago, masusudan padin Tayo nang mga alagad Niya. " Sabi ni Gelo.
"May Plano ako" ngiting Sabi ni Rex na agad tumayo.
"Vampy vampy, drink holy water.." Sabi ni Rex.
Itutuloy...