"Imortalidad"
Ang nakaraan...
Habang papunta na sila sa Mansyon, hinarangan naman sila nina Jolino at Hanna.
"Kamusta kayo?" Tanong ng dalawa kina Rex. Agad namang sumagot si Rex ng..
Sa pagpapatuloy....
"Hindi mabuti dahil nakaharang mga mukha nyo sa daan. May Utang pa kayong buhay saakin." Sabi ni Rex.
Tinitigan ni Hanna at Jolino ang mga kasama ni Rex at laking gulat nya nang makita nya si Renalyn.
"Ang punong dama ng Mansyon, sabi ko na nga ba. Isa Kang taksil sa amo natin.!" Sabi ni Hanna habang inaamoy amoy ang buhok ni Renalyn.
"Pero, anong ginagawa nyo dito? Hinahanap nyo ba si Senior Ronnel? " Tanong ni Jolino.
"Well, kakapaslang lang nya." Tawang Sabi ni Hanna.
Napataas ang kilay ni Rex at Mycka nang narinig nila iyon.
"Sinong pumaslang sakanya?" Tanong ni Princess.
Biglang liningun ni Hanna si Renalyn at nag wika.
"Tama ka Renalyn, ang naramdaman ninyo kanina ang kapangyarihan ng Doña Calista. At siya ang pumaslang sa kanyang kapatid na si Senior Ronnel." Sabay palakpak.
"Pwde ba, umalis na kayo Ate at Kuya! Hindi ang senior ang kelangan namin o si Calista!" Sabi ni Gelo.
Napalingun naman silang lahat nang wikain iyon ng binata.
"Ate at Kuya? Kapatid mo sila?" Tanong ni Rex.
Tumango lang si Gelo habang nakayuko.
"You fail again, you are giving me reason not to trust you Gelo! " Sabay tulak ni Rex sa binata.
Napangiti naman Sina Hanna at Jolino.
"Sorry, Hindi ko~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Gelo nang magwika muli si Rex.
"No! At this, ayuko nang maniwala! Andami mong nililihim saakin. Now, puntahan natin ang pakay natin dito. Wala na akong paki sa Santa Helena nayan." Galit na Sabi ni Rex.
"Ay sandali, pinapapunta ka ni Doña Calista sa Mansyon. " Sabi ni Hanna. Sabay hawak kay Rex. Mabilis namang ikinumpas ni Hanna ang kanyang kamay at agad silang naglaho.
Naiwan naman Sina Rea, Princess, Gelo, Renalyn at Mycka. Kaharap nila si Jolino.
"Hindi kayo invited, so dito lang kayo.!" Sabi nya.
Samantala, sa Mansyon..
Biglang sumulpot si Hanna sa harapan ni Doña Calista kasama si Rex.
"Kasama ko na po sya Doña." Sabi ni Hanna.
"Magaling!" Ngiting Sabi ni Calista.
"Wag kayong mag-aalala Doña, nasa hipnotismo ang babaeng ito. Hindi nya magagawang makagalaw hanggat hindi ko syang pinapakawalan sa hipnotismo. " Sabi ni Hanna.
"Gusto ko syang makausap, tanggalin mo ang hipnotismo." Utos ni Calista.
"Masusunod Doña.." Sabi ni Hanna. At nang akma nyang tatanggalin ang hipnotismo. Biglang nagsalita si Rex at sabay suntok.
"Hindi ako natablan ng hipnotismo mo!" Sabay suntok sa mukha.
Dumugo ang labi ni Hanna nang matamaan ng napakalakas na suntok ni Rex.
Si Calista naman ay napangiti lang habang nakaupo sa isang magarang upuan.
"Isang napakalakas na sandata para sa nalalapit na digmaan." Wika nya sakanyang isipan.
Hindi nya alam na may isang nakaitim na nilalang ang sakanyang likuran at may hawak itong punyal.
Pagkatayo nya ay biglang tinaga ng nakabelong itim si Calista at tumilapon ang Ulo nito sa harapan Nina Hanna at Rex.
Sumigaw si Hanna ng napakalakas nang Makita Ang Ulo ni Calista. Dilat pa ang mga mata nito.
Liningun Naman ni Rex ang upuan doon nakita nya si.
"Senior??" Sabi ni Rex
"Yes the one in only, Hindi alam ng kapatid ko na Isa akong imortal. Kahit dukutin mo pa ang puso ko nang ilang milyon. Buhay pa din ako. " Sabi ni Senior kaharap ang walang buhay na si Calista.
Ilang sandali naman au dumating sina Gelo, Mycka, Rea, at Princess. Dala Naman ni Rea ang walang buhay na lobo.
"Jolino?" Gulat na sambit ni Senior nang Makita nyang walang buhay na ang lobong itim na kung saan alam nyang si Jolino ito. Ang tapat nyang alagad.
Sumigaw si Senior at isang malakas na kulog at kidlat ang umalingaw-ngaw.
"Dahil ito Sayo.!" Galit na Sabi ni senior Ronnel.
Mabilis itong nag tungo Kay Rex saka sinakal ang dalaga.
Tutulungan na sana nila si Rex kaso isang kumpas lang ni Senior ay tumitilapon sila palayo.
Hanggang sa unti-unting humaba ang mga kuko ng senior at akmang dudukutin nya ang puso ng dalaga biglang nang salita ito.
"Sa puso talaga? Na ilang beses na yang pinatay.. yung akala mong kayo na? Pero Hindi. Ginaya ko pa Jodi ng stairway to heaven kaso. Hindi eh. Sge Kunin mo ang puso ko. Go!" Sigaw ni Rex.
"Your wish is my command Ija! Humanda kana." Akmang dudukutin na nya ang pusok ni Rex nang biglang isang malakas na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa paligid.
Pumasok sina Myda, Doc Santos o Jacinto at si Cristine. .
"Mga kawal pigilan ninyo sila! Dumadami nang mga bisita!" Sigaw ng senior at isa-isang pinag dadampot ng mga Guardia sibil sina Mycka, Gelo, Princess at Rea.
Hindi nang laban sina Mycka bagkus, pinanood nya Ang isang babae kasama ng isang matandang lalaki.
"Pakawalan mo ang anak ko!" Sabi ng matandang lalaki.
"Ama?" Ngiting Sabi ni Rex na agad syang pinakawalan ng senior.
"Condé? Buhay ka??" Gulat na Sabi ng senior.
"Bakit nagulat ka? Alam mo naman na Isa din akong imortal katulad mo. Ako lang ang kelangan mo diba? Kaya hayaan mo nang makaalis ang anak ko dito. " Sabi ng condé.
"Hindi condé, Hindi lang ang Santa Helena ang gusto ko. Maging mga kapangyarihan ninyo." Sigaw ni senior at isang malakas na kidlat ang tumama isa-isa sa mga kasamahan ni Rex.
"Ate Mycka!" Sigaw ni Rex. Maging sya ay tinamaan ng kidlat at hinihigop ng kidlat ang kanyang lakas at kapangyarihan.
Nag usal naman si Mycka nang isang spell. Ngunit hindi ito tumalab.
"Arrrrghhh!!" Sigaw nilang lahat.
"Itigil mo yan Ronnel.!" Sabi ng condé.
"Hindi ako Basta basta sumusunod sa mga mahinang nilalang.." Sabi ng Senior.
Unang nawalan ng Malay sina Rea At princess, kasunod sina Gelo, Doc Santos, Myda at Cristine.
"Imortalidad! Haaaahhhaa!" Sigaw ni Ronnel ng maramdam na nya ang mga kakaibang enerhiya na dumadaloy sakanyang katawan Ngayon.
Samantala sina Rex at Mycka naman..
"Rexy, sabayan Moko. Kelangan nating masira ang machine na yan." Sabi ni Mycka.
"Papano ate??" Tanong nya.
"Sabayan mo ko sa mga sasabihin ko." Sagot ni Mycka. At iyon nga ang nangyari. Napahinto nila ang aparato.
Itutuloy...