Chapter 11 - EPISODE-ELEVEN

"Danny's Death Crossover with Cristine as Inspector Red "

"Ate Miks, nasa school naba si Danny?" Tanong ni Rex sakanyang kapatid.

"Oo, halika na at mag almusal kana. Sya nga pala kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mycka sa kanyang kapatid.

"Ayus lang ako ate, pero Hindi pa din ako makapaniwala na nangyari yun lahat." Sabi ni Rex at umupo na ito sa harapan ng lamesa upang makakain na.

"Kahit na ako, importante nandito kana. Mag iingat ka. Binabantayan ka naman ni Myan." Sabi ni Mycka.

"Pero ate, papano ka? Kayo ni Danny? Nanganganib kayo." Sambit ni Rex.

"Hindi kami ang punterya ni Senior. Kundi Ikaw. Teka papasok kana ba?" Tanong ni Mycka.

"Oo, kelangan ko nang pumasok. Ilang araw na din ako Hindi nakakapag sulat. Wag Kang mag aalala ate. Babantayan naman ako ni Mercedes." Sabi ni Rex.

"Basta mag iingat ka. Alam mo na kung papano sila tatawagan." Sabi ni Mycka.

Tumango lang si Rex at tsaka nagsimulang kumain.

Samantala sa loob ng university kung saan nag aaral si Danny.

"Si ate Rex ba yun? Anong ginagawa nya dito?" Tanong ni Danny sakanyang sarili nang Makita nya si Rex na tila Wala sa sariling nag tungo sa mga kakahuyan.

Agad naman nya itong sinundan upang siyasatin.

Nang makarating na sila sa gitna nang kakahuyan.

"Sandali ate Rex, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang nakatalikod pa din sya saakin.

Hahawakan ko na sana sya sa balikat ng biglang may malakas na tunog akong narinig at halos mabaliw ako sa sobrang lakas. Hindi ko alam kung saan galing pero nilapitan ko pa din si Ate Rex. Ngunit nang lingunin ako.

"Sino ka?" Tanong ko habang nanghihina. Ngumiti ito saakin bago ito nag salita.

"Siguro Ikaw na ang sinasabi ni Senior na kapatid sa bagong buhay ni Rexxy? Napaka-hina at madaling mauto." Sagot ng babae at gamit ang kanyang kamay ay pinalutang ako sa ire ng walang kalaban laban.

Hindi sya si Ate Rex. Malamang siya na ang sinasabi nila ate Mycka na kampon ni Senior. Pero Hindi ako papayag na matalo. Gamit ang aking isip pina galaw ko ang isang bato at pinatamaan sa kanyang likud.

"Aray!" Sigaw ng babae at bumagsak ako sa lupa. At Wala na din ang malakas na tunog na nakaka-bingi.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Ako si Hanna, pinakamalakas na Bampira at may lahing mangkukulam. At Ang papatay Sayo." Sabi nya at mabilis itong gumalaw at lumipat sa aking likuran.

Akmang kakagatin nya ako sa aking leeg, inutusan ko ang aking isipan na gumawa ng nakakabinging tunog na tanging sya lang ang nakaka rinig pero isang pagkakamali ang ginawa ko. Tuluyan pa din nya akong nakagat sa leeg.

Hindi ako makagalaw sa mga oras na yun. Hanggang sa tumigil sya sakanyang pagsipsip sa aking dugo. At bumagsak ang aking katawan sa lupa.

"Hindi ako natatablan ng ganyang magic trick bata." Nakangiti sya habang may kaunting dugo sya sakanyang bibig.

Samantala sa Ospital kung saan kasalukuyang natutulog si Myda.

Nagising ito dahil sa isang masamang panaginip.

"Danny!" Sambit nya sabay bangon sa kanyang kinahihigaan.

Sina Rex at Mycka naman ay malakas ang kaba sa dibdib ng isang malakas na hangin ang dumampi sa kanila. At kasabay nun ay ang pagka hulog ng Larawan ni Danny.

"Ate, masama Ang kutob ko."Naiiyak na Sabi ni Rex.

"Puntahan natin sya sa University." Sambit ni Mycka at mabilis pa sa alas kwatro itong kinuha ang susi ng kotse.

Back to Danny and Hanna.

"Kay daling paslangin!" Sabi ni Hanna, nang bilang may malakas na putok ng baril ang umalingaw-ngaw at natamaan sya sakanyang braso.

"Lapastangang dayo! Sino ka!" Tanong ni Hanna sa babaeng naka pula habang hawak ang isang baril.

"Kalaban ng kadiliman, ako si Inspector Red." Sagot ng babae at itinaas nya ang kanyang kamay sa ire at isang punyal ang lumabas.

"Hindi maari." Takot na Sabi ni Hanna habang dahan dahan itong umatras.

"Hindi ka makakatakas saakin!" Sabi ng mysteryusong babaeng nakapula at mabilis ito kumilos upang sasaksakin si Hanna. Ngunit agad ikinumpas ni Hanna ang kamay at naglaho.

Sinaklolohan ng babaeng naka pula si Danny.

Tiningnan nya kung may pulso pa.

"Wala nang pulso!" Sambit nya.

Kinuha nya ang isang rosaryo at idinikit nya ito sa katawan ni Danny.

"Bakit hindi nag ilaw? Ibigsabihin Wala na ang kanyang kaluluwa sa paligid." Sabi ng babae at inilibot nya Ang kanyang paningin sa paligid.

Samantala sina Mycka at Rex naman ay hinanap sa mga kaklase ni Danny Ang kapatid.

"Ate Rex? Do you still remember me?" Sambit ng dalaga.

"Elisa? Teka nakita mo ba si Danny?" Tanong nya.

"Oo, magkasama pa nga kayo kanina? Nakita ko syang sinundan kayo sa may kakahuyan kanina sa likud ng university." Sabi ng babae.

"Elisa, pwde bang ituro mo saamin kung saan?" Pakiusap ni Mycka.

"Sige po, pero akala ko po kasi ikaw yung kasama nya sa kakahuyan. " Sabi ng babae

Hindi na sumagot sina Rex at Mycka bagkus binilisan Nila Ang kanilang paglalakad.

Ilang sandali ay nakita nila si Danny na naka higa sa lupa at binabantayan ito ng babaeng naka pula.

"Sino ka? Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Umiiyak na Sabi ni Rex.

Isang malakas na hangin ang biglang umihip.

Tumayo ang babae at nagpakilala.

"Ako si Cristine, inspector red ang tawag Nila saakin. Isa akong Bellator."

"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Ikaw ba ang gumawa sakanya nito?" Umiiyak na Sabi ni Rex habang si Mycka naman ay hindi maka galaw ng makita nyang may kagat sa leeg ang kapatid nila.

"Kampon kaba ni Senior? Ikaw ba ang pumatay sakanya?" Nanginginig na Sabi ni Rex.

"Hindi ko kilala yang senior na sinasabi mo. Hinahanap ko ang aking mga magulang kelangan kung makapunta sa ~ " Hindi na natapos ang sasabihin ni Cristine ng biglang unti-unting lumulutang sya sa ire.

Ang mata ni Rex naman ay naging pula nang katulad sa isang mabangis na hayup hanggang sa nagbago ang kanyang anyo at naging isang malaking puting lobo.

Nagulat si Elisa sa kanyang nasaksihan.. at Hindi Ito makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

Maging si Mycka ay Hindi makapaniwala sakanyang nasaksihan. Naalala nya ang huling sinabi ni Doc Santos at Myan sakanya bago sila maghiwalay sa Mansyon ni Myan.

"Tatlong lahi sa iisang katawan. Ang nakatakdang sisira at tatapos sa sangkatauhan." Sabi ni Myan.

"Ang ama natin, ay may lahing lobo at Mangkululam habang si Ina naman ay isang dokesa at purong Bampira. Misyon nating baguhin ang propesiya ni Rexxy." Sabi ni Doc Santos.

"Kelangan mong hawakan si Rex sa Ulo nya kapag nasa anyong lobo na sya. At ipa-alala mo sakanya Ang tunay nyang pagkatao bilang Rex Reina Morales." Sabi ni Myan.

"Tanging Ikaw lang miks ang makakagawa Nyan. Kayo ni Danny. Dahil na reincarnated kayo." Paliwanag ni Doc Santos.

Nang maalala ito ni Mycka ay, agad syang lumapit sa malaking puting lobo.

"Rex gumising ka. Wag Kang magpapadala sa galit mo!" Sabi nya at agad nyang hinawakan ang Ulo ng lobo.

Isang malakas na kuryente ang dumalos sa buong katawan ni Rex at unti-unting bumalik sa dati ang babae. Habang si Inspector Red naman ay bumagsak ito sa lupa.

"Mga halimaw!" Sigaw ni Elisa.

Nagkatinginan sina Mycka at inspector red.

"Ako nang bahala." Sabi ni Inspector Red.

Mabilis itong hinawakan sa noo ang babae. At nag wika.

"Lahat ng iyong nasaksihan ay pawang napanaginipan mo lamang. Hindi mo kami nakita sa lugar na ito. "

Ilang sandali pa tumango si Elisa at tahimik itong umalis sa kakahuyan.

Hubot hubad namang nakahiga si Rex sa lupa pagkatapos nyang maging isang malaking lobo.

"Inspector Red. Maraming salamat. Sino ang pumatay sa aking kapatid. ?" Tanong ni Mycka.

Nilagyan ng kumot ni Inspector Red si Rex. Bago ito nag salita.

"Hindi ko kilala ang nilalang na iyon. Napadaan lamang ako dito. Nang Makita ko ang kapatid nyo na inaatake ng Bampira." Salaysay ni Inspector Red.

"Kung Ganon maari ko bang mahawakan ang kamay mo?" Sabi ni Mycka.

Tumango naman Ang babae at agad hiniwakan ni Mycka Ang kanyang kamay.

Nakita ni Mycka bago mangyari ang pag salakay ni Hanna sakanyang kapatid. At tinulungan nga ng mysteryusong babae ang kanyang kapatid.

"Hindi ka kalaban. Maraming salamat. Ako si Mycka at si Rex ang kapatid ko. Hindi pa nya kayang kontrolin ang kanyang kakayahan. Patawad." Sabi ni Mycka.

"Walang problema. Mag iingat kayo. Lalo nat lumalakas na ang kadiliman.." Sabi ng babae.

"Anong maitutulong namin Sayo Inspector Red? O papano ako makakabawi?" Tanong ni Mycka.

"Cristine nalang, Wala. Hindi ko naman nailigtas Ang kapatid mo. Patawad. Ipinagdasal ko na ang kaluluwa nya sa maykapal . At Hindi narin ako mag tatagal pa. Kelangan kung mag madali upang Makita ko na ang aking mga magulang." Sagot ni Inspector Red.

"Sige kung ganun mag iingat ka saiyong paglalakbay." Sabi ni Mycka.

Samantala naka rating na nang kasalukuyang panahon si Princess

"Saan ako magsisimula? Papano ko mahahanap si Rexxy dito? May maganda akong ibabalita sakanya." Sabi ni Princess habang nakatingin sa mga jeep na dumadaan.

Hanggang sa bumusina ang isang kotse at huminto ito kanyang harapan at tska binuksan ang bintana ng kotse.

"Miss magpapakamatay kaba? Please wag Ang kotse ko. Umatras ka!" Sabi ng lalaki.

"Welnard?" Gulat na sabi ni Princess. Hindi namalayan ni princess na isang motor ang muntik nang sumagasa sakanya. Mabuti nalang ay mabilis na bumaba ng sasakyan Ang lalaki at hinila nya ito.

Natumba silang dalawa at Aksidenteng nahalikan ng lalaki si Princess.

Itutuloy....