Chapter 10 - EPISODE-TEN

"ANG PAGBABALIK AT PAGBUKAS NG NAKARAAN SA KASALUKUYAN"

Simula ng mapadpad ako sa sinaunang panahon, para bang pamilyar ako sa lugar na ito.

Dahil ba ako talaga ang sinasabi nilang si Rexxy?

Kung ako man ang babaeng yun. Hindi ligtas ang lugar na ito saakin. Nakakatuwa Kasi, Hindi ko alam kung anong kelangan nila saakin.

Yan ang mga tanong na nasa isip ni Rex habang naka tingin sa isang malaking salamin.

Ilang sandali pa ay pumasok si Carlotta sa kanyang silid at nag wika.

"Hindi kana sana nag balik dito. Isang pagkakamali ang iyong ginawang pag gamit sa iyong kakayahan. Masusundan ka ni Senior. Masasayang lang ang ginawa naming pag ligtas sayo. " Wika ni Carlotta habang inaayus ang mga bulaklak sa lamesa.

"Hindi kita maiitindihan Carlotta. Maging ako, Wala akong alam kung bakit Nila ako dinukot o ano ba talaga ang kelangan nila saakin?" Sambit ni Rex at muling nag bukas ang pintuan at dito iniluwa ng pintuan si Rea at Princess.

"Rexxy, narito na sila." Wika ni Princess habang naka ngiti sa kanya.

"Si-sinong sila?" Tanong nya sa dalawa.

"Ang kapatid mo na si Mycka at kasama nya ang mga tapat na taga sunod ng condé." Sagot ni Rea.

"Sundan mo kami. " Sambit ni Princess at naglakad sila papuntang Sala.

Bago sya sumunod sa dalawa inabutan sya ni Carlotta ng isang singsing.

"Para Saan ito?" Tanong nya.

Sumenyas ng tahimik si Carlotta at ibinulong nya Kay Rex ang kanyang isasagot.

"Singsing ng iyong yumaong Ina. Hindi ko nabigay sa nakaraan mong buhay. Pero ibibigay ko Sayo. Poprotektahan ka nyan." Bulong ni Carlotta at agad namang sumunod si Rex kina Rea at Princess.

Samantala sa Tirahan ni Senior Ronnel..

"Hindi nag tungo ang anak ng condé sa Tirahan ng mga Haponesa. Nilibot na ng mga gwardya sibil Ang lahat ng sulok ng kanilang Mansyon. Wala kaming nakitang bakas na naroon ang anak ng condé." Sabi ng isang gwardiya sibil.

"Kung ganun? Hindi na kelangan. Nagbukas na ang lagusan papuntang Kasalukuyan. Nararamdaman kung naririto ang witch." Sabi ni Senior at sa harapan nya ay lumutang ang mga baraha.

Humakbang papalapit Ang gwardiya at dahan dahan itong naging babae.

"Kung ganun, Malaya na tayong makaka labas pasok sa kasalukuyang panahon." Sambit nya sabay kumpas ng kanyang mga kamay.

Naka suot ito ng kulay puting kasuotan na may malaking sombrero.

"Hanna? matagal ka yatang nawala? Nasaan ang alagad mo na si Jean?" Tanong ni Senior sakanya.

"Hindi mo na kelangan ang babaeng yun. Narito ako para maningil sa mga nagkautang saking angkan." Sambit ng babae at hinubad nya ang kanyang sombrero.

Tumayo si Senior Ronnel at lumapit sa kanya.

"Isang Mangkululam at Bampira laban sa pinagsamang lahi ng mangkukulam at Bampira. Nakakatuwa!" Wika ni Senior.

"Kapag na bawi nakuha natin ang kakayahan ng itinakdang anak ng condé. Tayo na ang magiging malakas at kaya nating baguhin ang nakaraan. Kung saan, Hindi na maisisilang ang itinakda. " Sabi ni Hanna.

Balik sa Mansyon ng dalawang Haponesa.

Masayang umalis sina Myda, Mycka at Cristine kasama si Rex.

"Maraming salamat sainyong pag kupkup sa aking kapatid. " Sabi ni Mycka.

"Ikaw ang witch sa angkan ni Rexxy, bakit ka sumama sa Santa Helena? Hindi mo ba alam na. Isang lagusan ang mabubuksan mo. Kapag nag tungo ka dito ng Hindi pa oras." Sambit ni Princess habang naka taas ang kilay.

"Ano to Myda at Cristine, Hindi ba kayo binalaan ni Myan? Si May Ann ang naka talagang Heneral sa pagbabantay sa kasalukuyang panahon. Sila ni Jacinto. Bakit sila pumayag?" Galit na Sabi ni Rea.

"Wag nyo Po silang pagalitan. Ako talaga ang nagpumilit na sumama. Hindi nila alam na sumunod ako." Sabi ni Mycka.

Humahangos namang nagtungo si Renalyn sa kanilang kinalalagyan.

"Hindi lang lagusan ang nagbukas. Maging si Hanna ay naka balik na dito sa Santa Helena. Hindi Ito maganda." Sabi nya habang hinihingal.

Napatitig sina Rea at Princess Kay Mycka.

"Dahil sa pagpupumilit mo. Maging Ang inyong panahon ay manganganib." Sambit ni Rea at ikinumpas nya ang kanyang kamay.

Sa likuran Nina Rex ay nagbukas ang isang lagusan.

"Paumanhin!" Sambit ni Cristine.

"Hindi na mahalaga yan, dapat maging maingat kayo sa kasalukuyang panahon Cristine at Myda. Gawin ninyo ang lahat upang protektahan si Rexxy. Hindi pwdeng makuha Nila ang kapangyarihan ng itinakdang madirigma." Bulalas ni Renalyn at ikinumpas din nya ang kanyang kamay at dito hinigop sina Mycka at Rex ng lagusan.

Naiwan sina Myda at Cristine.

"Paparusahan nyo ba kami?" Tanong ni Myda.

"Hindi, kelangan ninyong doblehin ang pagbabantay sa magkapatid. Lalo na si Rexy. Hindi nya pwdeng malaman na si Anghelo ang nagpahamak sa kanya." Sabi ni Princess.

"Aalis na kami! Ibabalita ko ito Kay Heneral Caballero at Jacinto." Sabi ni Cristine. At naglaho na ang dalawa.

Balik sa Mansyon ni Senior Ronnel..

"Bago ka maghasik ng lagim Hanna. Kakailangan mo ng tulong ng Isa ko pang alagad." Sambit ni Senior at iniluwa ng pintuan ang isang lalaking naka suot ng itim.

"Jolino? Mula sa angkan ng mga Lobo." Napataas ang kilay ni Hanna ng Makita Ang lalaki.

"Bakit mo pinakawalan ang dating tuta ng condé? Makakatulong ba sya sa misyon natin?" Tanong ni Hanna.

Ngumiti ang lalaki at nag salita.

"Oo dahil, alam ko ang kahinaan ng mga dati kung amo. Isa pa, anong laban mong Bampira. Kakagatin mo sa leeg? Napaka lumang istilo. "

"Wag mo akong susubukan aso!" At biglang lumabas ang pangil ni Hanna. Ang lalaki naman ay nag anyong malaking lobo ito.

Napakamot sa Ulo naman si Senior Ronnel at Isa Isa silang pinarusahan.

Gamit ang kamay kwentas ng senior ay dahan dahang nanghihina silang nahina.

Bumalik sa pagiging tao si Jolino na kanina naging isang malaking lobo. Si Hanna naman ay nahawak sa kanyang Ulo dahil sa sobrang sakit.

"Kapag Hindi kayo titigil ako ang mismong papatay sainyo. " Sambit ni Senior Ronnel at muling umupo sa kanyang upuan.

Sa muling pagbabalik ni Rex sa kasalukuyang panahon.

"Isang masamang balita yan. Ang tusong mangkukulam ay nakatakas sa kanyang kulungan." Sabi ni May Ann.

Isa namang malaking lobo ang dumating at dahan dahan itong naging tao.

"Doc Santos ?" Gulat na sambit ni Mycka dahil si Doc Santos ang lobong dumating.

"Hindi lang yan Myan, maging ang mga kalahi kung biktima sa maling paniniwala ay nagbalik." Sabi ni Doc Santos na sa mga oras na iyon ay nakahubot hubad pa ito. Binigyan naman sya ni Myda ng kumot upang takpan Ang kanyang katawan.

"Ben takpan mo ang katawan mo. Puro kami mga babae dito." At itinapon ni Myda ang kumot.

"Akala ko mga Bampira kayo at witch? Bat ngayon ko lang alam na isang lobo si Doc Santos ?" Tanong ni Rex.

Nagkatinginan sina May Ann at Cristine. Pati si Myda Kay Doc Santos.

Hindi nila alam kung papano sila mag sisimula.

Lumapit si Cristine Kay Rex at nagwika ito.

"Espesyal ka. Dahil Ikaw lang ang nagtataglay ng dugo ng Bampira at Mangkululam. Hindi lang ordinaryong Bampira at Mangkululam. Kundi espesyal. Hindi pa namin maipapaliwanag. Pero sa tamang panahon." Wika ni Cristine.

Itutuloy....