Chereads / Anak ng Kalikasan / Chapter 16 - Chapter 16: Hinagpis ng Baryo

Chapter 16 - Chapter 16: Hinagpis ng Baryo

Sa pagbubukas ng lagusan patungo sa mundo nang mga engkanto ay walang pagdadalawang isip nila itong pinasok. Kinakabahan man sa pwedeng mangyari sa kanila ay buong lakas ng loob silang pumasok sa tila puting ipo-ipo na lumitaw sa malakaing puno ng balete. Pagkaapak pa lang nila doon ay tila ba umikot ang buo nilang paligid. Daig pa nila ang nilamon ng malamig na tubig sa gitna ng karagatan. Pakiramdam nila ay tila nasa loob sila ng isang malakas na buhawi. Kamuntikan pang masuka ang iilan sa kanila dahil sa matinding pagkahilo. Nang humupa na ang pag-ikot na kanilang nararamdaman ay agad na bumungad sa kanila ang napakagandang tanawin sa kanilang harapan.

Ang lugar na nasilayan nila ay may pagkakahawig sa mundo ng mga tao ngunit ang kaibahan dito ay tila napupuno at nababalot ito sa hiwagang hindi mo kailanman masisilayan sa mundo ng mga tao. May nagliliparang mga nilalang na aakalain mong mga tutubi sa unang tingin, ngunit kapag ito'y iyong tinitigang mabuti ay makikita mo ang anyo nitong maihahalintulad mo sa taong may pakpak at matutulis na tenga. Nagliliwanag din ang mga balat nito na animo'y may kung anong palamuti doon na kumikislap kapag natamaan ng araw.

Napakaaliwalas ng buong lugar, kahit saan ka tumingin at puro punong kahoy, mayayabong na halamanan at mga bulaklak ang iyong makikita. Nakaramdam sila ng matinding kapayapaan sa pagsilay nila sa lugar na iyon ngunit naputol ang kanilang pagsasaya nang magwika si Tandang Ipo ng...

"Hindi tayo naririto para hangaan ang lugar ng mga engkanto. Tandaan niyo, makikiraan lng tayo upang mabilis nating marating ang susunod na baryo. " Matapos itong magwika ay agad na nahimasmasan ang mga antinggero at albularyo at nagsimula na nga sila sa kanilang paglalakbay.

Sa kanilang paglalakad ay may mga sumasabay sa kanilang mga nilalang na noon lamang nila nasilayan sa buong buhay nilang pagiging antinggero at albularyo, maging ang dalawang ermentanyo ay hindi mapigilang hindi humanga sa mga ito. May mangilan-ngilan pang tila nangungusap sa kanila at may mga engkantada pang lumalapit upang bigyan sila ng mga pagkain at inumin na agad din naman nilang tinatanggihan. Naniniwala kasi silang kapag kumain ka ng pagkaing galing sa mga engkanto o sa mundo ng mga ito ay tuluyan ka nang hindi makakabalik sa mundo ng mga tao.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay hinarang sila ng isang  engkanto na kakaiba ang kasuotan. Tila ba isa itong kawal ng mga maharlikang engkanto. Bigla itong yumukod sa harapan ni Mina at may kung ano itong inabot sa dalaga.

"Kinagagalak naming masilayan ang itinakda ng bathala. Nawa'y tanggapin mo ang mumunting handog ang aming pinuno sa iyo at sa iyong pangkat. Sa pagdaan niyo sa gawing ito ay nawa'y maging isa itong magandang alaala sa inyo. Hinahangad namin ang inyong matagumpay na paglalakbay. " Wika pa ng engkanto sabay abot ng isang kumukininang na bato.

Malugod naman itong tinanggap ng dalaga na halos ikamangha ng kanyang mga kasama. Sa paglapat kasi ng batong iyon sa kanyang mga palad ay tila ba nabalot sila ng kakaibang liwanag.  Sa paghupa ng liwanag na iyon ay napansin nila ang malaking pagbabago sa kanilang mga kasuotan. Ang kaninang makukulay nilang damit ay napalitan ng mapuputing kasuotan . Hindi nila mawari kung anong klase iyon ngunit napakakomportable niyong sa balat.

"Ordinaryo man sa paningin ngunit ang mga kasuotang iyan ay gawa sa pinakamatibay na puno dito sa mundo ng mga engkanto. Sa tamang dasal ay mamabalot iyan ng sabulag at iyan din ang inyong magiging pangunahing kalasag para sa mga hindi inaasahang pangyayari." Wika ulit ng engkanto na lubha nila ikinasaya. Lubos ang naging pagpapasalamat nila dito at sa pinuno nito. Naghandog naman ng pakaing dasal si Mina sa mga ito bilang pasasalamat at nag-iwan ng pangakong babalik doon sa tamang oras.

Matapos makapagpaalam ay ipinagpatuloy na nila ang kanilang paglalakad hanggang sa tuluyan na nilang marating ang malaking puno na pinalilibutan ng mga aghoy upang maging lagusan nila. Pabalik sa mundo ng mga tao.

"Mina, kasalukuyan nang nauna ang gabunan ninyong kasama sa lugar. Napakasama ng sitwasyon doon kaya hindi siya makalapit. Naghihintay ang gabunan sa kagubatan." Wika ng isang babaeng aghoy na kaagarang dumapo sa balikat ng dalaga.

"Kailangan na nating magmadali." Sambit pa ni Mina at sinimulan na niya ang kanyang seremonyas upang mabuksan ang panghuling lagusan.

Samantala, kasalukuyang nakatayo si Isagani sa harapan ng isang matandang puno ng acacia kasama ang kanyang kasanggang tagapaslang. Ayon kasi duto ay doon lilitaw ang lagusang gagamitin ng mga kaibigan nilang mga antinggero at albularyo. Nararamdaman din nito ang nalalapit na pagbubukas niyon kaya naman ay maiging naghintay ang binata dito.

Sa paglipas pa ng ilang minuto ay nasipat na nag nila ang unti- unting pagliwanag ng katawan ng puno kasabay noon ang paglapad ng liwanag at paisa-isang paglitaw ng kaniyang mga kasamang antinggero. Paglabas ni Mina ay siya ring pagsara ng naturang lagusan.

"Ano ang sitwasyon sa baryo, Isagani?" Agad na tanong ni Tandang Karyo.

"Masama, narinig ko sa mga dumaraang magsasaka kanina na marami na ang nawalan ng kapamilya, may mangilan-ngilan na din ang lumikas para makaiwas sa pag atake ng mga aswang, ngunit ang karamihan ay hindi makaalis dahil ang iba sa kanila ay may mga marka na. "

"Huwag na tayong mag aksaya pa ng oras, kailangan na nating isalba ang mga tao bago pa man sumapit ang dilim." Wika pa ni Obet na noo'y tila galit na.

Pagwika ni Obet ay agad din sumang- ayon ang lahat. Pagkarating nila sa baryo ay agad nilang nasilayan ang lungkot at takot sa mukha ng mga nandoon.

May mangilan-ngilan na ding naglalamay ng mga kaanak nilang naging biktima ng pagsalakay ng mga aswang. May mga bata ding nag-iiyakan at mga kababaihang tila baliw nang naghahanap sa mga nawawala nilang mga anak.

Sa kanilang pagmamasid ay napatda naman ang kanilang pansin sa isang lalaki na may hawak na balaraw. Nakatayo ito sa gitna ng kalsada at nakatanaw lamang sa mga taong naghihinagpis. Bakas sa mukha nito ang panlulumo at pagsisisi na animo'y ito ang may kasalanan bakit ito nangyari sa kanilang baryo. Dahil sa kanilang mga nakita ay minabuti nilang sundan ito nang nilisan nito ang lugar.

Patuloy lamang nilang sinundan ang lalaki hanggang sa marating nila ang hindi kalakihang kubo sa gitna ng palayan. Napakaraming tanim doon na bungang kahoy at gulay. Kapansin-pansin din ang mga nagyayabungang halamang gamot na nakatanim di kalayuan sa kubo nito. Kung hindi sila nagkakamali ay isa itong albularyo o isang Antinggerong katulad nila. Lumapit naman agad dito ang dalawang ermetanyo upang makausap ito ng masinsinan.

Matapos mangusap ng dalawang matanda ay agad namang napatingin sa kanila ang lalaki.

"Talaga bang mga antinggero kayo? Bakit may kasama kayong gabunan?" Tanong nito habang masama ang tingin kay Isagani.

"Si Isagani ay kaisa ng aming grupo, kahit gabunan ang batang iyan ay masisiguro kong mabuting tao ito. At isa pa, sa buong buhay niyang pagiging gabuan ay hindi pa siya nakakain ng tao." Pagtatanggol ni Tandang Karyo sa binata na kaagaran naman ikinagulat ng lalaki. Wala na ito nagawa kundi papasukin ang mga ito sa kaniyang kubo. At dahil sa may karamihan ang kanilang grupo ay hindi na pumasok ang iilan sa kanila, nagtiyaga na lamang sila sa isang barong-barong na katabi lamang ng kubo ng lalaki.

"Pasensiya na kayo sa naging asal ko. Hindi ko lang kasi matanggap na may isnag aswang ang makikisali sa grupo ng mga antinggero. Nakita niyo naman siguro ang sitwasyon ng aming baryo." Wika nito habang inaabutan sila ng malinis na tubig at mga baso.

"Kaya kami narito ay dahil na din sa sitwasyon ng inyong baryo. Napag-alaman kasi namin na dito isasagawa ng mga aswang ang kanilang anihan. Lubos kaming nakikiramay sa pagkawala ng iyong asawa at mga anak." Wika naman ni Tandang Ipo.

Umiling-iling naman ito na tila ba ayaw na niyang maalala ang masasalimoot niyang karanasan noong walang awang pinaslang ng mga aswang ang kanyang mag-iina.

"Sa isang bundok sila nagpupugad di kalayuan sa baryong ito. Nakikita niyo ang parte ng kabundukan nasa harapan nito?" Wika ng lalaking nag ngagalang Nestor sabay turo sa kabundukan sa harapan nila. May parte doon na halos puro patay na puno na ang kanilang nakikita. " Dati-rati ay malulusog ang mga puno diyan, mayayabong at hitik sa bunga ngunit simula nang dumating at namugad ang mga aswang diyan ay unti-unting namatay ang mga puno, tila ba nabalot sa isang sumpa ang lugar na iyan. Punong-puno ng kasamaan ." Dagdag pa nito.

"Kagabi umatakeng muli ang mga aswang, magpapahinga sila ng isa pang araw bago umatale ulit. Hindi ko alam bakit nila ginagawa iyon, pero iyon at iyon ang kanilang ginagawa sa bawat linggong aatake sila. "

"Manong Nestor, bakit hindi niyo tinatanggal ang marka ng mga aswang sa katawan mo?" Tanong ni Mina na noo'y nakatitig sa parteng dibdib ng lalaki.

"Hindi sa ayaw kong tanggalin ito, ngunit wala na akong kakayahang magtanggal ng marka nila. Buhat ng mabalot sa puot ang aking puso ay tuluyan na din akong iniwan ng aking mutya at nang kakayahan kong manggamot. Isa na lamang akong ordinaryong tao, eneng." Sagot nito na lubos naman ikinalungkot ng dalaga. Walang ano-ano'y lumapit siya sa lalaki at inilapat ang palad niya sa dibdib nito. Taimtim siyang nag-usal bago ipinagpag ang kamay dito na tila ba merong ipinapagpag na alikabok .

"Hindi ka pa tuluyang iniwan ng iyong mutya. Dahil sa galit ay nakatulog ang iyong gabay. May paraan pa para muling magising ang gabay ng iyong mutya. May isang araw pa tayo upang magbalik-loob ka sa panginoon. Manong Nestor, nais mo pa bang maging tagasunod niya?" Tanong ng dalaga at hindi napigilan ng lalaki ang maluha. Tumango -tango ito habang humahagugol sa pag iyak na hindi nito magawang sumagot man lang. Napangiti naman si Mina at niyakap ito upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutang nitong nararamdaman. Batid niya kung gaano kasakit ang mawalan at batid din niya ang pagsisisi nito at pagmamalabis na muling makabangon sa sumpang idinulot niya sa kanyang sarili. Habang abala si Mina at Nestor sa pagninilay ay nag-ikot ikot naman sa buong baryo ang mga antinggero. Ang mga albularyo naman nilang kasama ay ginamot ang mga iilang tao na nasugatan sa pag atake ng mga aswang. Tinanggal na din nila ang mga taong nagtataglay ng marka ng mga aswang upang masiguro nilang magiging ligtas na ang mga ito. Naglagay na din sila ng mga pangontra sa lahat ng bahay na andoon at sinabihan ang mga ito na huwag ng lalabas ng bahay pagsapit ng dilim. Ang mga bata naman ay nilagyan na nila ng habak upang maging pangunahin proteksyon ng mga ito sa masasamang nilalang. Halos magdidilim na ng matapos ang kanilang ginagawa. Tahimik na ang buong baryo. Lahat ng bahay ay maigi nang nakasara. Ang tanging maririnig mo lamang ang ang huni ng mga kulisap at pagaspas ng hangin sa mga puno at halaman at ang malamyos na tinig ng dalaga na nag-uusal kasama si Nestor.